Share

CHAPTER 3

Author: kenkenrows
last update publish date: 2026-04-16 20:51:02

CHAPTER 3

Bakit sa dami ng mga babae ay ako pa ang naisip niyang bigyan ng offer na ganito? Maraming mas maganda, mas malinis tingnan, at mas mayaman kesa sa akin. Kung n*********n man siya ay marami naman siyang pera at pwede siyang kumuha na lang ng mga babae.

Isang minuto akong nakatitig sa mukha niya. Wala akong alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Papayag ba ako? Malaking pera rin ang ibibigay niya sa akin. Ang dalawampung libo ay kita ko na sa isang buwan. Tapos kapag tinanggap ko ang alok niya ay ang dalawampung libo na iyon isang linggo ko lang pagtatrabahuan. Hindi na ako haharap sa mga customer na mga bastos. Hindi ko na kailangang maglaba sa kung sino-sinong mga bahay. Mababayaran ko na ang utang namin sa mga tindahan. May pagkain na palagi sa bahay, hindi na magugutom ang mga kapatid ko. Mabibigyan ko rin sila ng baon kapag papasok sila sa paaralan. Ang tanong, kaya ko bang lunukin ang dignidad ko? Ibibigay ko ang sarili ko sa kanya, ibebenta ko ang sarili ko sa kanya.

Mahabang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ako nagpasyang magdesisyon.

“Tinatanggap ko po ang alok niyo, Ninong,” matapang na sagot ko.

Bahala na ‘to. Iisipin ko na lang na ginagawa ko ito para sa aking mga kapatid. Nakita ko ang pagngisi niya na minsan ko lang makita.

“That's a good decision,”wika niya. Inayos niya ang kanyang pambisig na relo.

“Come with me right now,” aniya sabay hawak sa aking pulupulsuhan at hinila ako.

Sa gitna ng aming paglalakad ay nagsalita ako. Magsisimula na agad? Ngayon din? Hindi pa ako handa! Ito ang unang beses na sasama ako sa isang lalaki. Hindi naman ako inosente, may alam naman ako sa mga ganitong bagay. Pero never been touch and never been kissed ‘to, ‘no! Wala pa talaga kahit sino! Never ba akong nagkaroon ng boyfriend. Kahit halik nga ay hindi ko pa nararanasan.

“Teka lang, teka lang, Ninong,” kinakabahang sabi ko. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako.

“Ah... p-pwede ko ba muna kunin ang gamit ko sa loob?” nauutal na sabi ko.

Jusko, kinakabahan na talaga ako. Hindi man lang ba muna ako maghahanda? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Mas kinakabahan pa ako rito kesa sa mga job interview na nagawa ko.

“I'll have my men get your things,” tipid na sabi niya. Muli itong nagsimulang maglakad habang hila-hila niya pa rin ako.

Ngayong araw ba mawawala ang virginity ko na ilang taon kong iningatan? Totoo ba ‘to? Naghahanap pa ako ng pwede kong gamitin na gawing rason upang ‘wag munang matuloy. Maghahanda muna ako!

Pinagpapawisan na ako nang huminto kami sa isang Bugatti na sasakyan. Ang lakas na ng tibok ng aking puso.

Binitawan niya ang aking pulupulsuhan upang buksan ang pintuan ng sasakyan.

“Get inside,” sabi niya. Pinasok niya ang kaliwang kamay sa loob ng kaliwang bulsa niya.

Nagdadalawang-isip na ako kung papasok ba ako. Kung papasok na ako ay wala na talagang atrasan ‘to. Mawawala na nga sa akin ang ilang taon kong iningatan.

Tahimik akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Ilang beses kong dinilaan ang aking pang-ibabang labi dahil pakiramdam ko sobrang tuyo nun. Ang linis ng sasakyan niya, ha. Bago na naman ba ‘to? Parang nung huling kita namin ibang sasakyan ang dala niya. Ngayon iba na rin.

Wala akong experience! Paano kong magkamali ako mamaya? Baka magalit siya kapag pumalpak ako. Ano ba ‘tong pinasok ko?

Lalong nadagdagan ang kaba sa aking dibdib nang makita ko siyang pumasok na sa loob. Tatlong segundo ko siyang tiningnan bago ko tinuon ang aking atensyon sa unahan. Wala bang tubig dito? Balak ko ng manghingi ng tubig sa kanya dahil nauhaw ako bigla.

Alam ko kung saan ang bahay ni Ninong Dwayne dahil ilang beses naman na akong nakapunta doon. Pero ang labis na pinagtataka ko ay kung bakit ibang daan itong tinatahak naming dalawa. Kaya naman ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na magtanong sa kanya kung saan ba kami pupunta.

“Saan po tayo pupunta, Ninong?” tanong ko, hindi nawala ang kaba sa aking boses.

“I'll take you home. Why are you nervous?” nagtatakang tanong niya. Ang ganda tingnan ng mga ugat niya sa kamay, lumalabas iyon habang nagmamaneho siya.

Sa bahay namin gagawin? Kakayanin kaya ng kama ko luma na ‘yon. Parang isang bayo niya lang mawawasak na ang kama ko. Mas maganda doon sa mansyon niya, dalawang palapag pa iyon bagong-bago. Mas matibay ang kama doon. Pangarap ko ngang magkaroon ng ganoong kalaking bahay. Sana balang araw mabigyan din ako ng pagkakataon na bigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Magsisikap akong mabuti para maiahon sila sa kahirapan.

“Sa bahay po ba natin gagawin? Pwede bang sa bahay niyo na lang? Luma na kasi ang kama ko, Ninong. Baka isang bayo mo lang ay mawasak na agad iyon,”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kyuii Kai
... hahahahh isang bayo lang wasak agad
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   FINAL CHAPTER

    FINAL CHAPTERSEBASTIAN'S POVEven though we’re only just boyfriend and girlfriend right now… I’ve already built a home meant for the two of us. I am fully ready to settle down and build my life together with Maria. Una pa lang, alam kong siya na ang babaeng papakasalan ko at mamahalin ko habang buhay. I promised to not hurt her and make her the happiest girl alive.I remembered the conversation Daddy and I once had inside his office.“Son, I can see how happy you are with the woman you love. So… what is your plan?”I smiled as I took a sip of my coffee.“I am already sure about her, Dad. I am going to marry that woman.”And… I did exactly that. I married her. Maria is my life. Sa kanya umiikot ang buong mundo ko. Naghintay ako, kahit gaano pa katagal ay naghintay ako para sa kanya kasi gusto kong maabot niya muna ang kanyang mga pangarap.I would never rush her into anything if her heart wasn’t fully ready. So I waited patiently and faithfully because I knew my love and patience fo

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 106

    CHAPTER 106 “Bakit ka nakaluhod d’yan? Tumayo ka nga tatadyakan na kita,” Nakaluhod ba naman sa aking harapan ang lalaking ‘to! “Isa, kapag hindi ka tumayo d’yan sa labas ka matutulog mamaya,” dagdag na banta ko pa. Kahit labag sa kanyang loob ay tumayo pa rin ito. Nagpatuloy ako sa aking pagnguya sa pizza, punong-puno na ang bibig ko at lumulubo na ito. Pero si Sebastian ay nasa tabi ko lang tahimik na nakaupo. Mukhang pinagsisihan na ata na nagpakasal kaming dalawa? O baka naaartehan na sa akin?“Ayaw mo na ba sa akin? Bakit tahimik ka d’yan?” naiiyak na tanong ko. Binitawan ko ang isang pirasong pizza at isa-isa tumulo ang aking luha sa magkabilang mga mata ko. “Baby…” Naging alerto na agad si Sebastian at agad akong binalot ng yakap niya. Ang iyakin ko na ngayong buntis ako. Maliit na bagay lang iniiyakan ko. “Ayaw mo na sa akin kasi ang arte-arte ko?” humihikbing tanong ko. Kinulong niya sa kanyang mga palad ang aking magkabilang pisngi bago ako magsalita. “No, baby… no

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 105

    CHAPTER 105 AFTER 5 YEARS “Sebastian! Umalis ka sa harapan ko at baka masapak kita!” malakas na sigaw ko. Hinimas ko ang aking tiyan na anim buwan na, nakalapag sa aking kandungan ang pizza na dala ni Sebastian sa akin. “Baby, please let me smell you,” paglalambing niya sa akin. Kanina pa siya yumayakap sa akin ngunit pilit ko siyang tinataboy. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya sa totoo lang. “Naiinis nga ako sa mukha mo! 'Wag kang haharap sa akin, Sebastian!” sigaw ko ulit. Nakakairita ang mukha niya! Gusto ko siyang sampalin kaso may awa pa naman ako sa kanya. Sa buong buwan ng pagbubuntis ko alam kong nahihirapan sa akin si Sebastian. Kasi ayaw na ayaw ko siyang makita. Siya ang pinakakinaiinisan kong tao sa buong mundo. “My child will look like me if you keep on hating me,” nakangusong sabi niya. Mas mabuti nga kung magiging kamukha niya ang anak namin. May isasabak na ako sa miss universe. 'Yon naman talaga ang plano ko nung una pa lang, eh. Dapat maging kamukha ni

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 104

    CHAPTER 104Gusto ni Tita Rizza na mapabilis ang kasal namin ni Sebastian. Bumalik na ako sa aking pag-aaral at habang nag-aaral ako ay naghahanda na rin kami para sa aming kasal. Pinagsasabay ko rin ang aking pag-aasikaso ng aking negosyo. Kahit maliit lang ang kita dahil kaonting mga orders lang ang pinagsasabay ko ay ayos na rin. At least tuloy-tuloy ang kita ng negosyo ko. Hindi kasi pwedeng marami ang tatanggapin kong order dahil baka hindi ko naman mabigyan ang lahat ng good quality kung mamadaliin ko. Kaya naman ang aking ginagawa ay sa tuwing walang pasok ay gumagawa ako ng mga orders o kaya nagdedeliver. Ang bahay na pinagawa ni Sebastian para sa amin ay hindi ko pa napupuntahan. Hanggang ngayon wala pa rin akong kaideya-ideya kung saan ba 'yon nakatayo at kung gaano kalaki. Ayaw niya kasing sabihin! Pagkatapos ng aming kasal sa simbahan ay doon na kami lilipat. Ang honeymoon din namin ay pagkatapos na rin ng kasal sa simbahan. Napag-usapan na rin namin ni Sebastian

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   MY HOT BOSS 103

    CHAPTER 103“See? I told you hindi sila magagalit sa atin,” sabi ni Sebastian. Puno pa ng yabang ang kanyang boses.“Sa 'yo ako magagalit! Bakit hindi mo binigyan ng magarbong kasal si Maria! Ang dami ko pa namang customer na designers!”Nilipat ni Tita Rizza ang tingin niya sa akin. “Ako ang bahala sa gown mo! Bukas na bukas din ay kakausapin natin sila para simulan na ang iyong gawin,”Para akong nabunutan ng tinik sa aking narinig. Ilang araw akong hindi nakatulog sa kakaisip nito. Ma baka magalit sa akin si Tita Rizza dahil hindi siya sinabihan sa kasal naming dalawa ng panganay niya.“Mom, that's the reason kung bakit nanlalamig ang mga kamay niya. Akala niya papagalitan mo kami,” pagsusumbong niya pa.Malambing na yumakap sa aking leeg si Tita Rizza.“Maria, hinding-hindi ako magagalit sa 'yo. May pangalawang kasal pa naman kayo. Patingin nga ulit ng singsing mo,”Tinaas ko ang aking kamay upang ipakita sa kanya.“Kuya made sure that it was expensive,” sabi ni Davina. Yumakap

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 102

    CHAPTER 102“Magandang gabi po, Tita, Tito” Tumayo ako upang yumakap sa kanilang dalawa. Nanlalamig na ang aking mga kamay.“Ang lamig mo naman, Maria. Sebastian, wala ka bang dalang jacket d'yan? Nilalamig siya,”Hinawakan ni Tita Rizza ang aking kamay. Ang matino niyang anak ay tinawanan lang ako. Napansin na tuloy ni Tita Rizza.“Yakapin ko na lang siya, mom,”Pinanlakihan ko ng mga mata si Sebastian. Mamaya ka sa ‘kin. Tumawa ka ngayon, humanda ka sa akin mamaya, Sebastian. “Upo na po tayo para makapag-order na,” sabi ko. Muntik pa akong mautal. Umorder na kami ng aming pagkain. At habang wala pa ang mga order namin ay nag-usap muna kami. “Finally, nag-aya na rin ng dinner sa amin si Sebastian. Excited na ‘tong mga kapatid niya na makita ka ulit, Maria,” Magkatabi kaming naupo ni Sebastian at napapagitnaan nila ako ni Davina. Kaharap naman namin ang kanyang mga magulang at mga kapatid. “Excited na rin si Maria na makita ulit sila. Right, baby?”Sa ilalim ng mesa ay palihim

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 5

    CHAPTER 5 Hinatid ako ni Ninong sa labas ng bahay namin. “Salamat sa paghahatid, Ninong. Kailan po ang simula ng trabaho ko?” tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan. Tumikhim ito bago pinasok ang isang kamay sa loob ng bulsa niya. Nilabas niya ang kanyan

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 4

    CHAPTER 4“What are you saying? I'll just take you home,” sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi niya. Jusko, akala ko ngayong gabi na ako mawawasak. Ihahatid lang naman pala ako sa bahay. Nakakahiya tuloy ‘yong pinagsasabi ko sa kanya! Baka isipin n

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 2

    CHAPTER 2Mabilis akong lumapit sa kanya upang pigilan siya sa pagsuntok sa matanda. Nakahandusay na ito sa sahig at sunod-sunod niyang sinuntok ang mukha.“Ninong, tama na ‘yan! Ninong Dwayne!” sigaw ko. Hinawakan ko ang balikat niya upang ilayo siya doon sa matanda na naliligo na sa sarili niya

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 1

    CHAPTER 1 “Rizza! Wala bang kanin dito?”Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na aking narinig. Kahit antok na antok pa ako ay sapilitan akong bumangon upang silipin kung ano ‘yon.Humihikab pa ako habang palabas ako ng aking kwarto. Kakauwi ko lang galing sa aking trabaho at hindi pa ako naka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status