Pumasok ang sasakyan sa isang napakalawak na entrance plaza, sobrang taas ng building ang nasa tapat nila ngayon. Para itong hotel at sa ibabaw nito, nakailaw ang malaking pangalan, 'El Chantia Haven.'
"Woah," mangha niya pero pabulong lang. Nahihiya siyang magtanong.
Deretso lang papuntang likuran ang sasakyan nila, pumasok ito sa basement, at doon iba't ibang magandang sasakyan ang mga nakaparada.
"What about tomorrow, tuloy sa drag racing?" tanong ng naka-vape.
"Of course, Matteo is the racer, sure win. Right, Buck?"
Narinig niya ang drag, napabulong naman siya, "Drug daw, mga adik yata to."
"Narinig mo iyon?" tanong naman ng lalaking kasing tangkad ni Matteo.
Napadikit siya ng labi. "Ang alin?" tanong ng naka-vape.
"May narinig akong mga adik daw tayo," sagot naman ng isa.
"Ah hindi pwede iyan, walang tumatawag sa atin ng ganon," sabi naman ng naka-vape. Napangiwi siya. Lumingon pa ito kay Matteo. "Narinig mo iyon?"
"Let me take care of it," malamig namang tugon ni Matteo.
"Sige, ipaghiganti mo kami ha," sabi naman ng naka-vape.
Pinili niyang huwag umimik kasi natakot na siya. Sinusulyapan pa siya ng lalaking naka-vape at halatang siya ang pinaparinggan.
Nang makaparada na ang sasakyan, kanya-kanya labas naman ang bawat isa. Tumikhim siya, "Lalabas din po ako?"
"Pwede namang diyan ka lang," sagot ng kasing tangkad ni Matteo.
Lumabas naman si Matteo kasama ng mga ito at naglakad palayo ngunit huminto.
Huminto rin ang dalawa at lumingon, bumalik ang lalaking si Matteo at parang inis pa itong naglalakad patungo sa sasakyan.
Binuksan nito ang pintuan, at nagsalita, "Are you just going to stay there forever?"
Buti na lang gets niya, salamat sa forever and stay na sinasabi nito. "Luh, sabi ng kasama mo dito lang ako, pwede," natatanga niyang sabi rito. Sa inis nito kinaltukan siya. "Aray ko." Napahawak siya sa ulo niya.
"Get out!" singhal nito, napaïgtàd naman siya sa takot.
"O-Opo!" Gumapang na lang siya sa upuan para bumaba at wala siyang suot na sapatos.
Napatingin din doon ang lalaki na parang galit pa, umepekto tuloy sa kaniya ang tingin na iyon, nakaramdam na naman siya ng takot. "Wear your shoes," utos nito.
Napabulong siya, "Kailangan ba talaga English? Hirap pa naman akong intindihin ang iba."
Bumalik siya sa loob at hinila ang pares ng heels niya. Napangiwi pa siya dahil masakit pa rin ang paa niya. "Sarili ko na lang talaga ang kakampi ko ngayon," bulong niya at napanguso pa.Sinuot niya ang heels niya, sinara naman nito ang pinto at saka naman siya tumayo nang tuwid sa harap nito. Nagtama ang kanilang mga mata, may takot ang paraan ng pagtingin niya habang ito naman parang nakagawa siya ng krimen rito kung makatitig. "Let's go."
Napalunok siya kasi pilay siyang maglalakad ngayon. "Kaya mo to Mahalia."
Pero tumalikod na ito, hindi man lang niya nasabi na may pilay pala siya. Sumunod siya rito, na paikang-ikang at nang maramdaman nito na mabagal siya, huminto ito at lumingon sa kaniya. "What happened to you?"
Sa wakas nagtanong ito. "A-Ahm...I-I..." At mage-english din siya. "I..." pero ano ba ang English ng nadapa?
"What? Did you have a mishap?" tanong nito.
Kumunot ang noo niya, "Anong mishap?" bulong na naman niyan.
Huminga ito nang malalim at lumapit sa kaniya, dinuro siya sa mukha, "Mataas ang expectation ko sa'yo noong nasa entablado ka pa lang kaya naglabas ako ng malaking pera para manalo sa bidding at makuha ka. Ibig sabihin, less lampa ka, less tángá at iyon ang panindigan mo ngayon."
Napalunok siya, kung in-english nito ang linya na iyon baka kunting kaba lang ang nararamdaman niya, pero tagalog eh, kaya tagos hanggang buto niya ang takot.
Bumaba na lang siya ng tingin at sinabi pa nito, "Now walk, ayoko nang umiikang-ikang."
"Opo." Tumalikod ulit ito sa kaniya, at wala siyang choice kundi sikaping maging tuwid ang lakad niya.
Halos maiyak-iyak siya sa sakit kasi habang inaayos niya ang bawat hakbang niya mas lalong nasasaktan ang paa niya. "Kaya mo talaga to, Mahalia huhu."
Huminto ang mga ito sa tapat ng elevator para hintayin siya at kabado siya dahil baka mainip ang lalaki at bigla siyang saktan.
Gwapo nga ito, pero parang ugaling dragon. Baka pahirapan pa siya nito sa kama mamaya. Pero handa na ba siya?Parang ito na ang huling gabi na maging vìrgìn siya. Paano kung hindi lang pala ito ang gagamit sa kaniya? Paano kung tatlo pala sila?
Nangilabot siya sa isiping iyon pero bago siya humantong sa ganito, pumayag muna siya.
Buti nga hindi matanda ang nakakuha sa kaniya, swerte na siya sa mga gwapong ito pero parang hindi naman siya tao kung ituring.
Wala na siyang pinagkaiba sa pusang binili para alagaan. Pero ang pusa ay aalagaan samantalang siya, siguradong hindi.
Nakasunod lang sa kaniya ang paningin ng tatlo nang papalapit siya at huminto siya sa harapan ng mga ito at nagsalita ang lalaking bumili sa kaniya, "I was like watching paint dry."
Nagpatunog ito ng dila at napailing na parang dismayadong-dismayado.
Sumakit na naman ang ulo niya sa English nito at natatawa pa ang mga kasama nito.
"Bagal ba?" tanong ng naka-vape.
"Gusto rin saw kasi niyang maglakad ng kakaiba, like tsunami walk ni Supsup at catwalk ni Catriona. Sa kaniya back walk daw kaso hindi kaya, nadapa," malokong sabi ng lalaking kasing tangkad ni Matteo.
Nagtawanan ang mga ito maliban kay Matteo. "Nyenye," pagmo-mock naman niya ngunit bulong lang.
"Fan ka pala ng miss universe, Buck?" asar ng naka-vape.
Natawa ito at kinaltukan ang kaibigan, "Gâgô hindi."
Sinamaan ng tingin ang mga ito ni Matteo at inutusan siya, "Get in."
"Opo," sagot niya agad at pumasok sa elevator.
Sumunod ang mga ito.
"Ay kabayong walang bayag!" Napahawak siya sa dibdib niya sa gulat ng tumaas ang elevator.
Natawa ang mga ito. "Edi babae kasi walang bayag," sabi pa ng naka-vape at nagdukot pa ng vape nito.
"Shut up," suway ni Matteo at binaba ng kamay ng lalaking may hawak na vape. Dahil magbi-vape sana ito.
Walang choice ang isa kundi ibalik sa bulsa ang vape at nagpigil na lang ng tawa.
Pagbukas ng elevator, nagkaniya-kaniya direction ang mga ito, siya naman sumunod sa lalaki na paikang-ikang. Namamawis ang noo niya sa sakit ng paa niya at napansin na naman siya nito.
"What happened to you ba kasi?" inis nitong tanong.
Sumagot naman siya, "Natapilok ako kanina, sir. Mataas kasi ang takong ng sapatos ko."
Bumaba ang paningin nito sa paa niya, parang kinumpirma kung gaano ba kataas ang takong niya. Maya-maya kumilos ito, lumapit sa kaniya, umupo kunti. Akala niya kung ano ang gagawin nito pero bigla siyang binuhat, at ulit awtomatiko ang kaniyang, "Ay kabayong walang bayag! Ano ba sir!"
"Lower your voice," suway nito.
Tinakpan niya ang bibig niya.
"Kung hindi mo kayang magsuot ng mga matataas na katulad niyan, huwag kang magsuot," anito at nagsimula nang maglakad, hawak pa siya nito sa pwet kaya nanayo ang palahibo niya.
First time siyang mahawakan ng lalaki sa pwet shempre. "Eh, sir k-kasi...iyong ang gusto nilang isuot ko eh."
"Para dayain ang height mo?" tanong nito.
"H-Hindi naman siguro, sir..." napahawak siya sa ulo niya kasi pakiramdam niya nandoon na naipon ang mga dugo niya. Nakatuwad kasi siya.
Walang katao-tao ang lugar, gabi kasi at ang mga yapak nito, umi-echo pati ang mga boses nila. "Ganon naman talaga yun diba? Kailangan mong mag-heels para maging maganda ka?"
"Anong koneksyon ng paa sa mukha para masabi mong maganda ka kapag may heels ka?" pamimilosopo nito.
Narealize naman niya iyon kaya napangiwi siya. "Madagdagan ang tangkad..." mahina niyang sabi.
"Exactly, para madaya ang height niyo, kunwari 5'5 yun pala 5'2," katwiran pa nito.
Pinilit niyang lingunin ang pintuan na binubuksan nito. Touch screen ang lock, pindot-pindot ng numero at saka nito nabuksan. "Wow ang ganda naman ng pintuan niyo sir."
Shempre pagbukas ng pinto, langhap na langhap niya ang preskang amoy nito. Umikot ang mga mata niya pero, ikot din ito ng ikot dulot ng dinadaanan at saka siya pabagsak sa tinapon sa sofa. "Aw! Aray, grabe ka naman sir alam mong may pilay ako. Huhuhu!"
Napahawak siya sa paa niya kasi tumama ang takong ng sapatos niya sa couch na kumunekta sa paa niya ang pwersa.
"Take off your shoes..." anito at may kinuha sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan lang niya na may bonggang desenyo rin.
"Ang ganda talaga ng bahay," bulong-bulong niya.
Hinagis nito sa kaniya ang bagay na iyon at napagtanto niyang wet wipes iyon. "Remove your makeup, I want to see your true face."
Napangiwi siya. Shempre, simpleng babae lang siya kung walang makeup pero anong magagawa niya kasi iyon ang gusto nito.
Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang sapatos niya at maya-maya nagsalita ito ulit matapos ng kung ano man ang ginawa nito saglit, "After that, take off your clothes, I just want to check something."
Napaangat siya ng mukha. "Ha? Check something sir?"
"Yes," sagot nito na medyo nambabanta. Napalunok siya at dumugtong pa ito, "I want to know if you are really a virgin or not, if not, I will return you to the Auction and refund my money."
"Aba! Siraulo ka hindi mo man lang ako ginawang maid or honor!" putak agad ni Miarta na ikina-react naman agad ng dalawang babaeng kausap niya. "Grabe ikaw talaga nagreklamo ng ganiyan ah," puna naman ni Sezy. "Bakit? Pwede naman ako sa ganyan ah!" rason naman ng isa. "Wag na kayo magtalo diyan, hindi nga nagrereklamo itong si Mahalia na kinasal pero walang trahe de buda. Di ba Mahalia? Halata eh, at sigurado naman kung ikaw ang kinasal imbitado kami diba?" singit naman ni Yanvi. Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Ayos lang kahit walang trahe de buda. Basta kasal na kami at isa na akong Elioconti ngayon," proud naman niyang sabi at kinaway-kaway pa ang daliri. Sumang-ayon naman ang mga ito, at naging masaya rin para sa kaniya. _____Isang araw naman, pagkatapos niyang maligo lumabas siya ng kwarto. Nakita niya ang magkakaibigan sa baba na tila may mahalagang pinag-uusapan. Nakatutok sa laptop si Finn, may kausap naman sa phone si Matteo. Napatingin pa ito sa relo at pinagmam
Pinagmasdan ni Frenon ang reaction ng asawa niya habang nakatingin sa DNA result. Kitang-kita niya ang pag-awang ng mga labi nito at windang na windang sa nabasa. "W-What? This can't be. Paano nangyari ito, isa lang ang iniluwal ko?" tanong nito na litong-lito. "Kaya nga tinatanong ko, who's Daphnie, bakit itong si Mahalia, anak natin, pero si Daphne kasama natin. Nakita ko rin naman kung paano mo siya pinanganak, pero bakit ganito? Lumitaw, anak natin ang babaeng binili ni Matteo sa Auction," giit pa niya. Napatakip ng bibig ang asawa niya. Namuo agad ang mga luha sa mga mata nito at napakapa sa glass wall para makakuha ng proteksyon sa pagtayo. "S-sigurado ka ba diyan? Hindi ba iyan gawa gawa lang?""Kahit itanong mo si Finn. He knew this. Una nga pinagbintangan niya akong may babae, na baka anak ko si Mahalia sa ibang babae but no. Wala akong naging babae kahit kailan, Dianne," rason pa niya at umiling-iling ito. "Kaya ginawa ko ito. Inalam ko ang totoo, kumuha ako ng buhok sa su
Nang marinig niya ang pangalan nito, napalunok siya. Binalot siya ng kaba nang mapagtanto sa huli kung sino ang babae. Ngunit kumalma siya. Hindi ngayon ang tamang oras para harapin niya ang babaeng ito. "We'll talk next time," giit niyang sabi rito, sabay pasok ng upuan sa loob lamesa. "Nasaan ang anak ko?" matigas na tanong nito. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib niya ngunit nananatili siyang kampanti sa harapan nito sabay sabing, "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang kumuha?" "Alam ko, pero nasaan ang anak ko?" Mariin ding sabi nito. "Pwes hindi ko alam. Wag ako ang singilin mo," pagkasabi niyang iyon, ay umalis siya sa harapan nito. Ngunit hindi ibig sabihin non, minaliit na niya ito. Sa tindig kasi ng babae alam niya naghanda ito ng maraming tao para bumalik. Hindi siya sinundan nito, o nagpahabol man lang ng salita sa kaniya. Hinayaan siya nito, which is mas nakakatakot na idea. Ngunit mayroon lamang siyang katanungan, "Pumayag siya, bakit hinahanap niya ulit?"
Nang dumating si Victoria, nasa ayos sila na parang nagkakanya-kanya puzzle sa isipan tungkol sa pagiging misteryoso ng buhay ni Mahalia. Palipat-lipat ang tingin ng babae sa kanila na parang nablanko kung ano ang unang sasabihin. "Why...are you like that?" dahan-dahang tanong nito, na sabay-sabay naman nilang tiningnan."Ah, Victoria, alam mo rin pala ang lugar na ito?" tanong niya kahit lutang. "Yeah, matagal na, lugar ito kung saan, kapag cheat day nila, nagdadala sila ng maraming babae na malalaro," deretsong sagot ng babae at sabay pang tumingin si Matteo at Finn rito nang masama. Tumaas naman ang kilay ni Victoria. "What? May nasabi ba akong false?" asar pang tanong nito. "Mahalia deserve to know your histories. Lalo ka na Matteo.""Shut up, just tell us na lang kung may alam ka about sa Qwal house," sabi na lang ni Matteo rito."Qwal house?" biglang pagbago ng babae ng reaction at napalitan ito ng animo'y interesado sa term. "Parang black organization, kung saan nabibili ang
Napansin ni Mahalia ang masayang expression ng mukha ni Matteo ay napalitan ng pangungunot ng noo. Tinitigan rin ito ng kaniyang kuya at napatanong na rin, "Why?""I don't know, may nakuha raw silang link, about Kikiam's father," sagot naman nito. "Kikiam?" tanong naman ni Finn na walang pinagkaiba sa tanong niya sa isipan. "Kikiam, Krong-krong, sino pa nga ba? Of course the Kwon," sagot naman ng mapanghusga niyang asawa. "Pambihira, ang dami mong term dun ah, parang sahog, na kapag pinaghalo lahat naging isang putahe. Kwon dish," sabi naman ng kuya niya na mas lalong nag-paloading sa kanya. "Tara, sa hideout tayo. Paki-text nga ai Victoria," utos naman ni Matteo rito. "Asawa mo ang kapatid ko diba? Kuya niya ako, so dapat, kuya mo ako at wag mo akong utusan. Ikaw magtawag kay Victoria, call her now," bara naman ni Finn rito na naging dahilan ng pagbuka ng bibig ni Matteo. Rarason pa sana nito kaso mas malakas ang laban ni Finn. Totoo naman na kuya ito, at asawa niya si Matteo. M
Kinabukasan naman, nagising si Mahalia na nagtataka sa paligid niya. Itim kasi ang kulay ng higaan niya. Napaangat siya ng ulo, tumingin sa katabi niya, nandiyan naman si Matteo, tulog pero parang may nasisipa siya kaya pagtingin pagtingin naman niya roon nagulat siya ng makita ang kuya niyang naka-cross arms habang natutulog at wala pang kumot. "Hala!" Awtomatiko siyang napabangon at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kapatid. Ngunit sa kabila ng pagkagulat niya, nakaramdam naman siya ng hilab ng tiyan at maya-maya naduduwal. Ramdam niya na parang lalabas na ito kaya gumapang siya para makaalis doon at nadaganan niya si Matteo. Nagising ito bigla pero wala siyang pakialam, gapang lang siya ng gapang. "What's wrong?" tanong nito na may bahagyang pag-angat ng ulo. Panay lang ang takip niya sa bibig niya. Gapang, duwal, takip sa bibig hanggang sa hirap na talaga siyang pigilan kaya tumayo siya kaagad at tumakbo na sa CR. Apurado niya itong binuksan at lumuwa sa basin. Sa kabilan
"Kailan kayo kinasal ha? Wag mong sabihin nagpirmahan lang kayo, at hindi mo siya hinarap sa simbahan, wala akong nababalitaang ganon, Matteo." Dinuro-duro siya ng ama ni Finn at Mahalia at tanging pagyuko lamang ang ginawa niya. Frustrated itong napahilamos ng mukha na para bang hindi nito alam ang dapat gawin sa kaniya. "I'm sorry, Uncle—""I don't know what to say, Matteo. This is what you are, right? This is how you manipulate people, right?" gigil na singhal nito. "W-What?" nagtataka naman niyang tanong. Dinuro ulit siya nito, pero sinasayaw nito ang daliri na parang pinapakita lang nito sa kaniya na kinukontrol nito ang galit. "You confessed... right here. Right time para sa'yo na masabing kapag nagalit ako, you can make me feel how dare I am. Na ngayon ko lang nalaman na anak ko siya, at mas ikaw ang nakasama niya from the start ibig sabihin, who am I to be mad, right?" Maang siyang napabuka ng bibig at napailing. "N-No, I just confessed to admit my mistake, Uncle. And yes
Habang yapos na yapos ng yakap si Mahalia ni Frenon Bianchi, luhaan siyang napanganga na napatingin kay Matteo. Hindi niya mabasa ang sinasabi ng mga mata nito. Binaling niya ang kaniyang mga mata kay Finn na luhaan habang nakahingin sa kanila. Nang naging malinaw sa pandinig niya ang iyak ng nagsasabing ama niya doon na rin siya napaiyak dahil ramdam niya ang pamilyar na yakap. Nakanganga pa rin siya, at nadaluyan pa talaga ng luha ang bibig niya. Ngunit hindi niya ito alintana, dahil mas nangibabaw ang emotion niya. Kumalas ng yakap sa kaniya ang kaniyang ama at mukhang desperadong hinawakan ang pisngi niya. "How come na anak kita? I don't understand..." "H-Ha? Hindi mo alam?" nanginginig ang boses niya sa pagsasalita dulot ng hikbi.Umiling ito at humahagulhol na sinabing, "The result said yes. Pero hayaan mo na, kung sino man ang nanay mo, I don't care ang importante, nandito ka na. Nandito na ako, walang gagamit na ibang tao sa'yo para punan ang pansarili nilang intensyon."N
The DNA result says... it's 99.9% positive. Anak nga ito ng daddy ni Finn kaya naman lihim na napakuyom ang kamao niya sa ilalim ng lamesa. It means, his dad cheated on his mom. Napansin ni Mahalia ang reaction niya kaya napatanong ito, "Bakit, Kuya?" Pilit siyang ngumiti at umiling. Hindi niya muna sinabi sa kapatid ang katotohanan kahit na expected naman. Tinapos lang nila ang pagkain doon at saka bumalik na sila sa studio pero iniwan niya si Mahalia kay Victoria at siya naman ay umalis. Lumong-lumo siyang pumasok sa sasaktan thinking na pinagtaksilan ng kaniyang ama ang kaniyang ina. Matic na naawa siya sa kaniyang ina dahil wala itong kaalam-alam. Tumutulo lang ang luha niyang magmamaneho, at tinawagan ang kaniyang ama. Narinig niya itong tumunog sa kabilang linya at sinagot din agad. "Yes, son?" "Papunta na ako sa opisina mo. I have the result now," sabi niya sabay off ng call. Tinawagan niya para makapag-handa ito, in case may client sa loob ng opisina. Nang makarating na