Home / Romance / PURCHASED BY HIM / Chapter 5: UNDER HIS CONTROL

Share

Chapter 5: UNDER HIS CONTROL

Author: Heel Kisser
last update Last Updated: 2024-02-06 13:18:53

"Teka lang, Sir!"

Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto at tapos na siyang magtanggal ng make up ayon sa gusto nito, nakapaa na rin siya pero hindi pa siya nagtanggal ng damit. Bigla siyang natakot, dahil baka gagalawin na siya nito agad kahit na alam naman niyang mangyayari iyon. 

Akma kasi nitong tanggalin ang tali ng pang-itaas niya at kapag nagawa iyon, mahuhulog ang suot niya, kaya hinawakan niya ang kamay nito.

Napahinto ito at naningkit ang mga matang tumitig sa kaniya. "Teka lang?" tanong nitong sarkastiko. "You're requesting me teka lang?" 

Napalunok siya, ang bagsik kasi ng reaction nito, parang ang tigas, ang bangis pero gwapo. 

Pero hindi uubra ang kagwapuhan nito para gustuhin niyang mawarak agad. 

Kahit na may hitsura ang lalaking ito, hot para sa mga malälände, takot pa rin siya, baka kasi biglain siya nito lalo na't walang pagmamahal sa pagitan nila, shempre maging makasarili na talaga ito. 

"A-Ano kasi eh..." Napangiwi siya habang naghahagilap nang mairarason. "A-Ah..."

"Ah what? Gusto mong tumigil ako?" tanong nito, pero nandoon pa rin ang bangis. 

Napailing siya. "H-Hindi naman sa ganoon..." Ayaw niyang magalit ito shempre, ang laki ng pera na nilabas nito, hindi naman basta-basta ang milyones. "I-Ibig kong sabihin sir, ano...p-pwedeng bukas?" 

"Bukas? So paghihintayin mo ako hanggang bukas?" Hindi siya makaimik. 

Kailangan ba talaga agad-agad?

Masakit pa naman ang paa niya, at galing sila sa biyahe, tapos sasaktan siya agad nito ngayon? 

"H-Hindi ka ba pagod, sir?" tanong na lang niya, sana naman maisipan nitong magpahinga. 

"I just want to check something, I want to know if you're genuinely pure or not. You are expensive, that's why I want to make sure that my investment in you is worth it. I also want to scrutinize your body to see if it's really smooth or if it's just a facade." 

"Aw, English na naman," bulong-bulong niyang sinisikap na hindi ibuka ang bibig, kagat ngipin lang at umiwas ng tingin.

 "Take off your clothes."

Hinawakan siya nito sa braso at hinila siya papalapit. Lumabas naman sa bibig niya ang salitang, "Ay anak ka ng báyág!"

Agad na hinila nito ang tali ng damit niya at bago ito mahulog sinalo niya ito sa dibdib niya at nagmamakaawa ang mga mata niyang napatingin dito. 

"What?" inis na naman na tanong nito. 

Umiling siya, "W-Wala sir." Nakapikit niyang sabi, natatakot na. 

Kumagat ito ng labi ka parang naiinis na at dinuro siya, "Wag mong hintayin, pwersahin kita."

Mas lalo siyang kinabahan. "K-Kailangan ba talaga, may mangyari sa atin, sir? Di ba pwede iyong magtrabaho na lang ako sa'yo. Katulad ng katulong na lang...n-nahihiya kasi ako—"

Napahinto siya sa pag sasalita ng dinuro siya nito. "Remember, I bid my 10.5 million pesos just to purchase you. You wouldn't have even set foot in that auction if you hadn't given your consent. For sure naman alam mo kung bakit ka nasa auction di ba? Diba?" 

Napalitan siyang tumango. "A-Alam ko po."

"Alam mo naman pala. So now that you're under my ownership, don't think you can fool me with your usual 'teka lang, sir' tactics kasi kabisado ko na 'yan. I purchased you..." Dinuro siya nito sa pagitan ng mga mata niya at nagpatuloy, "...because I need a toy, I want to be entertained, to be happy with my own passion. Kung ayaw mong tinatrato ka ng ganito, dapat wala ka sa auction, pero nandoon ka, understood, gusto mong malaro nang ganito or nangangailangan ka ng pera. At hindi pwedeng basta ka lang kukuha ng pera ng iba na hindi mo binibigyan ng kapalit."

Bigla siya nitong piniga sa panga at napasigaw siya ng impit. Yakap-yakap lang niya ang damit niya kasi baka mahulog. 

Nagsalita ito sa mukha niya, "Ito ang kapalit na gusto ko, you're in my hands now, kaya kahit anong gusto kong gawin sa'yo, hahayaan mo ako at kung ano ang ipagawa ko sa'yo, gawin mo. Understood?!" 

Napapikit siya nang isinghal nito sa mukha niya ang salitang understood at para naman huminahon ito, nagsalita na lang siya, "A-Alam ko naman iyon, sir, handa naman ako doon. P-Para sa nanay ko, wag ka na magalit, s-sorry na, baka saktan mo ako." Pumikit siya at lihim na nagdasal.

"Talagang masasaktan ka," gatong pa talaga nito. 

Napangiwi siya. "Huhu, wag naman. N-Nahihiya kasi ako kasi...kasi ano..." And dami niyang kasi. 

"What?" pinandilatan siya nito ng mga mata. 

"B-Baka mabaho..." Hirap na hirap siyang banggitin ang salitang mabaho pero kailangan niyang sabihin. 

Binitawan nito ang panga niya. "Anong, mabaho?"

"Yung tahong ko baka mabaho," nahihiya niyang sagot at yuko ng yuko. 

Akalain mo nga naman na sinasabi niya ito sa harap ng lalaki?

"K-Kasi...b-buong araw akong nasa labas, u-umihi din ako, k-kung baga hindi pa ako naghugas."

"Umihi ka na hindi ka naghugas?" bulalas nito parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. 

Tumango siya kahit nakakahiya. "A-Ayaw mo naman ng mabaho, sir, diba?" Nag-beautiful eyes pa siya sa kabila ng takot niya.

Umayos ito ng tayo, tila kumalma na, namulsa ito, dalawang bulsa pa at tumaas ang sulok ng labi. "Sige, pasok sa CR, maglinis ka," sa wakas sabi din nito. 

Nakahinga siya nang maluwag at mabilis na tinali muna ang damit niya saka nagtanong na lang. "S-Saan ang CR, Sir?" 

Nagpatabingi ito ng ulo, tinuturo ang gawi ng CR. Naglakad siya, pero ang tigas ng mga hakbang niya. Dulot kasi iyon ng takot.

Iniisip na lang talaga niya, mabuti na lang hindi siya sa lolo napunta. 

Akala niya wala na siyang problemahin pagkatapos nitong pumayag na gagamit muna siya ng CR. 

Ngunit nang nasa harapan na siya ng pintuan nakita niyang tatlo ang lock nito roon. 

Napangiwi siyang nalilito kasi ang isa bilog na parang alkansya kasi may hiwa ito sa gitna na parang kasya ang limang piso. 

Sa gitna iyon banda. Ang isa naman may pindutan at ang pinakailalim iyon sa itaas naman ay mahaba ang hawakan nakaharap sa kaliwa. 

"Paano 'to buksan?" bulong niya sa sarili. 

Hinawakan niya ang bilog at pinihit iyon, pero hindi gumagalaw. Ganoon din ang ginawa niya sa may hiwa, kasi ang may mahabang hawakan, tinaas niya, binaba at hinila iyon pero hindi gumagalaw. 

Kinakabahan siya, dahil natatakot siyang magtanong pero shempre iyon ang dapat niyang gawin. Ngunit dahil takot nga siya sinikap niyang matuklasan kung paano iyon buksan.

Hinipo niya ang may hiwa na bilog at napabulong, "Siguro may pinapasok muna dito. O baka ito ang pipindutin..." Pinindot niya ang nasa ilalim. 

Napipindot naman at pinihit iyon pero ayaw pa rin. Pinindot niya ulit, pinihit ulit ayaw pa rin. "Ano ba iyan, iligtas mo naman ako dito, paano ka ba buksan?" bulong niya sa pintuan at nag-aalala. 

Napakamot na siya sa ulo. Sinilip pa niya ang bilog na may hiwa, pero shempre wala siyang masisilip pero sige pa rin siya. Nang biglang, "What are you doing?" 

"Ay kabayo ulit!"  Nanlalaki ang mga mata niya nang tambad sa mukha niya ang katawan nito. "Ay sarap abs..." bulong niyang puna sa katawan nito at napakunok.

Wala na kasi itong suot na pang-itaas kaya kitang-kita niya ang nagtitigasan nitong mga abs. Napamulagat na lamang siya ng mga mata at awtomatikong nanuyo ang lalamunan niya. 

"Hindi mo alam buksan iyan? Wala bang ganito sa inyo?" tanong nito na binubuksan ang pintuan sa likuran niya. Parang ang bilis lang nitong ginagawa.

Habang titig na titig siya sa katawan nito sumasagot siya ng dahan-dahan, "S-Sir... kurtina lang po ang takip ng banyo namin a-at pako lang ang lock ng pintuan ng bahay namin..." Lumunok siya nang mariin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 96: CAPTURED

    "Aba! Siraulo ka hindi mo man lang ako ginawang maid or honor!" putak agad ni Miarta na ikina-react naman agad ng dalawang babaeng kausap niya. "Grabe ikaw talaga nagreklamo ng ganiyan ah," puna naman ni Sezy. "Bakit? Pwede naman ako sa ganyan ah!" rason naman ng isa. "Wag na kayo magtalo diyan, hindi nga nagrereklamo itong si Mahalia na kinasal pero walang trahe de buda. Di ba Mahalia? Halata eh, at sigurado naman kung ikaw ang kinasal imbitado kami diba?" singit naman ni Yanvi. Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Ayos lang kahit walang trahe de buda. Basta kasal na kami at isa na akong Elioconti ngayon," proud naman niyang sabi at kinaway-kaway pa ang daliri. Sumang-ayon naman ang mga ito, at naging masaya rin para sa kaniya. _____Isang araw naman, pagkatapos niyang maligo lumabas siya ng kwarto. Nakita niya ang magkakaibigan sa baba na tila may mahalagang pinag-uusapan. Nakatutok sa laptop si Finn, may kausap naman sa phone si Matteo. Napatingin pa ito sa relo at pinagmam

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 95: CHIT-CHAT WITH FRIENDS

    Pinagmasdan ni Frenon ang reaction ng asawa niya habang nakatingin sa DNA result. Kitang-kita niya ang pag-awang ng mga labi nito at windang na windang sa nabasa. "W-What? This can't be. Paano nangyari ito, isa lang ang iniluwal ko?" tanong nito na litong-lito. "Kaya nga tinatanong ko, who's Daphnie, bakit itong si Mahalia, anak natin, pero si Daphne kasama natin. Nakita ko rin naman kung paano mo siya pinanganak, pero bakit ganito? Lumitaw, anak natin ang babaeng binili ni Matteo sa Auction," giit pa niya. Napatakip ng bibig ang asawa niya. Namuo agad ang mga luha sa mga mata nito at napakapa sa glass wall para makakuha ng proteksyon sa pagtayo. "S-sigurado ka ba diyan? Hindi ba iyan gawa gawa lang?""Kahit itanong mo si Finn. He knew this. Una nga pinagbintangan niya akong may babae, na baka anak ko si Mahalia sa ibang babae but no. Wala akong naging babae kahit kailan, Dianne," rason pa niya at umiling-iling ito. "Kaya ginawa ko ito. Inalam ko ang totoo, kumuha ako ng buhok sa su

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 94: BIOLOGICAL DAUGHTER

    Nang marinig niya ang pangalan nito, napalunok siya. Binalot siya ng kaba nang mapagtanto sa huli kung sino ang babae. Ngunit kumalma siya. Hindi ngayon ang tamang oras para harapin niya ang babaeng ito. "We'll talk next time," giit niyang sabi rito, sabay pasok ng upuan sa loob lamesa. "Nasaan ang anak ko?" matigas na tanong nito. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib niya ngunit nananatili siyang kampanti sa harapan nito sabay sabing, "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang kumuha?" "Alam ko, pero nasaan ang anak ko?" Mariin ding sabi nito. "Pwes hindi ko alam. Wag ako ang singilin mo," pagkasabi niyang iyon, ay umalis siya sa harapan nito. Ngunit hindi ibig sabihin non, minaliit na niya ito. Sa tindig kasi ng babae alam niya naghanda ito ng maraming tao para bumalik. Hindi siya sinundan nito, o nagpahabol man lang ng salita sa kaniya. Hinayaan siya nito, which is mas nakakatakot na idea. Ngunit mayroon lamang siyang katanungan, "Pumayag siya, bakit hinahanap niya ulit?"

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 93: PUZZLES

    Nang dumating si Victoria, nasa ayos sila na parang nagkakanya-kanya puzzle sa isipan tungkol sa pagiging misteryoso ng buhay ni Mahalia. Palipat-lipat ang tingin ng babae sa kanila na parang nablanko kung ano ang unang sasabihin. "Why...are you like that?" dahan-dahang tanong nito, na sabay-sabay naman nilang tiningnan."Ah, Victoria, alam mo rin pala ang lugar na ito?" tanong niya kahit lutang. "Yeah, matagal na, lugar ito kung saan, kapag cheat day nila, nagdadala sila ng maraming babae na malalaro," deretsong sagot ng babae at sabay pang tumingin si Matteo at Finn rito nang masama. Tumaas naman ang kilay ni Victoria. "What? May nasabi ba akong false?" asar pang tanong nito. "Mahalia deserve to know your histories. Lalo ka na Matteo.""Shut up, just tell us na lang kung may alam ka about sa Qwal house," sabi na lang ni Matteo rito."Qwal house?" biglang pagbago ng babae ng reaction at napalitan ito ng animo'y interesado sa term. "Parang black organization, kung saan nabibili ang

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 92: THE BUYER

    Napansin ni Mahalia ang masayang expression ng mukha ni Matteo ay napalitan ng pangungunot ng noo. Tinitigan rin ito ng kaniyang kuya at napatanong na rin, "Why?""I don't know, may nakuha raw silang link, about Kikiam's father," sagot naman nito. "Kikiam?" tanong naman ni Finn na walang pinagkaiba sa tanong niya sa isipan. "Kikiam, Krong-krong, sino pa nga ba? Of course the Kwon," sagot naman ng mapanghusga niyang asawa. "Pambihira, ang dami mong term dun ah, parang sahog, na kapag pinaghalo lahat naging isang putahe. Kwon dish," sabi naman ng kuya niya na mas lalong nag-paloading sa kanya. "Tara, sa hideout tayo. Paki-text nga ai Victoria," utos naman ni Matteo rito. "Asawa mo ang kapatid ko diba? Kuya niya ako, so dapat, kuya mo ako at wag mo akong utusan. Ikaw magtawag kay Victoria, call her now," bara naman ni Finn rito na naging dahilan ng pagbuka ng bibig ni Matteo. Rarason pa sana nito kaso mas malakas ang laban ni Finn. Totoo naman na kuya ito, at asawa niya si Matteo. M

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 91: SYMPTOMS

    Kinabukasan naman, nagising si Mahalia na nagtataka sa paligid niya. Itim kasi ang kulay ng higaan niya. Napaangat siya ng ulo, tumingin sa katabi niya, nandiyan naman si Matteo, tulog pero parang may nasisipa siya kaya pagtingin pagtingin naman niya roon nagulat siya ng makita ang kuya niyang naka-cross arms habang natutulog at wala pang kumot. "Hala!" Awtomatiko siyang napabangon at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kapatid. Ngunit sa kabila ng pagkagulat niya, nakaramdam naman siya ng hilab ng tiyan at maya-maya naduduwal. Ramdam niya na parang lalabas na ito kaya gumapang siya para makaalis doon at nadaganan niya si Matteo. Nagising ito bigla pero wala siyang pakialam, gapang lang siya ng gapang. "What's wrong?" tanong nito na may bahagyang pag-angat ng ulo. Panay lang ang takip niya sa bibig niya. Gapang, duwal, takip sa bibig hanggang sa hirap na talaga siyang pigilan kaya tumayo siya kaagad at tumakbo na sa CR. Apurado niya itong binuksan at lumuwa sa basin. Sa kabilan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status