Share

Chapter 8

Author: pixiedust
last update Last Updated: 2025-06-27 20:22:38

Nakaupo na sila lahat sa mesa at hinayaan ng lahat na mag-lead ng prayer si Pauleen bago sila kumain. Kanina, paglabas ni Kate sa guestroom matapos niyang maghanda ay nasa kama si Pauleen at hinihintay siya.

“Mommy!” sabi nito at yumakap sa kanya ang anak niya

Pinigilan ni Kate ang emosyon niya dahil nalalapit na ang araw na iiwan na niya ito sa pangangalaga ni Aiden at ng babae niya. Masakit sa kanya pero kung mas magiging masaya si Pauleen kay Charlene, kaya niyang isakripisyo ang pagiging ina niya.

“Pauleen magugusot ang damit ko!” saway niya dito at nakita niya ang pagtataka sa mata ng kanyang anak

Dati kasi, hindi niya sinasaway si Pauleen kahit anong gawin niya, kaya ganun na lang ang pagkabigla ng bata.

“Mommy, galit po ba kayo sa akin?” tanong ni Pauleen at dahil malapit ng malaglag ang mga luha niya ay tumalikod siya at kunwaring nagsuklay ng kanyang buhok

“May dapat ba akong ikagalit, Pauleen? May ginawa ka bang bad?” tanong niya habang panay ang kurap niya para hindi malag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • PLEASE HUSBAND, LET ME GO   Chapter 12

    Sa unang gabi ng lamay ni Lola Bien ay dumagsa na ang mga taong gustong makiramay sa pamilya nila Kate. Nandito na din ang ilang kamag-anak nila at lahat ay may baong magagandang kwento tungkol sa matanda. Mababakas mo sa kanila ang lungkot at pighati sa kaalamang wala na ang matanda at namayapa na.Kilala ang Lola Bien nila sa buong Sta. Isabel na isang mabait at matulunging tao lalo na sa mga taong nagtatrabaho sa hacienda. Para sa kanila, si Lola Bien ang nanay at lola ng lahat dahil madali itong lapitan sa oras ng pangangailangan.Kaya nga hindi nawawalan ng biyaya ang hacienda dahil ayon sa mga taga Sta. Isabel, pinagpapala ito dahil may mabuting puso ang kanilang Lola. At namana naman iyon ng kanyang Kuya Rafael kaya naman mahal na mahal din ng mga taga-hacienda and kapatid niya.Bukas naman darating ang asawa ng Kuya Rafael niya at ang dalawang anak nito mula sa Baguio dahil dinalaw ng mga ito ang magulang ng Ate Trina niya.Nakaupo si Kate sa tabi ng kabaong ng Lola niya at k

  • PLEASE HUSBAND, LET ME GO   Chapter 11

    “Magpahinga ka muna, Kate! Kakatawag lang ni Kuya Rafael kay Nanay Rosing at ang sabi niya, baka mga bukas pa dumating si Lola Bien!” payo ni Nathan kay Kate dahil nakikita niya ang pagod at stress sa mukha nito“Ayoko Nathan! Kailangan nandito ako pagdating ni Lola!” sabi naman ni Kate sa kababata niya“I know! Pero ilang oras pa yun Kate! You need to rest para pagdating niya at ng mga taong makikiramay bukas, may lakas ka!” kumbinsi ulit ni Nathan kay KateNapaiyak si Kate habang nasa mukha niya ang kanyang mga palad. Hindi pa siya handa sa ganitong pagkakataon at ang sakit lang nangyari ito kung kailan niya kailangan ang kanyang Lola Bien.Paano na siya ngayon?Hindi naman napigilan ni Nathan na yakapin si Kate dahil awang-awa siya dito. She have so much on her plate with regards to her marriage at sumabay pa ang pangyayaring ito.At yun ang eksenang nadatnan ni Aiden kaya naman nag-init ang kanyang bumbunan.“Nathan!” alsa-boses nito kaya napatingin sa kanya ang dalawang taong m

  • PLEASE HUSBAND, LET ME GO   Chapter 10

    “Aiden! Sandali!” sabi ni Charlene habang habol niya ang lalaki na ngayon ay papunta na sa kotse niya“Not now, Charlene!” aniya at akmang bubuksan niya ang kotse nung harangan siya nito“Ano ba!” pigil ang boses ni Aiden dahil nag-alala siya na baka may makarinig sa kanila ni Charlene“Saan ka pupunta?” tanong nito kay Aiden kaya napapikit na lang ito hearing her pleading voice“Charlene, kailangan kong puntahan ang asawa ko!” sabi niya dito at nakiusap siya na tumabi si Charlene pero nagmatigas itoMabuti na lang, nasa tagong bahagi ang garahe ng mansion kaya walang makakakita sa kanila unless lumapit dito.“Hindi mo siya pupuntahan, Aiden!” galit na sabi ni Charlene sabay yakap sa lalaki pero agad nitong binaklas ang mga iyon“Charlene, nag-iisip ka ba? Baka may makakita sa atin!” galit na sabi ni Aiden“Oo! Nag-iisip ako! Bakit ka ba natatakot? Mukhang alam na ni Lola Armida ang tungkol sa atin kaya dapat kanina pa lang, umamin na tayo! Lalo ngayon, na yung asawa mo, mukhang trin

  • PLEASE HUSBAND, LET ME GO   Chapter 9

    Nagkatinginan ang lahat dahil sa pagtataka nung masayang batiin ni Pauleen si Charlene.Kate looked at Aiden at nakikita niya ang gulat at discomfort sa mga mata nito sa pagdating ng babae niya. So she concluded na hindi nito alam ang pagpunta ngayon ni Charlene sa bahay ng in-laws niya.“Pauleen, apo, hindi ko alam na close ka pala sa kaibigan ng tita Gianna mo!” ani Armida na balot ng pagtataka pero hindi kumibo si KateHindi niya pagtatakpan ang kalokohang ito! Kung magkaalaman na ang lahat ngayon, bahala na si Aiden na magpaliwanag sa pamilya niya.“Oo nga, Pauleen, you look close huh!” sabi pa ni Nathan na nakatingin sa pamangkin niyaKahit si Gianna ay naguluhan dahil sa pagkakaalam niya, hindi pa naman niya naipapakilala ang pamangkin niya kay Charlene.“Nakikita ni Pauleen si Charlene sa kumpanya, Lola!” sagot ni Aiden kaya napailing na lang si Kate Of course yun ang idadahilan ni Aiden dahil sa kumpanya nga pala nila nagtatrbaho si Charlene. Assistant siya ni Aiden kaya na

  • PLEASE HUSBAND, LET ME GO   Chapter 8

    Nakaupo na sila lahat sa mesa at hinayaan ng lahat na mag-lead ng prayer si Pauleen bago sila kumain. Kanina, paglabas ni Kate sa guestroom matapos niyang maghanda ay nasa kama si Pauleen at hinihintay siya.“Mommy!” sabi nito at yumakap sa kanya ang anak niyaPinigilan ni Kate ang emosyon niya dahil nalalapit na ang araw na iiwan na niya ito sa pangangalaga ni Aiden at ng babae niya. Masakit sa kanya pero kung mas magiging masaya si Pauleen kay Charlene, kaya niyang isakripisyo ang pagiging ina niya.“Pauleen magugusot ang damit ko!” saway niya dito at nakita niya ang pagtataka sa mata ng kanyang anakDati kasi, hindi niya sinasaway si Pauleen kahit anong gawin niya, kaya ganun na lang ang pagkabigla ng bata.“Mommy, galit po ba kayo sa akin?” tanong ni Pauleen at dahil malapit ng malaglag ang mga luha niya ay tumalikod siya at kunwaring nagsuklay ng kanyang buhok“May dapat ba akong ikagalit, Pauleen? May ginawa ka bang bad?” tanong niya habang panay ang kurap niya para hindi malag

  • PLEASE HUSBAND, LET ME GO   Chapter 7

    Napalingon si Kate sa pinto ng kusina nung maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya.Nakita niya si Aiden pero blangko na ang reaksyon niya ngayon sa twing nakikita niya ang asawa.She used to look at him lovingly pero ngayon, ubos na ang pagmamahal na iyon dahil sa ginawa nito sa kanya.Ni wala na siyang nararamdaman dahil manhid na siya sa paulit-ulit na pambabastos ni Aiden sa kanya, bilang babae at bilang tao.Hindi na niya sinama na asawa siya dahil hindi naman siya itinuring ni Aiden na ganito.Tumalikod siya at binalewala si Aiden kahit na galit na galit ang mga mata nito. Binalikan niya ang niluluto niya dahil parating na ang mga bisita at kailangang matapos na din siya sa kusina.“Saan ka galing? Bakit hindi kita inabutan sa bahay kahapon?” tanong ni Aiden who is trying to lower his voiceMuli siyang lumingon at nakita niya na malapit na sa kanya ang kanyang asawa. That familiar scent of his perfume lingered in her nose pero balewala na ito sa kanya ngayon.“Nandito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status