Share

CHAPTER 5: A PLACE TO STAY

Nanatiling nakatitig si Harry sa naka-close up na mukha ni Cindy sa screen. Hindi niya pagsisisihan ang pagbabayad ng milyon kung masisigurado niyang mapapasakanya si Cindy. Nagustuhan niya ang gabing iyon at tiyak niyang ang pagiging submissive nito ang una niyang nagustuhan.

Ini-log out niya ang kanyang account. Tumayo siya at nilapitan si Cindy.

“Tell me Cinderella, kailan ka hihinto sa pag-iyak?”

“How did you know my name?” Natigilan si Harry. Mahahalata siya ng babae.

“Eh ‘di sa tatay mong gahaman.”

“Hindi ko s’ya tatay!”

“I don’t care what he is up to kumbakit ka niya dinala rito. Ang mahalaga ay alam mong kailangan mong bayaran ang malaking halaga na inutang niya sa akin.”

“How much did he owe you?”

“Gusto mong malaman? Huwag na lang. Kahit paglingkuran mo ako habambuhay ay hindi mo ako kayang bayaran.”

“MAGKANO?”

“Kaya mo bang bayaran ang 50million?”

“What? Fifty million? Aanhin niya ang ganoong kalaking halaga?”

“Well, baka hindi mo kilalang sugarol ang ama mo? Malaki ang utang niya sa akin. Malapit ko na siyang ipa-haunting sa mga tauhan ko dahil hindi na siya nakakabayad. Masyado siyang desperado upang ikaw ang gawin niyang kabayaran.” 

"WHAT?"

"Anong what?"  At bumunghalit ng tawa si Harry.

Hindi niya inakalang magkikita sila ng ganoon kadali. Tadhana ang nagdala sa kanilang dalawa upang magkalapit sila.

“Bakit mo ako tinititigan ng ganyan?”

“Iniisip ko lang kung anong posisyon ang puwede kong ibigay sa iyo sa Cranky Oldman Club. A dancer? A bartender? Ah, a bargirl would do. Stand up!” utos ng lalaki.

Nahihiyang tumayo si Cindy. Napapaatras siya sa tuwing lalapit si Harry sa kanya hanggang sa wala na siyang maatrasan. Nangati ang ilong ni Cindy at sabay hatsing ng tatlong beses sa mukha ni Harry.

“Naku! Sorry po.” Pinunasan ni Cindy ang mukha ni Harry na nahatsingan niya.

“Take your hands off me!” Nag-spray kaagad ang lalaki ng alcohol at walang kaabug-abog na nilinis ang kamay at mukha.

Pinindot ni Harry ang numero at pumasok ang isang babae.

“Samantha, bahala ka na sa isang ito. Turuan mo siya kung ano ang ginagawa ng isang bargirl.”

“Yes, Sir!”

“Makinig kang mabuti kay Samantha. Sagot!”

“Yes Sir!”

“Halika na.” Hinawakan siya ng babae. Mukha naman itong mabait ngunit hindi iyon sapat upang mapasalita niya si Cindy. Hindi siya madaling magtiwala sa iba. “Heto ang uniform ng mga bargirl dito.”

Maiksi ang kanyang pleated palda na kulay pula then fitted white blouse na may maliit na necktie at isang headband na may tenga ni Minnie Mouse. Nakasuot naman siya ng makapal na black stockings.

“I don’t think I can wear that.”

“Uy, Miss Inglesera! Hindi puwedeng pumili ng isusuot dito. Ano ka? Prinsesa? Feeling mo Cinderella ka pero wala ka sa palasyo. Serbidora ka rito. Hala, isuot mo na ito.”

“Ayoko!”

“Sa una ka lang naman mahihiya dahil hindi ka sanay.”

“Ayoko nga sabi!” Nagmadaling inuntahan sa opisina si Harry. “Let me talk to you, Sir Harry,” pabalibag na isinara ng dalaga ang pinto. Humarap ang swivel chair ni Harry at sinikap niyang itago ang kanyang ngiti.

“Whoah! What can I do for you, Cinderella?” Kasunod niya si Samantha.

“Cin-Cinderella po ang pangalan niya?”

“You get out! Kakausapin ko si Sir.” Nagkatinginan ang dalawa sa sabi nito.

“Tsss, fine! Whatever!” Umalis ang babae.

“Anong problema natin? Tandaan mo, hindi ka makakaalis dito hangga’t hindi mo nababayaran ang utang ng tatay mo.”

“Hindi ko kayang magsuot ng ganito.”

“Mukhang bagay naman sa iyo, Cindy.” Tumayo si Harry at lumapit sa kanya. Inikutan upang makita ang kabuuan.

“I don’t care.” Sabay-sampal sa lalaki. Hinawakan ni Harry ang braso ng lalaki. “Alam mo ba kung gaano kalaki ang 50 million para sa isang babaeng tulad mo? Even if you serve me your whole life, hindi ka makakapag-ipon ng fifty million.”

Sinunggaban niya ng halik si Cindy with a French kiss. “That cost, 1 million. You got 49 million to go.” Hinalikan niya sa leeg ang babae. “Another one million, you have 48 million more to go.”

“Uhmp! Bastos ka!”

“Dahil sa sampal na ‘yan, I get back my two million. You still have 50 million in all to pay me.”

“How could you do this to me?”

“Ask your Papa. Or maybe, ask money from your real father to ransom you from this big mess.”

Mag-asawang sampal ang ibinigay ni Cindy sa lalaki. “Hayan, will it add another million? Heto pa, another million!”

Napasigaw sa galit si Cindy and he almost cursed Harry for it. Wala siyang nagawa kundi lumabas ng opisina.

Bandang alas siyete nagsimulang dumating ang iba pang staff ng club. Mabilis namang natutunan ni Cindy ang paghawak ng tray sa kanyang pagsisilbi. Nagugulat na lang siya sa tuwing may nagsusuksok ng tip sa kanyang palda kasama ang pasimpleng paghipo sa kanyang bilugang hita. Ngunit hindi rin sila nakakatakas sa pagsipa niya  sa kanila.

“Sinong nagpasok sa iyo dito sa club?” tanong ng lalaki. “I am Neo Solomon. Nice meeting you, Cindy.” Nanatiling mailap at tahimik si Cindy sa kanyang mga kasamahan.

“So, you are Cindy.” Tumaas ang kilay ng babae ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Halatang may edad na ang babae. Ngumuya ito ng kanyang bubble gum at pinaputok sa harapan ni Cindy.

Dedma lang ang babae.

Naging mainit ang mata sa kanya ng mga katrabaho lalo na ni Gabby.

First time na natulog ni Cindy sa loob ng staff’s quarter. May double deck sa loob noon at iyon ay nakalaan sa mga staff na magpapalipas ng gabi sa tuwing maraming parokyano ang sa club.

Nagulat na lang ang babae ng pumasok doon si Allen at Irish. Sila ang magkasintahang empleyado roon. Magkatabi ang dalawa sa upper deck.

“Mama, okay lang po ako dito kaya huwag po kayong mag-alala.” Inisip ni Cindy na mapapabuti ang lagay ng kanyang pamilya dahil sa malaking halaga ng nakuha ni Jackson. Hindi na masyadong pinansin ni Cindy ang dalawa niyang katrabaho dahil pagod na siya.

Akala niya ay palagi siyang magiging ligtas sa loob.

Harry traced his finger on the monitor.

"Cindy..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status