Home / Romance / PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE / Chapter 85 - agreement of the unfaithful

Share

Chapter 85 - agreement of the unfaithful

Author: Redink
last update Huling Na-update: 2025-07-24 11:10:25
"Ano'ng kailangan nýo sa akin?" kabadong tanong ni Pearl sa mga pulis na pumasok sa sala.

"May nagsampa ng reklamo laban sa iyo, Ms. Hermosa. Pwede ka ba naming imbitahan sa presinto?"

"Reklamo? Sino'ng nagsampa?"

Si Psalm kaya? Wala siyang ibang maisip na pwedeng gumawa nito. Pero natilihan siya nang lumitaw ang bulto ni Senyora Matilda mula sa may pintuan.

"Officers, bakit hindi pa ninyo dinampot ang babaeng iyan?" matapang na atungal ng matandang babae, banaag sa mukha ang iritasyon.

"T-Teka lang po, Senyora! Ano po ang kasalanan ko?" Tulirong apela ni Pearl.

"Nagtatanong ka pa? You are trying to deceive me. Kailangan mo nang mailigpit doon sa loob ng selda bago mo pa tuluyang sirain si Darvis at ang buong pamilya ko!"

"Hindi, mali po kayo! Wala akong ganoong intensiyon, Senyora!" gulantang na bulalas ni Pearl.

Pilit lang niyang winaglit sa isip ýong tagpo roon sa ancestral house ng mga Florencio kung saan dumating si Madam Lucresia. Malamang may sinabi ang tv host. Siniraan siya
Redink

Good morning, mga mahal! Let me know your thoughts and please help me promote this story. Thank you...

| 30
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (12)
goodnovel comment avatar
Winnie Caisip
hayst kuhang kuha ang gigil q ng lintek na pearl na to ah...nanginginig laman q sau gusto kita durugin ang kapal ng apog ha..
goodnovel comment avatar
Evangeline Carandang
ilove the story author sana Marami ka pang magawang story.........️
goodnovel comment avatar
Aviana
Psalm and Ymir galawin nyo na ang baso. hihihi
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 88 - money is the truth teller

    Pinilipit ni Psalm ang nanlalamig pa ring mga kamay. Medyo nanginginig ang malantik niyang mga daliri dahil sa tension na hindi pa lubusang humuhupa. Narito siya sa clinic ni Ymir. Sinundo siya nito kanina roon F-estate at pinalipat sa sasakyan nito. Habang nasa biyahe sila ay nag-report si Roy tungkol sa nangyari sa kaniya roon sa ancestral house at kung ano ang ginawa ni Senyora Matilda. "Drink this." Ibinigay ng doctor ang basong may malamig na fruit juice. "You'll be okay," he assured her. Hinaplos nito sa likod ng kamay ang kaniyang pisngi. Katatapos lang niyang dutdutan iyon ng cold compress. Namula kasi at may bakat ng palad ni Senyora Matilda. "Huwag ka na munang umuwi ng mansion. Magpahinga ka roon sa villa," mungkahi ng doctor at itiniklop ang isang tuhod sa sahig. "Hahanapin ako ni Darvis.""Nag-aalala ka sa asawa mong bugok?""Ymir, wala pa sa 3/4 ang progress ng plano ko. Ngayong nalaman kong may iba siyang properties na hindi dineklara sa statement of asset niya, m

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 87 - anger issues and decision

    Sa labas ng compound ng F-estate ay nag-aabang ang sasakyan ni Ymir. Bumaba ang doctor at sumandal sa bungad ng hood, bitbit ang cellphone. Nag-miss call siya kay Darvis. Maya-maya pa y nag-retun call ang lalaki."Ano'ng kailangan mo, Dr. Venatici?" matigas nitong tanong."Pinatawag ng mommy mo si Psalm, hindi mo ba pupuntahan?""Si Mommy? How do you know? Ah, for sure, my wife told you. Why would I wonder? Mas naging close pa yata kayo ngayon.""Hindi ko papatulan iyang marumi mong utak. Gawain mo iyan, kinakain mo kahit ang sarili mong hipag. While I am only protecting my people, including your wife. She is under the protection of Venatici Empire, expect me to interfere, Darvis.""Watch your words, Venatici. I can sue you for slander.""And I have the evidence to fight you in court, gusto mo ba ng kopya ng kababuyan ninyo ni Pearl Hermosa?"Natahimik si Darvis sa kabilang linya. Nang magsalita itong muli ay mababa na ang tono. Bahag pala ang buntot."Hanggang ngayon hindi ka pa rin t

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 86 - the enemies team

    "Huwag kang pumunta mag-isa, isama mo si Roy." Instruct ni Ymir mula sa kabilang linya ng cellphone. Ngumiti si Psalm. "Oo, naghihintay na siya sa akin sa lobby," aniyang kaagad lumabas pagkahinto ng elevator sa ground floor ng building. "Sinabi mo ba kay Darvis na gusto kang kausapin ng mommy niya?" tanong ng doctor."Hindi na. Busy siya sa office. Katatapos lang ng meeting namin sa public relations, may taga-media na um-attend.""Hindi ideal na pupunta kang mag-isa roon kung may issue sa iyo ang biyenan mo. Buntis ka. Lagi mong nakakalimutan na mag-doble ingat.""Oo na po, para kitang tatay niyan, eh. Huwag kang mag-alala, kasama ko naman si Roy at sabi niya, may iba pa kaming escort. Look-out lang daw pero nakahanda lagi if ever may emergency.""Okay, be careful and call me if anything.""Thank you." Kinawayan ni Psalm ang driver-bodyguard. Mabilis itong kumilos at pinagbukasan siya ng pinto. "Saan tayo, Madam?" "Sa ancestral house ng mga Florencio."Tumango ito at nag-focus na

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 85 - agreement of the unfaithful

    "Ano'ng kailangan nýo sa akin?" kabadong tanong ni Pearl sa mga pulis na pumasok sa sala."May nagsampa ng reklamo laban sa iyo, Ms. Hermosa. Pwede ka ba naming imbitahan sa presinto?""Reklamo? Sino'ng nagsampa?" Si Psalm kaya? Wala siyang ibang maisip na pwedeng gumawa nito. Pero natilihan siya nang lumitaw ang bulto ni Senyora Matilda mula sa may pintuan."Officers, bakit hindi pa ninyo dinampot ang babaeng iyan?" matapang na atungal ng matandang babae, banaag sa mukha ang iritasyon. "T-Teka lang po, Senyora! Ano po ang kasalanan ko?" Tulirong apela ni Pearl."Nagtatanong ka pa? You are trying to deceive me. Kailangan mo nang mailigpit doon sa loob ng selda bago mo pa tuluyang sirain si Darvis at ang buong pamilya ko!""Hindi, mali po kayo! Wala akong ganoong intensiyon, Senyora!" gulantang na bulalas ni Pearl. Pilit lang niyang winaglit sa isip ýong tagpo roon sa ancestral house ng mga Florencio kung saan dumating si Madam Lucresia. Malamang may sinabi ang tv host. Siniraan siya

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 84 - loser

    "Frederick, get to the bottom of this and take down that news online! Magbayad ng kahit magkano!" mabangis na sigaw ni Darvis sa sekretaryang kausap niya sa cellphone. Katapusan na niya 'pag nakita ni Psalm ang viral news. Hindi mapalagay ang lalaki. Halos magmarka na ang mga yapak niya sa carpet ng sahig sa sala. Pero sakaling nakita man nito, pwede naman siguro siyang magpaliwanag at naniniwala siyang papakinggan siya ni Psalm."Ano'ng nangyari sa iyo?" Here she comes. Nanlamig ang mga palad ni Darvis. He is not a religious person pero nang mga oras na iyon ay gusto niyang tawagin lahat ng santo na kilala niya by name. Ironic nga lang. Hihingi siya ng tulong para isalba ang sarili sa ginawang kasalanan? Simula pa lang ay alam na niyang mali pero ginusto pa rin niya at nagpatangay siya. Hindi niya kayang aminin kay Psalm. Natatakot siyang abandonahin ng asawa. Hindi pwede!"Kung tungkol iyan sa nag-viral na news online, wag kang mag-alala, normal na ngayon sa mga tao ang gumawa ng

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 83 - emotional damage

    "Nakikiusap ako, delete that video." May halong pagsusumamo sa tono ni Senyora Matilda. Matinding kasiraan ang idudulot ng video oras na lumabas iyon sa social media. Po-protektahan niya si Darvis at reputasyon ng angkan nila. Siguradong inakit lang naman ni Pearl Hermosa ang anak niya. "Hindi ko makita ang simpatiya ninyo kay Psalm. Siya ang niloko pero ang gusto ninyong iligtas sa kahihiyan ay si Darvis? Bakit hindi n'yo muna pangaralan ang anak ninyo bago kayo maniwala sa kuwento ng ibang tao na ang tanging katibayan ay mga litratong sinadyang kunin mula sa anggulo na may malisya?" Nilikom ni Lucresia ang mga litrato. "You should understand, Darvis is the face of the Florencios. Babagsak kami kung-""Para malaman n'yo, Senyora, advocate ako ng foundation na tumutulong sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso, pisikal man, mental o emotional. Kaya nag-alok ako ng segment para sa inyo sa aking show dahil akala ko magiging inspirasyon kayo ng mga babaeng patuloy na lumalaban sa kabila

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status