Share

Chapter 20: SHE'S JUST A PET

"Nanay tulong ang sakit!"

Mangiyak-ngiyak na si Mahalia dahil hindi niya kayang baklasin ulit ang wax na nilagay niya.

Sinubukan niya ng isang beses at nang makaramdam siya ng sakit parang ayaw na niyang ituloy ngunit kapit na kapit ang wax sa balat niya.

"Hindi ko to kaya..." Naluluha na siya, at hirap na hirap.

Hindi naman pwedeng hindi alisin ang wax sa kaniya. "Para hindi ako ma-refund, kaya ko to."

Kung may ibang makakakita sa kanya sa sitwasyon na iyon siguradong pagtatawanan siya. Kasi para siyang tángáng palakang nakabukaka sa kama at naglagay ng wax na hindi naman niya kayang baklasin.

Humihikbi na siya nang bigla namang bumukas ang pinto kaya mabilis siyang napatiklop ng mga binti sabay hila ng kumot takip sa katawan niya.

Niluwa ng pintuan si Matteo na agarang nakakunot ang noo sa kaniya. "What are you doing."

Humikbi siya. "Ah...k-kwan sir..."

"Bakit ganiyang ang mukha mo?" tanong pa nito, humakbang palapit at napatingin sa kumot na nasa harapan niya.

Umiyak na siya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status