Share

3 - her story

Author: 4stratcats
last update Last Updated: 2026-03-02 14:52:54

A year ago

Mabilis na kumalat ang apoy sa buong lambak at ang usok ay tila dambuhalang dragon na sinakop ang buong himpapawid. Mahigpit na ikinapit ni Glen ang isang kamay sa sanga ng punong inakyat niya at pinahid ang gumitaw na pawis sa kanyang noo. Napangiwi ang dalaga dahil sa hapding gumuhit sa kanyang balat. Buong mukha niya ay tila sunog na rin dahil sa matinding init ng nagliliyab na apoy na sumingaw hanggang sa burol na kanyang kinaroroonan. Inayos niya ang suot na mask at nag-aalalang tumingala. Paano na ang mga ibon at ang mga Tamaraw sa bahaging iyon na tinutupok ng apoy? Tag-araw pa naman at imposibleng umulan.

Maya't maya pa ay natanaw niya ang dumarating na mga trucks ng bombero at ang grupo ng mga cowboys sakay ng mga kabayo. Pinasok ng mga ito ang lambak at sinuong ang apoy habang nagsisimulang magpaulan ng malakas na buhos ng tubig ang mga firetrucks. Kailangang mayroon din siyang gawin. Hindi pwedeng nakatunganga lamang siya rito at nanonood.

Bumaba siya ng puno at umalis ng burol. Dumaan siya sa may ilog at nilublob niya ang sarili doon. Itinago sa ilalim ng gora ang basang buhok at isinuot ng maigi ang mask saka tinunton ang lambak. Masakit sa mata hindi lamang ang singaw ng init kundi maging ang agiw ng mga abong tinatangay ng hangin.

Then she felt the ground shakes and saw a herd of the tamaraws came out from the other side of the valley. They were following one of the horseback riders, wearing a teargas mask and who is seemingly showing the way out for the animals. Napahigit siya ng malalim na hininga dahil sa saya. Salamat naman. Akala niya ay tuluyan nang matutusta ang isa sa mga kayamanan ng Mindoro.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Pero habang papalapit siya sa bukana ng lambak ay paiksi ng paiksi ang kanyang paghinga. Tumatagos sa suot niyang mask ang usok at nasasakal siya. Kaya pala pinagbawalan siya ng kanina ng tribe leader na tumulong para maapula ang apoy.

Bago siya panawan ng ulirat ay nadama niya ang kamay na sumaklot sa kanya at isinampa siya sa kabayo.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Bumungad sa kanya ang balisang mukha ng kanyang inang si Janina nang muli niyang buksan ang mga mata.

Bumaling siya sa pinto kungsaan ang malapad na likod ng isang lalaking palabas ang nahabol niya ng tanaw. Nakahiga siya sa kama ng community hospital ng Baco. Mukhang hindi kinaya ng baga niya ang nakalalasong usok ng sunog sa lambak.

"Anak, ayos ka lang ba?" muling tanong ng mama niya nang hindi siya kumibo.

"Okay lang po ako, Ma. Na-suffocate lang ako sa usok. Nakalimutan kong may halong chemicals na pala iyong tubig na pinakakawalan ng mga bombero. Hindi ko kinaya ang tapang." Maagap niyang paliwanag.

Tumango si Janina at ginagap ang kanyang kamay. "Tinakot mo kami ng papa mo. Napasugod tuloy kami rito nang walang kahit anong dala." Angal nito.

"Okay lang po. Hindi naman ako magtatagal dito. Mamaya siguradong papayagan na ako ng doctor na makalabas."

"Hindi ka muna lalabas. Kailangan mong magpahinga." Kontra ng ginang.

Pero hindi rin siya napilit ng mga magulang. Pagkatapos siyang payagan ng doctor ay agad siyang nagyaya na umuwi. Ni hindi siya pumalya sa pagpasok sa trabaho niya kinabukasan.

Matunog na usapan sa kanilang opisina sa Municipal Social Welfare  and Development Office ang nangyaring grassfire na umabot hanggang sa kalapit na gubat paakyat sa Mt. Baco bago naapula.

"Gagawa raw ng resolution ang Sangguniang-bayan bilang pagkilala  para sa grupong sumagip sa mga Tamaraw at isa-isa silang bibigyan ng parangal ni mayor doon sa session hall mamaya." Kwento ng ka-trabaho niyang si Nelly.

"Mabuti naman. Natutuwa ako at nailigtas ang mga Tamaraw," masigla niyang sagot. Isa sa grupo ang sumakloko sa kanya kahapon nang mawalan siya ng malay-tao.

Binuksan niya ang kanyang computer matapos linisin ang ibabaw ng kanyang mesa. Tiningnan niya rin ang trabaho niya na nakakalendaryo na para sa araw na iyon. May meeting pala siya mamaya sa Commitee on Laws para sa update ng Violence Against Women and Children.

"Pumunta tayo mamaya. Gusto kong makita ang grupong iyon. Buti na lang talaga nagkataon na may expedition sila rito. Kung hindi natupok na ang mga hayop doon sa lambak," dagdag pa ni Nelly na halatang hangang-hanga sa kabayanihan ng grupo.

"Ilan ba silang lahat?" tanong niya.

"Fifteen daw. At ang lalaking ito ang lider nila." May kinuha itong litrato mula sa katabing mesa at ipinakita sa kanya. "Iyan lang ang picture na mayroon siya sa social media. Vladimir Andromida."

"Glen, tawag ka ni ma'am." Kinambatan siya ni Rica. Hindi niya natingnang maigi ang litrato kaya itinago na lang muna niya sa drawer ng kanyang table. Nagmamadaling pumasok siya sa opisina ng kanilang department head.

"Good morning, ma'am." Bati niya sa matabang babaeng nakaupo sa likod ng malaking desk.

Nag-angat ito ng mukha at ngumiti sa kanya. "Glen, may meeting ka mamaya, di ba? Itanong mo nga ito roon. Tungkol iyan sa status ng drop-in center natin. May tatlong mga batang Iraya-Mangyan ang ipinasok kahapon."

Kinuha niya ang papel na ibinigay nito at saglit na binasa. Case study iyon ng mga batang dumating kahapon. Iraya-Mangyan are the tribe living in Baco. 

"Sige po, ma'am."

"Narinig ko ang nangyari kahapon. Kumusta ka na nga pala?" tanong nito.

"Okay lang po ako." Ngumiti siya ng matamis.

"Buti na lang nailigtas ka ng isang cowboy. Nag-aalala kami rito."

"Salamat po, ma'am. Gagawa po pala ako ng report ngayon tungkol sa pamilyang binisita ko kahapon doon sa bundok para mabigyan na po natin sila ng assistance."

Katatapos lang niya sa kursong social works nitong taon. Habang hinihintay niya ang resulta ng board exam ay inalok siya ng CSWDO na magtrabaho muna rito. Target niyang pumasok sa province kapag nakakuha na siya ng lisensya sa pagiging social worker. Mas malaki kasi ang sakop ng probinsya at mapagtutuunan niya ng pansin ang buong Mangyan population na naninirahan sa Mindoro.

Maaring idealistic siya para sa iba pero hindi naman siya naghahangad na makagawa ng malalaking bagay. Simple and small things as long as it can make a difference to the lives of the natives. Magiging masaya na siya at kontentong makita na umuunlad ang pamumuhay ng mga ito kasabay ng pag-usbong ng buong bansa.

Hindi siya isang Mangyan pero ang mga ito ang madalas niyang kalaro noong bata siya. Mga katutubo na hindi marunong mag-isip ng masama sa kapwa. Busilak ang loob at kung tumulong ay walang hinihintay na kapalit. Para sa kanya, ang mga ito ang totoong yaman ng Mindoro bukod sa nga Tamaraw. Kaya aalagaan niya at po-protektahan ang kapakanan ng mga taong ito.

Inisip niyang sumaglit doon sa session hall bago ang meeting niya. Bakasakaling matiyempuhan niya ang cowboy na tumulong sa kanya kahapon. Makapagpasalamat man lang siya. Nai-kwento ng mama niya kagabi na iyong lalaking nakita niyang palabas ng kanyang kwarto roon sa hospital ay ang cowboy na sumagip sa kanya.

May kumpulan ng mga empleyadong babae sa bukana ng gusaling tinutungo niya. Gusto rin yatang maki-usyuso ang mga ito sa mga miyembro ng expedition.

"Glen!" tawag ni Rica sa kanya. Kinambatan na naman siya nito.

Lumapit siya habang gumagala ang mga mata sa buong paligid. Unti-unti na kasing nag-alisan ang mga naroon. "Kumusta iyong parangal?" tanong niya sa kaibigan.

"Pumunta rito ang team leader ng mga cowboys. Nakita ng iba pero hindi ko inabutan. Umalis kasi agad. Kinuha lang iyong resolution at tutuloy na raw iyon sa Mt. Baco para bisitahin ang mga katutubo." Mabilis nitong kwento.

Tumango na lamang siya. Sayang naman. Nilingon niya ang direksiyon ng bundok. "Iyong Vladimir Andromida ba ang lider ng grupo?"

"Siguro, gwapo raw sabi ng mga nakakakita. As in hunk and punk sa kagwapuhan." Ngumisi si Rica.

Napairap naman siya. "Hindi ko tinatanong kung anong hitsura niya. Kapapantasya mo sa mga gwapo nabibilaukan ka na ng sarili mong laway." Kastigo niya rito at bumira ng alis. Tumuloy siya sa kanyang meeting na hati ang iniisip.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   10 - wedding

    HISTERIKAL na pinagpupunit ni Zahari Tan ang sulat. Itinapon sa sahig at gigil na inapak-apakan. It was a letter sent from the council of Andromida Conglomerate. A declaration that the negotiation between the Tanshun Realty has been canceled.Nakasaad doon na hindi matutuloy ang negosasyon sa kasal nilang dalawa ni Vladimir dahil pumili na ang lalaki ng babaeng dadalhin nito sa altar at hindi siya iyon. Wala sa labing-dalawang nakapila sa negosasyon. Pagkat ang pinili nito ay ang social worker na si Jerglen Mae Bestre."Ang hampas-lupang iyon!" Nasusuklam niyang sigaw.This can't be happening. Hindi niya ito matatanggap. Siya dapat ang ikakasal kay Vladimir. Siya lang dapat dahil may anak sa kanya ang lalaki.A year ago...Hindi maiwasan ni Zahari ang mag-alala nang makarating sa kanya ang balitang may nadagdag na namang babae para sa negosasyon na pagpipilian ni Vladimir Andromida. Labing-dalawa na silang lahat. Hindi pwedeng maging kampante kahit tiniyak sa kanya ng council na malak

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   9 - arrangement

    Vladimir caught a deep sigh of relief after Lyam turned to his direction and nodded."She's fine, no need to worry. It must be the shock that got her. She'll wake up soon." Pagtitiyak nito at tumayo matapos suriing maigi si Glen.Nawalan ng malay-tao kanina ang dalaga matapos siyang makita na walang anumang saplot sa katawan. He was just fooling around. She's too touchy that he thought of teasing her a little. He forgot that she's virgin and she might never see a naked man in the flesh before. That shows in her fragile and tentative demeanor whenever their eyes met."But I suggest you wear something proper. Baka himatayin ulit iyan 'pag nakita kang nagtiyaga riyan sa kakarampot na towel," may halong biro na wika ng kapatid.Tumango siya at hinango ang sarili mula sa couch. Nagsuot siya ng pantalon at shirt. Unti-unti nang nagkakakulay ang mukha ng dalaga. Hindi tulad kanina na dinaig ang papel sa sobrang putla. Ang gumigitaw na mumunting pawis sa noo at ilong nito ay mistulang tipak n

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   8 - naked

    THE DISCUSSION between her and Vladimir's wedding schedule has taken a serious turn when Glen's parents and sister arrived. Hindi na nakatanggi pa ang binata matapos siyang makita ni Athrun na natutulog sa kama ng lalaki nang hubo't hubad.That was a damn luck. Pure and simple damn luck. Parte ng kanyang mga hakbang para bumilis ang pag-usad ng kanyang plano.Ang pasukin ang silid ni Vladimir para pikutin ito at kinatigan siya ng pagkakataon. Though the chance for it to succeed is fifty-fifty but she made it. Natangay niya ang binata sa distinasyong gusto niya para rito. Sa kanyang piling."Masyadong magastos ang church wedding. Sa civil na lang muna. Hindi naman ako humihingi ng magarbong kasal. Saka na lang siguro ang kasal sa simbahan." Nagsalita siya sa gitna ng diskusyon ng kanyang mga magulang at ni Athrun.Vladimir remained quiet in the corner, taking in the situation calmly but the hard expression he had on his handsome face was scarier than usual. Mamaya baka padadapain siya

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   7 - 13th birthday (the past)

    2003Nakatitig si Vladimir sa ina na inaayos ang kanyang baseball cap matapos nitong ipasusuot sa kanya ang itim na jacket ng kanyang Itay. Nakangiti ang babae at nakatago sa ilalim ng abaya ang buhok nitong may kulay. Sabi nito pupunta sila sa bayan at may panonooring parada pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nilang magbihis ng ganoon. Balot na balot at halos itago na pati ang mukha."Inay, hindi po ba natin dadalawin si Itay sa kulungan?" tanong niya habang nag-aabang sila ng traysikel sa gilid ng daan."Mamaya pagkatapos ng parada, anak, pupuntahan natin siya," malumanay nitong sagot at pinisil ang kanyang palad na hawak nito.Agad nitong pinara ang traysikel na parating ngunit hindi iyon huminto kahit wala namang sakay. May kasunod na dumaan at gaya ng una ay hindi huminto."Maglalakad na lang tayo. Baka hindi na natin abutan ang parada," masiglang wika ng kanyang Inay. "Kaya mo namang maglakad hanggang sa bayan hindi ba?" Ang maamo nitong mukha ay nakatunghay sa ka

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   6 - in his bed

    HINDI agad nakasagot si Glen matapos marinig ang sinabi ng kaibigan niyang si Rica mula sa kabilang linya. Isa ito sa mga nakaaalam ng plano niyang lapitan si Vladimir Andromida."Rica, sigurado ka bang binayaran na 'yong lupain?" tanong niyang nanghina sa nalaman mula sa kaibigan.Binalita nitong naibinta na ang karatig na mga lupain sa Mt. Baco. Taniman ng gulay ang lambak na iyon. It is a hundred acres of land rich in spices, root crops and green-leafy veggies. Isa iyon sa pinagkukunan ng malaking supply ng bansa at kabuhayan ng mga Iraya."Iyon ang narinig ni Inang mula sa bayan at sa susunod na linggo ay sisimulan na raw ang development doon," balisang sagot ni Rica. "Magtatagal ka pa? Sana makauwi ka na rito.""Pangako, uuwi ako sa lalong madaling panahon at isasama ko si Vladimir Andromida." Matatag niyang deklarasyon.Kailangan na niyang bilisan ang plano. Baka kapag nagtagal pa siya roon ay wala nang tahanan ang mga Iraya na dadatnan niya pag-uwi ng Baco. Pwede naman niyang s

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   5- blackmail

    Vlad tightened his grip on the champagne glass he's holding. Leaning against the edge of the glass panel in the main hall, he was occupied by mix thoughts while watching his brothers very entertained with the baby in the movable crib. Apparently, they are doing it to annoy him.Kung tutuusin, walang dahilan para pagurin niya ang utak sa pag-iisip. Hindi siya ang ama ng batang iyon. But this is somehow agitating. Glen and the baby were succeeding invading his mind. Parang sumali ng marathon ang isip niya sa haba ng milyang tinakbo para lang bigyan ng katarungan ang pagdating ng dalaga at ng sanggol sa kanyang buhay."Why don't you join them?" Dumantay sa balikat niya ang kamay ni Gabrylle, kasabay ng paglipad ng kanyang paningin patungo sa grupo ng mga kaanak nilang gumagawa ng makeshift altar sa gitna ng bulwagan."No, thanks." Inalog niya ang alak sa kanyang baso at sumimsim. Napatitig siya sa interior designer na nagmamando sa grupong nag-aayos ng mga bulaklak. Kanina pa iyon pasuly

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status