LOGIN2003
Nakatitig si Vladimir sa ina na inaayos ang kanyang baseball cap matapos nitong ipasusuot sa kanya ang itim na jacket ng kanyang Itay. Nakangiti ang babae at nakatago sa ilalim ng abaya ang buhok nitong may kulay. Sabi nito pupunta sila sa bayan at may panonooring parada pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nilang magbihis ng ganoon. Balot na balot at halos itago na pati ang mukha.
"Inay, hindi po ba natin dadalawin si Itay sa kulungan?" tanong niya habang nag-aabang sila ng traysikel sa gilid ng daan.
"Mamaya pagkatapos ng parada, anak, pupuntahan natin siya," malumanay nitong sagot at pinisil ang kanyang palad na hawak nito.
Agad nitong pinara ang traysikel na parating ngunit hindi iyon huminto kahit wala namang sakay. May kasunod na dumaan at gaya ng una ay hindi huminto.
"Maglalakad na lang tayo. Baka hindi na natin abutan ang parada," masiglang wika ng kanyang Inay. "Kaya mo namang maglakad hanggang sa bayan hindi ba?" Ang maamo nitong mukha ay nakatunghay sa kanya.
Tumango siya. Sanay naman siya sa mahabang lakaran. Malayo ang paaralan niya mula sa bahay nila at madalas naglalakad lamang siya. Pero mas malayo pa rin ang bayan. Sabi ng teacher nila mahigit dalawang kilometro raw ang distansiya ng bayan mula rito sa barangay nila. Bakit kaya hindi muna sila maghintay pa? Tiyak may ibang traysikel pa na dadaan.
Nag-umpisa na ang parada nang dumating sila sa pusod ng bayan. Maraming mga tao ang nagsiksikan sa gilid ng kalye para manood at may mga bitbit na plakards. May nakasulat.
Pusakal, huwag pamarisan.
Kamatayan para sa pusakal.
Hustisya para sa mga biktima.
Tiningala niya ang ina na nakapako rin ang paningin sa mga plakards. Maputla ang mukha nito at kitang-kita niya ang sakit at lungkot sa mga mata. Biglang umingay ang buong paligid. Kanya-kanyang mura ang mga tao. May sumisigaw pa at tila galit na galit.
Natuon ang mga mata niya sa parating na truck. Sa kaha niyon ay naroon ang lalaking bugbog-sarado at nakaposas. Kahit nagugulpe at ang mukha ay kulay-ube, nakilala pa rin niya ang lalaki nang dumaan sa tapat nila ng kanyang ina ang truck. Hindi siya maaring magkamali. Iyon ang Itay niya. Nanlaki ang mga mata ni Vladimir at tarantang hinahatak ang damit ng ina.
"Inay, si Itay po iyon!" Malakas niyang sigaw.
Agad tinakpan ng Inay niya ang kanyang bibig. "Huwag kang maingay, anak." Bulong nito at mabilis siyang inilayo sa gilid ng kalye.
"Pero, 'Nay! Anong gagawin nila kay Itay?"
"Nararapat lang iyon kanya! Dapat siyang mamatay!" Sigaw ng iilan.
"Pati pamilya niya ay dapat puksain! Mga salot sa bayan!" dagdag ng iba.
"Nagtangka pa raw tumakas kaninang madaling araw!"
"Inay? Bakit po sila galit sa atin? May kasalanan po ba tayo sa kanila?" nalilito at nasasaktang tanong niya sa ina.
Umiling ito. Pilit na ngumiti. "Huwag mo na silang pakinggan, anak. Halika na, puntahan natin ang Itay mo." Tinangay siya nito patungo sa plaza.
Mas maraming tao roon at hindi sila makapunta sa gitna kahit nakikipagtulakan ang Inay niya para makasilip ng madadaanan. Kaya naghanap sila ng mataas na lugar para makita ang nangyayari sa looban ng plaza. Natanaw niyang pinauupo sa silyang bakal ang Itay niya at ipinosas sa magkakabilang arm-rest ang mga pulso nito. May mga police na nakapalibot dito at may pari.
Maya't maya pa ay nakita niyang nangisay ang kanyang ama. Mabilis siyang kinabig ng kanyang ina at niyakap ng mahigpit. Natahimik ang buong paligid. Ang tanging naririnig niya ay ang impit na hikbi at iyak ng Inay niya. Nang sulyapan niya ang kanyang Itay. Hindi na ito gumagalaw. Nakalaylay ang ulo.
Hanggang sa pag-uwi ay hindi niya nagawang magtanong dahil walang tigil ang pagluha ng Inay niya. Natatakot siyang baka kapag sinubukan niyang magtanong ay lalo lamang itong umiyak. Sa edad na dose ay natuto siyang magkimkim ng mga bagay sa kanyang sarili para protektahan ang damdamin ng mga taong nag-alaga at nagpalaki sa kanya.
Ang nangyari kanina sa plaza ay isang paghatol. Hinatulan ng kamatayan ang kanyang Itay sa pamamagitan ng silya elektrika. Pero hindi malinaw sa kanya kung anong nagawa nitong kasalanan. Narinig niya lang na nakapatay ito pero wala namang sapat na katibayan.
"Vlad, kumain na tayo." Sinilip siya ng kanyang ina sa loob ng kwarto habang nakadapa siya sa kama at sinubukang palayain ang isip sa tanawing nakita kanina sa plaza.
Hindi siya makaiyak kahit hinahati-hati ang puso niya sa sobrang sakit. Hindi niya mapilit ang mga matang magpalaya ng mga luha. Bumangon siya. Isinuot ang tsinelas at lumabas ng kwarto.
Inakbayan siya ng ina patungo sa hapag. "Anong gusto mong lutuin ko sa birthday mo? Malapit na iyon. Trese ka na." Pilit nitong nilalangkapan ng sigla ang tono.
At ayaw niyang sirain ang baluting pilit nitong isinusuot sa sarili upang maikubli ang kalungkutan, kung wala naman siyang kakayahang pawiin ang sakit na nadarama nito ngayon.
"Kahit ano po, Inay. Lahat naman ng niluluto mo ay masarap." Naupo siya sa kanyang silya sa harap ng pagkain. Piniritong isda at kilawin na talbos ng kamote.
"Pupunta ako ng club ngayon, okay ka lang ba rito?" tanong nitong nilagyan ng kanin ang kanyang pinggan.
"Okay lang po ako rito." Kumuha siya ng isang pirasong isda at nagsimulang kumain.
Lumigid sa likuran niya ang kanyang Inay at niyakap siya. "Vlad, alam mong hindi namin nilihim sa iyo ng tatay mo ang tungkol sa tunay mong pagkatao. Anuman ang nakita mo ngayon doon sa plaza huwag kang panghinaan ng loob." H******n nito ang kanyang ulo. "Nagmula ka sa isang kilalang angkan, anak. Isang marangal na angkan. Ang nanay mo ay half-Egyptian at may dugong bughaw. Ngunit dahil mapanghusga ang mundo, hindi sila pinayagang magkasama ng iyong ama. Namatay siyang ang tanging nais ay magkaroon ka ng masaya at normal na buhay."
"Si Itay, talaga bang may kasalanan siya?" Tumigil siya sa pagkain.
"Wala, anak. Pero minsan kailangang may umako ng kasalanan para protektahan ang iba. Kailangang may umako ng parusa para makapagpatuloy ang dapat magpatuloy."
Dama niya ang mainit na mga likidong pumatak sa kanyang balikat. Mariin niyang kinagat ang labi at pinigil ang sariling lingunin ang inang umiiyak.
"Tandaan mo, Vlad. Huwag mong husgahan ang iyong kapwa nang walang sapat na katibayan. Huwag mong hatulan ang iba base lamang sa iyong narinig at nakita. Parusahan mo ang dapat parusahan. Gantimpalaan ang dapat gantimpalaan. Maging malupit ka lang kung para sa katarungan." Binitawan siya nito at kinuha ang kanyang kamay. May nilagay na gintong singsing na nakapaloob sa kwintas. "Ibinilin sa akin ng iyong tunay na ina, ibigay mo raw iyan sa babaeng pipiliin mo magpapatuloy ng iyong magiging lahi balang araw."
Pinagmasdan niyang maigi ang singsing. A crest of sphinx with letter C inside is carved in it. Sphinx stands for Egypt and letter C for his name Cuellam.
"Bumuo ka ng marangal na lahi, Vlad. Isang lahi na tagapagtanggol ng mga mahihina at api." Kinuha nito ang kwintas at isinuot sa kanyang leeg kasama ang singsing na nakalawit doon.
Kinabukasan ay hinintay niya ang ina para sa agahan pero alas-nuwebe na ay hindi pa rin ito dumating. Dapat ay nakauwi na ito ng alas-siyete ng umaga.
Pumasok siya sa kanyang kwarto at nagbihis. Pupuntahan niya ito sa club. Naglakad lamang siya patungo sa bayan. Guest relation officer sa isang sikat na club sa bayan ang kanyang Inay. Kwento nito'y roon nito nakilala ang Itay niya na dating bodyguard ng isang politiko.
Malapit na siya sa boundary papasok ng bayan nang mapansin niya ang kumpol ng maraming mga tao sa may ilog na dumadaloy patawid sa ilalim ng tulay. Nahinto siya nang marinig ang sinabi ng paalis na mga aleng may bitbit na bayong.
"Ganyan talaga ang mangyayari kapag p****k. Sadista marahil ang sinamahan kagabi."
P****k? Madalas siyang napapaaway sa paaralan dahil sa bansag na iyan sa kanyang ina. Kabadong sumiksik siya sa umpukan ng mga ususero at nanlambot nang matanaw ang babaeng nakahandusay sa damuhan sa gilid ng sapa. Ang kanyang Inay. Nababalot ng dugo ang damit nito.
May dalawang police sa malapit. Ang isa ay sinisiyasat ang paligid ang isa naman ay may dalang camera na nakaumang sa bangkay at kinukunan ng litrato.
Gusto niyang sumigaw. Tawagin ang kanyang ina pero walang boses na lumalabas sa kanyang lalamunan. Biglang naging manhid ang kanyang pakiramdam kasabay ng sunud-sunod na patak ng mga luha.
Sa tulong ng DSWD ay naasikaso ang bangkay ng kanyang mga magulang. Magkasabay na inilibing ang mga ito. Iilang kakilala lamang ang dumalo at nakiramay sa kanya.
Lumuhod siya sa harap ng dalawang puntod na magkatabi at mahigpit na nagkuyom ng mga kamao. Hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan. Pinukpok niya ng pinukpok ang sariwang lupa at ang lapida na hindi pa tapos. Galit siya. Galit na galit siya. Pero hindi niya alam kung kanino. Sa Diyos? Sa mundo? Sa tadhana? O, sa sarili.
Gabi na siyang umuwi sa kanilang bahay na nagmistulang kulungan sa ilalim ng lupa. Napakadilim. Nagsindi siya ng kandela at naupo sa isang sulok sa loob ng kanyang kwarto. Kinapa niya ang singsing sa suot na kwintas.
"Happy 13th birthday, Vladimir." Pabulong niyang bati sa sarili.
HISTERIKAL na pinagpupunit ni Zahari Tan ang sulat. Itinapon sa sahig at gigil na inapak-apakan. It was a letter sent from the council of Andromida Conglomerate. A declaration that the negotiation between the Tanshun Realty has been canceled.Nakasaad doon na hindi matutuloy ang negosasyon sa kasal nilang dalawa ni Vladimir dahil pumili na ang lalaki ng babaeng dadalhin nito sa altar at hindi siya iyon. Wala sa labing-dalawang nakapila sa negosasyon. Pagkat ang pinili nito ay ang social worker na si Jerglen Mae Bestre."Ang hampas-lupang iyon!" Nasusuklam niyang sigaw.This can't be happening. Hindi niya ito matatanggap. Siya dapat ang ikakasal kay Vladimir. Siya lang dapat dahil may anak sa kanya ang lalaki.A year ago...Hindi maiwasan ni Zahari ang mag-alala nang makarating sa kanya ang balitang may nadagdag na namang babae para sa negosasyon na pagpipilian ni Vladimir Andromida. Labing-dalawa na silang lahat. Hindi pwedeng maging kampante kahit tiniyak sa kanya ng council na malak
Vladimir caught a deep sigh of relief after Lyam turned to his direction and nodded."She's fine, no need to worry. It must be the shock that got her. She'll wake up soon." Pagtitiyak nito at tumayo matapos suriing maigi si Glen.Nawalan ng malay-tao kanina ang dalaga matapos siyang makita na walang anumang saplot sa katawan. He was just fooling around. She's too touchy that he thought of teasing her a little. He forgot that she's virgin and she might never see a naked man in the flesh before. That shows in her fragile and tentative demeanor whenever their eyes met."But I suggest you wear something proper. Baka himatayin ulit iyan 'pag nakita kang nagtiyaga riyan sa kakarampot na towel," may halong biro na wika ng kapatid.Tumango siya at hinango ang sarili mula sa couch. Nagsuot siya ng pantalon at shirt. Unti-unti nang nagkakakulay ang mukha ng dalaga. Hindi tulad kanina na dinaig ang papel sa sobrang putla. Ang gumigitaw na mumunting pawis sa noo at ilong nito ay mistulang tipak n
THE DISCUSSION between her and Vladimir's wedding schedule has taken a serious turn when Glen's parents and sister arrived. Hindi na nakatanggi pa ang binata matapos siyang makita ni Athrun na natutulog sa kama ng lalaki nang hubo't hubad.That was a damn luck. Pure and simple damn luck. Parte ng kanyang mga hakbang para bumilis ang pag-usad ng kanyang plano.Ang pasukin ang silid ni Vladimir para pikutin ito at kinatigan siya ng pagkakataon. Though the chance for it to succeed is fifty-fifty but she made it. Natangay niya ang binata sa distinasyong gusto niya para rito. Sa kanyang piling."Masyadong magastos ang church wedding. Sa civil na lang muna. Hindi naman ako humihingi ng magarbong kasal. Saka na lang siguro ang kasal sa simbahan." Nagsalita siya sa gitna ng diskusyon ng kanyang mga magulang at ni Athrun.Vladimir remained quiet in the corner, taking in the situation calmly but the hard expression he had on his handsome face was scarier than usual. Mamaya baka padadapain siya
2003Nakatitig si Vladimir sa ina na inaayos ang kanyang baseball cap matapos nitong ipasusuot sa kanya ang itim na jacket ng kanyang Itay. Nakangiti ang babae at nakatago sa ilalim ng abaya ang buhok nitong may kulay. Sabi nito pupunta sila sa bayan at may panonooring parada pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nilang magbihis ng ganoon. Balot na balot at halos itago na pati ang mukha."Inay, hindi po ba natin dadalawin si Itay sa kulungan?" tanong niya habang nag-aabang sila ng traysikel sa gilid ng daan."Mamaya pagkatapos ng parada, anak, pupuntahan natin siya," malumanay nitong sagot at pinisil ang kanyang palad na hawak nito.Agad nitong pinara ang traysikel na parating ngunit hindi iyon huminto kahit wala namang sakay. May kasunod na dumaan at gaya ng una ay hindi huminto."Maglalakad na lang tayo. Baka hindi na natin abutan ang parada," masiglang wika ng kanyang Inay. "Kaya mo namang maglakad hanggang sa bayan hindi ba?" Ang maamo nitong mukha ay nakatunghay sa ka
HINDI agad nakasagot si Glen matapos marinig ang sinabi ng kaibigan niyang si Rica mula sa kabilang linya. Isa ito sa mga nakaaalam ng plano niyang lapitan si Vladimir Andromida."Rica, sigurado ka bang binayaran na 'yong lupain?" tanong niyang nanghina sa nalaman mula sa kaibigan.Binalita nitong naibinta na ang karatig na mga lupain sa Mt. Baco. Taniman ng gulay ang lambak na iyon. It is a hundred acres of land rich in spices, root crops and green-leafy veggies. Isa iyon sa pinagkukunan ng malaking supply ng bansa at kabuhayan ng mga Iraya."Iyon ang narinig ni Inang mula sa bayan at sa susunod na linggo ay sisimulan na raw ang development doon," balisang sagot ni Rica. "Magtatagal ka pa? Sana makauwi ka na rito.""Pangako, uuwi ako sa lalong madaling panahon at isasama ko si Vladimir Andromida." Matatag niyang deklarasyon.Kailangan na niyang bilisan ang plano. Baka kapag nagtagal pa siya roon ay wala nang tahanan ang mga Iraya na dadatnan niya pag-uwi ng Baco. Pwede naman niyang s
Vlad tightened his grip on the champagne glass he's holding. Leaning against the edge of the glass panel in the main hall, he was occupied by mix thoughts while watching his brothers very entertained with the baby in the movable crib. Apparently, they are doing it to annoy him.Kung tutuusin, walang dahilan para pagurin niya ang utak sa pag-iisip. Hindi siya ang ama ng batang iyon. But this is somehow agitating. Glen and the baby were succeeding invading his mind. Parang sumali ng marathon ang isip niya sa haba ng milyang tinakbo para lang bigyan ng katarungan ang pagdating ng dalaga at ng sanggol sa kanyang buhay."Why don't you join them?" Dumantay sa balikat niya ang kamay ni Gabrylle, kasabay ng paglipad ng kanyang paningin patungo sa grupo ng mga kaanak nilang gumagawa ng makeshift altar sa gitna ng bulwagan."No, thanks." Inalog niya ang alak sa kanyang baso at sumimsim. Napatitig siya sa interior designer na nagmamando sa grupong nag-aayos ng mga bulaklak. Kanina pa iyon pasuly







