Share

Chapter 21 - Childhood Memories

"Oh Maya! How's your game?" Inakbayan ni Neal si Maya bago pa ito makasampa sa Jeepney.

"Ay ikaw pala kuya, kanina ka pa ba dyan?" Makatapat silang umupo sa loob ng jeep, dalawang tao ang pagitan mula sa driver.

"Di naman, may ka-text ako kanina then pagharap ko nakita ko likod mo, kumusta ang laro balita ko...?" Panaka-naka ay tumitingin siya kay Maya at sa cellphone niya habang nagtetext siya.

"Okay naman, magagaling ang team ng Maryknoll Academy, but of course mas magaling kami kaya... nanalo kami so... pasok kami sa semi-finals...uuy! kuya! Nakikinig ka ba?" Sinipa ni Maya ang kanang paa ni Neal.

"Oh sorry! Katext ko kasi si Payne, ibinabalita ko na kasama kita ngayon sa jeep at nanalo kami sa first game. Congrats ha!" Ngiti nitong sagot kay Maya. "Teka ano nga palang number mo?"

"Ah... kakamiss naman ang bestfriend ko, mamaya pag-uwi ko tatawagan ko siya at babalitaan ko about this day. Ah.. ito nga pala number ko oh." Ipinakita ni Maya ang cellphone niya kay Neal.

"Sige tawagan kita ha..." Idinial ni Neal ang number ni Maya, "Yan ang number ko, i-text or tawagan mo ako if ever you need me." 

"Sige..." ilalagay na ni Maya ang cellphone niya sa kaniyang bulsa nang biglang...

"Toot toot...toot toot..." 

"Sino kaya 'to? Ibang number..." Kumunot ang noo ni Maya habang nakapataong ang kanang siko niya sa metal handle ng jeep.

"Hello?"

"Hello, Is this Maya?" Mababa ang boses ng lalake sa kabilang linya, maganda ang boses niya na parang DJ.

"Ito nga... 'who's this?" Malambing na tanong ni Maya habang bumababa siya mula sa jeep at kumaway kay Neal.

"Aahhm... si Brian 'to, senior college student sa Holy Angels University. Pwede bang makipag-friends? " Nahihiya nitong sagot.

Tumaas ang boses ni Maya habang nagbubukas siya ng gate nila, "Brian? Paano mo nakuha ang number ko? Teka, stalker ka noh?!"

"Ha?! Ah hindi hindi! Nakita kasi kita kanina habang naglalaro sa court, ang galing ng moves mo at parang hindi ka naman nahihirapan."

Nahiya si Maya at nagpa-cute ang boses sa pakikipag-usap kay Brian, "Ah, ganun ba, thank you. Kanino mo naman nakuha ang number ko?"

"Kay Gilbert, hindi ba classmate mo siya? Pinsan ko si Gilbert. Nung tinanong ko siya kung sino 'yung magandang babae na nag-spike kanina, sinabi niyang ikaw 'yun."

"Oh tapos?"

Nabigla si Brian sa sagot ni Maya. "Anong oh tapos?" 

"Oh tapos... meaning, anong balak mo? Gusto mo ako kaya ka tumawag, right? Sorry ha straightforward ako, ayoko kasi ng paliguy-ligoy and dudera ako eh."

Napa-ikot ang ulo ni Brian, napa-iling ito at napahawak sa likod ng kaniyang ulo. "Hahaha! Dudera?"

"Judgemental akong tao Brian... Malakas ang gut feeling ko sa isang tao."

"Aaah... okay. Grabe ka naman, hindi mo ba alam ang salitang benefit of the doubt? Pero...magkakasundo pala tayo. Sige, aaminin ko gusto kitang..."

Pinutol ni Maya ang gustong sabihin ni Brian, "Ligawan? Gusto mo ba akong ligawan? Don't get me wrong ha, hindi ako sanay sa ganitong conversation kasi wala pa naman akong nagiging boyfriend, kaya lang the fact na hiningi mo ang number ko at naglakas-loob kang tawagan ako eh, crush mo ako, yung crush level sa atin sa high school meaning gusto mo siyang maging girlfriend o boyfriend. Tama ba ako?"

"Aah.. tama? Oo tama ka, crush nga kita, cute mo kasi...pero sandali Maya, gusto ko lang muna kitang iinvite sa violin recital ko sa weekend. Hindi kasi pumayag si Gilbert kasi may date daw sila ni Shara, so... would you mind?"

Biglang namula ang mga pisngi ni Maya, pinagpawisan siya ng malamig at nautal sa pagsasalita, "A...aa... eh... ganun ba? Ss...ssi...sige...anong oras ba 'yung violin recital mo at saan ba ang re...recital mo? Ss...sorry ha, akala ko kasi..."

"Okay lang..." Ngiting sagot ni Brian kay Maya, "Aahm.. pwede ba kitang sunduin sa bahay nyo?"

"Ss...sige, okay lang."

"Pero pwede ba kitang iinvite mag-dinner mamaya? Tutal maaga pa naman, 4pm palang may time ka pa mag-prepare para sa dinner date natin mamayang 6pm."

"Dinner date?" Muling lumaki ang mga mata ni Maya pero this time tumaas ang kilay niya dahil tama nga ang iniisip niya.

"Yes, sa coffee shop malapit sa village nyo...Ok lang ba? Gusto ko kasi muna ng getting-to-know-each-other stage. Sa ngayon, 'yun nalang muna, then saka nalang ang ligawan stage.

"Pareho din naman 'yung stage na 'yun noh!" Ito ang nasa isip ni Maya, wala namang pagkakaiba ang stage na binanggit ni Brian.

"So..tama ako gusto mo nga akong ligawan hahaha! Wait lang ha, paano mo nalaman na may malapit na coffee shop sa village namin? Gosh, stalker ka talaga!"

"Hahahha! Basta alam ko. Kita tayo dun, 6pm sharp. Bye." Nawala na sa linya si Brian bago pa man makasagot at maka-oo manlang si Maya.

Napatigil si Maya at parang nag-freeze ang lahat ng nasa paligid niya, "Ha? Ano kaya 'yun? Pinagbabaan ba niya ako ng telepono? Ppp...Pero may...date kami?"

"Aaaaahhhhhh!!!!! Yiiiieeee!!!!!" Nagpapadyak si Maya sa kilig at tuwa dahil sa wakas may nagyaya sa kaniya ng date. First time itong nangyari sa kaniya dahil buong buhay niya ay kay Payne lang siya naka-focus kaya naman nagselos siya ng malaman niyang nanliligaw na si Neal kay Payne. Naisip kasi niyang, "Si Payne may lovelife na.. ako wala pa...haaay..kainis naman!"

Agad na naligo at nagbihis si Maya. Ang dating niyang bubbly personality ay ayaw niyang ipahalata sa kaniyang isusuot na damit. Napili niya ang simpleng beige floral cotton dress na below the knee at pinatungan niya ito ng gray cardigan. Isinuot niya ang white converse sneakers niya na matching ang kaniyang white leather small backpack.

Halang-halata ang excitement sa kilos ni Maya. Na-stuck ang mga labi niya sa pagkaka-smile mula ng ibaba ni Brian ang phone hanggang sa matapos siyang maligo. Ang puso ni Maya parang nasa track and field sa bilis ng tibok nito. Ang mga mata niyang singkit ay lalo pang nawala at tumiklop dahil sa tuwang nararamdaman niya.

"Lalalalalala...Hmmm...hhmmmm..." Pakanta-kanta si Maya habang paikot-ikot na nagbibihis ng kaniyang damit.

Napatingin siya sa kaniyang salamin habang nag-iisip kung mag-fufull make up ba siya ngayon, "First date ko ito kaya dapat simple lang, first impressions last. Haaay!! (buntong-hininga nito) Blessing in disguise ang pagiging stay-at-home student ni Payne. Naku nalimutan ko nga pala siyang tawagan." Makikita ang pag-aalala sa kaniyang mga mata kahit nababalot ito ng kilig.

Nagkibit -balikat si Maya at nag-suklay ng kaniyang shoulder-length medium brown hair "Sige na nga mamaya ko nalang siya tatawagan after ng dinner date namin ni Brian, hindi na muna ako magmemake-up ngayon, simpleng pahid lang ng gel lip tint ay ok na. Ang ganda mo Maya! Lalong lumabas ang pagka-mestisa mo dahil sa liptint."

5:30 na ng hapon pero hindi pa dumadating ang Mommy Shane niya galing trabaho. Itinext na lamang niya ito para makapg-paalam na sa labas na siya kakain ng dinner. Hindi na nahintay ni Maya ang reply ng Mommy niya, inilagay niya sa vibrating mode ang cellphone niya at agad siyang lumabas ng front door nila.

"Bbbbrrriingg...brbbrrriiinnggg...."

"Ay baka si Mommy na'to nagreply." Kinuha niya ito at si Brian pala ang tumatawag.

"Hello, Maya.. ready ka na?"

"Yyyes! Papunta na ako sa coffee shop, walking distance lang naman 'yun dito sa labas ng village namin. Anjan ka na ba?"

"Wala pa eh..."

"Ah ganun ba akala ko naman hinihintay mo na ako, oh sige kita tayo dun..."

"Oh wait! 'Wag mo muna ibaba phone mo...pakinggan mo lang ako at sumunod ka sa instructions ko."

"Ha? Instructions? Brian... ano ba..."

"Basta 'wag mong ibaba, ok?"

"Oh...okay..."

"Labas ka ng gate niyo..." utos nito kay Maya.

Lumabas si Maya mula sa kanilang gate at bago pa niya isara ito ay may batang lumapit sa kaniya at binigyan siya ng note na nakalagay..."Count your steps. Turn right after your 58th step."

Binasa ito ni Maya kay Brian habang kausap niya ito, "Hahhaha! Ano ba ito Brian? Hindi ako magaling magbilang! Hahahahha! Ano bang step ang dapat giant step o baby steps? Hahhahahha!"

"Maya steps...hahahha! Basta bilangin mo steps mo kung ayaw mong mahulog sa bangin!"

"Hah?!! Ayoko na nga babalik na'ko sa bahay!"

"Sige na pang-ilang step ka na?"

Mabilis na naglakad si Maya dahil excited siya sa kung anong pa-surprise ni Brian.

"54, 55, 56, 57, 58..."

"Bilis mo maglakad ha... Oh turn right na."

Inihakbang ni Maya ang kaniyang mga paa pakanan at nakakita siya ng pitong batang tumatakbo papalapit sa kaniya na may dalang tig-iisang lobo. Bawat isang lobo ay may kulay ng rainbow, "May nagpapabigay po ate..." Ini-abot ng isang batang babae na may dalang red-colored balloon ang lobo na nasa kaniyang maliliit at madudungis na mga kamay at nagsunuran ang lahat ng mga batang may dalang lobo.

"Ah, thank you. Brian... ano naman 'tong style mo? Nakakainis ha!" Pacute na sagot ni Maya kay Brian habang ipinapadyak niya ang kaniyang mga paa.

"Hahaha! Malapit ka na ba sa coffee shop?"

"Oo pero paano naman ako maglalakad at papasok sa coffee shop na may dala akong mga lobo? Baka akalain naman nila nagtitinda ako!"

"Hahahaha! Hindi.. sige na pumunta ka na rito, antagal mo kaya."

"Ano? Andiyan ka na? O sige sige tatakbo na'ko malapit na ako."

Tumakbo si Maya ng mabilis papalabas sa village nila at ilang hakbang lang ay nasa pinto na ito ng coffee shop. Nang makarating siya sa front door ng coffee shop ay may lalaking naka-suit ang lumapit sa kaniya at kinuha ang mga balloon na nasa kamay niya.

Sa pagpasok palang ni Maya ay may nakita siyang lalake na nakatayo at nakasuot ng beret hat, na parang hinihintay siya, agad siyang lumapit kay Brian at pinalo ang kanang braso nito.

"Nakakinis ka, pinagod mo pa ako, akala ko pa naman susunduin mo nga ako!"

Umupo lang si Brian at ngumiti at bahagyang nakatungo,  "Naka-order na ako Maya...ang ganda ng ootd mo tonight."

"Thank you... ano namang style mo 'yun? Parang antagal na nating nagde-date para umeffort ka ng ganun."

"Pasensya ka na, 'yun lang ang kaya ko munang gawin, short preparation kasi."

"Bongga nga eh!" Ngiti ni Maya habang sinisilip niya ng buong mukha ni Brian na natatakpan ng kaniyang beret hat. Nababakas sa mga mata at labi ni Maya na kinikilig siya sa ginawang surpise ni Brian.

Lumapit na ang coffee shop staff at inilagay ang dalawang oreo cheesecake frappe, tig-isang plate ng chicken alfredo pasta na may isang slice ng garlic pizza sa tabi, isang order ng clubhouse sandwich at small platter ng nachos.

"Maya... ang ganda ng mga mata mo. Simple lang ang make up mo today hindi gaya ng usual mong make-up kapag pumapasok ka sa school."

May biglang malamig na hangin na umibabaw sa katawan ni Maya, "Ha? Nakikita mo ba ako kapag pumapasok ako sa school?"

"Oo, lagi kaya kitang nakikita kapag sumasakay ka ng jeep at kapag naswertehan ko, nakikita rin kitang bumababa mula sa jeep."

Itinigil ni Maya ang pag-sip niya ng kaniyang frap, "Alamo nakakatakot ka, certified stalker ka, anong gusto mo bakit ka ba ganiyan? Ipakita mo nga 'yang buong mukha mo!" Pag-irap nito kay Brian.

"Eh kasi po...magkapit-bahay lang tayo noh!" Habang kumakagat siya ng nachos at tinatanggal ang kaniyang beret hat.

"Ha? Kapit-bahay ka dyan! Ano bang sinasabi mo...?" Kumuha si Maya ng isang piraso ng clubhouse sandwich at kinagat ito habang tinatanggal ni Brian ay buhok na nakaharang sa kaniyang mukha.

"OH MY GOSH! " Tinakpan  ni Maya ang kaniyang bibig nang makita ang mukha ni Brian. Ang chinita eyes niya ay naging tarsier eyes sa pagkagulat.

"Ikaw ba yan? Lll...Lee...? Papaanong naging Brian ang pangalan mo?"

Napangiti si Brian, "Oo Maya, ako nga, 'yung kakampi mo lagi sa habulan at agawan-base nung mga bata tayo." Ngiti nito sa kaniya.

"Paanong naging Brian?" hindi makapaniwalng tanong ni Maya.

"Lee Brian kasi ang pangalan ko, pero nung 8 years old ka, ang tawag mo sa akin Lee kasi 'yun ang naririnig mong tawag ng mommy ko sa akin."

Naalala ni Maya na nung mga bata pa sila kahit malaki ang agwat ng edad nila ay magkasama sila lagi sa paglalaro sa kalye. 8years old siya nung time na 'yun at si Brian naman ay 12years old na. Binata na siya pero mas pinipili niyang makipaglaro sa mga batang kasing-edad ni Maya dahil nung panahong 'yun ay wala batang kasing-edad niya sa kanilang street.

Naalala-ala ni Maya na lagi siyang pinagtatanggol ni Brian kapag natataya siya ng mga kalaro niya sa takbuhan at nagpapa-abot si Brian para siya ang maging taya. Maraming beses na bumibili si Maya sa tindahan nila at tinatanaw siya ni Brian mula sa kanilang bintana.

Niyayaya ni Brian ang mga kalaro ni Maya sa kalye upang maglaro ng patintero at chinese garter, maging ang habulan base para marinig ni Maya ang ingay at magpaalam itong maglaro sa labas.

Nuon pa man may gusto na si Brian kay Maya pero Lee ang tawag ni Maya sa kaniya at dahil madalang siyang maligo, kaya... lee-bagin ang laging kutya sa kaniya ni Maya.

"Ah! Hahahhahhah!!! Ikaw si Lee-bagin diba kasi ang tamad tamad mong maligo! Lagi kang pinipingot ng mommy mo para umuwi ka na at maligo. Hahahhaha!"

Napakamot si Brian sa ulo, "Oo ako nga 'yun." 

"Pero... bakit bigla kang nawala? Nalungkot ako nung time na 'yun kasi may-usapan tayo na maglalaro tayo ng tagu-taguan kapag nag-brown out. Ilang beses na nag-brown out pero wala ka, san ka ba pumunta, ha? Lee? o Brian?"

"Brian nalang, kilala na nila akong Brian. Nalipat ng destino si Daddy sa Davao, biglaan 'yung paglipat namin, kasi siya ang ginawang Branch Manager ng Furniture Shop na pinagtatrabahuhan niya kaya ayun, halos naiwan lang namin ang mga gamit namin dito, 'yung caretaker lang ng bahay ang natira since 'yung sarili niyang bahay ay katabi lang ng bahay namin."

Tumango lang si Maya habang kumakain ng chicken alfredo pasta, "Ah ganun ba...so nalipat na ulit kayo dito?"

Itinuoy ni Neal ang pag-hiwa ng kaniyang clubhouse sandwich sa kaniyang pasta plate, "Oo, dito na ulit kami... namatay na kasi si Daddy."

Natigilan si Maya sa pag-nguya ng kaniyang garlic pizza at agad itong nilunok, " Sorry..."

"Sus! Ano ka ba, ok lang. Kaya nga nag-decide si Mommy na dito na kami mag-stay kasi nandito rin naman ang mga relatives namin at isa pa okay pa naman 'yung bahay namin dito. Lumipat kami dito bago mag-start ang school year."

"I know what you feel, namatay na rin ang Dad ko. We can't do anything about it, of course malungkot, it's even hard to move on lalo na kung malapit talaga sa puso mo ang nawala but we cannot let the pain eat us. Ang totoo hindi naman talaga tayo nakaka-move on sa sakit, nakakapag-adjust lang tayo dahil may mga bagay na nakakatulong sa atin na makapag-adjust tayo tulad ng happy moments natin with other people, pero kapag naisip ulit natin 'yung pangyayari, the same pain nanaman ang mararamdaman natin."

"Clap... Clap... Clap!" Pumalakpak ng dahan-dahan si Brian, "Galing ah, lalo akong naiinlove sa'yo."

"Hahaha! Ooops! Mahulog ka Brian!" Ikinumpas ni Maya ang kaniyang mga palad kay Brian.

"Mahulog? Saan?" Naka-kunot nitong noo.

"Syempre sa akin!" Biglang sagot ni Maya at nagtawanan ang dalawa.

"Bbrriiingg... Brriiinngg...."

"Oh Maya, nag-vivibrate yata phone mo." Habang nag-sip si Brian ng huling frappe na natira sa cup niya.

"Ooops, si Payne! Wait lang ha?" Agad na sinagot ni Maya ang tawag ni Payne at tumalikod ito ng bahagya kay Brian at bumulong.

"Hello Payne... oh teka umiiyak ka ba? Oo si..sige.. pupunta na ako diyan...Sige na relax ka lang ha... on the way na ako... sige sige.. bye."

"Sino 'yun?" 

"Ah, si Payne, bestfriend ko. Nagsimula ang friendship namin nung grade 3 kami, nung time na nawala ka sa street natin. All my life naka-focus ako kay Payne."

"Bakit naman?"

"May autism kasi siya and may multiple personality disorder, ako ang bestfriend niya kaya kapag ganyan emergency ako lang ang natatawagan niya, pero may boyfriend siya, actually ung brother ko ang bf niya pero hindi sila in good terms ng mommy ni Payne ngayon eh, so ako lang talaga ang pwede niyang tawagan."

Tumango lang si Brian at relax na relax itong inuubos ang ilang hibla pa ng kaniyang pasta. Si Maya naman ay halatang nagmamadali sa pag-ubos ng kaniyang oreo cheesecake frappe.

"Wait, may kapatid ka? Ang alam ko solo child ka hindi ba? At bakit ka nagmamadali?"

"Naku mahabang kwento pero, yes may kapatid pala akong lalake, anak ng daddy ko sa labas, but we're okay now natanggap ko na siya. Naku pasensya ka na, feeling ko kasi urgent ito at kailangan kong puntahan si Payne."

Nagmamadali si Maya na inubos ang natitira niyang nachos sa plate at uminom agad ito ng tubig. Nakaramdam si Brian ng pagkainis at nang tumayo na si Maya at aktong aalis ay hinawakan niya ang kaliwang kamay nito para pigilan siyang makaalis.

"Sandali Maya, hindi pa tayo tapos eh, kung gusto mo tapusin muna natin itong dinner na ito then sasamahan kita sa bestfriend mo."

Umiiling si Maya at mabilis na nagsalita, "Naku hindi na, baka magtaka si Payne kung sino ka, mag-eexplain pa ako tapos..."  

"Umupo ka muna!" Medyo tumaas ang boses ni Brian na ikinagulat naman ni Maya. Biglang kumabog ang dibdib niya at natakot sa sinabi ni Brian.

"Brian... a...anong ikinagagalit mo?" Ito ang tanong ni Maya sa kaniyang isip ngunit pinipigil ng kaniyang dila na magsalita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status