Pagpasok nila Stanley at Camilla sa hall ay madami ng tao at automatic na nakatingin ang lahat sa kanila. Kilala si Congressman Stanley Berenguer sa pagiging magaling na mambabatas at madami na ding babae na nali-link sa kanya.Wala naman siyang ipinakikilalang karelasyon niya pero sa lahat ng mga parties na pinupuntahan niya ay may plus one siya. At dahil hindi pa naman siya handang magpatali sa mga relasyon, mas pinipili niyang konatakin si Chit, para bigyan siya ng escort na kailangan niya.At nung makita niya ang larawan ni Camilla sa roaster, ito ang napili niya para sa gabing ito dahil bago ito sa kanyang paningin. Bata pa ito kumpara sa mga ibang escorts na nakasama niya at sa palagay niya, ito din ang unang escort na hindi niya maikakama.“Aiden, my friend!” Napalingon si Aiden Buenavista nung marinig niya ang tinig na ito at hindi nga siya nagkamali na galing ito sa isang malapit na kaibigan niya“Stan!” sabi naman ni Aiden at nilapitan niya ang kanyang kaibigan na agad nama
Dumating si Camilla sa Hotel Venezia at nagulat pa siya dahil pagdating niya sa kwartong nakareserve sa kanya ay may taong naghihintay sa kanya. “Ay nandito ka na! Halika na dali!” anito sabay hila kay Camilla papasok ng kwartoNung makapasok na siya ay tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at naglat pa nga siya nung itulak siya nito ng mahina papasok ng banyo.“Teka, naligo na ako!” ani Camilla kaya natawa naman ang baklang dinatnan niya dito sa kwarto“Alam ko naman yun! May robe diyan sa loob kaya tanggaling mo na yang damit mo at ng maayusan na kita!” sabi nito sabay sara ng pinto ng banyoAyon naman kay Chit, hindi na niya kailangang mag-ayos o mag-make up at nung makita niya ang baklang ito ay nasagot na ang tanong niya. May mag-aayos naman pala sa kanya at may damit na din siyang isusuot.Nagtanggal na siya ng damit at nung maisuot na niya ang roba ay lumabas na siya sa banyo. Pinaupo siya ng bakla sa harap ng salamin para ayusan.“Hmmm…pwede ba akong magtanong?” Napatingi
Tinitigan ni Camilla ang hawak niyang calling card at kanina pa siya nagdadalawang isip kung tatawagan ba niya ito o hindi. Isang linggo na siyang nag-iisip at kahit anong gawin niyang overtime sa trabaho niya sa restaurant, hindi pa rin niya maiipon ang kalahating milyon na utang nila sa pinagsanlaan ng bahay at lupa nila noon.Nagasakit ang ate niya ng malubha kaya naman napilitan ang Mommy na isangla ang bahay at lupa nila sa pag-asang gagaling ito. Pero naubos ang lahat ng naipundar ng magulang niya at namatay naman ang ate niya.At para daw hindi sila parusahan, kailangang ituloy ni Camilla ang pangako ng Mommy niya. Pero hindi ito nangyari dahil iba ang pangarap ni Camilla. Gusto niyang maging magaling na chef at nag-aaral na siya noon pero pinatigil na siya ng Mommy niya at hindi na siya nag-enroll nung susunod na semestre.Naniniwala siya na hindi naman masama ang Diyos para parusahan siya kaya naman nakaisip siya ng paraan para hindi matuloy ang gusto ng Mommy niya. At kahit
BOOK TWOTHE CEO'S CHERISHED ESCORT“Saan ka ba galing?” Pumasok si Camilla sa kusina ng restaurant na pag-aari ng magulang ng kanyang kaibigan na si Menchie dahil malapit ng magtanghali at gaya ng dati, dadagsa na naman ang mga tao dito para kumain.Sa kusina siya naka-assign dahil may talent siya sa pagluluto at nagamit naman niya ang bagay na ito sa kanyang trabaho ngayon.“Dumaan lang ako sa simbahan!” sagot niya ni Camilla sa kaibigan niyang si Menchie habang inilalabas niya ang mga pinamiling gulay sa palengkeNaglakad kasi siya siya dahil puno ang mga jeep at nakita niya ang simbahan kaya naman nagdesisyon siyang dumaan doon.“Ano, humingi ka na naman ng tawad sa Diyos dahil hindi natuloy ang pagmamadre mo?” ani Menchie at hindi na nga siya sumagot dahil hahaba lang ang diskusyon nilang magkaibigan“Camilla, hindi naman kasalanan na mortal yun! Maiintindihan naman ng Diyos kung hindi mo matutupad ang pangako ng Mommy mo na magmamadre ka dahil sabi mo nga, hindi mo maramdam
“Kate Alicia Maristela Buenavista!” Napalingon si Kate at napatili siya nung makita niya kung sino ang bagong dating.“DEniz!!!” tili niya at niyakap niya ito ng mahigpit nung makalapit ito sa kanyaKasal na din si DEniz kay Lawrence at mabuti na lang, nasa anim na buwan na ang tiyan niya noon kaya naman nakarating sila sa kasal ng mga ito na ginanap sa California. Nagkita ulit si Kate at ang pamilya ni Declan kaya naman naging masaya ang isang linggong bakasyon nila doon.Na-meet na din ni Pauleen si Macey at hanggang ngayon, nagkakausap sila online at naging magkaibigan na din sila.“Kamusta ka na?” tanong ni Deniz nung makaupo na sila sa garden at matapos batiin ni Kate si Lawrence na hinanap naman agad si Aiden na pauwi pa lang noon galing sa office“Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka na!” ani Kate kaya napangiti naman si Deniz“E di hindi na surprise yun!” sagot naman ni Deniz“Your place is nice!” sabi ni Lawrence habang nililibot nito ang paningin sa malawak na hardinIl
Niyugyog ni Kate si Aiden nung maramdaman niya na panay na ang hilab ng kanyang tiyan. Actually, kanina pa siya gising dahil nakaramdam na siya ng pananakit ng balakang.Pero hindi pa naman siya masyadong naalarma dahil napagdaanan na niya ito noon kay Pauleen.At dahil pagod na pagod si Aiden galing sa trabaho, hinayaan niya muna itong makatulog.Nadagdagan ang workload ni Aiden buhat nung magkasundo sila ni Giselle at sa awa naman ng Diyos, naging maganda ang resulta ng pagdadala ng franchise ng Polaris dito.Nagdidisenyo pa rin naman si Kate at hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpapakilala as the Hidden Mistress of Polaris. And as usual, maganda ang response ng mga tao sa mga ito at palagi itong sold out.At bago nga siya manganak, nakapag launch pa sila ng collection and it was a hit! Maganda na ang takbo ng relasyon nila ni Aiden at naging tahimik naman ang pagsasama nila lalo pa at hindi na nakalabas si Charlene sa kulungan.Gianna and Kate became good friends at para nga si