Share

Chapter 84 - loser

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-07-23 21:29:08

"Frederick, get to the bottom of this and take down that news online! Magbayad ng kahit magkano!" mabangis na sigaw ni Darvis sa sekretaryang kausap niya sa cellphone.

Katapusan na niya 'pag nakita ni Psalm ang viral news. Hindi mapalagay ang lalaki. Halos magmarka na ang mga yapak niya sa carpet ng sahig sa sala. Pero sakaling nakita man nito, pwede naman siguro siyang magpaliwanag at naniniwala siyang papakinggan siya ni Psalm.

"Ano'ng nangyari sa iyo?" Here she comes.

Nanlamig ang mga palad ni Darvis. He is not a religious person pero nang mga oras na iyon ay gusto niyang tawagin lahat ng santo na kilala niya by name. Ironic nga lang. Hihingi siya ng tulong para isalba ang sarili sa ginawang kasalanan? Simula pa lang ay alam na niyang mali pero ginusto pa rin niya at nagpatangay siya.

Hindi niya kayang aminin kay Psalm. Natatakot siyang abandonahin ng asawa. Hindi pwede!

"Kung tungkol iyan sa nag-viral na news online, wag kang mag-alala, normal na ngayon sa mga tao ang gumawa ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Riza Monreal
Maalat ba, Pearl? parang buhay mo, inaalat na sa mga kagagahang ginagawa mo. :)
goodnovel comment avatar
Marilyn Oabel
nku me pulis n nagba back fire n ke pearl mga pinaggagawa nia
goodnovel comment avatar
Winnie Caisip
ano po kya mangyayari sa relasyon ng mag asawa .. kc nmn darvis bkit mo pinatulan ang hipag mo ..eh isang gago un wala kang ka ideya ideya na lhat ng sex na ginawa nio pinapasa sa asawa mo gago ka kc mahal mo pero pinag taksilan mo masakit sa puso hayst
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 85 - agreement of the unfaithful

    "Ano'ng kailangan nýo sa akin?" kabadong tanong ni Pearl sa mga pulis na pumasok sa sala."May nagsampa ng reklamo laban sa iyo, Ms. Hermosa. Pwede ka ba naming imbitahan sa presinto?""Reklamo? Sino'ng nagsampa?" Si Psalm kaya? Wala siyang ibang maisip na pwedeng gumawa nito. Pero natilihan siya nang lumitaw ang bulto ni Senyora Matilda mula sa may pintuan."Officers, bakit hindi pa ninyo dinampot ang babaeng iyan?" matapang na atungal ng matandang babae, banaag sa mukha ang iritasyon. "T-Teka lang po, Senyora! Ano po ang kasalanan ko?" Tulirong apela ni Pearl."Nagtatanong ka pa? You are trying to deceive me. Kailangan mo nang mailigpit doon sa loob ng selda bago mo pa tuluyang sirain si Darvis at ang buong pamilya ko!""Hindi, mali po kayo! Wala akong ganoong intensiyon, Senyora!" gulantang na bulalas ni Pearl. Pilit lang niyang winaglit sa isip ýong tagpo roon sa ancestral house ng mga Florencio kung saan dumating si Madam Lucresia. Malamang may sinabi ang tv host. Siniraan siy

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 84 - loser

    "Frederick, get to the bottom of this and take down that news online! Magbayad ng kahit magkano!" mabangis na sigaw ni Darvis sa sekretaryang kausap niya sa cellphone. Katapusan na niya 'pag nakita ni Psalm ang viral news. Hindi mapalagay ang lalaki. Halos magmarka na ang mga yapak niya sa carpet ng sahig sa sala. Pero sakaling nakita man nito, pwede naman siguro siyang magpaliwanag at naniniwala siyang papakinggan siya ni Psalm."Ano'ng nangyari sa iyo?" Here she comes. Nanlamig ang mga palad ni Darvis. He is not a religious person pero nang mga oras na iyon ay gusto niyang tawagin lahat ng santo na kilala niya by name. Ironic nga lang. Hihingi siya ng tulong para isalba ang sarili sa ginawang kasalanan? Simula pa lang ay alam na niyang mali pero ginusto pa rin niya at nagpatangay siya. Hindi niya kayang aminin kay Psalm. Natatakot siyang abandonahin ng asawa. Hindi pwede!"Kung tungkol iyan sa nag-viral na news online, wag kang mag-alala, normal na ngayon sa mga tao ang gumawa ng

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 83 - emotional damage

    "Nakikiusap ako, delete that video." May halong pagsusumamo sa tono ni Senyora Matilda. Matinding kasiraan ang idudulot ng video oras na lumabas iyon sa social media. Po-protektahan niya si Darvis at reputasyon ng angkan nila. Siguradong inakit lang naman ni Pearl Hermosa ang anak niya. "Hindi ko makita ang simpatiya ninyo kay Psalm. Siya ang niloko pero ang gusto ninyong iligtas sa kahihiyan ay si Darvis? Bakit hindi n'yo muna pangaralan ang anak ninyo bago kayo maniwala sa kuwento ng ibang tao na ang tanging katibayan ay mga litratong sinadyang kunin mula sa anggulo na may malisya?" Nilikom ni Lucresia ang mga litrato. "You should understand, Darvis is the face of the Florencios. Babagsak kami kung-""Para malaman n'yo, Senyora, advocate ako ng foundation na tumutulong sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso, pisikal man, mental o emotional. Kaya nag-alok ako ng segment para sa inyo sa aking show dahil akala ko magiging inspirasyon kayo ng mga babaeng patuloy na lumalaban sa kabila

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 82 - truth slaps

    Binitbit ni Darvis ang briefcase at naglakad palabas ng mansion. Katatawid lamang niya ng pintuan nang tumunog ang kaniyang cellphone. Si Senyora Matilda ang tumatawag. "Yes, Mom? I'm on my way to the office.""I'll forward some photos to your inbox, tingnan mo. Mukhang gumagawa ng milagro iyang asawa mo."Nahinto siya sa paghakbang at kaagad ibinaba ang cellphone. Sunud-sunod na pumasok sa inbox niya ang photos na ipinasa ng kaniyang ina. Sina Psalm at Ymir Venatici. Kita mula sa anggulo kung paano magtitigan ang dalawa at ang emosyon sa mga mata ng doctor na tila tinugon naman ng asawa niya ng matamis na ngiti. Aburidong pumasok siyang muli sa loob ng bahay at umakyat sa guest room. "Open the door!" apura niya kay Psalm at kulang ay tadyakan na ang pinto.Binuksan iyon ng babae at nakasimangot na hinarap siya. "What's wrong with you, Darvis?" sikmat nito.Napunta ang matalim na titig ni Darvis sa cellphone na bitbit ng asawa. May kausap ba ito? Si Ymir Venatici na naman?"Sino'n

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 81- pre-destruction

    'Thank you, my husband for spending so much on me today. I feel very special.'Post ni Psalm na sinakop ang newsfeed. Naka-public iyon kaya nakikita ni Pearl kahit hindi sila friends. Bukod sa shares na pati circle of friends niya online ay nakiki-share at nag-heart react pa sa bawat photo ng jewelry sets, bags at shoes. Naninikip ang dibdib ni Pearl sa hindi birong galit. She wanted those things. Kaya siya nagpunta roon sa jewelry shop para bilhin sana ang kwintas na nakita niya noong huling pagbisita niya. Pero inubos ng kapatid niya. Pati ang type niyang LV bag at Gucci shoes ay napunta kay Psalm. So many that it surely costs millions.May comment na nag-appear sa ibaba ng post:Darvis F...Loving my wife will make me rich.Seconds pa lang at umani na rin iyon ng heart reactions mula sa netizens. Kasama na ang papuri sa mag-asawa. Going strong. Best of luck. More blessings. Congratulations for a happy family.Hindi na ma-contain ng puso ni Pearl ang dagok at paghihinagpis. Hindi s

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 80 - shop for million

    Pinagbabato ni Pearl ang mga unan sa nakapinid na pintuan. "Impakta! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko!" sigaw niyang mahigpit na kinuyom ang mga kamao. Bumaba siya ng kama. Hindi alintana ang nakausling tiyan at dibdib na nakabandera. Tangin panty na lang ang suot niya. Hahabulin niya si Darvis. Hindi niya ito papaalisin. Pero bago pa siya nakalabas ng pintuan ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Binalikan niya iyon at lalong umusok ang bumbunan sa galit nang makitang si Psalm ang tumawag. Pagkalapat ng cellphone sa tainga niya ay nanuot ang tawa ng Kapatid niya mula sa kabilang linya."Ano? Iniwan ka ng asawa ko? Kawawa ka naman. Ay sorry, nasa gitna ba kayo ng romansa? Akala mo siguro ikaw lang ang marunong, no? For your information, kaya kitang higitan. Ang hindi ko lang pag-aaralan ay ang talent mong mang-agaw. Pero iyang mga arte mo at pakulo, I can do it aesthetically, more than you could ever imagine. Paano ka na lang? Mukhang walang kupas ang pagkabaliw ni Darvis, hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status