공유

Chapter 4

last update 게시일: 2026-04-26 23:47:33

Mahigpit kong niyakap ang unan habang nakaupo sa gilid ng kama ni Mommy. Tahimik na ang paligid, tanging ang mahina niyang paghinga ang maririnig.

Ilang ulit kong tinanong si Daddy but he never answer my question kaya umalis ako. Ngayon ay andito ako sa kwarto nila, kasama ko si mama.

Kanina pa siya umiiyak hanggang sa mapagod ang katawan niya at tuluyang makatulog. Pero kahit tulog na siya, bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.

Dahan-dahan akong huminga at pinilit na hindi maiyak ulit. Nasasaktan ako para sa kanya, naalala ko ang sinabi niya kanina.

“Vivienne…” mahina niyang banggit sa pangalan ko kanina, bago siya pumikit. 

“Hindi ko inakala… hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ‘to.”

Hinaplos ko ang kamay niya noon, pilit pinapakalma. “Mommy, hindi mo kasalanan,” sabi ko. “Wala kang pagkukulang. Siya ang nagkamali.”

Napangiti siya nang mapait. At doon niya ikinuwento ang lahat. Ayokong nakikitang umiiyak siya, nasasaktan din ako.

Dapat daw kanina ay magdadala lang siya ng lunch kay Daddy. May dala siyang home-cooked meal, paborito ni Daddy dahil alam niyang abala ito at madalas nakakalimutang kumain. 

Masaya pa raw siya no’n. May plano pa raw siyang yayain si Daddy na mag-dinner mamaya. Pero nang buksan niya ang pinto ng opisina…

“Vivienne,” umiiyak niyang sabi, “may kahalikan siyang babae. Sa mismong mesa niya. Parang… parang wala lang ako.”

Parang may humigpit sa dibdib ko nang marinig ko ‘yon. Nagawa ni Daddy kay mommy 'yun?

“Nanlalamig ang kamay ko,” dagdag niya. “Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala. Hindi ko na alam ang ginawa ko. Basta ang alam ko, nasaktan ako.”

“Mommy…” nanginginig kong tawag.

“Ang mas masakit,” sabi niya habang tumutulo ang luha, “parang matagal na. Parang hindi lang isang beses.”

Pinilit kong maging matatag para sa kanya. Hindi ko siya pwedeng iwan sa ganitong estado. Kaya kahit wasak na rin ako sa loob, pinili kong maging matibay.

“Mom,” sabi ko noon, “nandito kami ni Kuya. Hindi ka nag-iisa. Anuman ang mangyari, kakampi mo kami.”

Ngayon, nakatulog na siya. Maingat akong tumayo at inayos ang kumot niya. Isang huling tingin sa kanya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ng katahimikan ng bahay. Bumaba ako at nakita ko si Kuya sa sala. 

Nakatayo siya roon, nakapamewang, at bakas sa mukha niya ang matinding pagod hindi pisikal, kundi emosyonal.

“Kuya,” mahina kong tawag.

Agad siyang napalingon. “Tapos na?” tanong niya.

Tumango ako. “Nakatulog na si Mommy.”

Napabuntong-hininga siya at umupo sa sofa. Sumunod ako at umupo sa tabi niya.

“Ikinuwento niya ang lahat saken kuya,” sabi ko. “Kung paano niya nahuli si Daddy.”

Tumango siya. “Alam ko.”

“Kuya…” nanginginig ang boses ko. “Ano na’ng mangyayari sa atin?”

Tahimik siya sandali bago nagsalita. “Inaayos ko na lahat,” sabi niya. “Pero mas mahirap kaysa sa inaakala ko.”

“Paano?”

Anong mahirap ang ibig niyang sabihin? Naka plano pa naman ang pag celebrate nang pag handle niya sa company ni Daddy. 

Ano na kaya ang mangyayare? Sana naman hindi ma cancel. 

“Media,” sagot niya. “Nakatuon na sa pamilya natin. Hindi ko na alam kung paano ko sila pipigilan.”

Naguguluhan akong napatingin sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?”

Tumayo siya at binuksan ang TV.

At doon bumungad sa akin ang balita. Isang video. Isang eksena na hindi ko inakalang makikita ko kailanman.

Si Mommy, nakikipagsabunutan sa isang babae. May Sigawan, flash ng camera, at mga reporter na nagtatanong.

Parang huminto ang mundo ko.

“Ano ‘to…” pabulong kong sabi.

“Kanina lang ‘yan,” sabi ni Kuya. “Pagkatapos ng nangyari.”

Napatingin ako sa kanya, nanginginig. “Bakit umabot sa ganito?”

Lumapit siya sa akin at pinaupo ako nang maayos. “Vivienne, calm down,” sabi niya habang hinahawakan ang balikat ko. “Hindi mo kasalanan ‘to.”

“Pero nahihirapan ako, Kuya,” bigla akong napaiyak. “Nasasaktan ako para kay Mommy.”

“I don't understand Dad, bakit niya nagawa kay mommy lahat nang 'to? I thought this family was happy but look what's happening now, kuya, it's all mess,” I said.

Hinila niya ako para yakapin. 

“Ako rin,” mahina niyang sabi. “Pero kailangan nating maging matatag para sa kanya.”

Tumango ako habang umiiyak. Maya-maya, bumitaw siya.

“Magpahinga ka na,” sabi niya.

“Hindi ko masasabi ang mangyayare bukas, but Vivienne promise me one thing.”

“Po?.”

“No matter what happens next, don't ever forget that our parents love you so much and especially me, I love you so much.”

Magtatanong pa sana ako, kaso naisip ko rin na may gagawin pa siyang mas importante. Umalis ako sa sala at balak na hanapin si Papa.

Hinahanap ko si Daddy pagkatapos no’n. Pero wala siya. Parang naglaho. Saan naman kaya siya nag punta. 

At sa gabing ‘yon, natulog akong may bigat sa dibdib may sakit na hindi ko maipaliwanag. 

Hindi galit. Hindi rin lungkot lang. Kundi isang masakit na tanong, ‘Bakit, Papa?’

Kinabukasan, nagising ako pero wala akong gana sa kahit ano. Hindi ako bumangon. Hindi rin ako ginising ni Kuya. Siguro alam niya, sabi ko sa sarili ko. Alam niyang hindi ko kaya.

Huminga ako nang malalim at muling ipinikit ang mga mata ko. Walang akong ganang pumasok.

Maya-maya, may biglang bumukas na pinto.

“Vivienne,” boses ni Kuya. “Gising na.”

Humikbi lang ako. “Kuya… ayoko munang pumasok.”

“Kailangan mo,” sagot niya. “Hindi pwedeng—”

Bigla akong napaiyak. “Kuya, please,” umiiyak kong sabi. “Hindi ko kaya. Nasasaktan pa rin ako para kay Mommy. Hindi ako makakapag-aral nang maayos.”

Tahimik siya sandali. Pagkatapos ay napabuntong-hininga. “Okay,” sabi niya. “Hindi ka muna papasok.”

Napatingin ako sa kanya.

“Pero kailangan mong bumaba,” dagdag niya. “May kailangan kang makita.”

Wala akong nagawa kundi tumango.

Naligo ako, nagbihis, at lumabas ng kwarto. Pero nang makarating ako sa hallway, may narinig akong ingay mula sa sala mga boses na hindi pamilyar.

Napansin ko rin si Kuya na kakapasok lang sa kwarto niya. Bakit parang may mga bisita? tanong ko sa sarili ko.

Bumaba ako.

At doon ko sila nakita.

Dalawang babae. Isang mas matanda, isang mas bata. Magkahawig sila. Mukha silang mag-ina. At kung umasta......parang sila ang may-ari ng bahay.

Napalingon sila sa akin.

“Oh,” sabi ng babae. “Ikaw siguro si Vivienne.”

“Who are you?” tanong ko sa kanila ng diretso.

Ngumiti ang mas matandang babae. “I’m Julie,” sabi niya. “And this is my daughter, Marry.”

Nagtaas ako ng kilay. “Okay… and?”

Lumapit siya ng kaunti. “I’m your new mommy.”

Napatawa ako isang tawang puno ng disbelief. “Sorry?” sabi ko. “You must be joking.”

“Hindi ako nagbibiro,” sagot niya.

Humakbang ako paatras. “Hindi kayo pwedeng basta-basta pumasok dito at magpakilalang mommy ko.”

Sino naman sigurong t*nga ang papasok basta basta nalang dito at sasabihin na mommy ko pa.

Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang boses na kinamumuhian ko sa sandaling ‘yon.

“Tama ang sinabi nila.”

Napalingon ako.

Si Daddy.

Nanlaki ang mga mata ko. 

“Dad?” nanginginig kong tawag. “Anong ibig mong sabihin?”

Lumapit siya. “Vivienne, kailangan mong intindihin.”

“Intindihin?” nanginginig kong ulit. “Na may bagong mommy ako?”

Tumahimik siya.

“No, I have a mom at hindi mo siya mapapalitan sa babae mong parang wala namang alam.”

At doon ko naramdaman na ang pamilya naming akala ko’y buo, ay tuluyan nang gumuho.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • POSSESSED BY THE DON   Chapter 4

    Mahigpit kong niyakap ang unan habang nakaupo sa gilid ng kama ni Mommy. Tahimik na ang paligid, tanging ang mahina niyang paghinga ang maririnig.Ilang ulit kong tinanong si Daddy but he never answer my question kaya umalis ako. Ngayon ay andito ako sa kwarto nila, kasama ko si mama.Kanina pa siya umiiyak hanggang sa mapagod ang katawan niya at tuluyang makatulog. Pero kahit tulog na siya, bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.Dahan-dahan akong huminga at pinilit na hindi maiyak ulit. Nasasaktan ako para sa kanya, naalala ko ang sinabi niya kanina.“Vivienne…” mahina niyang banggit sa pangalan ko kanina, bago siya pumikit. “Hindi ko inakala… hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ‘to.”Hinaplos ko ang kamay niya noon, pilit pinapakalma. “Mommy, hindi mo kasalanan,” sabi ko. “Wala kang pagkukulang. Siya ang nagkamali.”Napangiti siya nang mapait. At doon niya ikinuwento ang lahat. Ayokong nakikitang umiiyak siya, nasasaktan din ako.Dapat daw kanina ay magdadala lang siya ng lunch

  • POSSESSED BY THE DON   Chapter 3

    Naglalakad ako pa balik sa waiting area habang mahigpit na hawak ang cellphone ko. Mag 9 na pero wala parin ang sundo ko. Ilang beses ko nang tiningnan ang screen wala pa ring reply mula sa sundo ko. Umalis kase ako kanina dito diko tuloy napansin kung dumating naba.Dapat kanina pa siya nandito, pero mukhang hindi niya ako nakita dahil umalis ako. Napa buntong hininga ako at nagdesisyon na lang na mag-text sa parents ko.‘Mom, Dad, uuwi na lang po ako by taxi.’Text ko. Pinindot ko ang send at itinabi ang phone. Sanay naman ako sa ganito. Ang mapag-isa. Minsan talaga nagkakapalitan ng oras, lalo na kapag abala si Kuya sa company at si Daddy sa meetings. Hindi din naman ako namimilit dahil kaya kung mag-isang umuwi. Kaya ko naman umuwi mag-isa, kahit minsan nakakapagod. Pero go parin naman.Ang hirap lang. Huminto ako sa gilid ng kalsada at nag-antay ng taxi. Tahimik ang paligid, kakaunti ang ilaw, at parang ang bagal gumalaw ng oras. Ilang minuto ang lumipas pero walang ni isan

  • POSSESSED BY THE DON   Chapter 2

    Hapon na nang huminto sa harap ng bahay ang kotse ni Kuya para ihatid ako sa school. Kanina pa ako nag-aantay sa kanya, siya kase taga hatid saken. Galing pa kase siya sa company ni Daddy, kilala na siya habang ako hindi pa ang focus ko talaga ngayon ay ang pag-aaral ko.“Viv, handa ka na ba? Late ka na kung hindi tayo aalis ngayon,” sabi niya habang inaayos ang rearview mirror.“Oo na, Kuya. Kaka-ayos ko lang ng notes ko,” sagot ko habang nilagay ko naman sa bag ang mga notebooks at textbooks ko sa medical ethics.Agad narin naman akong sumakay sa kotse niya. Ang gwapo talaga ng kuya ko kahit minsan nagiging unggoy siya sa paningin ko HAHA.Habang nagmamaneho siya, nag-usap kami tungkol sa school ko kahit busy siya nagagawa niya parin akong ihatid. “So, kumusta na ang mga classes mo? Ready ka na ba sa ethics class later?” tanong niya.“Medyo, Kuya. Nag-review naman ako kanina, kaya confident naman ako sa discussion,” sagot ko.“Good. Pero tandaan mo, ethics is not just reading. Kai

  • POSSESSED BY THE DON   Chapter 1

    Maaga akong nagising dahil sa boses ng kuya ko na sumisigaw sa loob ng kwarto ko. Napuyat ako ka gabi, grabe naman kase ang pag review ko.“Viv! Gising na! Mag breakfast ka na, baka mahuli ka sa school!” sigaw niya habang hinahampas ng medyo malambot ang paa ko para siguradong gumalaw ako.“Kuya… five more minutes…” antok kong sagot habang nakabaluktot pa sa unan.“Hindi! Gising na talaga. Alam mo namang ayaw kitang mahuli!” sabi niya, sabay abot ng kamay para hatakin ako sa kama.Kahit pa antok pa, napangiti ako sa paraan niya ng paggising sa akin. Huminga ako ng malalim at unti-unting bumangon.“Fine, fine! Papunta na ako,” sabi ko, sabay halik sa unan bago tuluyang bumangon.Habang nagbibihis, narinig ko ang mga tunog ng kuya ko sa baba. Lumabas kase siya ng sabihin kung magbibihis ako, mamaya nalang din ako maliligo. Sigurado akong nauna na siya sa kusina para ihanda ang breakfast. Pagkatapos kong matapos, bumaba rin ako sa sala at doon ko nakita ang parents ko na kumakain na.“G

  • POSSESSED BY THE DON   Prologue

    Masaya ang araw na ‘to. Habang naglalakad ako papunta sa canteen, ramdam ko ang init ng araw sa likod ko at ang excitement sa school lalo na’t lunch break. Aminin niyo, tulad ko favorite niyo rin ang lunch time eh huwag na ipagkaila. At sa canteen.Dito ko lagi nakikita si Ashley, best friend ko simula pa freshman year. Spotting her sa paborito naming table, kumaway siya, at ako rin agad.“Viv! Finally! Akala ko maa-late ka ulit,” sabi niya, at may kasama ang ngiti niyang nakakagaan sa loob.“Traffic was crazy, alam mo na,” sagot ko, umupo sa harap niya. “So, kumusta morning mo?”“Ugh, history! I swear, Mr. Vazquez wants to kill us slowly. Lahat ng dates, revolutions… super overwhelming,” reklamo niya, sabay hinga.Tumawa ako. “Tell me about it. Pero don’t worry, may quiz at oral recitation tayo mamaya. Mag-review tayo sa library after lunch?”“Please! Kailangan ko talaga, at ikaw lang ang nakakapagpapa-ano talaga sakin,” sagot niya.Talagang she's so tired, nahahalata ko naman kase

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status