로그인Hapon na nang huminto sa harap ng bahay ang kotse ni Kuya para ihatid ako sa school. Kanina pa ako nag-aantay sa kanya, siya kase taga hatid saken.
Galing pa kase siya sa company ni Daddy, kilala na siya habang ako hindi pa ang focus ko talaga ngayon ay ang pag-aaral ko.
“Viv, handa ka na ba? Late ka na kung hindi tayo aalis ngayon,” sabi niya habang inaayos ang rearview mirror.
“Oo na, Kuya. Kaka-ayos ko lang ng notes ko,” sagot ko habang nilagay ko naman sa bag ang mga notebooks at textbooks ko sa medical ethics.
Agad narin naman akong sumakay sa kotse niya. Ang gwapo talaga ng kuya ko kahit minsan nagiging unggoy siya sa paningin ko HAHA.
Habang nagmamaneho siya, nag-usap kami tungkol sa school ko kahit busy siya nagagawa niya parin akong ihatid.
“So, kumusta na ang mga classes mo? Ready ka na ba sa ethics class later?” tanong niya.
“Medyo, Kuya. Nag-review naman ako kanina, kaya confident naman ako sa discussion,” sagot ko.
“Good. Pero tandaan mo, ethics is not just reading. Kailangan mo rin i-analyze ang scenarios. Ano bang pinaka-interesting na case na nareview mo?” tanong niya, habang nakatingin sa akin.
Matalino si kuya graduate na siya, lage siyang nakakakuha ng medal noon dahil lahat sumasali siya ngayon nga ay nagsimula na siyang I handle ang company ni Daddy.
Nakaka proud lang.
“Yung tungkol sa patient confidentiality at dilemmas kapag may threat sa ibang tao. Parang intense kasi kailangan mong timbangin ang rights ng patient at responsibility ng doctor,” paliwanag ko.
“Tama ‘yan, Viv. Practice critical thinking, kasi someday, ang real cases, hindi tulad ng exercises lang sa libro,” sabi niya sabay ngiti.
He's right, ang talino niya talaga siguro sa kanya ko naman ang katalinohan ko. Kung matalino HAHA.
Pagdating namin sa school, bumaba ako at agad nagpaalam sa kanya. “Thanks, Kuya! Ingat ka sa trabaho,” bati ko.
“You too, Viv. Go and focus on your class,” sagot niya, sabay wave.
Agad kong nakita si Ashley sa gate, naghihintay sa akin. Nagyakapan kami, halatang excited.
“Viv! Hi! How are you today?” tanong niya.
“I’m fine, Ashley. Medyo nervous sa ethics pero kaya naman,” sagot ko, sabay ngiti.
“So… ready ka na ba for medical ethics later? I’m kinda scared, kasi mukhang maraming itatanong sa atin si Sir Reyes,” sabi niya, halatang tense.
“Relax lang. Review natin ka gabi, kaya kakayanin natin. Basta focus ka lang,” sabi ko, sabay tapik sa braso niya para ma-reassure.
Pumasok na kami sa classroom, at habang umuupo, nag-usap pa kami tungkol sa private life namin.
Nasa amin na talaga ang pag review, walang gabi at araw na hindi kaba nagbabasa ng libro. For advance learning narin.
“By the way, Viv… kamusta ang weekend mo?” tanong niya.
“Okay lang, busy sa review. Pero nag-enjoy din sa bonding ng family,” sagot ko.
“Ang saya naman. Ako, sobrang chill lang, nakapag-movie with siblings at nag-cook din kami,” kwento niya sabay tawa.
“Nice! Sana makasama rin kita minsan sa mga ganyan siguro napakasaya,” sabi ko.
Pagkalipas ng ilang minuto, pumasok si Sir Reyes. Nasa mga 30's na si sir pero nahahalata parin ang pagiging gwapo niya.
I mean, pogi naman talaga si sir.
“Good afternoon, class. Today, we will discuss patient confidentiality and ethical dilemmas in clinical practice. Be attentive and ready to participate.”
Nag-discuss siya ng mga scenarios at principles. Nagtanong siya, at sa minamalas si Ashley na naman ang unang nabunut.
“Ang malas ko naman ngayong araw,” anya.
“Kaya mo 'yan,” wika ko.
Pinatatag ko ang loob niya, sino ba naman kase ang di kakabahan kapag una kang tinatawag eh. Hindi naman A ang una sa last name niya pero palage siyang tinatawag ng una.
“Ashley, can you explain why patient confidentiality is important in medical practice?” tanong ni Sir Reyes.
Napatingin saken si Ashley, suminyas lang ako na kaya niya 'yan ngumiti siya at tumango. Napabuntong hininga pa talaga siya ganyan nga.
“Patient confidentiality is important because it protects the privacy of patients, ensures trust between the patient and healthcare provider, and prevents unauthorized access to personal medical information,” sagot niya ng malinaw.
Ang galing din niya mag explain.
“Very good, Ashley!” sabi ni Sir Reyes, sabay palakpak.
Ang gwapo ng ngiti ni sir.
Ilang estudyante ang tinanong, may nakakasagot ng maikli, may hindi naman. Pero si Jea ay sa totoo lang nakaka amaze din ang sagot niya.
Matalino din ito, at kapag may tanong talagang nakaka sagot din siya ng maayos. Naiintindihin talaga ang sagot niya at malinaw.
Kinakabahan ako kase dipa ako natatawag, iniisip ko tuloy na hindi ako makakasagot, mas mabuti nalang din 'yun.
Napa pikit ako nang tawagin ako ni sir Reyes. Ngumiti ako sa sarili at nagdasal pa ako na sana madaling tanong lang.
“Vivienne, can you discuss a scenario where breaking patient confidentiality might be ethically justified?” tanong ni Sir Reyes.
Patay talaga!
Nangunguna talaga ang kaba eh.Sa bawat araw talaga ay hamon na para sa 'ken. Sa school palang hamon na talaga eh, bumuntong hininga ako bago sumagot.
“A scenario where breaking patient confidentiality might be ethically justified is when a patient poses a direct threat to themselves or others. For example, if a patient confesses intent to harm someone, the healthcare provider has the ethical duty to inform authorities to prevent harm, while still minimizing disclosure and maintaining as much privacy as possible,” sagot ko.
Hindi ko alam kung tama ako, pero napatingin lang ako kay Sir Reyes akala ko magagalit. Inggit na naman ang isa jan.
Tumango si Sir Reyes, halatang natuwa. “Excellent, Vivienne! Very active and detailed. Impressive!”
“Ang galing mo,” bulong ni Ashley.
Napangiti ako sa sinabi nito, hayss kapag nakakasagot talaga ako at kapag tama dagdag happiness na talaga saken 'yun.
Nagpatuloy sa pag discuss si Sir Reyes, at sa huli may assignment pa kami. Grabe pa naman siya mag bigay ng score, 100 points talaga kapag nagustohan niya ang sagot mo.
Natapos ang klase namin, nag-aayos kami ng gamit. Kasabay ko si Ashley at habang nag-aayos kami ng gamit ay may napansin kami sa likod namin.
Alam kung naramdaman niya na may lumapit sa amin, sabay naming hinarap ang mga ito. Oh it was Jea pala at ang mga kaibigan niya.
Ano na naman kaya ang sasabihin nito, pagod na ba siya sa pagiging bida bida niya.
“Vivienne, bakit palagi kang nakakasagot? Nakakainis ka naman,” sabi niya.
“Siguro nag-uusap na sila ng mga guro naten para maka ready siya ng sagot niya.”
“Yuck! Nagawa mo 'yun?,” wika ng mga alagad niya.
“May naiinggit na naman, mas maganda lang ang sagot ng kaibigan ko ganyan na kayo. Ganyan naba kayo ka insecure sa kaibigan ko?,” tanong ni Ashley sa kanila.
Pinigilan ko siya, ayokong mag-away na naman kami sa simpleng bagay nag review lang ako kaya nakakasagot ako.
Ngumiti lang ako. “Relax, focus ka lang sa sarili mo,” sabi ko.
Hinayaan ko na sila, pero si Ashley lalaban pa ata kaya naman hinila ko na siya. Talagang palaban ang babaeng ito.
Naglakad kami palabas ng classroom. Umirap irap siya saken nagtatampo na naman 'to dahil pinigilan ko.
“Sorry na okay? Kase naman ayoko na maki pag-away ka pa,” I said.
“Ganyan ka naman eh kapag talaga wala ka papatulan ko ang pasikat na 'yun,” anya.
Napangiti nalang ako sa sinabi, I'm lucky to have her as my friend. Nang maka labas kami ay nag paalam na siya dahil dumating na ang sundo niya.
Nahiwalay kami ni Ashley dahil may kanya-kanyang lakad. Ako naman, naghintay sa waiting area para sa sundo ko.
Habang nakaupo, napansin ko ang kakaiba sa paligid medyo madilim, parang may tension sa hangin.
Tumayo ako at tinahak ang madilim na daan papunta sa exit. Napa upo ako sa may sementong upuan.
Aatayin ko nalang si manong matagal kaseng natapos ang klase namin. Nag text narin naman ako kaya alam kung pupunta iyun.
Habang nakaupo ako ay napalingon ako sa kanang bahagi ko, may napansin ako doon.
Napansin ko ang madilim na parte at may bahay doon, abandonado pero rinig na rinig ko ang sigawan.
Kahit paman kinakabahan ako ay pinili ko paring tahakin ang madilim na 'yun. Pagkarating ko nga ay maraming kalalakihan akong nakita, pero nakuha ang attention ko sa unahan.
May nakita akong dalawang lalaki na nag susuntukan. Parehas na magaling, habang ang nakatayo naman ay parang natutuwa pa sa naganap.
Lumapit sana ako, pero may humarang na maraming kalalakihan saken at parang ayaw nilang andito ako.
“Hey, hindi ka dapat nandito,” sabi ng isa sa kanila, malalim ang kanyang boses.
Balak ko sanang puntahan, pero hindi ko nagawa kase naman hinaharangan ako.
Wala akong nagawa kundi umatras. Dalawang hakbang lang ang nalakad ko, may narinig akong putukan.
Narinig kolang ganito ay ang mga fireworks at ang na sa Tv, pero sa totoong buhay wala.
Putok ng baril.
Tumakbo ako, malayo pa sa labasan nang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko.
“Don’t make a sound,” sabi ng lalaki, mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Tumibok nang mabilis ang puso ko, kinakabahan sa pwedeng mangyari. Napa pikit ako dahil sa putukan sa labas namin.
Sino kaya ang lalaking ito?
Ilang oras lang, lumabas din kami, at napansin ko ang lalaki na may sugat sa braso. Nahihiya akong sabihan siya pinilit ko paring kausapin ito.
“Let me treat that wound,” sabi ko.
Lumapit ako sa kanya pero nilayo niya ang braso niya saken, ayaw niya atang mag pa gamot saken.
“Don’t… you might get an infection,” sabi niya.
Sabi konga ba ayaw niya, pero sanay akong kahit ayaw pipilitin ko talaga. I mean gagamotin ko parin ang sugat.
“I’m a medical student. I know what I’m doing,” paliwanag ko.
Napatingin siya sa akin saglit, tapos bumigay at hinayaan akong gamutin ang sugat niya. Grabe mabuti nalang at ready ako.
Habang naglilinis at naglalagay ng bandaged, nagsalita ang lalaki.
“You’re confident for a student,” sabi niya, medyo nagulat sa akin.
Syempre, confident talaga ko. Gusto ko lang din namang makatulong.
“Experience helps po, kahit sa classroom lang,” sagot ko, sabay tapik sa bandage.
Habang patapos na ang pag gagamot sa kanya, naisip ko ang kakaibang hapon na ito.
Simula sa school hanggang sa encounter na ito, ramdam ko na may bagong at delikadong bagay na papasok sa buhay ko.
Pero I hope, Wala!
Nilisan ko ang lugar na 'yun dahil baka bumalik pa ang mga taong nang gulo kanina, mahirap na.
Mahigpit kong niyakap ang unan habang nakaupo sa gilid ng kama ni Mommy. Tahimik na ang paligid, tanging ang mahina niyang paghinga ang maririnig.Ilang ulit kong tinanong si Daddy but he never answer my question kaya umalis ako. Ngayon ay andito ako sa kwarto nila, kasama ko si mama.Kanina pa siya umiiyak hanggang sa mapagod ang katawan niya at tuluyang makatulog. Pero kahit tulog na siya, bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.Dahan-dahan akong huminga at pinilit na hindi maiyak ulit. Nasasaktan ako para sa kanya, naalala ko ang sinabi niya kanina.“Vivienne…” mahina niyang banggit sa pangalan ko kanina, bago siya pumikit. “Hindi ko inakala… hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ‘to.”Hinaplos ko ang kamay niya noon, pilit pinapakalma. “Mommy, hindi mo kasalanan,” sabi ko. “Wala kang pagkukulang. Siya ang nagkamali.”Napangiti siya nang mapait. At doon niya ikinuwento ang lahat. Ayokong nakikitang umiiyak siya, nasasaktan din ako.Dapat daw kanina ay magdadala lang siya ng lunch
Naglalakad ako pa balik sa waiting area habang mahigpit na hawak ang cellphone ko. Mag 9 na pero wala parin ang sundo ko. Ilang beses ko nang tiningnan ang screen wala pa ring reply mula sa sundo ko. Umalis kase ako kanina dito diko tuloy napansin kung dumating naba.Dapat kanina pa siya nandito, pero mukhang hindi niya ako nakita dahil umalis ako. Napa buntong hininga ako at nagdesisyon na lang na mag-text sa parents ko.‘Mom, Dad, uuwi na lang po ako by taxi.’Text ko. Pinindot ko ang send at itinabi ang phone. Sanay naman ako sa ganito. Ang mapag-isa. Minsan talaga nagkakapalitan ng oras, lalo na kapag abala si Kuya sa company at si Daddy sa meetings. Hindi din naman ako namimilit dahil kaya kung mag-isang umuwi. Kaya ko naman umuwi mag-isa, kahit minsan nakakapagod. Pero go parin naman.Ang hirap lang. Huminto ako sa gilid ng kalsada at nag-antay ng taxi. Tahimik ang paligid, kakaunti ang ilaw, at parang ang bagal gumalaw ng oras. Ilang minuto ang lumipas pero walang ni isan
Hapon na nang huminto sa harap ng bahay ang kotse ni Kuya para ihatid ako sa school. Kanina pa ako nag-aantay sa kanya, siya kase taga hatid saken. Galing pa kase siya sa company ni Daddy, kilala na siya habang ako hindi pa ang focus ko talaga ngayon ay ang pag-aaral ko.“Viv, handa ka na ba? Late ka na kung hindi tayo aalis ngayon,” sabi niya habang inaayos ang rearview mirror.“Oo na, Kuya. Kaka-ayos ko lang ng notes ko,” sagot ko habang nilagay ko naman sa bag ang mga notebooks at textbooks ko sa medical ethics.Agad narin naman akong sumakay sa kotse niya. Ang gwapo talaga ng kuya ko kahit minsan nagiging unggoy siya sa paningin ko HAHA.Habang nagmamaneho siya, nag-usap kami tungkol sa school ko kahit busy siya nagagawa niya parin akong ihatid. “So, kumusta na ang mga classes mo? Ready ka na ba sa ethics class later?” tanong niya.“Medyo, Kuya. Nag-review naman ako kanina, kaya confident naman ako sa discussion,” sagot ko.“Good. Pero tandaan mo, ethics is not just reading. Kai
Maaga akong nagising dahil sa boses ng kuya ko na sumisigaw sa loob ng kwarto ko. Napuyat ako ka gabi, grabe naman kase ang pag review ko.“Viv! Gising na! Mag breakfast ka na, baka mahuli ka sa school!” sigaw niya habang hinahampas ng medyo malambot ang paa ko para siguradong gumalaw ako.“Kuya… five more minutes…” antok kong sagot habang nakabaluktot pa sa unan.“Hindi! Gising na talaga. Alam mo namang ayaw kitang mahuli!” sabi niya, sabay abot ng kamay para hatakin ako sa kama.Kahit pa antok pa, napangiti ako sa paraan niya ng paggising sa akin. Huminga ako ng malalim at unti-unting bumangon.“Fine, fine! Papunta na ako,” sabi ko, sabay halik sa unan bago tuluyang bumangon.Habang nagbibihis, narinig ko ang mga tunog ng kuya ko sa baba. Lumabas kase siya ng sabihin kung magbibihis ako, mamaya nalang din ako maliligo. Sigurado akong nauna na siya sa kusina para ihanda ang breakfast. Pagkatapos kong matapos, bumaba rin ako sa sala at doon ko nakita ang parents ko na kumakain na.“G
Masaya ang araw na ‘to. Habang naglalakad ako papunta sa canteen, ramdam ko ang init ng araw sa likod ko at ang excitement sa school lalo na’t lunch break. Aminin niyo, tulad ko favorite niyo rin ang lunch time eh huwag na ipagkaila. At sa canteen.Dito ko lagi nakikita si Ashley, best friend ko simula pa freshman year. Spotting her sa paborito naming table, kumaway siya, at ako rin agad.“Viv! Finally! Akala ko maa-late ka ulit,” sabi niya, at may kasama ang ngiti niyang nakakagaan sa loob.“Traffic was crazy, alam mo na,” sagot ko, umupo sa harap niya. “So, kumusta morning mo?”“Ugh, history! I swear, Mr. Vazquez wants to kill us slowly. Lahat ng dates, revolutions… super overwhelming,” reklamo niya, sabay hinga.Tumawa ako. “Tell me about it. Pero don’t worry, may quiz at oral recitation tayo mamaya. Mag-review tayo sa library after lunch?”“Please! Kailangan ko talaga, at ikaw lang ang nakakapagpapa-ano talaga sakin,” sagot niya.Talagang she's so tired, nahahalata ko naman kase







