تسجيل الدخولCHAPTER 5
Hinatid ako ni Ninong sa labas ng bahay namin. “Salamat sa paghahatid, Ninong. Kailan po ang simula ng trabaho ko?” tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan. Tumikhim ito bago pinasok ang isang kamay sa loob ng bulsa niya. Nilabas niya ang kanyang kulay itim na leather jacket. Nakita kong may nilabas siyang ilang libo bago iyon inilahad sa akin. “Take this five thousand pesos first. I will give you the full payment when we meet again,” wika niya. Tinitigan ko ng mabuti ang perang nakalahad sa aking harapan. Malaking bagay na ito para sa akin at sa mga kapatid ko. Tatlo kaming magkakapatid. Ang bunso namin ay lalaki. Nasa high school na sila. At minsan ay hindi pa nakakapasok sa school. Lakas-loob ko iyong tinanggap. Sa nanginginig na kamay ay kinuha ko ang pera. Bagong-bago pa iyon halatang kalalabas lang sa bangko. “Salamat, Ninong. Sabihan niyo na lang po ako kung kailan ang simula ng trabaho ko. Ganoon pa rin po ba ang numero niyo?” tanong ko sa kanya. Nasa cellphone ko na palagi ang numero niya. Kasi siya lang naman ang taong mabilis naming nalalapitan sa tuwing mayroon kaming mga problema, lalo na sa pinansyal. “Yes, my number is still the same. I'll have my staff send your things to your house. Just call me, so I can get your number,” saad niya. Bago ako umalis ay tinitigan ko muna ang kamao niya. Namumula pa rin iyon hanggang ngayon. Tumikhim ako bago nagsalita ulit. Aayain ko siya sa bahay namin para naman magamot ko kung sakaling may sugat iyon. “Pumasok po muna kayo sa bahay, Ninong. Lilinisan lang natin saglit ang kamay mo,” aya ko sa kanya. May kape pa kaya kami sa bahay? Nakakahiya naman kung wala akong iaalok na pagkain sa kanya. Uutang nalang muna ako sa tindahan. Minsan hindi na kami pinapayagang umutang dahil hindi naman kami nakakabayad sa tamang oras na sinasabi namin. Ang haba na kasi ng listahan namin. Sa lahat ata ng tindahan na malapit sa amin ay umuutang kami. Itong limang libo na bigay ni Ninong ay sakto lang din ‘to pambayad sa utang namin. Kung sasahod na ako sa kanya ay uunahin ko munang bayaran ang mga utang namin sa tindahana. Tsaka na ako mag-iipon kung nabayaran ko na lahat. “No need, I'll take care of this. Go inside,” sagot niya sa akin. “Sigurado po ba kayo?” paninigurado ko sa kanya. Tumango siya sa akin bago dinilaan ang pang-ibabang labi niya. “Yeah. Get some rest.” Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan ni Ninong bago ako pumasok sa bahay namin. Madilim na ang buong bahay dahil tulog na sila. Kumain kaya ang mga kapatid ko? Nang makapasok ako sa loob ay binuksan ko muna ang ilaw. Dumiretso ako sa kusina, tiningnan ko ang lababo kung may pinggan silang nagamit. Sinuri ko rin ang kaldero. Ngunit lumaylay ang aking balikat nang makitang wala iyong laman. Hindi sila kumain. Natulog na namang walang kain ang mga kapatid ko. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang bumili ng aming almusal. Hinatid na rin pala ng isang tauhan ni Ninong ang aking mga gamit na naiwan doon sa bar. Nagpadala na rin ako ng mensahe sa kanya. At sinabi niya lang naman babalik siya rito mamaya para sunduin ako! Pakiradam ko ito na ‘yon! Pakiramdam ko mawawasak na nga ang aking pagkakababae sa araw na ito. Pumasok na sa school ang aking mga kapatid at naiwan akong mag-isa sa bahay namin. Ang ginawa ko buong araw ay naglinis lang ako ng aking sarili. Ang tagal kong nanatili sa aming banyo. Nagshave rin ako para siguraduhin na walang mga buhok-buhok ang aking pagkababae dahil mahirap na. Ang singit ko rin ay ilang beses kong nilinisan. Parang sasabak ata ako sa isang matinding laban nito. Ikakamatay ko ata ‘to. Wala na naman dito si Nanay. Maagang umalis kanina pagkatapos niyang kumain. Hapon na nang dumating ang sasakyan ni Ninong sa labas ng aming bahay. At ibang sasakyan na naman ang dala niya. Mercedes Benz na naman. Ilang sasakyan kaya ang meron siya? Bakit parang ang dami naman. Wala pa ang mga kapatid ko at hindi pa nakakauwi. Pero may bigas at ulam na akong iniwan sa bahay. Marunong naman silang magsaing at magluto ng ulam. Responsible na sila sa murang edad nila. Pwede ng maiwan kahit sila lang ang nasa bahay. Wala akong alam kung anong oras na namang uuwi si Nanay. Baka bukas pa nga iyon uuwi. “Magandang hapon, Ninong,” wika ko nang makapasok ako sa loob ng sasakyan niya. Nakasuot ako ngayon ng isang maiksing palda dahil iyon ang bilin niya sa akin. Magsuot daw ako ng maiksing palda. Nang umandar ang sasakyan ay naramdaman ko agad ang paggapang ng mainit niyang kamay na pumatong sa aking nakalantad na mga hita.CHAPTER 102“Magandang gabi po, Tita, Tito” Tumayo ako upang yumakap sa kanilang dalawa. Nanlalamig na ang aking mga kamay.“Ang lamig mo naman, Maria. Sebastian, wala ka bang dalang jacket d'yan? Nilalamig siya,”Hinawakan ni Tita Rizza ang aking kamay. Ang matino niyang anak ay tinawanan lang ako. Napansin na tuloy ni Tita Rizza.“Yakapin ko na lang siya, mom,”Pinanlakihan ko ng mga mata si Sebastian. Mamaya ka sa ‘kin. Tumawa ka ngayon, humanda ka sa akin mamaya, Sebastian. “Upo na po tayo para makapag-order na,” sabi ko. Muntik pa akong mautal. Umorder na kami ng aming pagkain. At habang wala pa ang mga order namin ay nag-usap muna kami. “Finally, nag-aya na rin ng dinner sa amin si Sebastian. Excited na ‘tong mga kapatid niya na makita ka ulit, Maria,” Magkatabi kaming naupo ni Sebastian at napapagitnaan nila ako ni Davina. Kaharap naman namin ang kanyang mga magulang at mga kapatid. “Excited na rin si Maria na makita ulit sila. Right, baby?”Sa ilalim ng mesa ay palihim
CHAPTER 101Pinag-isipan naming mabuti kung paano namin sasabihin sa mga magulang ni Sebastian ang tungkol sa pagpapakasal namin. Nag book kami ng isang restaurant ng dinner kasama ang buong pamilya niya. Pinili namin ang araw ng sabado para walang trabaho at wala ring mga pasok ang kanyang mga kapatid. Nakapagplano na rin kaming pupunta sa mga kapatid ko para pormal na sabihin sa kanila na kasal na kaming dalawa ni Sebastian. Hindi naman magiging problema ‘yon sa mga kapatid ko. Ang inaalala ko lang talaga ay ang mga magulang ni Sebastian. Lalo na si Tita Rizza.“Kinakabahan na ako,” problemadong sabi ko kay Sebastian. Mamayang gabi na ang dinner at umaga pa lang ngayon. Kakagising pa lang naming dalawa ni Sebastian. Ilang araw na ‘tong nasa isipan ko at dumating na nga ang araw na pinakakinatatakutan ko. “You’ve been complaining about it to me since we got married. My mom will never be mad at you,” Never ba talaga? Paano kung ngayon magalit na talaga sa akin? Kahit gusto kong iti
CHAPTER 100“Kinakabahan na ako kung paano natin ‘to sasabihin sa mommy mo. Kailan mo balak sabihin sa kanya?” tanong ko kay Sebastian nang makauwi na kaming dalawa sa condo niya.“Whenever you are ready, Maria. My mom will be mad,” Nanlaki kaagad ang aking mga mata. Hindi ko pa nakikitang magalit si Tita Rizza. Pero ‘di ba sabi nila mas nakakatakot magalit ang mga mababait. Kasi minsan lang sila magalit pero sumasabog naman. “Magagalit na sa akin si Tita Rizza. Bakit ba kasi hindi tayo makapaghintay, Sebastian! Ang sarap mong bigwasan!” gigil na sabi ko sa kanya.Kahit hindi ko naman pwedeng isisi ito kay Sebastian dahil ginusto ko rin namang pakasalan siya ngayong araw.“My mom will be mad at me. Pero hindi sa ‘yo. Ako lang ang papagalitan nun for sure,” sabi niya na parang hindi man lang kinakabahan na papagalitan kami ng mommy niya.“Kailan nga natin sasabihin? Dapat piliin natin ang araw na good mood siya para hindi siya gaanong magalit sa atin,” Naramdaman ko ang pagpasok ng
CHAPTER 99"Hindi ba talaga natin ipapaalam sa mga magulang mo?" paulit-ulit na tanong ko kay Sebastian. Hindi pa rin ako mapakali kapag hindi namin ipapaalam kay Tita Rizza."We are going to inform them after our wedding. Sa church wedding na natin sila isasama," wika ni Sebastian sa akin.Nandito na kami sa munisipyo at hinihintay na lang namin si Mayor. Tatlo ang witness namin ngayon. Si Lawrence, Jean, at ang isa pa nilang kaibigan na si Enzo. 'Yong lalaking kasama rin ni Sebastian sa bar, kulot ang buhok niya.Mabilis lang ang naging seremonyas. Nakahawak lang ang kamay naming dalawa ni Sebastian habang nakikinig kami sa kanila. Naging photographer namin si Lawrence. "You may now kiss the bride!" Kahit tatlo lang ang mga naging audience namin ay pakiramdam ko ang dami naming kasama dahil sa sobrang ingay ni Lawrence at Enzo."Woooh! Teka lang! Kukuha muna ako ng magandang anggulo. Wait lang," Lumipat ng pwesto si Lawrence para maging maganda ang kuha niya.Bukod sa palakpak n
CHAPTER 98“Hoy! Nagbibiro lang naman ako! Masyado ka namang seryoso d'yan!” kinakabahang sabi ko sa kanya dahil hindi nagbibiro ang mukha niya."I am serious. Sa munisipyo muna tayo magpakasal tapos sa susunod na sa simbahan,"Ako naman ngayon ang nabilaukan sa sinabi niya. Tang ina? Seryoso siyang magpapakasal kaming dalawa?"Hindi pa tayo handa! Wala akong damit. Wala ka ring damit. May mga papel pa na kailangang ayusin. Kahit mga singsing wala tayo," "May kakilala akong attorney siya na ang bahala sa mga papel natin. I already have white long sleeve. Bumili na lang tayo ng puting damit para sa 'yo,"Napainom ako ng tubig ng wala sa oras. Ginawa niyang biro ang pagpapakasal. "We're gonna do the civil wedding first. Then sa susunod na tayo magpakasal sa simbahan,""I'm gonna call Lawrence. Witness natin siya. You should cal Jean too," wika niya bago kinuha ang kanyang cellphone. Nalaglag na lang ang aking panga at hindi ako makapaniwala sa aking mga naririnig. Ano 'to? Magpapaka
CHAPTER 97Tatlong buwan ang nakalipas…“Baby, do you want us to have our own house?” tanong ni Sebastian sa akin habang kumakain kaming dalawa. “Ha? Ayaw mo na ba dito sa condo mo?” nagtatakang tanong ko.“It’s okay for me. Pero ikaw... baka gusto mo ng bahay. Mabibigyan naman kita kung gusto mo,” “Tsaka na kapag nakapag-ipon na tayong dalawa,” sabi ko. Babalik na rin kasi ako sa aking pag-aaral sa susunod na mga buwan. May ipon naman ako pero hindi pa ‘to kasya para makapagpatayo kami ng bahay ni Sebastian. Ngayon nga ay pera ko na ang aking ginagamit para sa aming grocery dito sa bahay. Araw-araw akong may mga order at hindi nga ako nababakante. Sinusulit ko na ang mga araw na wala pa akong pasok kaya tinatanggap ko ang mga orders sa abot ng aking makakaya. Ngayon lang namin nabuksan ang tungkol sa pagkakaroon ng bahay. Kahit ‘yong sala niya ay minsan hindi na madaanan dahil sa dami ng mga bulaklak na nakalagay. Ang mga gamit ko rin ay sa sala lang nakalagay. “Tsaka na natin p
CHAPTER 3Bakit sa dami ng mga babae ay ako pa ang naisip niyang bigyan ng offer na ganito? Maraming mas maganda, mas malinis tingnan, at mas mayaman kesa sa akin. Kung nalilibugan man siya ay marami naman siyang pera at pwede siyang kumuha na lang ng mga babae. Isang minuto akong nakatitig sa muk
CHAPTER 2Mabilis akong lumapit sa kanya upang pigilan siya sa pagsuntok sa matanda. Nakahandusay na ito sa sahig at sunod-sunod niyang sinuntok ang mukha.“Ninong, tama na ‘yan! Ninong Dwayne!” sigaw ko. Hinawakan ko ang balikat niya upang ilayo siya doon sa matanda na naliligo na sa sarili niya
CHAPTER 1 “Rizza! Wala bang kanin dito?”Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na aking narinig. Kahit antok na antok pa ako ay sapilitan akong bumangon upang silipin kung ano ‘yon.Humihikab pa ako habang palabas ako ng aking kwarto. Kakauwi ko lang galing sa aking trabaho at hindi pa ako naka
CHAPTER 4“What are you saying? I'll just take you home,” sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi niya. Jusko, akala ko ngayong gabi na ako mawawasak. Ihahatid lang naman pala ako sa bahay. Nakakahiya tuloy ‘yong pinagsasabi ko sa kanya! Baka isipin n







