LOGINCHAPTER 2
Mabilis akong lumapit sa kanya upang pigilan siya sa pagsuntok sa matanda. Nakahandusay na ito sa sahig at sunod-sunod niyang sinuntok ang mukha. “Ninong, tama na ‘yan! Ninong Dwayne!” sigaw ko. Hinawakan ko ang balikat niya upang ilayo siya doon sa matanda na naliligo na sa sarili niyang dugo. Marami ang nakatingin pero ni isa ay wala man lang umawat. Ako lang ang mayroong lakas ng loob na awatin si Ninong Dwayne. Marahil ay mga dayo lamang sa lugar namin ang matandang nambastos sa akin kaya hindi niya kilala kung ano’ng klaseng tao si Ninong. Bilyonaryo at kilalang tao sa lugar namin. Tinitingala at nirerespeto ng lahat. Hinila ko agad papalayo si Ninong nang tumayo na siya. Ang mga taong nadadaanan namin ay lumalayo sa tuwing nakikita nila kaming dadaan sa harapan nila. Dinala ko si Ninong Dwayne sa labas ng bar. “Ayos lang po ba kayo?” tanong ko sa kanya. Dinala ko siya rito sa labas ng bar, sa parking lot. Ang nagsisilbing ilaw lang sa pwesto namin ay ang ilaw ng mga streetlights. Wala rin masyadong dumadaang tao rito. He stared at me intently before speaking. “Are you really going to ask me that? Shouldn't I be the one asking you if you're okay?” Dating driver ni Ninong Dwayne si Papa. Mabait si Ninong sa pamilya namin at nung namatay si Papa dahil sa sakit sa puso ay isa siya sa tumulong sa aming pamilya. Hanggang ngayon, sa tuwing may kailangan kami ay hindi ito nagdadalawang isip na tulungan kami. Nag-iisa na lang sa buhay si Ninong. Wala itong mga kapatid at namatay na rin ang mga magulang niya. “Sorry po. Ayos lang naman po ako, Ninong. Salamat po at tinulungan n’yo ako,” wika ko. Yumuko ako at pinaglaruan na lamang ang aking daliri bago muling nagsalita. “Masakit po ba ang kamao niyo?” tanong ko sa kanya. “Stop working here,” aniya gamit ang kanyang malamig na boses. Malayo ang sagot sa aking tinanong. Tiningnan ko ang kanyang kamao at nakita kong may dugong nandoon na galing sa sinuntok niyang matanda kanina. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Hanggang senior high lang ang aking natapos. Nagsimula akong magtrabaho noong labing walong taong gulang pa lamang ako. Dalawampung taong gulang na ako ngayon. Sa murang edad ko noon ay naglakas-loob akong maghanap ng trabaho. “Hindi po pwede. Wala po akong ipapakain sa mga kapatid ko kapag titigil na po ako sa pagtatrabaho,” sagot ko kay Ninong. Nalaman ko sa mga kapit-bahay namin na nagbibigay pala minsan ng pera si Ninong kay Nanay. Ngunit wala namang napupunta sa amin dahil inuubos lang ni Nanay sa pagbili ng alak at sa sugal niya na palagi na lang talo. Hindi ko alam kung alam din ba ni Ninong ang tungkol doon. “I have an offer for you,” aniya. Tiningnan ko siya ng mabuti. Kahit nasa madilim na bahagi kami ay lumalabas pa rin ang angking kapogian ni Ninong Dwayne. Ewan ko nga kung bakit sa edad niyang ‘to ay wala pa rin siyang asawa. Apatnapu't siyam na taong gulang na siya, successful na sa buhay at pwedeng-pwede ng bumuo ng pamilya. Imposible naman na walang nagkakagusto sa kanya. Ang haba nga siguro ng pila ng mga babae na gustong maging asawa niya. “Trabaho po ba ‘yan?” Paminsan-minsan ay doon naglalaba si Nanay sa kanila. Pero ang problema nga ay hindi naman sa amin nagagamit ang perang iyon. Sa ibang bagay lahat napupunta. “Yes, you can call it a work. I will give you a lot of money. You don't have to work much anymore,” malamig na sabi niya. Nang marinig ko pa lang ang salitang pera ay gusto ko na aagd tumango sa kanya kahit hindi niya pa sinasabi kung ano ang ibibigay niyang trabaho sa akin. Kaya ko naman maging isang katulong sa bahay niya. Marunong din akong maglaba. Kahit anong klaseng trabaho basta may pera lang ako na kikitain ayos na iyon sa akin. “Anong klaseng trabaho po ‘yan, Ninong? Kahit ano po basta may kikitain ako,” desperadang sabi ko. Kailangan ko ng kapalan ang mukha ko para sa aking mga kapatid. Sila lang ang iniisip ko palagi. Kaya ako nagtatrabaho para mabigyan ko sila ng magandang kinabukasan. Para mapaaral ko sila at hindi sila tumulad sa akin na walang pinag-aralan. Kahit sila na lang ang magtagumpay. Kasi kong iaasa ko lahat sa Nanay namin, wala rin kaming mapapala. Walang pakialam si Nanay kahit nagrereklamo na ang mga kapatid ko na masakit ang tiyan nila kasi hindi pa kumakain. Kaya bilang ate, ako ang kumakayod ng mabuti. “Gagawin kitang parausan ko. I'll give you twenty thousand every week. Will you accept my offer?”CHAPTER 155 Nagtatrabaho pa rin ba siya hanggang ngayon kay Ninong Dwayne? Dumiin ang aking kapit sa hita ko nang makita kong naglalakad na ito papalapit sa pwesto namin ni Ninong Dwayne. “Ninong, empleyado mo ‘yan, ‘di ba?” tanong ko kay Ninong. Umangat ang tingin niya upang matingnan ang tinutukoy ko. “I dont’t know. I can’t remember all their faces. Why? You remember her?” tanong niya sa akin. “Mukhang tama nga ako na empleyado mo. Papalapit na sa atin, oh. Baka babatiin ka,” Dati pa pinapakulo ng babaeng ‘to ang dugo ko. Ayaw kong magalit sa kanya ngayon dahil baka maging kamukha niya ang anak ko. “Good morning, Sir Dwayne! My name is Stephanie and you can call me Steph. Nagtatrabaho po ako sa kumpanya niyo,” aniya nang makalapit na ito sa aming harapan. Mag-isa lang siyang lumapit pero ‘yong mga kaibigan niya ay nakatingin sa amin. Nagbubulungan ang mga ito. “Hello,” tipid na bati pabalik ni Ninong Dwayne. Nang yumuko si Ninong upang tingnan ang iniihaw niya ay
CHAPTER 154Dalawang araw ang lumipas nang mayroon na naman akong nakita. Sa bulsa naman ngayon ng suot na pantalon ni Ninong Dwayne.Ako na mismo ang naiilang sa mga ginagawa niya. Hirap na hirap siyang ipuslit ito sa kwarto namin ni Ninong Dwayne tapos kami ni Ninong pinagtatawanan lang namin sa tuwing may bago siyang nilalagay. Kumpleto na, bra naman ngayon na kulay pula ang nilagay niya sa loob. "Hayaan na lang natin, babe. Ako pa ata ang napapagod sa ginagawa niya,"Nakaupo ako sa ibabaw ng kama at nakasandal sa headboard. Nakahiga naman sa kandungan ko si Ninong at sinusuklay ko ang buhok niya gamit ang aking daliri.“Nakikita niya kasi na hindi na maayos ang relasyon natin kaya nagiging matapang siya. Siya ang unang matutuwa kapag naghiwalay tayo, Ninong,” wika ko.“As if naman maghihiwalay pa tayo,” Narinig ko ang pagkatok sa labas ng pintuan. Bahagyang bumangon ang ulo ni Ninong.“Tingnan mo kung sino,” utos ko sa kanya.Napabuntong- hininga si Ninong dahil nadistorbo ang
CHAPTER 153"Babe, suot mo nga 'to. I think this will look good on you," pang- aasar niya pa sa akin at tinaas sa ere ang panty."'Wag mo akong binibiro baka ipakain ko sa yo 'yan," mariing wika ko. Tawang- tawa pa siya nang makita niya ang panty."Akin na nga 'yan. Kanina mo pa tinitingnan, gusto mo ata 'to, eh," naiinis na sabi bago inagaw sa kanya ang panty. "No, I think this will look good on you. Bibilhan kita nito tapos isusuot mo," natatawang wika nito. Halos gumulong na siya sa sahig sa kakatawa. Labas na labas na rin ang dimple niya. Parehas kaming nakaupo ngayon sa sahig. Tinuro ko ang aking malaking tiyan."Ipapasuot mo sa akin ang ganyang panty tapos ganito kalaki ang tiyan ko? Para akong nakalunok ng isang buong pakwan," sarkastikong sabi ko. "Let's save it after you give birth," aniya at ginalaw- galaw pa ang magkabilang kilay."Para mabuntis na naman ako? Teka nga, nawawala na tayo sa pinag- uusapan natin. Mamaya na nga tayo maglandian at pag- usapan muna natin ng
CHAPTER 152Sa sumunod na mga araw ay inaabangan ko na ang sunod na hakbang ng taong gustong sumira sa amin. "Rizza, napapansin ko na parang hindi kayo ganong nag- uusap ni Dwayne nitong mga nakaraang araw. May tampuhan ba kayong dalawa?" tanong ni Manang Anne sa akin nang maiwan kaming dalawa sa shop."Mayroon lang pong hindi pagkakaunawaan, Manang. Away mag- asawa lang po. Sinusubukan po naming ayusin ni Ninong," sagot ko. Walang cctv sa loob ng kwarto namin. Pero sa hallway ng bahay ay meron. Chineck din iyon ni Ninong ngunit wala naman kaming napansin na kakaiba. Normal lang naman ang mga naging galaw."Ayusin niyo kaagad kung nag- aaway kayo. 'Wag niyong patagalin ang tampuhan ninyo sa isa't- isa. Napapansin na rin kasi nina April at Jas kaya napapatanong na rin sa akin ang mga iyon," paliwanag niya. Lahat sila pwede kong pagdudahan. Ngunit ano ang kanilang motibo. Bakit gusto niyang sirain ang relasyon namin ni Ninong Dwayne. "Nagdududa na kasi ako kay Ninong Dwayne, Manang.
CHAPTER 151"Ang dami mo talagang alam, Ninong. Kaya nabubuntis ako palagi, eh," umiiling na sabi ko.Nang malapit ng mag 1 pm ay hinatid niya muna ako sa sasakyan."Take care, okay? Let's talk about this when I get home," aniya at dinampian ng halik ang aking labi."Mag- iingat ka rin, Ninong," sagot ko sa kanya."Manong, dahan- dahan lang po sa pagmamaneho. Ihatid niyo po ng maayos ang asawa ko," bilin niya sa driver.Pagkatapos magpaalam ni Ninong ay umuwi na rin ako sa aming bahay.Nagtaka agad ako nang hanapin ko ang long sleeve ay hindi ko na iyon makita sa aming kwarto. Kinuha na ba ni Manang Anne ang mga damit na dapat lalabhan? Hindi ko naman iyon sinali doon, tinago ko 'yon sa loob ng cabinet ko. Ngunit nang tingnan ko ulit kanina ay wala na. Natingnan ko na lahat ng mga cabinet ko ay wala pa rin doon ang long sleeve.Malaki ang tiwala ko sa mga nandito sa bahay. Si Manang Anne at si Ate April ang pinakamatagal kong nakasama. Si Manang Jas din naman ay matagal na ring nandi
CHAPTER 150“Babe,”Dahan- dahan kong minulat ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Ninong Dwayne.“I don’t want to wake you up but it’s lunch time already. Nakahanda na ang pagkain sa labas, sabay na tayong kumain,” aniya at hinaplos ang aking noo. Tinanggal niya ang mga nakaharang na buhok doon at pinatakan ng halik ang aking noo. “Anong oras na? Napasarap ata ang tulog ko. Uuwi na rin ako maya- maya dahil iniwan ko si Davina doon sa bahay,” wika ko at mabagal akong bumangon. Inalalayan agad ako ni Ninong Dwayne.“Ipapahatid kita sa driver dito sa kumpanya, hindi ka pwedeng bumabyahe ng mag- isa dahil baka kung ano ang mangyari sa ‘yo sa daan. I still have a meeting at 1 pm so I can’t go home with you,” wika niya. Naiintindihan ko naman iyon. “Ayos lang, Ninong. Hindi mo ako kailangang ihatid, unahin mo muna ang trabaho para may pambili tayo ng gatas ng mga anak mo,” pagbibiro ko sa kanya.Sa pangalawang anak namin ay breastfeed pa rin kaya hindi kami nagkaroon ng problema







