__________
At ang mamaya ngang iyon ay naganap nang ihatid na siya ni Enrico sa apartment nila ni Minerva. Nagkataong wala roon ang pinsan, pero nag-iwan ito ng sulat sa ibabaw ng mesita na nasa salas. Ayon sa sulat, tutal day-off naman daw nila, kaya may date daw ito kasama ang nobyo. Baka gabihin daw ito nang uwi.“Okay pala ang pinsan mo, ah,” si Enrico. Makahulugan ang ngiti nitong hindi napansin ni Ana. Nakaupo na ito sa sopang naroroon.“Si Minerva? Naku, first time lang kasi magkanobyo n'on at hindi iyon marunong magpalagpas ng pagkakataon lalo at guwapo. Takaw-gwapo iyon, e,” kuwento ni Ana.“Tulad mo?" tanong ng lalaki.“Hindi, 'no! Saka bakit mo naman nasabi?”“Kasi, puro tulad kong mga guwapo ang mga manliligaw mo.”“Gano'n ba? Naku, ang sabihin mo, sila ang takaw sa maganda at seksi na katulad ko,” depensa ni Ana.“E, bakit ini-entertain mo pa silang lahat, pati ako?”“E, 'di ba nga, sinabi ko na sa iyo na babastedin ko na silang lahat.”“Kasali ako?” taas ang mga kilay na tanong ni Enrico. Parang hindi makapapayag na pati ito ay babastedin niya.Lihim na napangiti si Ana. “Sabihin ko kayang, oo,” biro niya.Pero hindi niya inaasahang siseryosohin ito ng binata. Bigla-bigla na lang lumungkot ang ekspresyon ng maamo nitong mukha.“Ganoon ba?” walang latoy na pahayag ni Enrico at laylay ang mga balikat na tumayo't lumapit kay Ana. “Aalis na ako kung ganoon,” bulong nito at tinungo na ang pintuan.Nagulo ang isip ni Ana sa biglang pagkakaganoon ni Enrico. Ganoon na ba kalalim ang binitiwan niyang biro para agad itong magkaganoon? Mali ba ang naging facial expression niya? Wrong timing ba ang pagbibiro niya? Mali ba ang mga salitang lumabas mula sa bibig niya?“Hoy, sandali!” Kunot-noong hinabol ni Ana ang binata. Huminto naman ito, ngunit nakatalikod pa rin sa kaniya. Ang hindi niya alam ay nakangisi pala ito nang makahulugan.Nilapitan niya ito.“Anong nangyari sa iyo? Binibiro lang kita, 'di ba?” nag-aalalang tanong ni Ana.Biglang humarap sa kaniya si Enrico na nakangisi pa rin sabay hapit sa maliit niyang baywang na ikinabato niya. Ang bahagyang ikinuyom na kanang kamao nito ay idinaiti sa makinis niyang baba. Marahan nitong iniangat ang mukha niyang sinasamba ng mga mata nito.Pinangangapusan ng hininga si Ana sa posisyon nilang iyon. Ang buong pagkatao niya ay parang binabalot ng isang makapangyarihang puwersa. Damang-dama niya ang kapwa malalakas na pintig ng kanilang mga puso.“Alam kong ako lang ang lalaki sa puso mo, Ana,” masuyong bulong ni Enrico. Bahagya nitong inilapit ang mukha anupat ang mainit at mabangong hininga nito'y tumatama sa mukha ni Ana. Nilunod nito ang kaniyang diwa. “Gaya rin ng ikaw lang ang babae sa puso ko,” susog pa nito.Iyon lang ang sinabi nito at dahan-dahan nang binagtas ang nalalabing espasyo sa pagitan ng kanilang mga labi. Muling nadama ni Ana ang mamasa-masa, mainit-init at malambot-lambot na mga labi ni Enrico. Sa pagkakataong ito ay binuhay na nito ang pakatago-tago niyang makamundong pagnanasa anupat nagpatukso siyang gumanti. Dahil dito’y lalong naging mapusok ang binata. Humigpit ang pagkakahapit nito sa kaniyang katawan hanggang sa maramdaman na lang niya ang pagbundol ng pagkalalaki nitong unti-unting nabubuhay.Sa sandaling iyo’y nawala sa sariling wisyo si Ana, at lalo pa siyang nawala sa sarili nang simulang haplusin ni Enrico ang mga bundok sa kaniyang dibdib. Naroroon sa bawat nitong haplos ang pagsamba, ang pag-iingat at pananabik.Gustong magprotesta ng isip ni Ana ngunit tuluyan na siyang ipinagkanulo ng kaniyang katawan. Halik dito at halik doon. Haplos dito’t haplos doon ni Enrico. Wala na, darang na darang na si Ana sa nilalaro nilang apoy.Kapag kuwa’y tuluyan nang lumantad ang malulusog na mga dibdib ni Ana. Bininyagan ng naninibasib na mga labi ni Enrico ang mga korona ng mga ito matapos pagsawaan ang liliyad-liyad niyang leeg. At nang hindi pa ito makuntento’y pumaibaba pa nang pumaibaba ang paghagod ng dila’t bibig nito.Kalauna’y kapwa na sila bagong silang na mga sanggol na wala nang ni saplot sa katawan. Magkapatong silang naroroon sa ibabaw ng malambot na pahabang sofa sa sala ng apartment. Halos mapugto ang hininga ni Ana nang simulan siyang pasukin ni Enrico. Napaungol siya sa sakit na naramdaman.“Sorry, sorry!” paumanhing anas ni Enrico. May sumilay na mas tuminding damdamin para kay Ana sa mga mata nito dahil sa natuklasan. “Dadahan-dahanin ko, Ana. Sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihan ang pag-angkin ko sa iyo.”At ganoon nga ang ginawa ni Enrico. Tila ritmo ng malamyos na musika ang pag-indayog ng kanilang mga katawan. Unti-unting nawala ang sakit na nararamdaman ni Ana hanggang sa napalitan ito ng hindi maipaliwanag na glorya. Sumabay sa kanilang paglalayag sa karagatan ng pag-ibig ang maaliwalas na kalangitan sa labas. Pinalibutan sila ng mga anghel, pinatunog ang kanilang mga alpa habang sinasabayan ng kanilang malamyos ngunit matamis na awitin ang bawat nilang mga ungol.__________Welcom to Marie-Neil's Paradise of Roses!Iyan ang nakasabit sa gate ng Dela Fuente's Residence na nagsisilbing pambungad na pagbati nina Enrico at Ana sa mga imbitadong guests sa kanilang engrandeng pagtataling puso.Isang garden wedding ang nakatalagang maganap sa araw na ito after the groom and bride reconciled at Santana's Residence.Kayganda ng paligid, full of rose blooms and different flowers that Ana has never seen before. And the house was like a medium-built mansion she dreamed of. The place turned into a real paradise!Naroroon na ang lahat. Present ang buong pamilya ng Tiyo Narding niya. Sina Aseneth at Daniel ay naroroon din kasama ang mga katiwala ng mga ito na naka-close na rin ni Ana. Dumalo rin sina Romy (pinsan ni Enrico) kasama ang asawa nito, si Minerva at ang nobyo nitong si Ferdie, sina Melinda at Nikko at ang ilan pang mahahalagang mga panauhin gaya ng mga ninong at ninang, ilan pang mga abay at marami pa
Gagang Aseneth!Hahabol na lang siya nang mapansin niyang naroroon pa rin pala si Enrico sa sala. Iniwan pala ito ng dalawa. Kamuntikan na niya itong mabangga. Ang masama lang, face to face na sila ni Enrico, so near that she almost lost her breathe.Nakaloloko ang ngiting nag-flash sa mapupulang mga labi ng lalaki."Sali ka sa honeymoon?" tila nang-aakit na wika nito at walang sabi-sabing hinapit siya sa baywang.She got lost the moment she felt his body again. Oh, how she longed to feel and touch his body! And she was more than lost when his warm healing breathe caressed her face. It was so sweet to smell, making her world around whirl. Lalo pa nang maamoy niya ang same cologne nito. She was again a woman yearning to be kissed, embraced, caressed!Enrico kissed her passionately, healing every wound in her heart. That sweet, warm and gentle kiss is too much assurance that they love each other so much. That is what she waited for, greater
__________“Ana! May naghahanap sa iyo sa salas. Isang babae. Camineth Rico daw ang pangalan niya,” imporma ng Tiyo Narding ni Ana na siyang bumasag sa malalim na pagbubulay-bulay ng kaniyang usaping puso.Napakunot siya ng noo. Camineth Rico? May kilala ba siyang Camineth Rico na puwedeng maghanap sa kaniya? Wala siyang maalala na kakilalang may pangalang Camineth. Sino man ito ay malalaman niya rin.Pagdating sa sala ay nagulat pa siya nang mapagsino ang Camineth Rico na tinutukoy ng tiyo niya. Ito ang babaeng kasama ni Enrico kanina!Ang talanding babae at iniba-iba pa ang pangalan! Kung puwede lang manabunot agad ay pinanggigigilan niyang gawin. Pasalamat na lang ang babaeng ito at nasa poder siya ng Tiyo Narding niya. Kung hindi lang sana nakakahiya sa tiyo niya ang mag-eskandalo ay hahamunin talaga niya ito ng giyerang babae sa babae.“Ano ang kailangan mo?” malamig niyang bungad. Hindi niya maiwasang maging malamig dito. Pati ang ma-ins
__________A sip of wine on the cup of love,at first’s honey sweet;you’re left enchanted yearning more,drowning in the deep.But later on, when all you’re drankwith its heavenly spell;you’d feel you’re in a perfect romance,and hoping it is real.But when the drunkenness subside,reality strikes;love wine has an aftertaste,a screening test it’s like.If love is true and really there, to back down, it never will;it will forever sort things out,for love never fails.***(A LOVE METAPHOR)---Arnel T. Lanorio---Samantala sa pabalik sa rose farm, noong kaaalis lang ni Ana sa poder nina Aseneth, halos naestatwa si Enrico nang makita nang di-inaasahan si Ana. Next month pa sana niya ito balak hanapin, pero malayo pa man ay heto na't nagkrus na nang hindi sinasadya ang kanilang mga landas. Hindi niya akalaing sa pagtatagpo muli nilang iyon ay namumuhi pa rin sa kaniya ang asaw
__________Sa loob ng bahay ng mag-asawang Narding at Celia Santana, sa isang maayos-ayos na kuwarto, ay nag-iiiyak si Ana. Katabi niya ang tiya niya na kakikitaan ng pagkabahala at pagkaawa sa mukha habang pinatatahan siya. Ikinuwento rito ni Ana ang ginawa niyang pagpapakalayo at ang tungkol sa kanilang dalawa ng asawa niyang si Enrico.“Ang asawa ko!” mapait na iyak ni Ana. “Pero sa kabila ng lahat, mahal na mahal ko pa rin naman ang asawa ko, Tiyang!" hagulgol pa niya saka suminghot-singhot. Kaawa-awa ang kaniyang hitsura.“Oo, Ana. Mahal mo nga si Enrico. Kaya nga nagseselos ka, e. Pero tama na ang pag-iyak," alo ng tiya niya.Pero ibinuhos pa ni Ana ang lahat niyang luha sa natuklasan nang nasa resthouse pa siya nina Aseneth. Saka lang siya nakadama ng kagaanan ng loob nang mapagod siya sa pag-iyak. Luminaw rin pagkatapos ang kaniyang isip.Natawa pa nga si Ana sa sarili kapag kuwan. Ah, mahal nga talaga niya si Enrico kaya ganoon na lan
Natapos din ang masaganang agahan at umaatikabong kuwentuhan at tawanan. Natapos din ang pagkukunwari niyang masayang-masaya. Naroroon na nga sila sa resthouse nina Aseneth. Doon siya agad inakay ng bestfriend dahil may ikukuwento raw ito sa kaniya; tungkol raw sa naging customer nito na nag-ambon ng grasya sa DaNeth's.“Alam mo, Ana. Naku! Kung nandito ka lang kahapon, nakita mo sana 'yong customer kong super-duper sa kaguwapuhan! Ang tangkad no'ng lalaki, tapos artistahin pa ang dating! Kung hindi ka lang naki-birthday, na-meet mo sana siya at iyong kasama niyang babae na napakaganda at napakaseksi rin,” pasimulang pagbibida ni Aseneth sa paraang para lang may itsinitsismis sa kaniya.“Talaga?” tanong niya na 'di naman gaanong interesado sa kadahilanang wala siya sa mood. Humahanap kasi siya ng tamang tiyempo para makapagpaalam na.“Oo, naman! Eto pa ha. Taga-Laguna siya. Kababayan mo! Neil ang pangalan at ang apelyido, e — teka — ano na nga ba? Nakalimu