Share

CHAPTER 4. MAYOR LUCKY GULBORY, THE BAD ONE

Napahampas siya sa kama ng marinig ang sinabi ko. Halata sa mukha nito na hindi siya makapaniwala.

"Do you think maniniwala ako sa'yo na you are a innocent girl? Walamg babae na papasok dito sa club na inosente! Stop acting like you are a virgin!" Lumapit siya sa akin at tinangka akong halikan pero pinipilit ko siyang itulak palayo sa akin. I can say na this man is really aggresive when it comes to sex. Halos hindi ko siya makaya na itulak dahil sa angkin nitong lakas.

"Huwag ka ng magmatigas!" Galit na sigaw niya sa akin.

"O-opo, pero pakiusap huwag mo naman akong pwersahin ng ganito! N-Natatakot po ako!" Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa takot. Alam ko na kahit sa anumang oras ay makakaya niya akong halayin kung gugustuhin niya.

Napatigil siya ng makita niya akong umiiyak sabay tayo sa itaas ng kama. Hinila niya ang bedsheet at itinapon sa sahog sabay hilot sa kanyang sentido.

"Tell me kung talagang inosente ka, bakit mo pinasok ang ganitong trabaho?" seryosomg tanong nito.

"My brother is in Hospital at kailangan niyang maoperahan! G-Gulong gulo na po ako at wala po akong mapagkunan ng pera kaya ito ang naisip kong paraan!" Humagulgol ako sa iyak sabay takip sa katawan ko gamit ang aking kamay. "Kahit alam ko na mandidiri sa akin ang mga kapatid ko ay ayos lang basta mailigtas ko lang siya!" dagdag ko pa.

Hinaplos niya ang aking ulo kaya napasiksik ako sa gilid ng kama. "Bakit ka pumasok sa ganitong trabaho kung hindi buo ang loob mo? Alam mo ba na pinapasakit mo lang ang puson ko?!" Halata sa boses nito na galit siya. "Kung alam ko lang sana na maarte ka sana pumili nalang ako ng iba! At parang pinapakonsensiya mo pa ako ngayon? Come here! Let's end this kailangan kong mailabas ang laman ng puson kong ito ngayon!" Hinila niya ako palapit sa kanya sabay tapon sa akin sa itaas ng kama.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang. Sa katawan ko nakasalalay ang buhay ng kapatid ko.

"Hindi mo naman ako kailangang takutin ng ganito. Madadaan naman sa dahan-dahan hindi ba?" Tila nagmamakaawang sabi ko.

Hindi siya nakaimik at tinitigan lang niya ako ng masabi. Hindi pa rin ako matigil tigil sa pag-iyak dahil sa kabang nadarama ko. Gusto ko na talagang umalis dito pero paano? Magagalit sa akin ang may-ari.

"Shit!" Malutong na mura niya. "Tumayo ka diyan and fix yourself! Ayaw ko naman na mukhang nirape kita kapag pinilit kita no!" aniya na ikinagulat ko.

Kaagad akong tumayo at kinuha ang damit ko sabay takbo sa loob ng banyo. Isinuot ko ang aking damit. "Diyos ko! Salamat at walang nabawas sa katawan ko. Baka kahit ako ay habang buhay kong pandirihan ang sarili ko kung nagalawa ako ng lalaking iyon!" sabi ko sa aking sarili.

Pagkatapos kong isuot ang aking damit ay dali-dali akong lumabas ng banyo.

Kailangan kong puntahan ang kapatid ko ngayon na nasa ospital. Nang makalabas na ako sa banyo ay wala na doon ang lalaking iyon.

"Saan na siya nagpunta?" tanong ko sa aking sarili.

Wala na kahit anino niya sa kwarto. Ang kanyang mga damit ay wala na rin. May napansin akong isang papel sa itaas ng kama at tiningnan ko kung ano iyon.

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Isang cheke na nakalapag sa itaas ng kama. "Iniwan ba niya ito sa akin?"

Halatang dalawang daang libo ang laman ng cheke. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at kinuha ko iyon sabay labas ng kwarto.

Kaagad kong hinanap ang lalaking iyon pero hindi ko siya nakita. Dumiretso nalang ako ng Hospital para tingnan si Wyn. Nang makarating na ako doon ay tapos na siyang operahan at nagpapahinga na siya sa ER.

"Wyn, how are you? Ayos kalang ba?" Hinaplos ko ang ulo niya. Sobrang nakakaawa ang sitwasyon ng kapatid ko. Sa aming apat siya talaga ang pinaka sakitin. Noong nabubuhay pa sina Mama at Papa si Wyn talaga ang paborito nilang anak dahil nga sa may sakit ito. Siya talaga ang may special treatment mula sa mga magulang namin.

"Okay lang ako Ate pero ang iniisip ko ngayon ay kung saan ka kukuha ng pera na pambayad dito? Baka hindi tayo papayagang makalabas kung hindi tayo makakabayad at-"

"Shhhh! Huwag mo ng isipin iyon ang mahalaga ay ayos kana. Hindi ba sabi ko sa'yo na gagawa ng paraan si Ate para lang maoperahan ka?" Ngumiti ako sa kanya. "Kapag bukas ay okay kana uuwi na tayo." Hinalikan ko siya sa noo sabay tulo ng luha ko. "Kayo nalang ang meron ako Wyn kaya hindi ko hahayaan na mapapahamak kayo! I promised that to our parents!" sabi ko pa.

Hindi na siya sumagot pa sa akin. Maya-maya pa ay nakatulog nalang siya sa mga bisig ko. Siguro hindi pa nawala ang bisa ng gamot na pampatulog sa kanya kaya ito nakatulog.

"Ellie, mag-usap tayong dalawa!" Boses ni Ben ang narinig ko mula sa aking likuran.

Lumabas muna kaming dalawa para makapag-usap. Tinitigan ako ng Ben ng husto at tila may ibig sabihin ang mga titig niya sa akin.

"Bakit?!" tanong ko naman.

"Anong bakit? Ano talaga bang binenta mo 'yang pagkababae mo? Ellie, kapag malaman ito ni Wyn magagalit siya!" aniya.

"Ben, huwag kang mag-alala walang nangyari sa akin. Oo inaamin ko na nagtry nga akong magpagalaw sa lalaki para maka earn ng pera pero walang nangyari. Okay ako at buo ako hanggang ngayon! Mukhang mabait naman ang lalaking iyon iniwanan pa nga ako ng grasya eh!" Pinakita ko sa kanya ang cheke.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat at hinablot iyon sa aking kamay. "Cheke ba 'to?!" gulat na tanong niya.

Tumango naman ako sa kanya.

"Ellie, hindi magbibigay ang taong iyon ng ganiyong kalaking pera kung walang kapalit!" sabi naman nito.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama si Ben, paano kung sisingilin ako ng taong iyon at wala akong pambayad na ibigay sa kanya? Ano ang gagawin ko? Bakit hindi ko talaga naisip ang bagay na 'yun.

"H-hindi na iyon mahalaga Ben, ang importante ay tapos nang operahan si Wyn at makakabayad tayo!" sabi ko naman.

Napabuntong hininga nalang siya at nagkatitigan nalang kaming dalawa. Umupo nalang ako sa isang bakanteng upuan at nag-isip sa mangyayari sa akin pagkatapos nito.

Napatayo ako bigla ng marinig ko ang sigawan ng mga kababaihan, pati Nurse ay nakikisabay din.

Bigla na naman akong kinabahan feeling ko may nerbiyos na ako.

"A-anong nangyayari?!" kinakabahang tanong ko kay Ben.

"Iwan, dito kalang at titingnan ko!" Lumapit siya sa mga pinagkakaguluhan ng mga kababaihang iyon. Ako naman ay nakatayo lang at nanginginig na dahil baka mau patayan nang naganap sa loob ng Hospital.

Patakbong bumalik si Ben sa akin.

"Ano lang iyon Ellie, si Mayor nandito," aniya.

Napatiimbagang ako ng marinig ko ang salitang "Mayor" mula kay Ben.

As usual, palagi naman talagang pinagkakaguluhan ng mga babae si Mayor Lucky Gulbory.

Pero ako? Sobrang naiinis ako kapag naririnig ko ang pangalang iyon.

"Ellie, okay kalang? Ayan kana naman hayaan mo na 'yan sila," ani ni Ben.

Parang gusto kong pumatay ng tao kapag naririnig ko ang mga apilyido ng mga Gulbory. Mga walang hiya sila. Ninakaw nga lang nila sa Papa ko ang kanilang pwesto sa bayan namin pero mga mayayabang pa.

Hinila ako ni Ben pabalik sa kinaroroonan ni Wyn.

"Ben, gusto kong makita ang Mayor na 'yun ay bugbugin ng husto para manlang makaganti ako!" galit na sabi ko.

Tumawa lang siya sa akin. "Sa tingin mo kaya mo? Sa bodyguards palang nila ay hindi kana makakalapit sa Mayor pa kaya? Gumising kana diyan sa panaginip mo ha! Kung ikaw lang mag-isa hindi mo makakayang mabigyan ng hustisya ang mga magulang mo. Para sa kanila isa kalang papel na kahit anong oras ay kaya ka nilang sunugin!" ani ni Ben.

Hindi na ako nakasagot pa sa kanya at napatiimbagang nalang ako.

Tama si Ben, mga mayayaman sila at kaya nilang magbayad kapalit ang buhay ko.

Maya-maya pa ay may isang Nurse na pumasok sa kwarto ni Wyn.

"Excuse me, nandiyan si Mayor at gustong bisitahin ang lahat ng mga pasyente dito. Papapasukin ko po ba?" tanong ng Nurse sa amin ni Ben.

Nagkatinginan muna kaming dalawa.

"Ano?!" galit na sigaw ko.

"Pero kung ayaw niyo po ayos lang naman hindi naman siya namimilit-"

"It's okay, let him see our patient!" sagot ni Ben.

Tiningnan ko siya ng masama pero wala na akong nagawa dahil lumabas na ang Nurse para tawagin ang bwesit na Mayor na Lucky Gulbory na iyon.

"It's time to face your fears!" ani ni Ben.

"Hindi ko siya kinatatakutan Ben, galit na galit ako at baka ano ang magawa ko sa kanya. Alam mo naman 'yun hindi ba? Bakit ka pumayag?!" galit na sabi ko.

Muling bumukas ang pintuan kaya kaagad aking tumalikod para hindi ko makita ang pagmumukha ng Mayor na iyon.

"Hello, magandang gabi!" Narinig kong bati niya kay Ben. Mabilog ang boses niya halatang macho siya. Parang kaboses niya ang lalaking nasa bar kanina. Minsan talaga may mga taong magkapareho ang boses. Tsk!

"Magandang gabi din po Mayor," ani naman ni Ben.

Hindi lang ako umimik at nakinig nalang sa kanilang usapan.

"Ah, ano nga pala ang pangalan ng pasyente?" tanong ng Mayor na iyon.

"Wyn po Mayor, Wyn Hale!" sagot naman ni Ben.

"Oh! Anak pala ito ng mga Hale? Sino ba naman ang mag-aakala na maghihirap sila ngayon ano?" Tumawa pa ito. "Alam ko naman na mayroong hindi magandang karanasan ang Pamilya ng mga Hale at ang Pamilya ko pero labas ang pagiging Mayor ko dito," aniya.

Napakuyom ako ng aking kamao sa narinig ko. Parang gusto ko siyang harapin at suntukin sa mukha. Kung hindi lang sana ako babae baka matagal ko na 'yung ginawa.

"Our Doctor's and Nurses will take care of him as best as they can. Kung hindi lang sana namatay ang parents nila baka hindi sila magkakaganito. Kaano-ano kaba nila? Are you siblings?" tanong pa nito kay Ben.

"Ah...magkaibigan lang kami!" ani pa ni Ben.

"I heard na may kapatid silang babae? Panganay ba 'yun?" aniya.

Mukhang nagkakainteres pa siya sa akin. Ano bang pakialam niya?

"Opo," sagot naman ni Ben.

"And who is the women standing there?" aniya.

Napakagat labi ako alam ko na ako ang tinutukoy niya since ako lang naman ang babaeng nakatayo rito.

"Hey Miss, hindi ba nakalabastos na tumayo ka riyan at talikuran ako?! I am a Mayor at hindi ko matatanggap na tatalikuran ako ng isang hampas lupa!" May bakas na galit ang boses nito.

Gustong gusto ko siyang harapin at sigawan dahil tinawag niya aking hampas lupa pero pinipigilan ko ang aking sarili. Ayaw ko din naman makita ang pagmumukha niya.

Naramdaman kong humakbang siya palapit sa akin kaya bigla akong kinabahan.

"Look at me-"

"Excuse me Mr. Mayor, she's my wife! Hindi ba nakakabastos din na lapitan mo ang asawa ko?! Pipi at siya at bingi kaya hindi ka niya naririnig. Ayaw ng asawa ko na makipag-usap o makipag-interact sa ibang tao kundi sa akin lang!" si Ben.

Tumawa naman ang gagong Mayor. "Are you saying na baka pag-interesan ko ang asawa mo?" ani naman ni Mayor Lucky.

Steady lang ako sa pwesto ko at hindi lang gumagalaw. Nag-asta din akong bingi at pipi kagaya ng sinabi ni Ben.

"Hindi naman sa ganoon! Alam ko naman na hindi ka pumapatol sa mga low class na babae. May kailangan pa ba kayo? Baka gusto niyo nang umalis!" Ramdam ko na naiinis na rin si Ben sa kanya.

"Sino ka para paalisin ako sa sarili kong ospital?!" Tila nainsulto si Mayor sa sinabi ni Ben. "Baka gusto mo na ikaw ang paalisin ko dito kasama ang pasyente mo?!" aniya.

"Huwag!" Hindi ko napigilan ang sarili ko na sumagot pero nakatalikod pa rin ako. "Pasensiya na po kayo sa sinabi ng asawa ko!" Pinilit kong lunukin ang aking pride para kay Wyn.

"Then, humarap ka sa akin at magmakaawa ka!" ani ni Mayor Lucky.

"Pumunta po ba kayo rito para ganyanin ang mga pasyente? Oo nga at ikaw ang may-ari ng ospital na ito pero wala kang karapatang magsalita ng ganyan at mamersonal!" galit na sabi ni Ben sa kanya.

Isang malakas na suntok ang aking narinig kaya napaigtad ako. Gustuhin ko man na humarap at pigilan si Mayor dahil sinusuntok niya si Ben pero hindi ko kaya. Baka ano ang masabi at magawa ko.

"How dare you to speak me like that?! Mga hampas lupa kayo! This is my place at sasabihin o gagawin ko ang lahat ng gusto. Ikaw, doon ka sa basurahan dahil doon ka nababagay!" Narinig kong dumura si Mayor at malakas na sumara ang pintuan. Nang humarap ako nakita ko si Ben na nakahandusay habang umuungol sa sakit ng kanyang sikmura.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status