로그인CHAPTER 82“Wala naman akong ginagawa, Dwayne. Gusto ko lang na maging magkaibigan ang pamilya natin. Iyon lang at wala ng iba pa,” Paulit-ulit na lang ang mga script nilang mag-asawa. Ganito sila ka pursigidong makuha ang loob ng mga Stone. Naging boyfriend ko si Sebastian kaya iyon ang nakita nilang daan para mas lalong mapalapit sa pamilya ni Sebastian. “I don’t want my family’s name to be involved with you. I am not interested in making you as one of my friends. So stop messing around with us, especially to Maria,”Pinagtatanggol na rin ako ni Tito Dwayne. Katulad nung ginawa ni Tita Rizza sa akin. Isa na ako sa mga anak nila.“Maria... ang maganda kong pamangkin,”Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa aking katawan. Nakakatakot na naman ang tawa niya. Bumalik sa aking mga alaala ang trauma na binigay sa akin ang demonyong ito. Kung paano niya ako palihim na hinahawakan na labag sa aking loob. ‘Yong mga haplos na binibigay niya sa akin ay malagkit at alam kong may mala demonyo
CHAPTER 81Napalingon ako sa direksiyon na tinuro ni Tita Rizza. At tang ina nakita ko nga ang aking Tita, kasama ang kanyang asawa at si Nina. Ilang mura ang pinakawalan ko sa aking isipan habang nakakaramdam na ako ng kaba.Ang tabachoy kong Tito ay nandito na naman. Hindi na lang sa mga litrato ko ito makikita, ngayon personal na talaga.Nakahawak si Tita Nenita sa braso ng kanyang asawa. Kulang brown ang suot niyang tube at sumasayad pa ito sa buhangin. Terno silang dalawa ni Nina. Si Tito naman ay kulay puting sando ang kanyang suot. Kahit malayo sila ay kitang-kita ko ang mga gold niyang alahas sa iba’t-ibang parte ng katawan niya. Sino ba ang hindi magtataka kung saan galing ang pera nila? Hindi rin naman ganoon kalaki ang kanilang mga negosyo. Halatang hindi galing sa malinis na paraan.“Parang sila nga ‘yan, Tita...” mahinang sabi ko nang hindi nilulubayan ng tingin ang tatlo. Napatigil na ako sa aking pagkain at nawalan na ako ng gana. Pakiramdam ko kapag nand’yan sila ay m
CHAPTER 80“Ako rin, gustong-gusto ko rin na basa ako dahil masarap kapag madulas,” Kailan ba matatapos ‘to? Nakakasakit naman ng puson ang biruan naming dalawa ni Sebastian. Ito ang biruan na pag-iisipan mo pa kung matatawa ka. “Ang sarap ipasok kapag madulas,”Napapikit na ako at mas humigpit ang aking kapit sa kanyang leeg. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinulupot ko na ang aking magkabilang hita sa bewang niya.“Masarap kapag madulas,” “Yes...”Sabay na lang kaming napahalakhak nang mapagtanto kung ano ang ginagawa naming dalawa. Wala namang ibang makakarinig dahil mahina lang ang aming boses. Hindi pwedeng lakasan ang mga boses namin at magugulat pa ang mga tao kung ano ang pinag-uusapan naming dalawa.“Kung saan-saan na lang napupunta ang usapan nating dalawa. Ang hilig mo sa mga bastos na usapan,” “Sino ba ang nagsimula sa ating dalawa?” “Sino ba?”“Ako nga,” pag-amin ko. “See?”“Pero sumakay ka rin naman! Kung hindi ka sumakay hindi na sana hahaba ang usapan nat
CHAPTER 79“Kunan mo na ako ng litrato, Sebastian!” malakas na sigaw ko. Hiniram ni Sebastian ang DSLR ng kapatid niya upang siya na ang kumuha ng mga litrato ko. “Okay, pose, baby! Show me your smile!”“Siguraduhin mo na maayos ang kuha mo, ah? May luhod-luhod ka pang nalalaman d’yan tapos hindi naman pala maganda ang mga kuha mo,” pagrereklamo ko sa kanya. Ngumiti ako habang nakatayo sa gilid ng dalampasigan. Lahat ng parte ng beach ay kinukuhanan ko ng litrato, hindi rin naman nagrereklamo si Sebastian at sinasabayan niya lang ako sa aking gusto. Ang taas nga ng pasensya niya para sa akin. “Doon naman! Ikaw naman ang kukuhanan ko,”Naliligo na ang buong pamilya niya pero kami ay naglilibot pa rin. Mainit pa kasi kaya mamaya na lang kami maliligo ni Sebastian.“Patingin ako,”“Mamaya na natin tingnan ng sabay-sabay. I think the view over there is good. Wanna take a look?” aniya sabay turo sa dulong bahagi kung nasaan ang swimming pool. Kaonti lang ang mga taong nandoon dahil hal
CHAPTER 78“Your mouth,” natatawang sabi niya sa akin dahl medyo napalakas ang aking pagkakasabi.“Ay,” tinakpan ko ang aking bibig at nahihiya akong yumuko.Bumalik kami sa kanilang cottage at hindi na lang ulit ako gumala kasama ang mga kapatid niya. Nagpasiya akong magkasama naming lilibutin ni Sebastian ang buong resort na ito. Tumulong na lang din muna ako sa mga aayusin habang nag-iihaw pa rin ang mag-ama. Kaming dalawa na ni Tita Rizza ang magkaharap. “Paborito ng mga anak ko itong cake. Kahit halos araw-araw naman nila itong kinakain ay hindi pa rin nagsasawa ang gma ‘yan. Napapangitan sila sa lasa ng cake kung iba ang gumagawa,”“Nasanay po kasi sila na ikaw ang gumagawa ng mga cake na kinakain nila simula nung mga bata pa sila. Ang sarap din po kasi ng mga binibake n’yo na cake at hindi po siya nakakaumay kainin,”“Hindi ko akalain na maraming magkakagusto sa mga gawa ko. Wala naman sa isip ko na maging isa akong baker. Gusto ko lang nun na may matutunan ako at may kaontin
CHAPTER 77“And here you are again… teasing me,” “Mukhang magagalit ka na naman sa’kin. Kaya ngayon pa lang magtatanong na ako sa ‘yo kung ano ang dapat kong gawin para hindi ka magalit,”Tiningnan niya ako mula sa aking paa papunta sa aking mukha.“Maganda ba ako? Sexy ng katawan ko, ‘no?” nilagay ko ang aking kamay sa aking kaliwang bewang upang mas lalog ipakita sa kanya ang aking katawan.Maliit na ngiti lang ang pinakita niya sa akin. “Kahit ibang mga lahi nakukuha mo ang atensyon nila. That bikini suits your body and it enhances your color,” kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi pagkatapos niyang sabihin iyon.“Hindi nagpapatalo ang ganda ko, ‘no! Pinaghandaan ko ‘to para ‘wag ka ng tumingin pa sa iba,” “Tumitingin ba ako sa iba? Hindi naman, ah,” Sumingkit ang aking mga mata ngunit hindi matanggal ang ngiti sa aking labi.“Dapat lang. Dapat sa akin lang nakatuon ang mga mata mo. Dahil kung mahuli kitang nakatingin sa iba tutusukin ko ‘yang mga mata mo,” pagbabanta ko p
CHAPTER 3Bakit sa dami ng mga babae ay ako pa ang naisip niyang bigyan ng offer na ganito? Maraming mas maganda, mas malinis tingnan, at mas mayaman kesa sa akin. Kung nalilibugan man siya ay marami naman siyang pera at pwede siyang kumuha na lang ng mga babae. Isang minuto akong nakatitig sa muk
CHAPTER 2Mabilis akong lumapit sa kanya upang pigilan siya sa pagsuntok sa matanda. Nakahandusay na ito sa sahig at sunod-sunod niyang sinuntok ang mukha.“Ninong, tama na ‘yan! Ninong Dwayne!” sigaw ko. Hinawakan ko ang balikat niya upang ilayo siya doon sa matanda na naliligo na sa sarili niya
CHAPTER 1 “Rizza! Wala bang kanin dito?”Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na aking narinig. Kahit antok na antok pa ako ay sapilitan akong bumangon upang silipin kung ano ‘yon.Humihikab pa ako habang palabas ako ng aking kwarto. Kakauwi ko lang galing sa aking trabaho at hindi pa ako naka
CHAPTER 5 Hinatid ako ni Ninong sa labas ng bahay namin. “Salamat sa paghahatid, Ninong. Kailan po ang simula ng trabaho ko?” tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan. Tumikhim ito bago pinasok ang isang kamay sa loob ng bulsa niya. Nilabas niya ang kanyan







