Napalingon si Kate sa pinto ng kusina nung maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya.
Nakita niya si Aiden pero blangko na ang reaksyon niya ngayon sa twing nakikita niya ang asawa.
She used to look at him lovingly pero ngayon, ubos na ang pagmamahal na iyon dahil sa ginawa nito sa kanya.
Ni wala na siyang nararamdaman dahil manhid na siya sa paulit-ulit na pambabastos ni Aiden sa kanya, bilang babae at bilang tao.
Hindi na niya sinama na asawa siya dahil hindi naman siya itinuring ni Aiden na ganito.
Tumalikod siya at binalewala si Aiden kahit na galit na galit ang mga mata nito. Binalikan niya ang niluluto niya dahil parating na ang mga bisita at kailangang matapos na din siya sa kusina.
“Saan ka galing? Bakit hindi kita inabutan sa bahay kahapon?” tanong ni Aiden who is trying to lower his voice
Muli siyang lumingon at nakita niya na malapit na sa kanya ang kanyang asawa. That familiar scent of his perfume lingered in her nose pero balewala na ito sa kanya ngayon.
“Nandito ako, naghahanda para sa birthday ni Lola!” sagot naman ni Kate
“Alam mo na pauwi na kami ni Pauleen, pero inuna mo pa ito kesa ang hintayin kami?” inis na saad ni Aiden kaya tinaasan naman siya ng kilay ni Kate
“Bakit ko naman kayo kailangang hintayin, Aiden? Alam niyo naman ang daan pauwi? Isa pa, pinatawag ako ni Lola dahil hindi ka daw niya makontak!” sagot muli ni Kate at nagtataka siya kung bakit hindi yata nabanggit ni Aiden ang tungkol sa annulment papers na iniwan niya kay Manang Siony
Hindi pa kaya niya ito nabasa?
“Saan ba kasi kayo nagbakasyon at mukhang out of coverage area kayo?” dagdag pa ni Kate sa mahinahon na paraan kaya ito namang si Aiden ang hindi makapaniwala
Bakit parang wala lang kag Kate ang pag-alis niya.
“Never mind! Huwag mo ng sagutin! Ang mahalaga, nag-enjoy si Pauleen, lalo ka na, tama?” mapanghamon na saad ni Kate at hindi ito napaghandaan ni Aiden
“Galing ka ba sa bakasyon, Aiden?”
Napalingon sila pareho at nakita ni Kate ang hindi maipintang reaksyon ng Daddy ni Aiden.
Kakadating lang din nila galing sa bakasyon kanina at sigurado si Kate na wala pa itong alam tungkol sa resignation niya.
“Ah hindi po, Dad! Yung kaibigan ko po ang sinasabi kong galing sa bakasyon! Kinekwento ko lang po dito sa asawa ko!” si Kate na ang sumagot dahil mukhang natameme ang asawa niya
‘Maghintay ka lang Aiden, kapag nalaman ng mga parents mo ang annulment at ang dahilan nito, wala na ako dito at nakaalis na ako!’ bulong ng isip ni Kate
“Akala ko pa naman kayo na ang nagbakasyon! Tutal nandito na ako, why don’t you treat your family to a vacation, Aiden! I think Kate deserves it lalo pa at talaga naman inaalagaan ka niya!”
Natawa ng mahina si Kate at ibinaling pa niya ang mukha sa ibang direksyon para hindi ito makita ng biyenan niya.
At lalong nagagalit si Aiden na nakikita niyang reaksyon ni Kate sa mga bagay-bagay!
May kinalolokohan na nga ba ang asawa niya kaya siya ganito.
“Okay po Daddy! Gagawan ko po ng paraan yan! Medyo busy po kasi ang schedule!” Adam said at halata naman ang tuwa sa mukha ng ama niya
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng Daddy ni Adam na hindi niya gustong pakasalan si Kate noon.
Pero dahil buntis na ito, wala siyang nagawa.
At alam din nito na hindi maganda ang takbo ng relasyon nila kaya naman binalaan niya ang kanyang anak na kapag hiniwalayan niya si Kate, mawawala sa kanya ang lahat.
May malalim na dahilan kung bakit ito sinabi ng Daddy ni Aiden at hanggat mag-asawa sila, walang dahilan para malaman ng anak niya ang katotohanan.
“You should, Aiden! Hindi mo na mahahabol ang panahon kapag nawala na yan sa iyo!” sabi pa ng Daddy ni Aiden bago siya lumabas ng kitchen
Itinuloy na ni Kate ang ginagawa niya at nung matapos na siya ay isinalin na niya sa lagayan ang ulam na niluto niya. Siya namang pasok ng isang kasambahay at inabot niya ang bandehado dito saka siya lumabas ng kusina.
Umakyat na siya guest room kung saan nandoon ang gamit niya dahil balak niyan gmaligo dahil amoy ulam siya.
Nakasalubong naman niya ang brother-in-law niya na si Nathan at agad itong ngumiti sa kanya.
“Kamusta sister-in-law?” tumango siya dito at napahinto sila sa gitna ng hagdan para mag-usap
“Okay lang ako, Nathan! Ikaw, kamusta ka naman?” masayang tanong ni Kate sa kanya pero sumeryoso naman ang mukha ni Nathan
“Okay ka ba talaga?” napakunot ang noo niya sa tanong ni Nathan pero pinili niya na iwasan ito
“Akyat na muna ako sa taas! Shower lang ako!”
“Kate, give it up kung hindi ka na masaya!” sabi ni Nathan kaya napayuko na lang siya
Kilala talaga siya ng kababata niya at doon niya narealize na sobrang na-miss niya ito. Buhat kasi nung ikasal sila ni Aiden ay madalang na din silang magkita ni Nathan.
“Ano bang sinasabi mo, Nathan!” saway niya dito nung magkaroon na siya ng lakas na loob na salubungin ang mga mata ng kababata niya
“You know very well what I am talking about Kate! Matagal ko ng alam ang tungkol sa babae ni Kuya!” sabi nito kaya nanlaki ang mga mata ni Kate at hinampas niya ang braso ni Nathan
“Nathan, baka may makarinig sa iyo!” sabi pa ni Kate dahil hindi niya gusto na ngayon malaman ng pamilya ni Aiden ang lahat
Hindi ito ang plano niya!
Malapit na siyang umalis para puntahan si Deniz sa US at ayhaw n kiyang masira ng plano niya.
“Hanggang kailan ka ba magtitiis, Kate?” tanong ni Nathan at kahit gusto niyang sabihin dito ang plano niya, minabuti niyang manahimik na lang
“Sorry..” bulong niya dito at agad na siyang umakyat sa taas dahil pakiramdam niya, hindi siya makahinga
Isang linggo na lang! Makakaya na niyang magtiis!
Napailing na lang si Nathan sa nakita niyang reaksyon ni Kate at nandoon ang pagsisisi niya dahil kung hindi sa ginawa niya noon, hindi malalagay sa ganitong sitwasyon si Kate.
Bumaba na siya sa hagdan at nagulat pa siya nung makita niya na nasa puno ng hagdan ang Kuya Aiden niya.
“What was that, Nathan?” galit na tanong niya sa kanyang kapatid
Alam naman niyang malapit sa isa’t-isa si Nathan at ang asawa niya pero hindi niya nagustuhan ang nakita niya kanina na tila may pinag-uusapan silang kakaiba.
“Ano yun, Kuya?” tanong naman si Nathan sa Kuya niya
“Anong pinag-uusapan ninyo ng asawa ko?” gigil na tanong ni Aiden sa kapatid
“Kuya, don’t tell me, bawal ko ng kausapin si Kate? Baka nakakalimutan mo, bago mo sia naging asawa , bestfriend at kababata ko siya!” sarcastic na tugon ni Nathan kaya lalong nainis si Aiden
“Hindi ko gusto na nakikita kayong malapit ni Kate, Nathan! Igalang mo naman ang kasal namin!”panenermon niya sa kanyang kapatid pero pinagtawanan lang siya nito
“God Kuya! Baka pwedeng pag-aralan mo muna ang salitang paggalang bago mo gamitin sa akin yan! Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?” sagot ng kapatid niya kaya nabigla naman si Aiden
“IKaw ba, Kuya? Iginalang mo ba ang kasal niyo ni Kate?”
Dumating si Camilla sa Hotel Venezia at nagulat pa siya dahil pagdating niya sa kwartong nakareserve sa kanya ay may taong naghihintay sa kanya. “Ay nandito ka na! Halika na dali!” anito sabay hila kay Camilla papasok ng kwartoNung makapasok na siya ay tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at naglat pa nga siya nung itulak siya nito ng mahina papasok ng banyo.“Teka, naligo na ako!” ani Camilla kaya natawa naman ang baklang dinatnan niya dito sa kwarto“Alam ko naman yun! May robe diyan sa loob kaya tanggaling mo na yang damit mo at ng maayusan na kita!” sabi nito sabay sara ng pinto ng banyoAyon naman kay Chit, hindi na niya kailangang mag-ayos o mag-make up at nung makita niya ang baklang ito ay nasagot na ang tanong niya. May mag-aayos naman pala sa kanya at may damit na din siyang isusuot.Nagtanggal na siya ng damit at nung maisuot na niya ang roba ay lumabas na siya sa banyo. Pinaupo siya ng bakla sa harap ng salamin para ayusan.“Hmmm…pwede ba akong magtanong?” Napatingi
Tinitigan ni Camilla ang hawak niyang calling card at kanina pa siya nagdadalawang isip kung tatawagan ba niya ito o hindi. Isang linggo na siyang nag-iisip at kahit anong gawin niyang overtime sa trabaho niya sa restaurant, hindi pa rin niya maiipon ang kalahating milyon na utang nila sa pinagsanlaan ng bahay at lupa nila noon.Nagasakit ang ate niya ng malubha kaya naman napilitan ang Mommy na isangla ang bahay at lupa nila sa pag-asang gagaling ito. Pero naubos ang lahat ng naipundar ng magulang niya at namatay naman ang ate niya.At para daw hindi sila parusahan, kailangang ituloy ni Camilla ang pangako ng Mommy niya. Pero hindi ito nangyari dahil iba ang pangarap ni Camilla. Gusto niyang maging magaling na chef at nag-aaral na siya noon pero pinatigil na siya ng Mommy niya at hindi na siya nag-enroll nung susunod na semestre.Naniniwala siya na hindi naman masama ang Diyos para parusahan siya kaya naman nakaisip siya ng paraan para hindi matuloy ang gusto ng Mommy niya. At kahit
BOOK TWOTHE CEO'S CHERISHED ESCORT“Saan ka ba galing?” Pumasok si Camilla sa kusina ng restaurant na pag-aari ng magulang ng kanyang kaibigan na si Menchie dahil malapit ng magtanghali at gaya ng dati, dadagsa na naman ang mga tao dito para kumain.Sa kusina siya naka-assign dahil may talent siya sa pagluluto at nagamit naman niya ang bagay na ito sa kanyang trabaho ngayon.“Dumaan lang ako sa simbahan!” sagot niya ni Camilla sa kaibigan niyang si Menchie habang inilalabas niya ang mga pinamiling gulay sa palengkeNaglakad kasi siya siya dahil puno ang mga jeep at nakita niya ang simbahan kaya naman nagdesisyon siyang dumaan doon.“Ano, humingi ka na naman ng tawad sa Diyos dahil hindi natuloy ang pagmamadre mo?” ani Menchie at hindi na nga siya sumagot dahil hahaba lang ang diskusyon nilang magkaibigan“Camilla, hindi naman kasalanan na mortal yun! Maiintindihan naman ng Diyos kung hindi mo matutupad ang pangako ng Mommy mo na magmamadre ka dahil sabi mo nga, hindi mo maramdam
“Kate Alicia Maristela Buenavista!” Napalingon si Kate at napatili siya nung makita niya kung sino ang bagong dating.“DEniz!!!” tili niya at niyakap niya ito ng mahigpit nung makalapit ito sa kanyaKasal na din si DEniz kay Lawrence at mabuti na lang, nasa anim na buwan na ang tiyan niya noon kaya naman nakarating sila sa kasal ng mga ito na ginanap sa California. Nagkita ulit si Kate at ang pamilya ni Declan kaya naman naging masaya ang isang linggong bakasyon nila doon.Na-meet na din ni Pauleen si Macey at hanggang ngayon, nagkakausap sila online at naging magkaibigan na din sila.“Kamusta ka na?” tanong ni Deniz nung makaupo na sila sa garden at matapos batiin ni Kate si Lawrence na hinanap naman agad si Aiden na pauwi pa lang noon galing sa office“Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka na!” ani Kate kaya napangiti naman si Deniz“E di hindi na surprise yun!” sagot naman ni Deniz“Your place is nice!” sabi ni Lawrence habang nililibot nito ang paningin sa malawak na hardinIl
Niyugyog ni Kate si Aiden nung maramdaman niya na panay na ang hilab ng kanyang tiyan. Actually, kanina pa siya gising dahil nakaramdam na siya ng pananakit ng balakang.Pero hindi pa naman siya masyadong naalarma dahil napagdaanan na niya ito noon kay Pauleen.At dahil pagod na pagod si Aiden galing sa trabaho, hinayaan niya muna itong makatulog.Nadagdagan ang workload ni Aiden buhat nung magkasundo sila ni Giselle at sa awa naman ng Diyos, naging maganda ang resulta ng pagdadala ng franchise ng Polaris dito.Nagdidisenyo pa rin naman si Kate at hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpapakilala as the Hidden Mistress of Polaris. And as usual, maganda ang response ng mga tao sa mga ito at palagi itong sold out.At bago nga siya manganak, nakapag launch pa sila ng collection and it was a hit! Maganda na ang takbo ng relasyon nila ni Aiden at naging tahimik naman ang pagsasama nila lalo pa at hindi na nakalabas si Charlene sa kulungan.Gianna and Kate became good friends at para nga si
Bago umuwi si Kate matapos iassure ng doctor na okay na siya at ang batang nasa sinapupunan niya ay dumaan muna sila ni Aiden sa kwarto ni Gianna.Gustong magpasalamat ni Kate kay Gianna dahil kahit galit na galit iti sa kanya, nakuha pa rin siya nitong iligtas.Aiden opened the door at nakita niya na nakaupo si Gianna sa kama at may sling ito sa kanyang balikat.Napatingin ito sa pinto at napayuko siya nung nakita niya na si Kate ang nasa pinto.“Kamusta ka na?” tanong ni Kate nung makalapit sila sa kama ni Gianna at nung mag-angat ito ng paningin ay umiiyak na ito“K-kate…sorry….sorry…” napahagulgol si Gianna at agad namang hinawakan ni Kate ang kamay nito“Tama na, huwag ka ng umiyak!” sabi niya sa kanyang hipag pero hindi naman tumigil sa pag-iyak si Gianna“Sorry! Hindi ko alam na masakit pala ang nagawa ko sa iyo, Kate! Pero ngayon, ramdam na ramdam ko na ang sakit ng kataksilan nila!’ Gianna said in between her sobs“Gianna, hayaan mo na si Eric! Matagal ka na niyang niloloko a