Magkatabi sina Ayra at Vinxer na nakaupo sa isang bench dito sa Magsaysay Park. Pareho silang tulala sa hangin habang kumakain ng ice cream na may apa. Tila sabay din silang napapabuntong hininga pero wala namang nagsasalita. Maaliwalas ang paligid ng parke ngunit madilim naman ang mukha ni Vinxer at nakasimangot din si Ayra
"Haaaay. Badtrip naman" "What the heck just happened? Hayst" Sabay na ani ng dalawa habang malayo parin ang tingin hanggang sa si Ayra na ang bumaling ng tingin kay Vinxer at nagtanong "Ilan nakuha 'mong score?" tanong ni Ayra "1 over 10 langhiya" sagot naman ni Vinxer "Ako zero. Aaaaaaa" muling tugon ng dalaga Nagkaroon kasi ng surprise quiz daw ang terror nilang professor. Walang nakapag review sa kanilang lahat kaya naman ganyan din ang mga naging score nila "Sige lang. Lahat naman zero to one lang ang score" ani ni Vinxer at inubos ang natitira sa kinakain na ice cream "Hayst. Babawi nalang tayo sa susunod, Vinoe" ani naman ni Ayra nang matapos din sa pagkain Napabaling si Vinxer kay Ayra na nagtatakang sinalubong naman ng huli "Oh, bakit ka nakatingin nang ganyan?" tanong ni Ayra kay Vinxer. Nandito nanaman kasi ang madalas na blangko nitong ekspresyon kaya naman kahit na matagal na silang magkakilala ay minsan nahihirapan parin si Ayra na basahin si Vinxer "I have a question" ani ng binata. Seryosong-seryoso ang tono nito "A-ano?" nauutal pang tugon ni Ayra "Bakit nagsimula 'kang tawagin ako na malas pagkatapos nung nangyari kay Hera Grace? That was also the time that you started running away from me and our friends and you kept on pushing us away...were you blaming us? Me?" Napabuntong hininga si Ayra bago magsalita "I was so heartbroken when that incident happened with Hera Grace. Hanggang ngayon naguguluhan parin ako kasi after all this time buhay naman pala siya at kilala niya ako. She watched from the distance while her "death" broke me into pieces everyday. After that incident, I felt like I have no one" "But you have me-" "Patapusin mo muna ako" "Okay" "Ayun na nga. I felt alone kasi pagkauwi natin from that hell of a camping trip, I tried so many times to reach out to you kaso palagi kitang hindi maabutan. Kapag naman naaabutan kita eh laging wrong timing. It was either you weren't available, in a hurry, or just plainly not in a good mood. One day, pinuntahan kita sa bahay niyo but..", napalunok si Ayra at nag iwas ng tingin mula kay Vinxer bago siya magpatuloy sa pagsasalita, "I saw Vera and you, you were so happy laughing with each other and bonding with each other. So, I figured, para saan pa na guluhin kita? Masaya ka na and it seemed like you already moved on from that scary rainy night", malungkot na nginitian ni Ayra si Vinxer, "and I was the only one stuck there. I thought I only lost one of my best friends, Hera Grace, but I realized that I also lost you from that incident, Vinxer, because I was the only one left who hasn't moved on yet" pagak na tumawa si Ayra at napailing-iling habang ibinabalik ang tingin sa paligid "Kaya tinawag kitang malas. Malas kasi parang simula nung makilala kita eh ang dami nang nangyari sa boring 'kong buhay. Natuto akong lumabas-labas after ng maghapon na klase. Tinuruan mo ako na mag maneho ng sasakyan kahit na wala pa akong lisensya. Natuto rin nga ako na magmura dahil sayo. Jusko, highschool na ako natutong magmura at dahil lang 'yon sayo" natatawang ani ni Ayra "Alam mo kung gaano ako katakot sa pagbabago, Vinxer. I fear change. I fear going out of my comfort zone. Gusto ko kasi naka abide lang ako lagi sa rules. Gagawin ko lang kung anong sabihin sakin...kaya siguro ganon. Kahit masaya ako sa pagkakaibigan natin eh inisip ko rin na hindi ka nakakabuti para sa akin...kasi hindi ka nakakasakal. Hindi mo ako dinidiktahan at lahat nang yun ay bago sa akin...hanggang ngayon" Hinawakan ni Vinxer ang kamay ni Ayra na nakapatong sa hita ng dalaga. Bahagya niya itong pinisil "I get it now. Kaya ka pala laging nakabuntot sa akin after what happened doon sa scouting trip natin because you were seeking comfort and our friendship. Tinawag kitang stalker because of that kasi akala ko nagkataon lang na kung nasaan ako ay nandun ka rin. It was a joke of a nickname kasi ang buong akala ko eh okay tayo. Akala ko eh okay lang na nabusy ako kaagad sa iba-ibang meetings ko with Niccolo and Vera right after what happened" hinawakan na rin ni Vinxer ang isa pang kamay ni Ayra at masuyo itong pinaharap sakanya "I'm sorry, Avie for not being on your side when you needed me the most. It was a huge mistake on my part for not being a sensible and sensitive friend. I got so desperate for answers about what happened to Hera Grace to the point na inasikaso ko agad yung imbestigasyon nung makauwi tayo galing sa camping trip. I wanted to find answers right away because I wanted to give it to you as soon as possible. In that way, I thought I was helping you big time. I thought I would be able to help you find peace without knowing that I made you feel abandoned in the process. I'm so sorry, Avie" mahabang ani ni Vinxer. Nakayuko naman si Ayra habang nakatingin sa magkahawak nilang mga kamay. Napatango tango ang dalaga Naiintindihan niya na ang lahat. Naiintindihan niya na kung saan nanggagaling si Vinxer. Panahon na rin siguro para makapagpatawaran sila lalo na sa parte niya. Matagal na panahon niya rin na inakala na iniwan siya ni Vinxer sa gitna ng pagluluksa niya kahit na ang totoo pala ay ito ang umasikaso sa imbestigasyon dahil ayaw ng binata na magluksa si Ayra nang matagal. Ang mali lamang talaga ni Vinxer ay hindi ito nagsabi nang maayos sakanya tungkol sa mga plano nito "Okay lang, Vinoe. Naiintindihan na kita. I'm sorry din dahil nawala ang tiwala ko sayo na hindi mo ako iiwan. Dapat mas naniwala pa ako na ang ginagawa mo noon ay para rin sa akin dahil ganon ka eh, ganon kita nakilala. Ikaw si Vinxer na laging iniisip ang kapakanan at kalagayan ko higit pa sa sarili mo" ani ni Ayra at bahagyang pinisil ang kamay ni Vinxer "Okay na Vinoe, okay na tayo. Ngayon dahil sa mga nalaman ko kay Heart Greeneth na siya rin pala si Hera Grace, kahit na may tampo parin ako sakanya eh masaya na ako na kahit papaano ay ligtas naman pala siya. Hindi naman pala siya nawala. Okay na ako at wala nang rason pa para maiwan pa ako sa pagluluksa. Wala na akong rason pa para tumakbo palayo sa nakaraan" ani ni Ayra at siya na mismo ang yumakap kay Vinxer Bahagyang nagulat si Vinxer sa pagyakap ni Ayra ngunit kalaunan ay napangiti siya nang yakapin niya pabalik ang dalaga. Nanatili pa sila sa ganoong posisyon nang ilang segundo bago magdesisyon na tumayo mula sa kinauupuan na bench Nagka ngitian ang dalawa at nagdesisyon na maglakad lakad sa damuhan ng parke. Tahimik silang nagmamasid sa paligid habang magaan ang paghinga. Makikita ang mga batang naglalaro, mga pamilyang nagpipicnic sa damuhan, at mga pets na aso't pusa na ayaw magpapigil sa pagtakbo "Teka...kilala ko yung mga yun ah" ani ni Ayra nang matanaw ang grupo ng kalalakihan sa 'di kalayuan. Tila may hinahanap ang mga ito at patingin-tingin din sa paligid "Nasan?" tanong ni Vinxer. Itinuro naman ni Ayra ang mga lalaki na saktong napatingin din sa gawi nila "Ayun sila! Hoy!" ani ng lalaking nasa unahan sa mga kasama nito. Nagsimulang tumakbo ang mga lalaki papunta sa direksyon na kinaroroonan ni Vinxer at Ayra "Shit! Barkada yan nung Paolo. Yung bumugbog kay Heart Greeneth sa cr na binugbog din natin, remember?" ani ni Ayra Kay Vinxer. Mahigpit siyang napahawak sa braso ng binata "What? Pinaayos ko kila Xenon to ah. Damn it" ani ni Vinxer, "come. fast" nagsimula nang tumakbo ang dalawa Hinahabol na sila ngayon ng grupo ng kalalakihan na barkada ni Paolo. Habang tumatakbo ay palingon-lingon sa likod si Ayra "Malamang gusto nilang iganti satin yung Paolo na yun, Vinxer" "Baka nga. Hindi ko magets kung paano pumalpak ngayon sila Xenon at Danner. Pati narin si Niccolo" "Jusko hindi ako makatakbo nang maayos! Pakshet naman kasi 'tong uniform na 'to kailangan naka heels" ani ni Ayra habang hawak ni Vinxer ang pulsuhan niya. Patuloy parin sila sa pagtakbo. Nagtitinginan na ang mga tao sa parke dahil sa habulan na nangyayari "Hoy!! Patay kayo samin pag naabutan namin kayo!" ani ng isang lalaki na humahabol sa kanila. Nakikita nila Ayra at Vinxer na unti-unti nang nakakahabol ang mga lalaki sa kanila "Take your shoes off" ani ni Vinxer "Ayoko nga wala akong extra" "Damn it. Bibilhan nalang kita ng bago" "You don't have t- aaaaaah!!" Naputol na lamang ang pagtutol ni Ayra kay Vinxer nang bigla na lamang siya nitong kargahin na parang sako ng bigas. Nagsimula itong tumakbo nang mas mabilis "Pakshet ka, Vinxer Jose! Naiipit yung cocomelons ko!!" ani ni Ayra habang nayuyugyog ang buong katawan dahil sa pagtakbo ni Vinxer "Wala ka nun plus I have no choice!" karipas parin ng takbo si Vinxer papunta sa kinaroroonan ng kanyang motor dahil may kalayuan din ang parking lot mula sa mismong park "Gago! Bilisan mo pa tumakbo nakasunod parin sila" ani ni Ayra. Tinanggap niya na lamang ang sitwasyon niya at ang posisyon niya noong mga oras na iyon Mukhang sako ng bigas na nakasabit sa balikat ni Vinxer at nayuyogyog ang buong pagkatao Naramdaman niyang nakailang liko rin ng takbo si Vinxer. Palayo na nang palayo ang bulto ng mga lalaki na humahabol sa kanila bago ito tuluyang naligaw at hindi na nakasunod sa kanila. Tumigil narin sa pagtakbo si Vinxer at nang ibaba nito si Ayra ay nakita ni Ayra na nasa parking lot na pala sila katabi ng motorsiklo ng binata Pareho silang humahangos at naghahabol nang hininga. Kalaunan ay sabay din naman silang unti-unti nang makabawi sa paghinga "What the fuck! HAHAHAHAHA!!" hindi na napigilan ni Ayra na magpakawala ng wagas na mga tawa. Napapahawak pa ang dalaga sa tyan nito habang hindi parin mapigilan ang sarili Napangiti naman si Vinxer sa nakikita at natawa narin sa nangyari. Pinagmamasdan lamang nila ang isa't isa habang sabay parin na nagtatawanan "Oh, damn. What the fuck was that?" "Grabe! Solid tawa ko mga bente. Hayyy" Sambit nilang dalawa nang bahagya nang kumalma. Tumingin tingin pa silang muli sa paligid upang tiyakin kung wala na nga ba talagang nakasunod sa kanila "Come. Hop in. Pupuntahan natin sila Xenon to ask about this" inihanda ni Vinxer ang motorsiklo nito at binigyan ng helmet si Ayra na tinanggap naman ng dalaga Isinuot ni Ayra ang helmet at umangkas na sa motorsiklo. Si Vinxer naman ay tumingin sa side mirror bago bahagyang tumingin sa gawi ni Ayra "Put the visor down wala 'kang glasses. Gusto mo 'bang matuyo yang contact lenses mo dahil sa hangin?" ani ng binata at ibinaba ang visor ng helmet ni Ayra Napalabi na lamang si Ayra bilang tugon habang bahagyang nangingiti. Wala naman kasi siyang magagawa dahil tama naman si Vinxer. Simula pa lamang highschool sila ay ganito na talaga ang binata sakanya. Lagi siya nitong pinapagtanggol at pino-protektahan. Lagi siyang sinasamahan nang walang reklamo. Kahit nga hindi hilingin ni Ayra ang presensiya ni Vinxer ay nariyan ang binata para sakanya Laging nariyan si Vinxer para sa kanya Tama nga ito. Si Ayra lang naman talaga ang lumalayo eh. Siya lang din ang pilit na tinutulak palayo si Vinxer. Self sabotage ika nga nila kasi ipinagkakaila niya sa sarili ang matagal na niyang nararamdaman. Lagi niyang dine-deny na may nararamdaman siya para kay Vinxer na higit sa pang kaibigan lang Alam mo naman kasi, Ayra kung ano talaga ang tingin mo kay Vinxer...at hindi 'yon para sa isang kaibigan lang Nagsimulang paandarin ni Vinxer ang motorsiklo habang tahimik parin na nag iisip si Ayra This can't be...paano naman si Vera? - LunaToMySolKunot ang noo ni Ayra habang nakatingin sa screen ng laptop. Mag isa siya sa library ngayon at naghahanap sa Google ng mga magazine articles kung saan makikita ang mga mayayamang businessmen sa bansa.Ilang oras na niyang binabasa ang mga one-on-one interview sa mga iyon kung saan tinatanong ang mga kalalakihan patungkol sa kanilang pribadong buhay, paboritong pagkain, paboritong sports, at kung ano-ano pa.Isa lamang ang pakay niya at yun ay ang malaman kung sino sa kanila ang gumagamit ng pabango na kaamoy ng cherry blossoms.Suhestiyon iyon ni Lyzza noong galing sila sa Sta.Fe kaya naman ngayon na nakalugar na si Ayra ay sinunod niya na ang payo ng kaibigan sa paraan ng paghahanap.Napasabunot siya sa kanyang buhok. Mga dalawampu na kasi na businessman interviews na kasi ang nababasa niya ngunit wala pa rin. Masakit sa ulo ang suyurin ang internet para sa napaka specific na impormasyon.Tumipa siya sa keyboard. May naisip kasi siyang mas tumpak na mga salita na baka makapagbigay ng
• Madaling araw na ngunit hindi pa rin dinadapuan ng antok si Vinxer. Pinagmamasdan niya lamang ang mukha ng kasintahang si Ayra na payapang natutulog sa kanyang tabi. Nasisinagan ng liwanag ng buwan ang mukha ng dalaga at hindi mapigilan ni Vinxer ang mapahanga sa taglay nitong ganda. Him and Ayra spent the whole afternoon til evening making love on the bed and every round, he made sure that it was filled with passion and adoration. They are both first timers but that did not hinder Vinxer from giving the best that he could to pleasure Ayra. Ayra on the other hand was adorable in her own ways. Napabuntong hininga siya at masuyong hinaplos ang buhok ng dalaga pababa sa pisngi nito. Habang ginagawa niya iyon ay tumatakbo sa sistema ni Vinxer ang lahat ng emosyon.Masaya siya kung nasaan sila ni Ayra ngayon. Masaya siya dahil pagkatapos ng ilang taon na paghihintay ay kasintahan niya na ang babaeng iniibig at wala siyang ibang gustong gawin sa buhay kung hindi ay ang pagsilbihan si
• Abala sina Vinxer sa pag aayos ng mga gamit. Nakalapag sa sahig ang mga kahon na puno ng mga kagamitan ni Ayra Ngayon na kasi ang takdang araw ng paglipat ng kasintahan sa kanyang condo unit upang magsama na silang dalawa sa iisang bubong "Yes po, Ma'am Thelma. Sila Lyzza at Lester na po ang titira dyan sa room ko noon" ani ni Ayra na kausap ang landlady ng boarding house niya noon, "Opo, Ma'am. Wag po kayong mag alala. Mabait po si Lyzza at behave lang po si Lester. Siguradong wala po kayong magiging problema sa kanila" nakangiting ani ni Ayra sa landlady Nang ibaba ni Ayra ang tawag ay siyang pagyakap naman sa kanya ni Vinxer mula sa likuran. Tila gusto namang kumawala ng kanyang puso mula sa kanyang dibdib dahil lakas ng tibok noon"Thank you, love. For trusting me and moving in with me" ani ni Vinxer at nagplanta ng halik sa pisngi ni Ayra "No, love. Thank you. For making my life better. Simula nung naging tayo, puro na magaganda ang nangyayari sa buhay ko. Salamat at hindi
• "Thank you, Sir!" halos sabay-sabay na ani ng buong klase nang magpaalam ang kanilang professor Nasa kalagitnaan si Ayra ng pag aayos ng kanyang gamit nang magliliwan naman siyang batiin ni Lyzza. Nasa tabi niya na ito ngayon "Hi, beshy! Tara kain tayo sa labas. My treeeeat!" buong saya na ani ng dalaga "Wow! Mukhang galante ka today, ah but sure! hindi ko yan tatanggihan" Sabay na naglakad ang dalawa palabas ng university. Kapwa silang may hawak na mini fan upang mapawi ang init ng panahon Nang makarating sila sa mall ay sa isang samgyupsal-an siya dinala ni Lyzza "Galante ka talaga ngayon, besh ha. May pa samgyupsal talaga" panunukso ni Ayra sa kaibigan "Oo naman besh tsaka syempre pa-thank you ko na rin 'to sayo" ani ni Lyzza habang nangluluto ng karne sa griller "Para saan?" "Syempre sa pagpapatuloy mo sa amin ni Lester" ani ng kaibigan at nginitian siya nito "Ano ka ba? Wala yun tsaka aalis na rin naman ako doon" pahayag ni Ayra "Ha? Bakit ka aalis
•"Oh, siya, Ayra anak, mag iingat ka doon ha? Kumain ka sa tamang oras at siguraduhin mo na may sapat 'kang tulog" ani ni Agnes sa anak na si Ayra "Opo, Ma. 'Wag po kayong mag alala sa akin. Papagbutihin ko rin po ang pag-aaral ko doon. Tatawag nalang po ako kapag may oras kaming umuwi dito" sagot naman ni Ayra sa ginang at niyakap ito ng mahigpit "We will go ahead now, Tita Agnes. I promise to take good care of Ayra there so you will not have anything to worry about" ani naman ni Vinxer at nagmano ito kay Agnes"Oh, siya, hijo. Salamat ha? Mag iingat kayo sa biyahe" ani ni Agnes at kinawayan na ang dalawa Isinakay ni Vinxer ang kanilang mga maleta ni Ayra sa kotse. Ang sasakyan ni Danner na Ranger ang gamit nila ngayon dahil napag desisyonan nilang isang sasakyan na lamang ang gamitin sa biyahe. Magpapalitan na lamang sila ni Danner sa pagda-drive hanggang sa makarating na sila sa siyudad "Wow. Gagaling niyo naman. Wala talagang tumulong sa'kin magbuhat nitong mga pagkain ha" an
Healing by James Reid • Nakapikit ang mga mata ni Ayra habang sinasalubong ang maligamgam na tubig mula sa showerhead sa ibabaw. Nararamdaman niya ang bawat patak nitong tumatama sa kanyang balat pababa sa kanyang katawan. Hinayaan niya lamang ang sariling lasapin ang pakiramdam niyon Much needed rest... Ngayon na natapos na ang kaarawan ni Vinxer ay tsaka lamang naramdaman ni Ayra ang pagod sa kanyang katawan. Simula kasi noong isang araw ay abala siya sa pagbili ng regalo tapos dumiretso sila papunta sa Tagaytay. Noong matapos naman iyon ay dumiretso sila pauwi ng Sta. Fe Parang ang daming nangyari sa loob lamang ng tatlong araw. Ang dati niyang madilim at tila on default na buhay ay biglang nagkaroon ng saysay Noon, kapag nagigising siya sa araw-araw, alam niya na agad kung ano ang gagawin niya. Kakain, maglilinis, papasok sa eskwela, uuwi. Minsan naman ay sumasama siya sa kanyang ibang mga kaibigan sa mga bar para lamang libangin ang kanyang sarili Para makalimot... "As