공유

Chapter 3

last update 게시일: 2026-04-26 23:46:39

Naglalakad ako pa balik sa waiting area habang mahigpit na hawak ang cellphone ko. Mag 9 na pero wala parin ang sundo ko. 

Ilang beses ko nang tiningnan ang screen wala pa ring reply mula sa sundo ko. Umalis kase ako kanina dito diko tuloy napansin kung dumating naba.

Dapat kanina pa siya nandito, pero mukhang hindi niya ako nakita dahil umalis ako. Napa buntong hininga ako at nagdesisyon na lang na mag-text sa parents ko.

‘Mom, Dad, uuwi na lang po ako by taxi.’

Text ko. 

Pinindot ko ang send at itinabi ang phone. Sanay naman ako sa ganito. Ang mapag-isa. 

Minsan talaga nagkakapalitan ng oras, lalo na kapag abala si Kuya sa company at si Daddy sa meetings. Hindi din naman ako namimilit dahil kaya kung mag-isang umuwi. 

Kaya ko naman umuwi mag-isa, kahit minsan nakakapagod. Pero go parin naman.

Ang hirap lang. 

Huminto ako sa gilid ng kalsada at nag-antay ng taxi. Tahimik ang paligid, kakaunti ang ilaw, at parang ang bagal gumalaw ng oras. 

Ilang minuto ang lumipas pero walang ni isang taxi ang dumaan. Kahit anino, wala.

“Grabe naman,” mahinang bulong ko habang napapailing.

Nagpatuloy lang ako sa pag-antay, pilit na pinapakalma ang sarili. Gustong gusto ko na umuwi at matulog nang napaka himbing. 

Maya-maya, may nakita akong paparating na sasakyan. Bahagya akong natuwa.... akala ko taxi na. Pero habang papalapit, napasimangot ako. 

Hindi pala. 

Na scam ako ngayong gabi. 

Isa palang magarang kotse, itim, makintab, at halatang mamahalin. Nagtataka ba kayo kung bakit ko na describe, malinaw kase mata ko haha.

Alam kong mayaman ang may-ari no’n, halata pa lang sa tunog ng makina. Ganon din kase ang tunog nang mga mayayaman na sasakyan.

Wala lang, nalaman kolang.

Asa pa, Vivienne, sabi ko sa sarili ko.

Pero laking gulat ko nang bumagal ang takbo ng kotse… hanggang tuluyan itong huminto sa harapan ko. Napahinto ako sa paghinga.

Kidnapper? Hala! wala na siyang mahihita saken dahil wala naman akong pera. 

Bumukas ang bintana, at doon ko nakita ang mukha ng lalaking nasa loob. Nanlaki ang mga mata ko. Siya.

Ang lalaking tinulungan ko kanina.

“Miss,” mahinahon niyang tawag, bahagyang may foreign accent. FOREIGN ACCENT? eme haha.

“You’re heading home, right?”

Tanong nito, nanatili akong nakatayo at di maka galaw ang gwapo naman kase ng boses. 

Hindi ako agad nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya, pilit inaayos ang sarili. Hindi ko inasahan na muli kaming magkikita, lalo na sa ganitong paraan.

“Ah.....opo, pero okay lang po,” sagot ko agad. “Magta-taxi na lang po ako,” dagdag ko.

Bahagya siyang ngumiti, isang simpleng ngiti na hindi pilit. Bakit kaya hindi pa siya umuwi? Para tingnan ng doctor ang sugat niya. 

“It’s already late. And there’s no taxi around,” sabi niya habang tumingin sa paligid. “Let me drive you home. I insist.”

Hueyyy.... Nakakatunaw ang boses nito.

Ang gwapo!!

Umiling ako. “Okay lang po talaga. Ayoko pong makaabala.”

“Abala?” bahagya siyang tumawa. “You literally helped me earlier. This is the least I can do. Pasasalamat ko na rin.”

Nag-atubili ako. Tama ba ‘to? Sumabay sa lalaking halos kanina ko lang nakilala? Pero nang lingunin ko ulit ang kalsada, wala pa ring taxi. 

At mukhang wala ring darating sa mga susunod na minuto. Napabuntong-hininga ako. Wala ka nang choice, Vivienne.

“Sige po,” mahina kong sabi. “Salamat.”

Agad niyang binuksan ang pinto. Nang makapasok ako sa loob, mas lalo kong naramdaman kong gaano ka-elegante ang sasakyan. 

Amoy mamahalin ang interior, malinis, at tahimik.

Doon ko siya nasilayan nang mas malinaw. Matangos ang ilong, matalim ang mga mata, at ang postura niya parang sanay siya sa madidilim.

Napalunok ako. Grabe. Hindi lang pala siya gwapo. May kakaiba siyang dating, ‘yung tipong hindi mo basta-basta makakalimutan.

Agad kong inilihis ang tingin ko, nahihiyang baka mahuli niya akong nakatitig. Napatingin ako labas ang tahimik.

“So,” bigla niyang sabi habang umaandar ang kotse, “what course are you taking?”

Nagtatanong kapa? Diba sinabi ko naman sa 'yo kanina, paulit ulit karin eh noh?

Ayon ang boses sa isip ko, pero di ko sinabi matamis akong ngumiti sa kanya walang halong peke. 

“Medical po,” sagot ko. 

“Pre-med ngayon, then hopefully magpo-proceed ako sa medicine proper.”

“Medical,” ulit niya. “That explains a lot.”

“Po?” napatingin ako sa kanya.

“You were calm earlier. You knew what to do,” paliwanag niya. “Not everyone can handle blood and wounds.”

Napangiti ako ng bahagya. Tama siya 'yung iba kase ay takot sa dugo nong una takot talaga ako. But I manage na hindi matakot. 

Because this is my dream, na maging isang professional doctor sa Lugar namin.

“Kailangan po. Pangarap ko pong maging doctor. Gusto kong makatulong, hindi lang sa pamilya ko kundi sa ibang tao rin.”

“Your family?” tanong niya.

Hindi ko alam kung nagtatanong siya about sa parents ko o iyung sinabi kung nais kung makatulong sa kanila.

But I answer him. 

“May sarili po kaming company,” sagot ko. “Daddy runs it, and Kuya will take over someday. Stable naman po ang buhay namin, kaya sinuportahan nila ako sa gusto kong kurso.”

“I see,” maikli niyang tugon.

Nagpatuloy ang usapan namin mga simpleng tanong tungkol sa school, sa workload, sa kung gaano kahirap ang medical field. 

Hindi siya masyadong nagsasalita, pero kapag may sinasabi siya, ramdam ko talaga ang lalim.

Kong siguro di lang ako masyadong nakaka intindi nang English, nako talagang mahihirapan akong intindihin siya. 

“You’re different,” bigla niyang sabi.

Napatingin ako sa kanya. “Po?”

“Most people talk too much,” sabi niya. “You don’t.”

Hindi ko alam kung papuri ba ‘yon, pero bahagya akong natawa. “Baka po kasi nahihiya lang ako.”

Tumahimik ulit ang sasakyan, pero hindi awkward. May kakaibang gaan sa pakiramdam ko parang ligtas ako, kahit hindi ko alam kung bakit.

Nakakahiya naman kaseng magsalita, feeling ko isa siyang malaking tao, I mean delikado or maybe something?

Maya-maya ay huminto siya sa tapat ng bahay namin. Sinabi ko kase kanina kong nasaan at kong saan siya dadaan.

“Here,” sabi niya. “You’re home.”

“Salamat po,” agad kong sabi habang bumababa. “Thank you so much. I really appreciate it.”

He nodded. “Take care, Ms.”

“You too po.”

He smiled at me kaya napangiti rin ako bago tuluyang pumasok sa gate. Umandar na ulit ang kotse at nawala sa paningin ko.

Napahinto ako at napahawak sa dibdib ko. Grabe ka na, Vivienne. Napangiti ako habang naaalala ang mukha niya, ang boses niya, ang titig niya.

Bigla kong sinampal ang sarili ko. “Ano ka ba,” bulong ko. “Ang landi mo.”

Pumasok ako sa loob ng bahay ng may ngiting matamis sa aking labi. 

“Good evening po,” bati ko sa guard at sa mga ibang katulong na nadaanan ko.

“Good evening, Miss Vivienne,” sagot nila.

Ngumiti ako pabalik at naglakad papunta sa sala. Babati sana ako kina Mommy at Daddy, pero napatigil ako nang marinig ko ang sigawan nila. 

“Paano mo nagawa ‘to sa amin?” galit na sigaw ni Mommy.

“Magpaliwanag ka!” dagdag ni Mommy, pero bakas ang pagkataranta sa boses niya.

Sumilip ako.....at doon ko sila nakita. Si Mommy, nanginginig sa galit at sakit. Si Daddy, nakayuko, at hindi makatingin ng diretso.

“Mom?” mahina kong tawag.

Napalingon sila sa akin. “Vivienne…” basag ang boses ni Mommy.

“Anong nangyayari?” tanong ko. “Bakit kayo nag-aaway?”

Tahimik. Masyadong tahimik. Tiningnan ko si papa pero hindi siya maka tingin nang diritsyo saken.

“Sabihin mo sa anak mo,” mariing sabi ni Mommy kay Daddy. “Sabihin mo kung ano ang nakita ko.”

Napatingin ako kay Daddy. “Daddy?”

Hindi siya makasagot.

“May kahalikan siya,” biglang sabi ni Mommy. “I caught him. With another woman.”

Parang gumuho ang mundo ko. Ha? 

“Ano?” napatakip ako sa bibig ko. “Hindi… hindi ‘totoo ‘yon, ‘di ba, Daddy?”

Nanatiling tahimik si Daddy. At doon ko naramdaman ang pinakamasakit.....ang kawalan ng sagot.

“Daddy, please,” nanginginig kong sabi. “Sabihin mong hindi totoo.”

Pero wala wala akong nakuhang sagot mula sa kanya at nag isang hakbang paatras si Mommy.

“Ayoko na,” umiiyak niyang sabi. “Hindi ko na kaya.”

At bago pa ako makapagsalita, tumalikod siya at umalis.

“Mom!” sigaw ko.

Nanatili akong nakatayo sa gitna ng sala, nanginginig, wasak, at puno ng tanong habang si Daddy ay nanatiling tahimik.

Umiling iling ako, akala ko masaya ang ganitong pamilya. Halos akalain kung sobrang saya, pero I was wrong ito ang sumira saken. 

At sa gabing iyon, doon ko unang naramdaman… na may mga sugat na hindi kayang gamutin ng medisina.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • POSSESSED BY THE DON   Chapter 4

    Mahigpit kong niyakap ang unan habang nakaupo sa gilid ng kama ni Mommy. Tahimik na ang paligid, tanging ang mahina niyang paghinga ang maririnig.Ilang ulit kong tinanong si Daddy but he never answer my question kaya umalis ako. Ngayon ay andito ako sa kwarto nila, kasama ko si mama.Kanina pa siya umiiyak hanggang sa mapagod ang katawan niya at tuluyang makatulog. Pero kahit tulog na siya, bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.Dahan-dahan akong huminga at pinilit na hindi maiyak ulit. Nasasaktan ako para sa kanya, naalala ko ang sinabi niya kanina.“Vivienne…” mahina niyang banggit sa pangalan ko kanina, bago siya pumikit. “Hindi ko inakala… hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ‘to.”Hinaplos ko ang kamay niya noon, pilit pinapakalma. “Mommy, hindi mo kasalanan,” sabi ko. “Wala kang pagkukulang. Siya ang nagkamali.”Napangiti siya nang mapait. At doon niya ikinuwento ang lahat. Ayokong nakikitang umiiyak siya, nasasaktan din ako.Dapat daw kanina ay magdadala lang siya ng lunch

  • POSSESSED BY THE DON   Chapter 3

    Naglalakad ako pa balik sa waiting area habang mahigpit na hawak ang cellphone ko. Mag 9 na pero wala parin ang sundo ko. Ilang beses ko nang tiningnan ang screen wala pa ring reply mula sa sundo ko. Umalis kase ako kanina dito diko tuloy napansin kung dumating naba.Dapat kanina pa siya nandito, pero mukhang hindi niya ako nakita dahil umalis ako. Napa buntong hininga ako at nagdesisyon na lang na mag-text sa parents ko.‘Mom, Dad, uuwi na lang po ako by taxi.’Text ko. Pinindot ko ang send at itinabi ang phone. Sanay naman ako sa ganito. Ang mapag-isa. Minsan talaga nagkakapalitan ng oras, lalo na kapag abala si Kuya sa company at si Daddy sa meetings. Hindi din naman ako namimilit dahil kaya kung mag-isang umuwi. Kaya ko naman umuwi mag-isa, kahit minsan nakakapagod. Pero go parin naman.Ang hirap lang. Huminto ako sa gilid ng kalsada at nag-antay ng taxi. Tahimik ang paligid, kakaunti ang ilaw, at parang ang bagal gumalaw ng oras. Ilang minuto ang lumipas pero walang ni isan

  • POSSESSED BY THE DON   Chapter 2

    Hapon na nang huminto sa harap ng bahay ang kotse ni Kuya para ihatid ako sa school. Kanina pa ako nag-aantay sa kanya, siya kase taga hatid saken. Galing pa kase siya sa company ni Daddy, kilala na siya habang ako hindi pa ang focus ko talaga ngayon ay ang pag-aaral ko.“Viv, handa ka na ba? Late ka na kung hindi tayo aalis ngayon,” sabi niya habang inaayos ang rearview mirror.“Oo na, Kuya. Kaka-ayos ko lang ng notes ko,” sagot ko habang nilagay ko naman sa bag ang mga notebooks at textbooks ko sa medical ethics.Agad narin naman akong sumakay sa kotse niya. Ang gwapo talaga ng kuya ko kahit minsan nagiging unggoy siya sa paningin ko HAHA.Habang nagmamaneho siya, nag-usap kami tungkol sa school ko kahit busy siya nagagawa niya parin akong ihatid. “So, kumusta na ang mga classes mo? Ready ka na ba sa ethics class later?” tanong niya.“Medyo, Kuya. Nag-review naman ako kanina, kaya confident naman ako sa discussion,” sagot ko.“Good. Pero tandaan mo, ethics is not just reading. Kai

  • POSSESSED BY THE DON   Chapter 1

    Maaga akong nagising dahil sa boses ng kuya ko na sumisigaw sa loob ng kwarto ko. Napuyat ako ka gabi, grabe naman kase ang pag review ko.“Viv! Gising na! Mag breakfast ka na, baka mahuli ka sa school!” sigaw niya habang hinahampas ng medyo malambot ang paa ko para siguradong gumalaw ako.“Kuya… five more minutes…” antok kong sagot habang nakabaluktot pa sa unan.“Hindi! Gising na talaga. Alam mo namang ayaw kitang mahuli!” sabi niya, sabay abot ng kamay para hatakin ako sa kama.Kahit pa antok pa, napangiti ako sa paraan niya ng paggising sa akin. Huminga ako ng malalim at unti-unting bumangon.“Fine, fine! Papunta na ako,” sabi ko, sabay halik sa unan bago tuluyang bumangon.Habang nagbibihis, narinig ko ang mga tunog ng kuya ko sa baba. Lumabas kase siya ng sabihin kung magbibihis ako, mamaya nalang din ako maliligo. Sigurado akong nauna na siya sa kusina para ihanda ang breakfast. Pagkatapos kong matapos, bumaba rin ako sa sala at doon ko nakita ang parents ko na kumakain na.“G

  • POSSESSED BY THE DON   Prologue

    Masaya ang araw na ‘to. Habang naglalakad ako papunta sa canteen, ramdam ko ang init ng araw sa likod ko at ang excitement sa school lalo na’t lunch break. Aminin niyo, tulad ko favorite niyo rin ang lunch time eh huwag na ipagkaila. At sa canteen.Dito ko lagi nakikita si Ashley, best friend ko simula pa freshman year. Spotting her sa paborito naming table, kumaway siya, at ako rin agad.“Viv! Finally! Akala ko maa-late ka ulit,” sabi niya, at may kasama ang ngiti niyang nakakagaan sa loob.“Traffic was crazy, alam mo na,” sagot ko, umupo sa harap niya. “So, kumusta morning mo?”“Ugh, history! I swear, Mr. Vazquez wants to kill us slowly. Lahat ng dates, revolutions… super overwhelming,” reklamo niya, sabay hinga.Tumawa ako. “Tell me about it. Pero don’t worry, may quiz at oral recitation tayo mamaya. Mag-review tayo sa library after lunch?”“Please! Kailangan ko talaga, at ikaw lang ang nakakapagpapa-ano talaga sakin,” sagot niya.Talagang she's so tired, nahahalata ko naman kase

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status