Share

Chapter 25 - Temptation

Habang nag-aabang ng Jeep sina Neal at Payne sa labas ng Eco-Park ay hinawakan ni Neal ang kamay ni Payne sa huling pagkakataon ng araw na 'yun. Bago sumakay si Payne ng Jeep ay baon niya ang matatamis na ngiti ni Neal, ngiti ng pagkagalak na muli niyang nakita ang binata at ngiti ng paniniwalang magiging tapat sa kaniya si Neal sa araw-araw kahit hindi sila magkasama. Ngiti ng pagtitiwala na ayaw niyang tanggalin sa puso niya.

At sa paglayo ng Jeep na sinasakyan ni Payne ay baon naman ni Neal ang pag-asang baka naman bukas ay magbago ang isip ni Payne at surpresang makita niya ito sa finals. Namimiss na niya ang dalaga, ang totoo pinipigilan niya ang sarili niyang yakapin lagi si Payne dahil masasanay siya at lalo lang niyang mamimiss, naiisip niyang hindi pa panahon para sa kanila ang ganoong mga bagay. Natatakot siya sa maaaring mangyari, mabuti man o masama, mas okay na ang nag-iingat.

Ibinukod kasi niya si Payne sa mga babaeng napag

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status