Share

Chapter 3.2

Author: ArLan28
last update Last Updated: 2023-12-25 19:00:53

Natatawa man siya sa naging hitsura nito ay hindi na pinansin ni Ana. Kiming hinarap na lamang niya ang naa-amuse na ginang at magalang na bumati rito.

“Magandang hapon po!”

“Magandang hapon naman sa iyo, iha! Halikayo rine sa loob at nang maipaghanda ko kayo ng mamimiryenda,” imbita ng ginang.

“Dito na lang kami sa may hardin, 'nay!” singit ni Enrico sa magalang na paraan.

“Sige, kayong bahala,” pakli ng ina ni Enrico na si Aling Nenita at saka tumalikod na para tumungo sa kusina. Alam na rin niya ang pangalan nito dahil madalas din itong ikuwento sa kaniya ni Enrico.

Sila naman ay tinungo na ang di-kalayuang hardin. Doon ay may makikitang nakatirik na mesita at isang mahabang bangkuan na kapwa yari sa kawayan. Nayuyungyungan ang mga ito ng mayayabong na mga puno. Ang hardin ay hitik sa sari-saring halamang namumulaklak. Siyempre, pinakaprominente at pinakamarami ang mga bulaklak na rosas. Sa lupa na nga mismo nakatanim ang mga ito sa halip na sa paso.

“Ito pala ang sinasabi mong rose garden!” napapahangang komento ni Ana. Magkatabi na silang nakaupo ni Enrico sa bangkuang kawayan.

Tumango-tango bilang tugon si Enrico. “Nagustuhan mo ba?"

Tumango rin siya. “Yup. Anganda kaya!” saka niya bulalas.

Tumayo si Enrico at nagtingin ng bulaklak ng rosas. Pumili ito ng full bloom, pinitas na may tangkay at saka ibinigay sa kaniya.

Pagkaabot ay sinamyo agad ni Ana ang bulaklak. Bahagya siyang nangilabot nang muling gumapang sa puso niya ang gayon at gayon ding damdamin ng atraksiyon para kay Enrico.

“Ikaw ba ang nagme-maintain nito?” nang makabawi sa bahagyang pangingilabot ay tanong niya na ang tinutukoy ay ang buong hardin.

“Si Inay, siyempre. Kumbaga ay pets na niya ang lahat ng nandito. Bale ako lang naman ang tigabuhat ng balde-baldeng tubig na pandilig niya. Kung minsan ay ako na ang kusang nagdidilig lalo na kapag alam kong pagod si Inay. Sulit naman, kasi—” sagot-paliwanag ni Enrico, ngunit ibinitin ang gusto pang sabihin sa bandang huli.

“Kasi ano?” untag niya.

Nakalolokong ngiti at kindat ang paunang tugon ni Enrico. “—kasi nabibigyang-buhay ang palasyo namin para sa magiging — prinsesa namin!”

“Ay, gano'n? Pero, teka! Lumalakas yata ang hihip ng hangin. Nararamdaman kaya ng makapal mong balat?” biro niya, kahit ang totoo'y medyo kinilig siya sa tinuran nito.

Tinawanan siya ni Enrico kaya natawa na rin siya. Nagniig sa ere ang halakhakan nilang dalawa.

Ganoon lang, ito at si Aling Nenita lang ang inaasahang maririnig ni Ana mula sa mga labi ni Enrico. Minsan lang nitong naikuwento sa kaniya ang tungkol sa nasira nitong ama na si Mang Ricardo at ang tungkol sa laos kuno nitong nakatatandang kapatid na si Enzo, na nag-asawa't hindi na nagpakita pa sa kanila kahit kailan. Ayaw na rin nitong alalahanin pa ang nakaraan ng mga ito hanggat maari.

Nauunawaan naman ni Ana ang sitwasyon ni Enrico sa kadahilanang hindi naman sila gaanong nagkakalayo ng sitwasyon. Ang ipinagkaiba lang, si Enrico ay may natira pang magulang. Samantalang siya ay ulila nang lubos. Siya rin naman, ayaw na rin niyang isipin pa iyon, malulungkot lang siya na hindi naman dapat. Sabi nga ng mga manunulat, don’t spoil today just because of the ugly memories of yesterday. Kaya walang dahilan para intindihin pa niya ang mga bangungot ng kahapon. Ang mahalaga ay ang ngayon, the blessings of today. Ganoon!

“Talaga bang ako lang ang nasa puso mo, Ana?” pagkaraan ng ilang sandali ay seryosong tanong ni Enrico na siyang nagpabalik ng nagliliwaliw na isip ni Ana. Hindi niya namamalayang kanina pa pala sila nagmimeryenda. May hawak na siyang isang basong may lamang juice.

“Alam mo, hindi na dapat itinatanong iyan,” sagot niya.

“Kasi naman, napakarami mong manliligaw. Baka ika ko hindi na ako ang nandiyan sa puso mo.”

Oo nga naman. Hindi niya nasakyan na maaari nitong isipin iyon. Bakit nga ba hindi ito mag-aalala, e, puro kapwa nito guwapo ang mga manliligaw niya. Kung bakit naman kasi hinahayaan pa niyang patuloy pa ring manligaw ang mga ito. Ah, for better, paprangkahin na niya ang mga ito para hindi na umasa pa. Unfair din naman kasi iyon.

“Okay. Sige babastedin ko na lahat ng mga manliligaw ko,” desisyon niya.

“Talaga?”

“Oo, kung iyan ba naman ang makapagbibigay ng assurance sa iyo, e.”

“Ganoon?" si Enrico.

“Naman!" pagdidiin niya.

“Kulang!”

“At bakit?" nagtatakang tanong niya.

“Walang kiss?" tanong-sagot ni Enrico. Nariyang ibalandra pa nito ang pinatambok na mga labi sa harap ng pagmumukha niya pagkatapos.

“Heh! Ano ka? Sinusuwerte?” todo tanggi niya. “Baka nga ako itong wala sa puso mo, e.”

“Marami ba akong manliligaw?”

“Oo,” natatawang sagot niya sa tanong ni Enrico.

“Kung mga bading lang, wala akong sasagutin,” sambit ni Enrico at nanubok pang umastang parang bakla. “Josh ko dhay, sa ‘yo na lhang akets!" anito na ikinampay pa ang pilit pinalalantik na isang kamay na tinernuhan pa ng kunyaring beautiful eyes na pipikit-pikit pero pinaduling naman.

Habang umiinom ay hindi nga napigilang matawa ni Ana. Kamuntikan nga niyang mabugahan ito ng juice na nainom kung hindi lang niya mabilis na naibaling ang kaniyang ulo.

“Grabe ka, Enrico,” nagtatawa pa ring sabi niya habang pinupunasan ng panyo ang sariling bibig.

__________

Then, matapos nilang magtawanan ay sumeryoso na ulit ang kanilang usapan.

“Basta, promise ko sa iyo na ikaw lang ang babae sa puso ko, Ana. Ikaw ang tanging babaeng pakakasalan ko," sinserong wika ni Enrico na diretso ang titig kay Ana.

Nagulat si Ana sa biglang pangangakong ito ni Enrico. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang itutugon. Parang may kung anong umurong sa pagkatao niya.

"Kung gusto mo, ngayon din ay pakasal tayo,” susog ni Enrico na tila ba sabik sa kaniyang magiging tugon.

“Bilis naman!" sa wakas ay reaksiyon ni Ana "Dapat ay steady lang muna tayo, no. Ihanda muna natin ang future natin. Hindi ba mas okay ang ganoon?" seryosong suhestiyon pa niya habang tinatantiya si Enrico.

“Okay siyempre. Pero mas okay kung mangangako ka rin sa akin na ako lang ang iibigin mo forever.”

“Naku, walang forever 'no! Pero, sige, i-try natin at baka isa tayo sa mangilan-ngilang exceptions,” natatawang reaksiyon ni Ana. “Pangako, forever kitang iibigin. I-quote ko na rin ang isang linya sa kanta ni Sarah Geronimo. Sabi ro'n, forever's not enough to love you so. At hindi lang iyan, ipinapangako ko ring, maging ano ka man, mamahalin at mamahalin pa rin kita." mahabang sagot niya with matching panunumpa ng nakataas niyang isang palad.

“Wow! Talaga?” namimilog ang mga matang reaksiyon ni Enrico.

“Oo, naman! Bakit, ayaw mo?" banta ni Ana. “Sabihin mo lang at talagang babawiin ko agad.”

“Uy, gustong-gusto ko siyempre!” mabilis na sagot ni Enrico. “Parang ano ‘to,” susog pa nitong nakangisi. “Ako naman, pangako kong gawin kang prinsesa sa magiging palasyo natin balang araw,” kapag kuwan ay masiglang-masiglang hirit naman nito.

“Sarap namang pakinggan ng pangako mo, Enrico. Pero sana, matupad mo. Pero kung sakaling hindi, okay lang din. Kahit simpleng buhay ay okay lang sa akin. Ang mahalaga ay masaya pa rin tayo,” masayang sagot ni Ana habang nakangiting sinasamyo-samyo ang panibagong tatlong rosas na bigay sa kaniya ni Enrico. Masayang-masaya ang pakiramdam niya nang hapong iyon. Bakit hindi ay hayon at nagpapangakuan na sila ng pag-ibig sa isa’t isa.

“Huwag kang mag-alala, Ana. Pagsisikapan kong tuparin ang pangako ko sa iyo. Sinasabi ko sa iyo, magiging prinsesa ka sa munti nating palasyo.”

Ginagap ni Enrico ang isang kamay ni Ana at ikinulong ito sa malalapad nitong mga palad. Damang-dama ni Ana ang init na gumapang sa balat niya. Nagdulot sa kaniya iyon ng ibayong kapanatagan at sensasyong nagdala sa kaniya saglit sa ulap ng imahinasyon.

“Halikan mo lang ako sa lips, Ana, para balang araw ay magkatotoo iyon,” hiling ng binata. May kapilyuhang naglalaro sa pagkakangiti nito.

Ngunit dahil sa tinurang iyon ni Enrico ay naihulagpos ni Ana ang maliit niyang kamay mula sa pagkakasapupo nito.

“Hmp! Ano 'to, trip-trip lang?” palag ni Ana. “Gusto mo lang pala akong mahalikan, e. Ayaw ko nga!” ang tanggi niya, pero ang totoo, sa loob-loob niya, gusto niya rin naman sanang i-kiss ito.

“Sige na, Ana. Ikaw rin, baka hindi matupad ang pangako mo sa akin,” pangungulit ng lalaki na talagang nagpaawa-effect pa at pinalamlam ang mga mata,

“Alin do’n?”

“Hindi ba sinabi mong, maging ano man ako, mamahalin mo pa rin nang todo? Kapag hindi mo ako iki-kiss, hindi totoong mahal mo ako,” paghahamon ng binata.

Halikan na nga kaya niya ang barakong unggoy na ito. Wala naman sigurong masama roon, hindi naman mawawala ang virginity niya sa halik lang. Isa pa, hinihiling naman nito, so pagbigyan na lang niya. Kung hindi nga lang niya super mahal ang oranggutan na ito, e.

“Hmp! Wala na akong lusot. Sige na nga!” pagpapatianod na sambit niya.

Natural, natuwa ang masuwerteng lalaki. Titig na titig ito sa kaniya na para bang mina-magnet siya. Hayon at kusa namang nagpamagnet si Ana.

“Pumikit ka,” utos niya sa lalaki.

“Uhm!” at pumikit naman ang loko!

“Siguraduhin mong pikit na pikit ka, ha!” utos niyang muli. Pinakadampi-dampi pa nga niya ng kaniyang mga daliri ang nakapikit na mga mata ng lalaki. Ang trip niya ay pagmasdang maigi ang napakaguwapong mukha nito. He’s a real prince – her prince charming!

At hayon, hinalikan na nga niya ang mokong. She felt his supple but musculine lips at talagang napapikit siya sa sensasyong natamasa. Para siyang tinangay ng hangin at dinala sa kalawakan na nagpawala sa kaniyang sarili. Ganoon pala ang mahalikan ang lalaking itinatangi ng puso niya – mas matindi pa sa salitang napakatamis!

“O, hayan! Wala ka na sigurong masasabi 'no?” tinig niya iyon na kunyari’y himig galit. Aware siya sa kaniyang sarili na nakadama siya ng pagkailang matapos niya itong halikan. Lalo na nang dahan-dahang magmulat ng mga mata ang mokong at pukulan siya ng nakakatunaw na titig. Nawalan siya ng lakas para salubungin iyon.

“Wow! Wow na wow, Ana!” over acting na sagot ng nakangising binata. “Higit pa sa perfect ang halik mo, ah! Pero—pero gusto ko pa ng isa," hirit pa nito.

“Ay! Hindi na puwede!” protesta ni Ana. “Makuntento ka naman sa isa lang 'no?”

“Sige na!” parang batang maktol ni Enrico. “Kung hinalikan mo 'ko para sa pangako mo, dapat ay mayroon din ako para naman sa pangako ko,” pangungulit pa nito.

At hahalikan na sana siya uli ng binata, pero, sa halip, ay ang rosas na bigay nito ang naisipang isingit ni Ana. Ang mga talulot tuloy ng bulaklak ang n*******n ni Enrico.

“Tingnan mo, ang daya nito! Lugi ako ro’n, ah!” reaksiyon nga ng lalaki na tinawanan lang ni Ana.

“Pero, 'di bale. Susulit ako mamaya,” makahulugang saad ni Enrico.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PRINCESS DELA BOTE   FINALE

    __________Welcom to Marie-Neil's Paradise of Roses!Iyan ang nakasabit sa gate ng Dela Fuente's Residence na nagsisilbing pambungad na pagbati nina Enrico at Ana sa mga imbitadong guests sa kanilang engrandeng pagtataling puso.Isang garden wedding ang nakatalagang maganap sa araw na ito after the groom and bride reconciled at Santana's Residence.Kayganda ng paligid, full of rose blooms and different flowers that Ana has never seen before. And the house was like a medium-built mansion she dreamed of. The place turned into a real paradise!Naroroon na ang lahat. Present ang buong pamilya ng Tiyo Narding niya. Sina Aseneth at Daniel ay naroroon din kasama ang mga katiwala ng mga ito na naka-close na rin ni Ana. Dumalo rin sina Romy (pinsan ni Enrico) kasama ang asawa nito, si Minerva at ang nobyo nitong si Ferdie, sina Melinda at Nikko at ang ilan pang mahahalagang mga panauhin gaya ng mga ninong at ninang, ilan pang mga abay at marami pa

  • PRINCESS DELA BOTE   11.3

    Gagang Aseneth!Hahabol na lang siya nang mapansin niyang naroroon pa rin pala si Enrico sa sala. Iniwan pala ito ng dalawa. Kamuntikan na niya itong mabangga. Ang masama lang, face to face na sila ni Enrico, so near that she almost lost her breathe.Nakaloloko ang ngiting nag-flash sa mapupulang mga labi ng lalaki."Sali ka sa honeymoon?" tila nang-aakit na wika nito at walang sabi-sabing hinapit siya sa baywang.She got lost the moment she felt his body again. Oh, how she longed to feel and touch his body! And she was more than lost when his warm healing breathe caressed her face. It was so sweet to smell, making her world around whirl. Lalo pa nang maamoy niya ang same cologne nito. She was again a woman yearning to be kissed, embraced, caressed!Enrico kissed her passionately, healing every wound in her heart. That sweet, warm and gentle kiss is too much assurance that they love each other so much. That is what she waited for, greater

  • PRINCESS DELA BOTE   11.2

    __________“Ana! May naghahanap sa iyo sa salas. Isang babae. Camineth Rico daw ang pangalan niya,” imporma ng Tiyo Narding ni Ana na siyang bumasag sa malalim na pagbubulay-bulay ng kaniyang usaping puso.Napakunot siya ng noo. Camineth Rico? May kilala ba siyang Camineth Rico na puwedeng maghanap sa kaniya? Wala siyang maalala na kakilalang may pangalang Camineth. Sino man ito ay malalaman niya rin.Pagdating sa sala ay nagulat pa siya nang mapagsino ang Camineth Rico na tinutukoy ng tiyo niya. Ito ang babaeng kasama ni Enrico kanina!Ang talanding babae at iniba-iba pa ang pangalan! Kung puwede lang manabunot agad ay pinanggigigilan niyang gawin. Pasalamat na lang ang babaeng ito at nasa poder siya ng Tiyo Narding niya. Kung hindi lang sana nakakahiya sa tiyo niya ang mag-eskandalo ay hahamunin talaga niya ito ng giyerang babae sa babae.“Ano ang kailangan mo?” malamig niyang bungad. Hindi niya maiwasang maging malamig dito. Pati ang ma-ins

  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 11 : THE RECONCILIATION AND THE CHURCH WEDDING

    __________A sip of wine on the cup of love,at first’s honey sweet;you’re left enchanted yearning more,drowning in the deep.But later on, when all you’re drankwith its heavenly spell;you’d feel you’re in a perfect romance,and hoping it is real.But when the drunkenness subside,reality strikes;love wine has an aftertaste,a screening test it’s like.If love is true and really there, to back down, it never will;it will forever sort things out,for love never fails.***(A LOVE METAPHOR)---Arnel T. Lanorio---Samantala sa pabalik sa rose farm, noong kaaalis lang ni Ana sa poder nina Aseneth, halos naestatwa si Enrico nang makita nang di-inaasahan si Ana. Next month pa sana niya ito balak hanapin, pero malayo pa man ay heto na't nagkrus na nang hindi sinasadya ang kanilang mga landas. Hindi niya akalaing sa pagtatagpo muli nilang iyon ay namumuhi pa rin sa kaniya ang asaw

  • PRINCESS DELA BOTE   10.2

    __________Sa loob ng bahay ng mag-asawang Narding at Celia Santana, sa isang maayos-ayos na kuwarto, ay nag-iiiyak si Ana. Katabi niya ang tiya niya na kakikitaan ng pagkabahala at pagkaawa sa mukha habang pinatatahan siya. Ikinuwento rito ni Ana ang ginawa niyang pagpapakalayo at ang tungkol sa kanilang dalawa ng asawa niyang si Enrico.“Ang asawa ko!” mapait na iyak ni Ana. “Pero sa kabila ng lahat, mahal na mahal ko pa rin naman ang asawa ko, Tiyang!" hagulgol pa niya saka suminghot-singhot. Kaawa-awa ang kaniyang hitsura.“Oo, Ana. Mahal mo nga si Enrico. Kaya nga nagseselos ka, e. Pero tama na ang pag-iyak," alo ng tiya niya.Pero ibinuhos pa ni Ana ang lahat niyang luha sa natuklasan nang nasa resthouse pa siya nina Aseneth. Saka lang siya nakadama ng kagaanan ng loob nang mapagod siya sa pag-iyak. Luminaw rin pagkatapos ang kaniyang isip.Natawa pa nga si Ana sa sarili kapag kuwan. Ah, mahal nga talaga niya si Enrico kaya ganoon na lan

  • PRINCESS DELA BOTE   10.1

    Natapos din ang masaganang agahan at umaatikabong kuwentuhan at tawanan. Natapos din ang pagkukunwari niyang masayang-masaya. Naroroon na nga sila sa resthouse nina Aseneth. Doon siya agad inakay ng bestfriend dahil may ikukuwento raw ito sa kaniya; tungkol raw sa naging customer nito na nag-ambon ng grasya sa DaNeth's.“Alam mo, Ana. Naku! Kung nandito ka lang kahapon, nakita mo sana 'yong customer kong super-duper sa kaguwapuhan! Ang tangkad no'ng lalaki, tapos artistahin pa ang dating! Kung hindi ka lang naki-birthday, na-meet mo sana siya at iyong kasama niyang babae na napakaganda at napakaseksi rin,” pasimulang pagbibida ni Aseneth sa paraang para lang may itsinitsismis sa kaniya.“Talaga?” tanong niya na 'di naman gaanong interesado sa kadahilanang wala siya sa mood. Humahanap kasi siya ng tamang tiyempo para makapagpaalam na.“Oo, naman! Eto pa ha. Taga-Laguna siya. Kababayan mo! Neil ang pangalan at ang apelyido, e — teka — ano na nga ba? Nakalimu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status