Share

CHAPTER 4: THE SIMILARITY

Si Cinderella Evans ang pangalawa sa apat na magkakapatid. Siya lang ang may ibang apelyido dahil iba ang kanyang ama.

Sikapin mong makapagtapos ng pag-aaral,” paulit-ulit na sabi ng ina. “Mas mainam na may trabaho ka para hindi ka apihin ng iyong mapapangasawa.” Tinupad naman niya ang hiling ng kanyang ina.

Ang ipinangtustos sa kanyang pag-aaral ay mula sa kanyang ama na ayaw ng idetalye ng kanyang ina kapag nag-uusisa siya rito. Ang kuwento kasi sa kanya ay iniwan sila ng kanyang ama noong baby siya. Kinupkop sila ni Jackson. Naging mabuti namang ama sa kanya ang lalaki kahit alam niyang may bisyo.

Hindi halos makapag-isip nang maayos si Cindy. Hindi niya alam kung anong naghihintay na trabaho sa kanya sa sinasabi ni Jackson. Hindi na nagpakita sa opisina ang babae.

Valentina, ipapakisuyo ko muna sana sa inyo ang mga gamit ko sa trabaho. Ikaw na muna ang kumuha sa table ko.”

“How about William? Nawalan ba siya ng trabaho?”

William had secured himself. He is in good hands with Kate. Samantalang madali siyang mapatalsik ng ganoon na lang. Ngayon lang niya tinanggap ang katotohanang ambisyoso talaga si William at oportunista.

“Huwag nating pag-usapan ang taksil na iyon.”

“Tumuloy ka ba sa plano mo?”

Napasinghot na lang si Cindy sa kabilang linya. Wala rin siyang mukhang maiharap kay Valentina. Sinabihan na kasi siya ng kaibigan na huwag makikipagkita sa estranghero na nag-o-offer sa kanya ng madaling paraan upang masolusyunan ang problema ngunit tulad nga ng kasabihan, nasa huli ang pagsisisi.

“Hindi ako nakinig sa iyo eh.”

“How are you right now?”

“I am fine, Valentina. Gusto ko na ring makipag-break kay William. May dahilan kumbakit nangyari ang lahat.”

“Saan ka hahanap ng trabaho?”

“May trabahong ino-offer sa akin si Papa. Sa kaibigan daw niya.”

Nagsiguro na rin si Jackson ng puntahan niya si Harry sa kanyang club. Nadatnan niya itong nagpapakalasing na naman. Nakabukas ang kanyang computer at doon pinapanuod ang babaeng kasama niya sa loob ng kuwarto ng nagdaang gabi. Hindi niya tinatanggap ang tawag ni Becky.

“Boss, nandiyan po si Sir Jackson.”

“Ano daw ang kailangan niya?” Mailap ang lalaki sa kung sinu-sino lalo pa’t alam niyang pera lang ang kailangan sa kanya ng mga ito.

“Kailangang- kailangan daw po kayong makausap ni Sir. Sa inyo lang daw po niya puwedeng sabihin.”

“Sige, papasukin mo.”

Close door ang usapan ng dalawa. Nakaupo lang si Harry at panay ang lagok ng alak. Narinig niya ang mahinang katok sa pinto at saka pumasok ang hindi katandaang lalaki. Abut-tenga ang ngiti nito sa kanya.

“Boss…”

“Wala akong pera, Jackson. Malaki pa ang pagkakautang mo sa akin kaya puwede ba?”

“Boss, hindi naman iyan ang ipinunta ko dito."

"Ano ang pakay mo bukod sa pera"

"I have something for you na tiyak na magugustuhan mo. Well, it’s up to you kung gagawin mo siyang staff mo dito or babae mo, you are free to do anything with her.”

“Huh, mukhang kapit ka na sa patalim, Jackson. Sino naman itong ibubugaw mo sa akin?”

“Pay me 50 million. Kahit na hindi na birhen ang alaga ko ay tiyak na magugustuhan mo pa rin siya sa kama.” Humalakhak si Harry.

“50 million? Niloloko mo ba ako? Saan ako kukuha ng ganyang kalaking pera kapalit ng babaeng hindi na birhen. Ni hindi ko alam kung saan mo napulot ang babaeng iyan?”

“Huwag mo munang maliitin ang kakayanan ng aking alaga.” Ipinasa ni Jackson ang katibayan ng kanyang sinasabi.

Iyon ang video ni Cindy sa hotel.

“CALL! Where is she?”

“Sinisiguro kong hindi ako mapapahiya sa kanya.”

“Nasaan na siya!” Halos pasigaw na sabi ng lalaki.

“Relax! Nakakagulat ka naman. So, is this a DEAL?”

“Let me see her.”

"Sagutin mo muna ako, Harry. Is this a DEAL?"

"DEAL!"

Nataranta si Jackson. Lumabas siya saglit at nakikipaghilahan pa si Cindy Jackson habang papasok sila ng opisina.

"Saan po ba ninyo ako dadalhin?" sabi habang yakap ang kanyang bag.

Tinitigan ni Harry ang babae. Hindi makatingin ng diretso si Cindy sa kanya. Napasulyap siya sa kopya ng CCTV sa Pearl Hotel. Hindi maaaring magkamali si Harry. She found the woman whom he had sex with tha night.

Pangiti-ngiti pa si Jackson. Sinipat mabuti ni Harry ang babae.

“Cindy meet Mr. Oldman.” Napaismid si Cindy ngunit umiwas siya ng tingin dahil hindi niya gusto kung paano tumingin si Mr. Oldman. Para siyang nahuhubaran sinabayan pa ng pagbasa ng labi nito.

“Paanong usapan natin sa kanya?”

“Anong trabaho ang puwede sa kanya? I think, Cindy can do it. Nawalan siya ng trabaho at hindi puwedeng wala siyang trabaho. Siya si Boss Harry.” Siniko siya ni Jackson. “Show some respect.”

“Good afternoon po.”

“We need bargirl at the moment. Madali naman siguro siyang matuto.”

“Oo naman. College graduate ‘yan eh.”

“Hmmm, mukhang over qualified siya kung gayon.”

“Bahala na po kayo, Boss kung may extra-work pa kayong ibibigay sa kanya para makabayad ako ng utang sa inyo.”

“WHAT? Anong ibig ninyong sabihin?”

“Sa ganyang paraan lang kita mapapakinabangan, Cindy. Ang alin? Kakampot lang ang perang naiaabot mo sa akin. Tapos mahirap pang tulad mo ang boyfriend mo. For sure, break na kayo. O, nasaan na siya? Iniwan ka rin niya.”

Sampal ang inabot ni Jackson sa babae. Gaganti sana ang lalaki ngunit iniabot sa kanya ni Harry ang kabuuang bayad.

“May extra pa ‘yan, Jackson. At tiyak kong aabutin ng sampung taon dito ang alaga mo bago niya mabayaran ang utang mo.”

Tinungo na ni Jackson ang pinto at hustong aalis na.

“Saan po kayo pupunta? Anong ibig niyang sabihin?”

“Sa ganitong paraan lang kita mapapakinabangan, Cindy. I can pay another woman to satisfy me in bed. Hindi na kita kailangan. Your price is enough to make me rich.”

“Papa, huwag po ninyong gawin ito sa akin. Papa!”

“Marunong ka palang tumawag sa akin ng papa samantalang noon ay angtaas pa ng tingin mo sa iyong sarili. Si Mr. Oldman na ang bahala sa iyo. Galingan mo sa trabaho dito.” Kinuskos ng lalaki ang kanyang buhok sa ulunan at nginitian.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status