FAZER LOGINMaaga akong nagising dahil sa boses ng kuya ko na sumisigaw sa loob ng kwarto ko. Napuyat ako ka gabi, grabe naman kase ang pag review ko.
“Viv! Gising na! Mag breakfast ka na, baka mahuli ka sa school!” sigaw niya habang hinahampas ng medyo malambot ang paa ko para siguradong gumalaw ako.
“Kuya… five more minutes…” antok kong sagot habang nakabaluktot pa sa unan.
“Hindi! Gising na talaga. Alam mo namang ayaw kitang mahuli!” sabi niya, sabay abot ng kamay para hatakin ako sa kama.
Kahit pa antok pa, napangiti ako sa paraan niya ng paggising sa akin. Huminga ako ng malalim at unti-unting bumangon.
“Fine, fine! Papunta na ako,” sabi ko, sabay halik sa unan bago tuluyang bumangon.
Habang nagbibihis, narinig ko ang mga tunog ng kuya ko sa baba. Lumabas kase siya ng sabihin kung magbibihis ako, mamaya nalang din ako maliligo.
Sigurado akong nauna na siya sa kusina para ihanda ang breakfast. Pagkatapos kong matapos, bumaba rin ako sa sala at doon ko nakita ang parents ko na kumakain na.
“Good morning, Ma, Pa!” bati ko, sabay halik sa pisngi nila.
“Morning, Viv,” sagot ng Mama ko habang inabot sa akin ang tinapay.
“Kumain ka na rin, ha. Matagal ka pa pupunta sa school mo.”
“Yes, Ma. I’ll eat now,” sagot ko, sabay upo sa tabi nila at sinimulang kainin ang breakfast ko.
Si Daddy naman ay napansin kung nakatingin sa akin, seryoso pero may ngiti sa labi.
“So, Vivienne, kumusta na ang studies mo sa medicine? Nakaka-handle ka ba sa lahat ng subjects mo?”
“Yes, Pa. Medyo mahirap, pero kaya naman po,” sagot ko habang tinatapos ang toast ko.
“Huwag mong kalimutan, medicine is not just about passing exams. Kailangan mo rin ma-absorb ang lessons para someday, people will trust you with their lives,” paalala niya, seryoso.
Tama naman si papa, our major instructor tell us about that. Kaya mas minabuti kung pagbutihin ang pag-aaral ko.
Ang Daddy ko ay isang business man, at ang mommy ko ay isang kilalang model. Hindi kami nag pa kilala ni kuya, dahil mas lalong lala ang sitwasyon.
“Yes, Pa. I’ll remember that,” sagot ko, sabay inom ng gatas.
Habang nagkakain, nag-usap kami tungkol sa school at mga assignments ko. Sa tuwing nasa bahay talaga sila, hindi mawawala ang pag-aalaga at oras nila sa 'min ni kuya.
“Viv, make sure na hindi ka lang basta nagre-review for exams. Sa ethics, kailangan mo rin talaga maintindihan ang cases. Practice critical thinking,” sabi Daddy ko.
Alam na niya agad kung anong subject ko eh, na paka ano niya talaga saken. Kaya love na love ko sila both.
“Got it, Dad. I’ll focus,” sagot ko, sabay tawa nang kaunti.
Biglang huminto siya saglit at sinabing may kakaibang tono, napatingin ako kay mommy ng may pagtataka.
“Alam mo ba, Viv, may isang apelyido na kilala sa buong bansa? Ang mga Whitmore. Kahit ang mga pulis, natatakot sa kanila.”
Na-curious ako. “Whitmore, Pa? Ano po ginagawa nila?” tanong ko.
Huminga si daddy, seryoso. Tiningnan niya ako bago siya mag salita sa harapan ko.
“Aurelius Drayton Whitmore. Siya ang tinatawag na syndicate king may control sa illegal operations na mahirap hulihin. Kahit ang mga pulis, nagiging maingat sa mga kaso niya. Ang pangalan niya lang ay sapat para takutin ang mga tao, hindi sila mahuli nang mga pulis dahil natatakot sa sariling buhay nila.”
“Grabe naman po.....nakakatakot po,” sagot ko, medyo napahinto sa pagkain.
“Exactly. He controls everything quietly pero very efficiently. May connections siya sa gobyerno, businessmen, kahit sino na may balak kontrahin siya… delikado. Kailangan ng caution kapag involved,” paliwanag pa ni Daddy.
Napatingin ako sa kanya habang iniisip ang sinabi niya. Parang sa pelikula lang, pero alam kong real ito.
Nakita kung ngumiti si mama, “Kaya, mag-aral ka nang mabuti, Viv. Hindi lang para sa grades, kundi para handa ka sa mundo. Kahit anong mangyari, always be aware sa paligid mo.”
“Yes, Ma. I’ll be careful,” sagot ko.
Natapos ang breakfast namin na puno ng lessons at warnings. Nagbihis narin ako dahil mamaya ay aalis narin ako papunta sa school.
Habang nag-aayos ng mesa si Kuya, tinitingnan ko ang parents ko at ramdam ko yung pagmamahal at expectations nila sa 'ken.
Pero sa isip ko, may curiosity din ako sa mundo nila lalo na kay Aurelius Drayton Whitmore. Hindi siya pamilyar saken, pero ramdam kung delikado siyang tao.
“Okay, Viv, aalis kana ba?. Remember, afternoon pa ang medical ethics mo, pero wag maging late,” sabi ni Kuya habang ngumiti.
Napangiti nalang din ako, ayaw na ayaw niyang ma late ako parate niya sinasabi saken ang mga bagay na 'yun.
“Hindi pa kuya, Kuya. Thanks,” sagot ko, sabay lakad papunta sa gate ng bahay dala ang bag ko at notes.
Habang naglalakad pabalik sa kwarto ko, iniisip ko ang sinabi ng Papa ko tungkol sa Whitmore family. Sobrang nakakatakot yung pangalan nila… syndicate king, powerful, kahit ang mga pulis natatakot.
Paano kaya kung someday ma-encounter ko rin sila?
Ang gagawin ko siguro ay tatakbo, I mean sino ba naman kase ang di matatakot sa ganoong tao.Napangiti ako sa sarili ko. Kahit na nakakatakot, curious din ako. Parang may something sa mundo ng ganitong tao na nakaka-intriga, pero alam ko rin na kailangan ko ng caution at awareness.
Ang simpleng umaga sa bahay ay natapos na, pero dala ko sa isip ko ang lessons, knowledge is power, be aware, and always respect boundaries.
Lahat ng ito ay kailangan sa totoong buhay, lalo na sa mundo na puno ng tao tulad ni Aurelius Drayton Whitmore.
Nanatili akong nakatingin sa taong hindi ko inaasahan na makita ko sa mansion na ito. Ang akala ko iba ang magiging plano niya, gusto ko na itong tanongin pero hindi pwede. “Why are you here, Ysabel?” tanong agad ni Aurelius. Pero hindi agad ako napatingin sa kanya dahil sa hindi pa ma process sa utak ko ang nakita ko. Naguguluhan parin kase ako, hindi ko naman aakalain na ganito ang plano ng kuya ko. As in talaga he followed me here? Sa anong dahilan? “I'm talking to you!”Agad akong napatingin kay Aurelius ng magsalita siya ulit na kina lunok ko nalang. Tiningnan ko ng masama si Kuya na parang wala lang sa kanya ang ginawa niya. “Tinulungan ko lang po si Angel nagpatulong siya sa akin,“ sagot ko. Hindi parin talaga ako maka tingin sa kanya ng maayos dahil sa nangyare sa amin. Nahihiya ako o iniisip ko na tama lang ang ginawa ko sa kanya. Nagpatuloy ako sa hatid ng mga pagkain hanggang sa matapos nga, hindi ako nag tagal sa dining dahil sinabi ni Genevieve na gising na si Isab
Nanatili akong gising sa mahabang gabi sumapit nalang ang madaling araw hindi parin ako nakatulog ang hirap kase naman. Paulit-ulit kung naaalala ang nangyare kanina sa banyo. Nakahiga lamang ako sa kama ko habang si Angel ay mahimbing ng natutulog, hindi ko alam ang gagawin ko dahil kahit ano mang gawin ko hindi parin talaga ako makatulog. Napatingin ako sa cellphone ko malapit na mag alas kwatro at gising parin ako. Napabuntong hininga ako at wala akong nagawa kundi bumangon nalang. Wala din naman dahil hindi naman ako makatulog kaya na pag pasyahan ko nalang lumabas. Hindi ko na naman naririnig ang mga tao sa labas tshaka alam kung umuwi o baka natulog na. Pag bukas ko ng kwarto ko ay tahimik sa loob ng mansion ang ilaw nalang sa may dining ang nag silbing ilaw sa baba. Dahil ang mga ibang ilaw ay naka sarado na maliban sa ilaw sa dining area. Napabuntong hininga ako mag kakape nalang muna ako hindi rin naman ako makatulog. Pagkarating ko sa kusina ay hindi ko na binuksan an
Tahimik ang kwarto matapos humiga si Isabella, ngunit hindi pa rin mawala ang tensyon na nararamdaman ko dahil sa presensya ni Aurelius. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang pinapanood si Isabella na pilit pinipikit ang mga mata niya, pero halatang hindi pa talaga siya inaantok. Ramdam ko rin ang tingin ni Aurelius sa akin kahit hindi ko siya direktang tinitingnan. Para bang may binabalak siya, at iyon ang mas lalong nagpapakaba sa akin.“Daddy…” biglang tawag ni Isabella habang bahagyang bumangon.Napatingin kaming dalawa ni Aurelius sa kanya. Kumunot ang noo ko dahil akala ko matutulog na siya, pero mukhang may naiisip na naman itong kalokohan. Ngumiti siya nang bahagya at saka tumingin sa akin, parang may gustong ipahiwatig.“Can we play?” tanong niya na parang inosente lang.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napaturo pa ako sa sarili ko. “Ha? Ngayon? Matutulog na tayo diba?” sagot ko habang naguguluhan.Umiling siya at ngumiti nang mas malawak. “Just a little game
Hapon na nang makabalik ako sa mansion at pagpasok ko pa lang ay agad ko nang napansin ang pamilyar na maliit na katawan sa sala. Nandoon si Isabella, nakatayo at naka-pamewang pa na parang may hinihintay na kalaban, at halatang ako ang target niya. Napangisi ako sa itsura niya dahil kitang-kita ang tampo sa mukha nito kahit hindi pa siya nagsasalita. Dahan-dahan akong lumapit at pinantayan siya at pilit kung pinipigilan ang sarili kong matawa sa sobrang cute niyang magalit.“Why are you like that?” tanong ko habang nakangiti, bahagyang yumuko para pantayan siya.“Because I’m mad at you! You said you will fetch me, but you didn’t! I waited for you!” mabilis niyang sagot habang naka-cross ang arms niya. Napakurap ako sandali at saka ko naalala ang pangako ko sa kanya. Bahagya akong napangiwi dahil sa totoo lang, nakalimutan ko iyon dahil sa pagdaan ko pa sa maliit kong bahay. Napabuntong hininga ako bago ko hinawakan ang magkabilang pisngi niya at marahang pinisil.“Ay naku, sorry
Nasa isang maliit na café shop kami ngayon ni Kuya Theodore, malayo sa school para masigurado kong walang makakakita sa amin lalo na si Aurelius. Tahimik ang paligid, may mahinang tugtog at iilang tao lang ang naroon, pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako mapakali sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit nandoon si Aurelius kanina sa school, pero pinilit kong isantabi iyon dahil mas mahalaga ang pag-uusap naming dalawa ngayon.Alam kung kailangan ni kuya ang explanation ko kaya dapat lang mag paliwanag ako sa kanya. Nakaupo ako sa harap ni Kuya habang nakayuko ng bahagya, nakikinig sa sunod-sunod niyang sermon. Ramdam ko ang bigat ng bawat salita niya, halo ng galit at matinding pag-aalala na pilit niyang pinipigilan. Hindi ako makasagot agad dahil alam kong kahit anong sabihin ko, masasaktan ko pa rin siya sa katotohanan.Alam ko na ayaw na ayaw niyang gumawa ako ng sarili kung plano, pero gumawa parin ako dahil sa kagustohan kung makatulong sa kanila. “Vivienne, do you even r
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil maaga ring papasok si Isabella sa paaralan. Hindi pa sumisikat ang araw ay nasa kusina na agad ako, inaayos ang baon niyang pagkain habang tahimik at malamig pa ang buong mansion. Tahimik ang paligid, pero ramdam ko ang bigat ng responsibilidad ko bilang nanny niya, lalo na’t ako na ang may hawak sa schedule ng bata.Alas kwatro pa lang ay gising na ako para maghanda, at kahit medyo inaantok pa ay pinilit kong maging alerto habang nagluluto. Habang hinihiwa ko ang mga prutas at inaayos ang pagkain niya, paulit-ulit kong chine-check kung kumpleto ba ang ilalagay ko sa baunan. Ayokong magkamali, lalo na’t gusto kong maging perpekto ang lahat sa paningin ng mga tao sa bahay na ito.Kumuha ako ng baunan ng pagkain ni Isabella, pero bago pa man ako makabalik sa niluluto ko ay may napansin akong bumaba ng hagdan. Napasilip ako doon dahil sa tunog ng mga yabag, at agad kong nakilala kung sino iyon.Si Aurelius.Maayos na bihis, mukhang handa na ito







