Home / Romance / PIKUTIN ANG BILYONARYO / 2 - the mother who is untouched

Share

2 - the mother who is untouched

Author: 4stratcats
last update Last Updated: 2026-03-02 14:50:50

NANLAMBOT ang mga tuhod ni Glen at tuluyang napaluhod sa sahig ang dalaga pagsapit niya sa loob ng banyo. Iniwan niya muna kay Vladimir ang sanggol dahil kailangan niya ng hangin kundi hihimatayin siyang dilat ang mga mata sa harap nito. Mahigpit siyang kumapit sa doorknob habang saklot ang dibdib na halos sumabog na sa tindi ng pagbayo ng kanyang puso dahil sa nerbiyos.

Walang nagsabi sa kanya na ganito kalakas ang dating ng isang Vladimir Andromida. Pakiramdam niya'y dinaanan siya ng ipo-ipo at hinigop palabas ang kanyang kaluluwa pagkatapos ay itinapon patungo sa kawalan. Kaya pa ba niyang ituloy ito? Kaya ba niyang panindigan? Sinipat niya ang nanginginig na mga kamay at kinuyom. Naiiyak siya sa sobrang takot.

His eyes are literally soul-stealing. Kung gaano ito kagandang lalaki sa litrato, mahigit sampung beses itong mas gwapo sa personal. Bakit pati iyon ay hindi sinabi sa kanya ng mga katutubo? Dapat binigyan man lamang siya ng babala na baka maglaglagan lahat ng suot niya sa katawan pag kaharap niya ang binata para sana nakapaghanda siya.

Pwede pa sigurong umatras. Hihingi siya ng tawad at sasabihin niyang nagkamali lamang siya. Pero paano ang mga Mangyan sa Baco? Saan pupunta ang mga iyon kapag nawalan ng tahanan? Naguguluhan na siya.

THE BABY is practically cute, he'll admit but he can't feel anything. Kung siya ang ama nito, dapat dama niya kahit kunting lukso ng dugo pero wala. His emotions are empty. Binawi niya ang mga mata at sinulyapan ang nakapinid na pinto ng banyo. Biglang kumaripas papunta roon ang babaeng bisita niya matapos ibigay sa kanya ang bata.

"Iyan na ba ang tagapagmana mo? Pwede na. Bagay na bagay." Boses ni Gabrylle mula sa may pinto. Sumandal ito sa hamba.

"You're eavesdropping, Gabrylle." Kastigo niya sa kapatid.

Tumawa ito. "Curious lang ako sa mag-ina mo. Anyway, she's not bad. She's gorgeous and-"

"Shut up!" Agap niyang lalong nagpasabog ng halakhak nito.

"But, don't you think it's a high time for you to make your own family? Tumatanda ka na. Naisip ko na nga na regaluhan ka ng tungkod sa darating mong kaarawan." Pang-aasar nito.

"Try harder, Gab. You won't beat me with that." He ignored the teasing and dropped a gentle glance at the baby sleeping in his arms.

"Seriously, you need to consider marrying, Vladimir." Pumasok ito at lumapit sa kanya. Sinilip ang sanggol. "Your women have waited long enough for ages."

"Know what? Spare me from the argument. You're not the one walking in my shoes."

"Of course, I have my own shoes to walk with."

Napailing na lang siya sa pabalang na naman nitong sagot. Kapag napunta na sila sa usapan ng pag-aasawa, kahit magdamagan pa ay ilalaban ng mga kapatid niya ang ideyang dapat ay lumagay na siya sa tahimik.

"Kontento ako at masaya kung anong mayroon ako sa ngayon, Gab. Huwag niyo munang ipilit iyang pag-aasawa. Hindi pa naman ako lumagpas sa kalendaryo." Katwiran niyang muling pinukol ng sulyap ang pinto ng banyo. Where the hell is she? Baka nagbigti na iyon sa loob. "Hawakan mo nga muna itong bata."

Pero mabilis na umurong si Gabrylle. "Nope, I need to go. Enjoy rocking your baby, Vlad. That's a blessing." Tinungo nito ang pinto. "And, Athrun will be going to hear this good news." Bago lumabas ay pahabol nitong pahayag.

"Gabrylle, huwag kang magkakamaling ipagkalat ito kung ayaw mong magsisi na nagkaroon ka ng bunganga!" Malakas niyang sigaw.

SUNUD-SUNOD na katok sa pinto ang nagpaiktad kay Glen mula sa malalim na pag-iisip at kalituhan kung anong gagawin. Tarantang inabot niya ang doorknob at sinigurong naka-lock iyon. Saan ba pwedeng makahanap ng butas dito na pwede niyang pagtaguan? Hindi na yata niya kayang humarap pa kay Vladimir. Nakakatakot ang lalaking iyon.

Lalo siyang nabaghan nang biglang matanggal mula sa kinakapitan ang lock kasunod ang pag-ikot ng seradora at ang tuluyang pagbukas ng pinto. Literal niyang nakita ang kaluluwa niyang nagkukumahog na makalabas mula sa kanyang bibig.

Katapusan na niya. Kawawa naman siya, mamatay siyang virgin at hindi man lang nakaranas na magkaroon ng boyfriend. Mamamatay siyang busilak. Kinagat niya ng mariin ang ibabang labi at napaingos.

"Are you crying?" tanong na nagsusumiksik sa nabibingi na niyang tainga dahil sa sumasabog na tibok ng kanyang puso.

Kunyari nagpunas siya ng mga luha. "Nalungkot lang ako dahil ayaw mong kilalanin ang anak natin." Kinutusan niya ang sarili dahil sa panibagong kasinungalingan na kanyang hinabi.

"Lumabas ka riyan at mag-usap tayo ng maayos." Tumalikod ito at iniwan siya.

Ngayon ay naniniwala na siyang nakababaliw ang sobrang takot. Gusto niyang tumakas pero gusto ko rin niyang manatili at magpatuloy. Natatakot siya pero natutukso siyang pagmasdan ang lalaki lalo na ang mga mata nitong nagkukubli sa daan-daang misteryo.

Nagawa niyang makatayo ng tuwid sa kabila ng umuugang mga tuhod. Sinilip niya muna ang sarili sa salamin at nagpasyang magretouch ng lipstick para hindi gaanong halata ang pagputla ng kanyang mga labi na tila pinagkakaitan ng dugo.

Lumabas siya ng banyo matapos ang tatlong buntong-hininga na masigla niyang ibinuga. Ibinalik agad sa kanya ni Vladimir ang sanggol pagkalapit niya rito.

"Where's the father of that baby? Bakit gusto mo akong gawing Salvador del Mundo?" He is abnormally straight-forward and doing that with a scowl on his face makes him scarier. "He is not mine, we both know that. And if you are going to insist, I can take this to a legal battle. Pwede kang makulong." Naupo ito sa malaking swivel at itinuro sa kanya ang silyang nasa harap ng desk.

Inalis niya ang bara sa lalamunan at ibinagsak doon ang puwit habang maingat na karga sa mga bisig ang sanggol. "Kung gusto mo ng DNA test, payag ako para mapatunayan na anak mo siya." She's aware that psychological diplomacy won't work for someone like him yet, she did not have much choice but to try her remaining cards on board.

"Miss, huwag mong hintayin na magsayang pa ako ng panahon para ipamukha sa iyo ang panlolokong ito. Once I've done that, you'll pay every piece of your being."

"But I didn't-"

"Really, huh?" Tumayo ito. Lumigid sa gawing likuran niya. Para siyang tinusok ng libo-libong boltahe ng kuryente nang pisilin nito ang kanyang braso. "A virgin mother? Ilan lang kayong may ganyang kakayahan? Nananatiling birhen pagkatapos magsilang ng anak. I am not that naive."

"M-mali ka hindi na ako birhen-"

"You wage war against me when you're not yet even done educating yourself about the boss you're messing with, Miss Virgin. You will regret knowing my name. Include that in your data."

Sa sinabi nitong iyon ay tuluyan na siyang natahimik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   10 - wedding

    HISTERIKAL na pinagpupunit ni Zahari Tan ang sulat. Itinapon sa sahig at gigil na inapak-apakan. It was a letter sent from the council of Andromida Conglomerate. A declaration that the negotiation between the Tanshun Realty has been canceled.Nakasaad doon na hindi matutuloy ang negosasyon sa kasal nilang dalawa ni Vladimir dahil pumili na ang lalaki ng babaeng dadalhin nito sa altar at hindi siya iyon. Wala sa labing-dalawang nakapila sa negosasyon. Pagkat ang pinili nito ay ang social worker na si Jerglen Mae Bestre."Ang hampas-lupang iyon!" Nasusuklam niyang sigaw.This can't be happening. Hindi niya ito matatanggap. Siya dapat ang ikakasal kay Vladimir. Siya lang dapat dahil may anak sa kanya ang lalaki.A year ago...Hindi maiwasan ni Zahari ang mag-alala nang makarating sa kanya ang balitang may nadagdag na namang babae para sa negosasyon na pagpipilian ni Vladimir Andromida. Labing-dalawa na silang lahat. Hindi pwedeng maging kampante kahit tiniyak sa kanya ng council na malak

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   9 - arrangement

    Vladimir caught a deep sigh of relief after Lyam turned to his direction and nodded."She's fine, no need to worry. It must be the shock that got her. She'll wake up soon." Pagtitiyak nito at tumayo matapos suriing maigi si Glen.Nawalan ng malay-tao kanina ang dalaga matapos siyang makita na walang anumang saplot sa katawan. He was just fooling around. She's too touchy that he thought of teasing her a little. He forgot that she's virgin and she might never see a naked man in the flesh before. That shows in her fragile and tentative demeanor whenever their eyes met."But I suggest you wear something proper. Baka himatayin ulit iyan 'pag nakita kang nagtiyaga riyan sa kakarampot na towel," may halong biro na wika ng kapatid.Tumango siya at hinango ang sarili mula sa couch. Nagsuot siya ng pantalon at shirt. Unti-unti nang nagkakakulay ang mukha ng dalaga. Hindi tulad kanina na dinaig ang papel sa sobrang putla. Ang gumigitaw na mumunting pawis sa noo at ilong nito ay mistulang tipak n

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   8 - naked

    THE DISCUSSION between her and Vladimir's wedding schedule has taken a serious turn when Glen's parents and sister arrived. Hindi na nakatanggi pa ang binata matapos siyang makita ni Athrun na natutulog sa kama ng lalaki nang hubo't hubad.That was a damn luck. Pure and simple damn luck. Parte ng kanyang mga hakbang para bumilis ang pag-usad ng kanyang plano.Ang pasukin ang silid ni Vladimir para pikutin ito at kinatigan siya ng pagkakataon. Though the chance for it to succeed is fifty-fifty but she made it. Natangay niya ang binata sa distinasyong gusto niya para rito. Sa kanyang piling."Masyadong magastos ang church wedding. Sa civil na lang muna. Hindi naman ako humihingi ng magarbong kasal. Saka na lang siguro ang kasal sa simbahan." Nagsalita siya sa gitna ng diskusyon ng kanyang mga magulang at ni Athrun.Vladimir remained quiet in the corner, taking in the situation calmly but the hard expression he had on his handsome face was scarier than usual. Mamaya baka padadapain siya

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   7 - 13th birthday (the past)

    2003Nakatitig si Vladimir sa ina na inaayos ang kanyang baseball cap matapos nitong ipasusuot sa kanya ang itim na jacket ng kanyang Itay. Nakangiti ang babae at nakatago sa ilalim ng abaya ang buhok nitong may kulay. Sabi nito pupunta sila sa bayan at may panonooring parada pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nilang magbihis ng ganoon. Balot na balot at halos itago na pati ang mukha."Inay, hindi po ba natin dadalawin si Itay sa kulungan?" tanong niya habang nag-aabang sila ng traysikel sa gilid ng daan."Mamaya pagkatapos ng parada, anak, pupuntahan natin siya," malumanay nitong sagot at pinisil ang kanyang palad na hawak nito.Agad nitong pinara ang traysikel na parating ngunit hindi iyon huminto kahit wala namang sakay. May kasunod na dumaan at gaya ng una ay hindi huminto."Maglalakad na lang tayo. Baka hindi na natin abutan ang parada," masiglang wika ng kanyang Inay. "Kaya mo namang maglakad hanggang sa bayan hindi ba?" Ang maamo nitong mukha ay nakatunghay sa ka

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   6 - in his bed

    HINDI agad nakasagot si Glen matapos marinig ang sinabi ng kaibigan niyang si Rica mula sa kabilang linya. Isa ito sa mga nakaaalam ng plano niyang lapitan si Vladimir Andromida."Rica, sigurado ka bang binayaran na 'yong lupain?" tanong niyang nanghina sa nalaman mula sa kaibigan.Binalita nitong naibinta na ang karatig na mga lupain sa Mt. Baco. Taniman ng gulay ang lambak na iyon. It is a hundred acres of land rich in spices, root crops and green-leafy veggies. Isa iyon sa pinagkukunan ng malaking supply ng bansa at kabuhayan ng mga Iraya."Iyon ang narinig ni Inang mula sa bayan at sa susunod na linggo ay sisimulan na raw ang development doon," balisang sagot ni Rica. "Magtatagal ka pa? Sana makauwi ka na rito.""Pangako, uuwi ako sa lalong madaling panahon at isasama ko si Vladimir Andromida." Matatag niyang deklarasyon.Kailangan na niyang bilisan ang plano. Baka kapag nagtagal pa siya roon ay wala nang tahanan ang mga Iraya na dadatnan niya pag-uwi ng Baco. Pwede naman niyang s

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   5- blackmail

    Vlad tightened his grip on the champagne glass he's holding. Leaning against the edge of the glass panel in the main hall, he was occupied by mix thoughts while watching his brothers very entertained with the baby in the movable crib. Apparently, they are doing it to annoy him.Kung tutuusin, walang dahilan para pagurin niya ang utak sa pag-iisip. Hindi siya ang ama ng batang iyon. But this is somehow agitating. Glen and the baby were succeeding invading his mind. Parang sumali ng marathon ang isip niya sa haba ng milyang tinakbo para lang bigyan ng katarungan ang pagdating ng dalaga at ng sanggol sa kanyang buhay."Why don't you join them?" Dumantay sa balikat niya ang kamay ni Gabrylle, kasabay ng paglipad ng kanyang paningin patungo sa grupo ng mga kaanak nilang gumagawa ng makeshift altar sa gitna ng bulwagan."No, thanks." Inalog niya ang alak sa kanyang baso at sumimsim. Napatitig siya sa interior designer na nagmamando sa grupong nag-aayos ng mga bulaklak. Kanina pa iyon pasuly

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status