Share

VI

Author: LunaToMySol
last update Last Updated: 2025-01-08 12:52:20

• This chapter is dedicated to Cola. You will always be loved, baby. Momom and dadad will strive to heal and be better furparents in order to save more babies like you. You will be missed dearly and we hope that you will always guide us and your siblings and mom. We love you, baby Cola and we miss you everyday

Ilang araw na rin ang lumipas simula noong mga pangyayari tungkol kay Heart Greeneth. Habang naglalakad si Ayra patawid ng kalsada upang pumasok sa University ay hindi niya maiwasan na mag isip isip. Naguguluhan parin kasi ang isip niya at hindi niya alam kung ano ang sunod na dapat gawin

Alam niya naman na siguro nga ay may PTSD siya dahil sa nangyari noon kay Hera Grace. Simula noon pa man ay hinihikayat na rin siya ni Vinxer na magpatingin sa doktor tungkol doon ngunit hindi niya madala ang sarili. Ayaw niya kasing aminin na may PTSD siya. Ayaw niya nang may kahinaan dahil noong huling beses na nagkaroon siya ng kahinaan, agad na nasaktan ang taong iyon

"Hop in" laking gulat ni Ayra nang bigla na lamang may humintong motorsiklo sa harapan niya. Isang itim na Ducati ang sinasakyan ngayon ng isang lalaking naka helmet na kulay puti

"Vinxer? Bakit mo nanaman ako sinusundan?" tanong niya. Ngayon ay nasa sidewalk na siya at patuloy lang sa paglakad habang si Vinxer ay mabagal na pinapatakbo ang motorsiklo upang sundan ang mga yapak ni Ayra

"I'm taking you on a date"

"A what???" nasamid si Ayra sa tinuran ni Vinxer kaya naman napatingin siya dito

"A date" pag uulit lamang nito. Hindi mawari ni Ayra kung nagbibiro lamang ba si Vinxer o seryoso dahil narin sa helmet na suot ng binata. Tinitigan niya lamang ang lalaki nang tila umabot nang isang minuto at sininghalan ito nang makabawi

"Tigilan mo nga ako, Vinxer! Che! Jan ka na nga!" nagmamadaling naglakad papasok si Ayra sa university. Nang saglit siyang lumingin sa likod ay nasilip niya si Vinxer na hindi magkanda ugaga sa pag parking ng motorsiklo sa labas ng uinversity

"Damn it! Bakit ba kasi bawal mag park sa loob?!" rinig pa niyang singhal ni Vinxer mula sa labas. Mas binilisan niya ang paglakad papunta sa classroom at hinayaan na ang lalaki sa labas

"Kainis talaga yun! Walang magawa sa buhay!" inis na sambit ni Ayra sa sarili habang madilim ang mukha na nagmamartsa

"Hi, Ayra!"

"Hi, Ayra namin"

Sambit ng dalawang lalaking boses mula sa kanyang likuran at tsaka ang mga ito humarang sa kanyang harapan. Parehong may ngiting aso sina Danner at Xenon. Sinamaan naman ito ng tingin ni Ayra

"Arghhh! Tumabi nga kayo!" iniba ni Ayra ang direksyon na kanyang pupuntahan at tsaka tumakbo palayo sa dalawang lalaki

Magsama-sama kayong mga bwisit!

Hindi mawari ni Ayra kung ano ba ang nakain ng tatlo niyang kaibigan at ginugulo siya ng mga ito ngayon. Laking pasalamat niya nalang din kahit papaano na si Vinxer lamang ang classmate niya dahil talagang iisipin niyang dinidikitan siya ng malas kung nagkataon na iyong tatlo ang makakasama niya sa klase

"Ayra! Uy, Ayra Maverie!" rinig niyang tawag ng isang lalaki mula sa kanyang likuran. Pumihit siya paharap dito at handa na itong singhalan

"Hi. Kanina pa kita sinusundan eh" ani ng kaklase niyang si JM habang nakangiti ito sakanyang harapan

Saglit naman na natahimik si Ayra dahil sa presensiya ng binata. Matangkad si JM, may pagka moreno ang balat, matangos ang ilong, makapal ang kilay, at nakakahalina ang mga ngiti. Mukha talaga itong bida na good boy na puro green flag sa isang sikat na nobela o pelikula

"H-hi, JM. Bakit mo pala ako sinusundan?" tanong ni Ayra

"Well since magkaklase naman tayo naisip ko na sabayan ka nalang papunta sa class. Do you mind?" ani naman ng binata

"Oh no not at all. Tara?"

"Tara" ngumiti ito nang matamis at halos mabura na nga ang chinito nitong mga mata dahil doon

Naglakad sila papasok ng silid-aralan at naupo. Tiningnan ni Ayra ang paligid ngunit hindi niya parin nakita si Heart Greeneth. Sinendan niya naman ng chat ang kaibigan kaninang umaga para magtanong kung kamusta na ito pero hindi ito tumugon dahil siguro ay nagpapahinga parin ito hanggang ngayon. Bibisitahin niya na lamang si Heart Greeneth mamaya

"Catacutan? Catacutan, Ayra Maverie?"

"Y-yes po, Ma'am?" ani ni Ayra nang tawagin siya ng kanilang professor na nasa harapan

"Okay, Ayra. Can you give me an example of areas of communication that can be unified through integrated marketing communication?"

"Areas such as gorilla marketing and digital marketing can be integrated in order to create a unique, creative, and relatable communication material in advertising and marketing a specific brand or product"

"Okay, Ayra that's very good"

Nakahinga naman agad ng maluwag si Ayra.  Isa kasi ang Integrated Marketing Communication sa mga courses na naeenjoy niya dahil sa kinuha niyang program. Bonus narin na mabait ang professor nilang si Ma'am Evie Prosal

"I'm sorry, I'm late, Ma'am" ani ng baritonong boses mula sa pinto at nakita ni Ayra si Vinxer. Iirapan niya sana ang lalaki ngunit hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin

"Ay, Vinxer you're late again. Sige you may sit down. I hope you will not be late anymore because 7 tardies are equals to one absent. Now you already have 6 tardies, okay?" ani ni Ma'am Evie

"Yes, Ma'am. I'm sorry" madilim ang mukha ni Vinxer nang pumasok ito. Dinaanan pa nito si Ayra upang makaupo ito sa pwesto ngunit hindi talaga siya pinansin ng binata

Problema nito? Hmp! Kung ayaw niya ko pansinin edi don't!

Hindi kalaunan ay natapos din ang klase. Lumabas na ng classroom si Ayra ngunit natigilan siya nang tawagin siya ni JM

"Ayra!" lakad-takbo nitong lapit sakanya, "sabay na tayo pabalik sa main campus?" ani ng binata at nginitian niya naman ito. Akmang sasagot niya siya nang biglang may humawak sa kanyang pulsuhan

"Not happening. She's coming with me" ani ni Vinxer na siya palang humawak sa pulsuhan niya. Napakunot noo naman si Ayra at tiningnan ang dalawang binata na nasa magkabilang gilid niya ngayon

Magkatitigan ang dalawa at seryosong seryoso. Walang gustong tumigil sa pagtitig. Pareho pa ang dalawa na tila umiigting ang mga panga

"I'm asking Ayra not you" ani ni JM at hinawakan na rin ang kabilang pulsuhan ni Ayra. Bahagya rin siya nitong hinila palapit

"Let her go, JM or we'd have a problem" sagot naman ni Vinxer hinila si Ayra palapit naman dito

"I asked her first" sagot muli ni JM at hinila muli si Ayra palapit sa kanya

"You don't even know her favorite color" hila muli ni Vinxer kay Ayra

"That's why I wanna be friends with her"

"She already have a lot of friends including me"

"There's no rule that I can't be one"

"Friend my ass. Let her go, JM"

Nagtuluyan pa ang bangayan ng dalawa at pagpasa-pasa kay Ayra sa paghihilaan. Pinagtitinginan na rin sila ng mga estudyante sa corridor

"ENOUGH! Bitawan niyo nga akong dalawa!!" inis na sigaw ni Ayra at parehong kumawala sa hawak ng dalawang binata sa kanyang magkabilang pulsuhan

Doon lamang natapos ang sagutan ng dalawa na tila nabigla rin sa pagsigaw niya

"I'm sorry, Ayra"

"I'm sorry, Avie"

Sabay na paghingi ng paumanhin ng dalawa ngunit hindi man lang nabawasan ang inis ni Ayra. Pareho niyang tiningnan ng masama sina Vinxer at JM. Kung nakakasaksak lang ang mga titig niya ay sigurado siyang bulagta na ang dalawa sa sahig ngayon

"Wala akong sasamahan sainyong dalawa! Kaya 'kong maglakad mag isa pabalik sa main campus! Tigilan niyo 'ko", nagsimulang maglakad si Ayra, "at walang susunod sa'kin kahit sino sainyong dalawa!" ani niya pa nang makita na akmang mag uunahan ang dalawa sa pag sunod sakanya

Jusko! Ano 'bang nangyayari today at ganito ang mga tao?

Naglakad mag isa si Ayra pabalik sa main campus at dumiretso sa canteen. Pinagpasalamat niya na kaunti palang ang tao kaya nakahanap siya agad ng pwesto. Dali-dali niyang ibinaba ang bag sa upuan at pumunta sa isa sa mga stall doon para bumili ng pagkain. Napangiti si Ayra dahil excited na siyang kumain ng paborito niyang dinakdakan

"Anak ng...talaga nga namannn!" agad din na nawala ang mga ngiti ni Ayra nang makita niyang nakaupo na sa nireserve niyang table sina Vinxer, Xenon, at Danner. Nireserve parin ng tatlo ang isang upuan para sa kanya

Tumingin sa paligid si Ayra ngunit nakita niyang napuno na agad lahat ng pwesto. Nangingiting tiningnan siya ni Vinxer at tila ba nang aasar na tinapik pa nito ang upuan na nireserve para sa kanya

Walang nagawa si Ayra kung hindi bumusangot at umupo sa upuan kasama ang tatlong binata sa table

"Bakit ba kasi kayo sunod nang sunod sa'kin?" pagkausap niya sa tatlo, "lalo ka na!" turo niya kay Vinxer

"I told you the last time we were in my condo right? Stop pushing us away and stop distancing yourself from us, Avie" ani ni Vinxer at tumango tango lang naman sina Danner at Xenon. Ang tatlong binata ay pare-parehong nakatitig sakanya kaya pakiramdam tuloy ni Ayra ay nasa hot seat siya ngayon

"Ikaw, bakit ka ba kasi layo nang layo?" tanong ni Xenon sakanya

"Para namang hindi niyo alam. Ayaw ko lang kayong madamay"

"Kahit naman anong layo mo sa amin, damay na kami simula palang" ani naman ni Danner

"And do you think we can't protect you and ourselves?" dagdag pa nito

Napabuntong hininga naman si Ayra. Hindi niya na tuloy ma-enjoy ang lasa ng dinakdakan niya dahil sa tatlong lalaking nasa harapan niya ngayon

"We already talked about this, right? And you said you'd try. What we have been seeing today isn't even a smidget of 'trying'" ani ni Vinxer

"We just want to be good friends, Ayra and we care. We care a lot" ani ni Xenon sa seryosong tono. Unang beses iyon naging ganoon kaseryoso kaya naman napagtanto ni Ayra na seryoso talaga ang tatlo

Wala naman kasing mali at naiintindihan niya naman ang mga kaibigan niya. Gusto siyang tulungan ng mga ito na mag heal at maka move on sa lahat. Iniisip niya na mahirap at hindi talaga magiging madali pero alam niya rin na mabawasan ang hirap nun kung mayroon siyang mga kaibigan katulad nila Vinxer na handa siyang tulungan at handang maging sandalan niya

"Hayst. Fine fine fine sige na oo na I will try. I will really try this time pero in one condition" ani ni Ayra habang seryosong sinasalubong ang mga titig ng tatlong binata

"What?" sabay-sabay nitong sambit

"I need to see, Hera Grace. Bring me to her"

Nagkatinginan ang tatlo bago tumango tango kay Ayra

"3.2.1. There she is" makabuluhang sambit ni Danner

Sunod nun ay biglang tumunog ang phone ni Ayra. Nagreply na si Heart Greeneth sa chat niya

"I'll see you later" reply nito. Napatingin siya sa tatlong binata

"Si Heart Greeneth?" tanong niya at tumango naman ang tatlo

"Sabi ko na nga ba..." napatango tango si Ayra habang inaabsorb ang lahat. Si Hera Grace at Heart Greeneth ay iisang tao lamang pala talaga. May kutob na siya mula noong una silang magkakilala ni Green pero ang buong akala niya ay magkamukha lamang ang dalawa

"I'll be there..." reply niya sa kaibigan

Isinubo ni Ayra ang last na serving ng dinakdakan at kanin na kinakain pagkatapos nun

LunaToMySol

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PROJECT: Runaway   XXII

    Kunot ang noo ni Ayra habang nakatingin sa screen ng laptop. Mag isa siya sa library ngayon at naghahanap sa Google ng mga magazine articles kung saan makikita ang mga mayayamang businessmen sa bansa.Ilang oras na niyang binabasa ang mga one-on-one interview sa mga iyon kung saan tinatanong ang mga kalalakihan patungkol sa kanilang pribadong buhay, paboritong pagkain, paboritong sports, at kung ano-ano pa.Isa lamang ang pakay niya at yun ay ang malaman kung sino sa kanila ang gumagamit ng pabango na kaamoy ng cherry blossoms.Suhestiyon iyon ni Lyzza noong galing sila sa Sta.Fe kaya naman ngayon na nakalugar na si Ayra ay sinunod niya na ang payo ng kaibigan sa paraan ng paghahanap.Napasabunot siya sa kanyang buhok. Mga dalawampu na kasi na businessman interviews na kasi ang nababasa niya ngunit wala pa rin. Masakit sa ulo ang suyurin ang internet para sa napaka specific na impormasyon.Tumipa siya sa keyboard. May naisip kasi siyang mas tumpak na mga salita na baka makapagbigay ng

  • PROJECT: Runaway   XXI

    • Madaling araw na ngunit hindi pa rin dinadapuan ng antok si Vinxer. Pinagmamasdan niya lamang ang mukha ng kasintahang si Ayra na payapang natutulog sa kanyang tabi. Nasisinagan ng liwanag ng buwan ang mukha ng dalaga at hindi mapigilan ni Vinxer ang mapahanga sa taglay nitong ganda. Him and Ayra spent the whole afternoon til evening making love on the bed and every round, he made sure that it was filled with passion and adoration. They are both first timers but that did not hinder Vinxer from giving the best that he could to pleasure Ayra. Ayra on the other hand was adorable in her own ways. Napabuntong hininga siya at masuyong hinaplos ang buhok ng dalaga pababa sa pisngi nito. Habang ginagawa niya iyon ay tumatakbo sa sistema ni Vinxer ang lahat ng emosyon.Masaya siya kung nasaan sila ni Ayra ngayon. Masaya siya dahil pagkatapos ng ilang taon na paghihintay ay kasintahan niya na ang babaeng iniibig at wala siyang ibang gustong gawin sa buhay kung hindi ay ang pagsilbihan si

  • PROJECT: Runaway   XX

    • Abala sina Vinxer sa pag aayos ng mga gamit. Nakalapag sa sahig ang mga kahon na puno ng mga kagamitan ni Ayra Ngayon na kasi ang takdang araw ng paglipat ng kasintahan sa kanyang condo unit upang magsama na silang dalawa sa iisang bubong "Yes po, Ma'am Thelma. Sila Lyzza at Lester na po ang titira dyan sa room ko noon" ani ni Ayra na kausap ang landlady ng boarding house niya noon, "Opo, Ma'am. Wag po kayong mag alala. Mabait po si Lyzza at behave lang po si Lester. Siguradong wala po kayong magiging problema sa kanila" nakangiting ani ni Ayra sa landlady Nang ibaba ni Ayra ang tawag ay siyang pagyakap naman sa kanya ni Vinxer mula sa likuran. Tila gusto namang kumawala ng kanyang puso mula sa kanyang dibdib dahil lakas ng tibok noon"Thank you, love. For trusting me and moving in with me" ani ni Vinxer at nagplanta ng halik sa pisngi ni Ayra "No, love. Thank you. For making my life better. Simula nung naging tayo, puro na magaganda ang nangyayari sa buhay ko. Salamat at hindi

  • PROJECT: Runaway   XIX

    • "Thank you, Sir!" halos sabay-sabay na ani ng buong klase nang magpaalam ang kanilang professor Nasa kalagitnaan si Ayra ng pag aayos ng kanyang gamit nang magliliwan naman siyang batiin ni Lyzza. Nasa tabi niya na ito ngayon "Hi, beshy! Tara kain tayo sa labas. My treeeeat!" buong saya na ani ng dalaga "Wow! Mukhang galante ka today, ah but sure! hindi ko yan tatanggihan" Sabay na naglakad ang dalawa palabas ng university. Kapwa silang may hawak na mini fan upang mapawi ang init ng panahon Nang makarating sila sa mall ay sa isang samgyupsal-an siya dinala ni Lyzza "Galante ka talaga ngayon, besh ha. May pa samgyupsal talaga" panunukso ni Ayra sa kaibigan "Oo naman besh tsaka syempre pa-thank you ko na rin 'to sayo" ani ni Lyzza habang nangluluto ng karne sa griller "Para saan?" "Syempre sa pagpapatuloy mo sa amin ni Lester" ani ng kaibigan at nginitian siya nito "Ano ka ba? Wala yun tsaka aalis na rin naman ako doon" pahayag ni Ayra "Ha? Bakit ka aalis

  • PROJECT: Runaway   XVIII

    •"Oh, siya, Ayra anak, mag iingat ka doon ha? Kumain ka sa tamang oras at siguraduhin mo na may sapat 'kang tulog" ani ni Agnes sa anak na si Ayra "Opo, Ma. 'Wag po kayong mag alala sa akin. Papagbutihin ko rin po ang pag-aaral ko doon. Tatawag nalang po ako kapag may oras kaming umuwi dito" sagot naman ni Ayra sa ginang at niyakap ito ng mahigpit "We will go ahead now, Tita Agnes. I promise to take good care of Ayra there so you will not have anything to worry about" ani naman ni Vinxer at nagmano ito kay Agnes"Oh, siya, hijo. Salamat ha? Mag iingat kayo sa biyahe" ani ni Agnes at kinawayan na ang dalawa Isinakay ni Vinxer ang kanilang mga maleta ni Ayra sa kotse. Ang sasakyan ni Danner na Ranger ang gamit nila ngayon dahil napag desisyonan nilang isang sasakyan na lamang ang gamitin sa biyahe. Magpapalitan na lamang sila ni Danner sa pagda-drive hanggang sa makarating na sila sa siyudad "Wow. Gagaling niyo naman. Wala talagang tumulong sa'kin magbuhat nitong mga pagkain ha" an

  • PROJECT: Runaway   XVII

    Healing by James Reid • Nakapikit ang mga mata ni Ayra habang sinasalubong ang maligamgam na tubig mula sa showerhead sa ibabaw. Nararamdaman niya ang bawat patak nitong tumatama sa kanyang balat pababa sa kanyang katawan. Hinayaan niya lamang ang sariling lasapin ang pakiramdam niyon Much needed rest... Ngayon na natapos na ang kaarawan ni Vinxer ay tsaka lamang naramdaman ni Ayra ang pagod sa kanyang katawan. Simula kasi noong isang araw ay abala siya sa pagbili ng regalo tapos dumiretso sila papunta sa Tagaytay. Noong matapos naman iyon ay dumiretso sila pauwi ng Sta. Fe Parang ang daming nangyari sa loob lamang ng tatlong araw. Ang dati niyang madilim at tila on default na buhay ay biglang nagkaroon ng saysay Noon, kapag nagigising siya sa araw-araw, alam niya na agad kung ano ang gagawin niya. Kakain, maglilinis, papasok sa eskwela, uuwi. Minsan naman ay sumasama siya sa kanyang ibang mga kaibigan sa mga bar para lamang libangin ang kanyang sarili Para makalimot... "As

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status