Share

CHAPTER 4

Author: BlueMoon
last update Last Updated: 2021-04-12 01:17:29

      Bigla ang pagsipa ng kaba sa dibdib ni Danna. Kinakabahan siya ng 'di niya mawari. Marahil ay dahil ito ang unang pagkakataon na makakaharap niya ang bagong may-ari ng kanilang mga ari-arian. Dinadalangin niya na sana' y mabait at makasundo niya ito.

    

    

    Nakatalikod ang lalaki na tila hinahagod at sinusuyod ng tingin ang malaking letrato ng Don na nakasabit sa makinis na dingding. 

    

    

    

    

    Huminga ng malalim si Danna habang binabagtas ang kahabaan ng hagdan. May ngiti sa labing sinalubong siya ng mga katulong na matiyagang naghihintay sa kanyang pagbaba. Ginantihan niya iyon ng matamis na ngiti sa kabila ng kanyang namamahay sa loob ng dibdib niya.

    

    

    "Good morning Mr. Bermudez." bati ni Danna sa lalaking nakatalikod.

    

    

    Hindi niya ito kilala maliban sa pangalan nito ayon sa sinabi ng kanilang abogado. Nilingon siya nito at matamang tinitigan. Lalo tuloy nagwawala sa kaba ang dibdib niya sa klase ng mga titig nito sa kanya.

    

    

    

    

    

   Lalaki si Eugene at hindi nito maikakaila na huwag mapahanga sa taglay na ganda ng babae. Bumagay ang suot nito sa simpleng ayos. Hindi rin  nakapagtataka kung maraming kalalakihan ang nakapila para mapa-ibig ito. Natuon ang paningin nito sa pulang mga labi ng babae. Kakaibang damdamin ang dumaloy sa mga ugat ng binata pero kaagad din sinupil ng huli. 

    

    

    Hindi ang pisikal na kagandahan ng babae ang sisira sa mga plano nito. Sayang, dahil naging anak ito ng taong kinamumuhian. Dissapointed na naisaloob nito.

    

    

    "Ang ayaw ko sa lahat ay pinaghihintay ako ng matagal." anitong maitim ang pagkakatitig sa kabuuan ng dalaga.

    

    

    "Pasensiya na," nakayukong hinging paumanhin niya. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso niya sa baritong boses nito.

    

    

    Hindi siya nito pinansin bagkus ay naglakad ito palapit sa mga kasambahay na nakahalera sa paghihintay sa kanilang dalawa.

    

    

    "Hindi lingid sa inyong kaalaman na ako na ang may-ari nang lahat ng ari-arian ni Don Feliciano. Kung gusto niyong manatili at manilbihan sa akin ay walang problema. Dudublihin ko pa ang sahod n'yo kung susunod kayo sa mga patakaran ko bilang bago ninyong amo. At kung ayaw n'yo naman ay malaya kayong makakaalis." nakapamaiwang wika ng lalaki sa mga kasambahay na ikinatuwa ng mga ito. 

    

    

    

    Napangiti siya at ikinatuwa sinabing iyon ng lalaki. At least ngayon ay mananatili pa rin sa mansion ang mga kasamambahay. 

    

    

    

    "Hindi mo naman mamasamain kung may babaguhin ako sa mansyon hindi ba?" Pagkuway anito na muli siyang tinitigan.

    

    

    "H-ha. Hindi naman. Kung iyon ang nais mo."

    

    

    

    "Sergio? Iyan  ang pangalan mo hindi ba? maya-maya'y baling nito sa  hardenero na mabilis na rumesponde.

    

    

    "O-opo, sir."

    

    

    

    "Tanggalin mo ang larawan ni Don Feliciano." 

    

    

    "Po?" 

    

    

    "You heard me, don't you?" 

    

    

    Nagkatinginan ang mga katulong sa tinurang iyon ng lalaki pero bilang bagong may-ari karapatan itong gawin ang mga gusto nito.

    

    

    "Sige na Mang Sergio, paki tanggal na lang ang larawan ng papa."  aniya sa nag-aalanganing lalaki.

    

    

    Akmang magsasalita si Danna ngunit naunahan na siya ng binata.

    

    

    "Saan ang kuwarto mo?" 

    

    

    Ang mga mata ay tila magbubuga ng apoy anumang sandali sa kakatitig sa kanya na wari bang kay laki ng atraso niya rito gayong ngayon pa lamang niya ito nakita, nakakausap at nakaharap.

    

    

    "S-sa taas," 

    

    

    "Ligpitin mo na ang mga gamit mo dahil mula sa araw na ito iyon na ang magiging silid ko."

    

    

    "S-sige," tipid niyang sagot. Inaasahan na niya iyon. Kaya bago pa man sila magkausap ay naka-upa na siya ng bahay na titirhan nilang mag-ama.

    

    

    "At mula sa araw na rin ito, ikaw ang magsisilbi sa akin. Tinatanggal ko na rin ang karapatan mo bilang amo. At kung gusto mong mabawi kahit kapirangkot na bahagi ng inyong mga ari-arian ay susunod ka sa lahat gusto ko. Stay-in ka bilang katulong. Walang labas, walang telepono at dadalaw ka lang sa tatay mo kung kailan ko gusto." mariing sabi pa nito na ikinagulat ng lahat.

    

    

    "Nakaupa na ako ng bahay sa bayan, hindi ko puwedeng iwan ang papa paglabas niya ng hospital,"

    

    

    "At sinong may sabing aalis kayo ng mansiyon? "nagsalubong ang kilay na hindi hinihiwalay ang mga mata sa pagkakatitig sa dalaga. Bukod sa naisanla sa akin ng papa mo ang hacienda at bahay na ito malaki rin ang pagkakautang niya sa akin. At pagsisilbihan mo ako sa ayaw at gusto mo." pahiyag dito ni Eugene. Pinukulan pa siya ng nagbabalang tingin.

    

    

    

    Nagkatinginan ang mga kasambahay sa sinabing iyon ng bago nilang amo. Awa ang mababakas sa mukha ng mga ito. 

    

    "Kung hindi ako nagkakamali may maliit na bahay sa sa likod ng mansiyong ito. Doon kayo tirira ng ama mo." dugtong pa nito na ang tinutukoy ay ang tulogan ng driver nilang si Tata Semon at ni Sergio.

    

    

    "Pero..."

    

    "Bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo," si Eugene na tinapos na ang pag-uusap. 

    

    

    "At ikaw? Kung gusto mong mabawi ang mga ari-ariang pinaghirapang ipundar ng iyong ng ama ay susunod ka sa gusto ko. Hala ano pa ang itinatanga mo riyan? Kilos na! Nasa labas ang maleta ko dalhin mo sa kuwarto ko at ayusin mo." 

    

    

    Sa buong buhay niya'y wala pang talipandas na nangahas na sigawan siya. Tanging ang lalaking pag-aakala niya'y may busilak na kalooban. 

    

    

    "Ah sir, ako na lang po ang kukuha sa maleta ninyo," presenta dito ni Sergio. Ngayon ay bitbit na nito ang malaking larawan ng Don na ipinatanggal ng bagong amo.

    

    

    "Malinaw naman ang sinabi ko kanina, hindi ba? Matuto kayong sumunod sa mga utos ko at walang magiging problema. Siya ang gusto kung kumuha ng maleta ko at hindi ikaw, Sergio!" may diing wika nito.

    

    

    "Sir, ako nalang ang mag-aayos ng mga gamit ninyo sa kuwarto, anang isang kasamambahay. "

    

    

    "Hindi ba kusenara ka? Doon ka tumuka at magluto kayo ng maraming putahi dahil darating ang mga kaibigan ko mamayang gabi at dito sila maghahapunan. Aalis ako para tingnan ang hacienda. At kailangan pagbalik ko maayos na ang silid na tutulogan ko!" anitong nakapukol ang maitim na titig sa kanya.

    

    

    "Makakaasa ka," tipid na sagot niya.

    

    

    "Hija, ayos ka lang ba?" tanong sa kanya ni aling Lilia nang makaalis ang lalake.

    

    

    "Okay lang po ako,  huwag n'yo na ho akong alalahanin," aniyang tipid na ngumiti upang itago ang tunay niyang nararamdaman.

    

    

    "Aayusin ko ang bahay sa likod, senyorita, dalawa po ang silid sa loob, isa naman po sa labas, doon po kami matutulog ni Tata Semon," pahayag dito ni Sergio na ikinatuwa ng dalaga.

    

    

    

    "Maraming salamat mang Sergio." 

    

    

    At dahil wala ang tila tigreng amo, mabilis na ini-akyat ni Sergio at maleta. Inayos nalang ng dalaga ang paglalagay ng mga gamit ni Eugene sa lalagyanan. Madali na lang sa kaniya pagkat dalawang araw pa lang bago dumating ang bagong may-ari ay naimpaki na niya ang sariling mga gamit.

    

    

    

    Inaasahan na niya iyon pero ang patirahin sila sa bahay sa likod at taliwas sa naisip niya.

    

    

    Napabuntong hininga ang dalaga ng mahalukat niya ang lalagyan ng brief ng lalaki. Hindi niya alam kung hahawakan ito o hahayaan nalang na ang lalaki ang maglagay niyon sa tokador, total ay personal na gamit na niya ang mga iyon. 

    

    

    

    Pero naisip niya na baka magalit ang lalaki. Nakakatakot pa naman ang mga mata nitong matalim na nakakatitig sa kaniya tila ba napaka laki ng atraso niya rito.

    

    

    Pagdating ni Eugene ay handa na ang mga pagkain sa mahabang mesa. Dumiretso siya sa itaas upang magshower. Ihahanda niya ang sarili para sa pagdating ng mga kaibigan.

    

    

    

    Pikit ang mga mata ni Danna habang hawak ang isang panloob na saplot ni Eugene. Dama niya ang pamumula ng magkabila niyang pisngi dahil doon. 

    

    

    

    Oo hindi lang isa, dalawa o tatlo ang nakita niyang saluwal sa edad niyang bente-singko, pero ni minsan ay hindi pa siya nakakahawak noon. 

    

    

    Ang papa naman niya'y hindi burara at alam ilagay sa tamang lalagyan ang personal nitong mga gamit mula nang mamatay ang kanyang mama. At isa pa, ang mayordoma nilang si aling Delia ang naglilinis ng silid ni Don Feliciano.

    

    

    

    "Bakit hindi ka pa tapos riyan?" Puna ng lalaki sa malakas na boses.

    

    

    Sa subrang pagkagulat niya ay nabitawan niya ang hawak-hawak na saluwal. Saktong naihagis niya iyon sa trash basket na lalong nagpainit sa ulo ni Eugene.

    

    

    "Hoy! Babae, kung may pagnanasa ka sa katawan ko, mangarap ka dahil kahit ikaw pa ang natitirang babae sa mundo ay hindi kita papatulan! Pulutin mo ang brief ko at labhan mo!" anito ang mga mata ay matalim ang pagkakatitig sa kanya. 

    

    

    

    Ang totoo ay naiwang nakabukas ang pinto kung kaya't ilang minuto rin ito pinagmamasdan ni Eugene. Tila nawiwili pa itong pagmasdan ang kainusentihan ng dalaga pero hindi ito dapat magpadala sa kakatwang damdaming pinupukaw ng babae. Hindi puwede!

    

    

    

  

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PANGARAP KO ANG IBIGIN MO   Chapter 33

    Eugene pulled her waist closer to his as he covered her lips with his. He kissed her with full of longing as if he yearned to kiss her for so long, as if he was craving to meet hers. As for Danna, she deliberately raised her hands and placed them around his nape and kissed him back in the same ferocity. Katulad ni Eugene ay pinananabikan din niya ang muling magtagpo ang mga labi nilang dalawa. Ang muling mahalikan ang isat–isa. They were both panting and catching for air to breath nang putulin ni Eugene ang pagtutukahan ng kanilang mga labi. Pagkatapos ay ikinulong nito sa mga palad ang magandang mukha ng dalaga. “I miss you so much, sweetheart.” He kissed her forehead, nose, cheeks at nagtagal muli ang mga labi nito sa mga labi niya na tila ayaw na siya nitong pakawalan. “I miss you, too. Eugene. Subra–subra pa nga

  • PANGARAP KO ANG IBIGIN MO   Chapter 32

    NAPAPAWI ang lumbay at pangungulila niya sa pamamagitan ni Nick. She loved talking, playing and reading a stories for him every time she got the chance to be with him. Napakabait at napakalambing nitong bata. Bagamat apat na taon pa lamang ito ay matatas na kung magsalita na lalo niyang kinaaaliwan. Matalino rin itong bata, bukod sa nakakapagsulat na ito ng mga maiikling pangungusap ay nakakapagbasa na ng mga pambatang libro nang mag–isa. Wala sa loob na napangiti si Danna habang pinagmamasdan ang paglalaro ni Nick. Excited na nga rin itong makapunta ng San Ignacio. Gusto raw nitong makasakay ng kabayo pero hindi niya maipapangako rito na madadala niya ito sa hacienda. Dahil maging siya man ay wala nang karapatan tumuntong sa lugar na iyon. Nahulog na naman siya sa matinding kalungkutan at pagnanais na makabalik sa mansion nang maalala ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip.

  • PANGARAP KO ANG IBIGIN MO   Chapter 31

    NABITAWAN ni Eugene ang dala–dalang plastic bag na naglalaman ng mga vitamins na binili niya sa Mercury Drug. Tumilapon at nagkalat sa makintab na sahig ang mga pinamili niya nang bigla na lang siyang salubungin ng malakas na sapak ng nakatatandang kapatid. Dahilan para masubsob siya sa sahig. Napahawak siya sa nasaktang panga. Nagulat siya sa ginawang iyon ni Nube. Hindi sila nagkita nito ng halos dalawang linggo pero heto ito at bigla na lang siyang sinapak sa hindi malamang kadahilanan. “What the hell, Eugene! Anong ginawa mo kay Danna?!” Galit na singhal ni Nube sa kanya. He was about to punch him again nang biglang pumagitna si nanay Ging. “Huminahon ka, Nube. Hindi makakatulong ang pakikipagbasagan ng mukha.” Awat ng matanda. “Wala akong ginawa sa kanya, ok

  • PANGARAP KO ANG IBIGIN MO   Chapter 30

    HINDI mapakali at kanina pa tinatambol sa kaba ang dibdib ni Euegene. Habang naghihintay sa paglabas ng doctor na kasalukuyang sumusuri sa kalagayan ng dalaga. Ang totoo ay hindi siya halos nakatulog sa nagdaang gabi dahil sa kakaisip kung ano ang dahilan ng pag–iyak ni Danna. Labag sa loob niyang iwanan ito sa gano’n kalagayan ngunit halos ipagtabuyan siya nito kagabi. Nasaktan siya sa pagpapaalis nito sa kanya pero mas nangingibabaw ang pag–aalala niya para rito. Kanina pa niya inaabangan ang paglabas ni Danna. Subalit mag–aalas nuwebe na ay hindi pa rin ito bumaba para mag—agahan. He was so worried that he could no longer wait for another tick of the clock. He has to talk to Danna whether she likes it or not. And so, he decided to enter her room only to be shocked as she found her on the floor and seemed so lifeless. Sa pakiwari niya ay t

  • PANGARAP KO ANG IBIGIN MO   Chapter 29

    PASADO alas–dos na ng madaling araw nang maulingan niya ang tonog ng mamahaling sport car ni Eugene. Ang totoo ay sinadaya niyang huwag isara ang glass sliding door sa may balkonahe niya nang sa gayon ay marinig niya kaagad ang pagdating nito. Bumangon siya buhat sa kama at dahan–dahang lumabas ng balkonahe. Aminin man niya sa hindi ay kanina pa niya hinihintay ang pagdating nito. Kung sa bagay ay nakasanayan na niyang manatiling gising hangga’t hindi nakakauwi ang lalaki. Isa pa’y nag–alala rin siya na baka napaano na ito sa daan. Pero mukhang wala naman nabali alin mang bahagi ng katawan nito dahil nakabalik ito ng mansion. Natural ay kasama nito Jennifer. Walang meeting na tumatagal hanggang alas–dos ng madaling araw. Nagngingit ang kalooban na na aniya. Nag–over time? At kailangan kasama pa nito si Je

  • PANGARAP KO ANG IBIGIN MO   Chapter 28

    NASA harden siya nang hapong iyon at nagdidilig ng mga bagong sibol niyang pananim ng ibat–ibang uri ng mga bulaklak nang daluhan siya ni Nanet. Ayon dito ay may babaeng bisita sa living room na naghihintay sa kanya. Nagtatakang kumunot ang noo niya. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon araw. "Ano raw ang sadya Net?” "Hindi sinabi eh, mas makakabuti kung puntahan mo na lang sa loob para malaman mo. Pero sinasabi ko sa'yo, my friend. Hindi ko gusto ang babaeng iyon. May pakiramdam akong hindi maganda ang pagparito niya." Hindi nakaligtas sa paningin niya ang hindi pagka–gusto sa mukha ng kaibigan. Inabot niya buhat dito ang hawak–hawak nitong maliit na tuwalya upang tuyuin ang basang kamay. "Taga rito ba siya sa San Ignacio?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status