“Ma’am, out niyo na po?” tumango si Lorelay kay Arman, isa sa waiter sa club na pinagtatrabahuan niya. Nang makababa siya sa ground floor, nakita niya si Mr. Shein na may ibang babae na kasama. Nakaupo ito habang may nakakandong.
“Kada Sabado nalang,” mahinang ani ni Lorelay at pilit na inalis sa sistema ang sakit na nararamdaman.
Nagtuloy-tuloy pag-alis si Lorelay, hindi alintana ang mga matang nakasunod sa kaniya papalabas.
Agad siyang nagpara ng taxi, at nagpahatid sa bahay ni Zee. Pagdating niya doon, mga katulong lang ang naabutan niya. Walang rebolto ni Zeebal. ‘Galit pa rin ba siya?’ tanong ni Lorelay sa kawalan habang dinadaluhan ang mga katulong sa paghanda sa mga maleta nila.
"Ate, paki gising ang mga bata." Ngayon sila aalis, pabalik sa dati nilang bahay ngunit ang mga bata ay ayaw umalis sa bahay ng daddy Zee nila.
Nakatingin ang lahat kay Sico na nakasimangot habang nakatingin sa mga maleta na nakakalat sa sala.
"Sico, naintindihan mo naman si mama 'di ba?"
"Mama, ayaw kong umalis. Kay daddy Zee lang ako." Naiiyak na sabi ni Sico kay Lorelay. Nang tumingin si Lorelay kay Rico, ay ganoon rin ang nakikita niya sa mukha ng bata.
'Ngayon pa talaga sila nagkasundo sa iisang bagay,' ani ni Lorelay sa kaniyang isipan.
"But Sico-"
"Let them stay with me for 1 week Lor." Napabaling siya agad kay Zee. ‘Saan galing ito?’ Alam ni Lorelay na nakainom ito dahil pula ang mukha ngunit nasa tamang wisyo pa naman. Kakapasok lang nito sa bahay kaya hinuha niya ay sa bar ito galing.
"Daddy!!" Sigaw ng dalawa at tumakbo palapit kay Zee at kumalabit sa dalawang binti nito. “Tignan mo ang mga anak mo,” mahinang ani ni Lorena habang nakatingin sa dalawang bata na ayaw mahiwalay kay Zeebal.
Mahinang natawa si Zee at umupo para magpantay ang mga paningin niya sa dalawang bata. “Daddy, we want to stay with you.” Naiiyak na sabi ni Sico habang si Rico naman ay humihikbing nakatingin kay Zee.
Kita ng lahat ang pagtulo sa luha ni Zee sa mga mata na agad niyang pinunasan.
“Ang O-OA. Para namang pupunta kaming ibang bansa nito.” Mahinang sabi ni Lorelay habang nakatingin sa tatlo. Natawa ang auntie Lorena niya at dalawang katulong na nakarinig sa sinabi niya.
"You want to stay with me?" tanong ni Zee at tumango ang dalawa saka niyakap ang binata.
Napatingin si Lorelay sa auntie Lorena niya na napapailing nalang.
"Dito nalang kasi kayo," sabi ni Zeebal kay Lorelay habang nagungusap ang mga mata na manatili sila sa bahay niya.
Nag-iwas nang tignin si Lorelay. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito mula nang malaman niyang may gusto sa kaniya ang binata. Ba’t this is different, mahal lang ni Zee si Sico at Rico kaya gusto niyang manatili sila sa bahay nito. Anak na rin kasi ang turing niya sa mga bata at naiintindihan iyon ni Lorelay.
“Lor.. pleasee…”
Napabuntong hininga nalang si Lorelay at napipilitang humarap kay Zee na antok na antok ang mata buhat sa alak habang nakatingin sa kaniya.
"Hindi pwede Zeebal. Isa pa, matagal ko ng sinabi na after ma e renovate ang bahay, lilipat na kami."
"But the kids wanted to stay here."
Napabuntong hininga si Lorelay at tumingin sa dalawang anak niyang parang tuko kung makakapit kay Zeebal. Hindi na niya mabilang kung ilang pag buntong hininga na ang nagawa niya.
"Uuwi kami ni auntie Lorena. After a week, dapat payag na kayong dalawa na lilipat ng bahay. Got that?" sabay na tumango ang dalawang anak niya at nagtutumakbo palapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.
"Yeeeey! Thank you mama!!" Napangiti si Lorelay at hinalikan ang dalawang anak sa dalawang pisngi nito.
“Don’t worry mama! Love naman kita. Pero ayaw ko iwan si Dad kasi ma sa-sad siya e.” Sabi ni Rico. Ginulo lang ni Lorelay ang buhok ng anak at hinalikan sa magkabilaang pisngi nito.
“Love ko sila both but I love daddy more.” Sinamaan ni Lorelay nang tingin si Sico, tinignan siya ng anak niya at unti-unting ngumiti ito kaya kitang kita ang pagka bungi nito. Hindi napigilan ni Lorelay na matawa.
“Joke lang mama. Love you most mama!” Pambawi ni Sico at hinalikan si Lorelay sa dalawang pisngi.
Nagpaalam na ito at hinabilin si Zee sa mga dapat na gagawin.
"Malaki talaga ang tiwala mo kay Zee, nak." Ani ni auntie Lorena nang makapasok sila sa taxi.
"Mahal niya ang mga anak ko auntie. Sapat na iyon sa akin para ipagkatiwala ko ang mga anak ko sa kaniya. After all, sem break no'ng dalawa." Nakangiting sagot ni Lorelay sa auntie Lorena niya.
Nakarating sila sa bahay nila. Ngumiti si Lorelay sa kaisipang maayos na ang bahay nila noon. Marami silang memories ng inay dito kasama ni Dave.
"Auntie, magpahinga ka na." Ani ni Lorelay nang makapasok sila sa bahay nila. Ala una palang ng madaling araw kaya walang mga tao sa paligid.
"Matulog ka na rin ah."
"Yes po auntie."
Naunang pumasok si Lorena sa kwarto nito na dating kwarto ni Lorelay. Sa tulong ni Zelaya, mabilis na napaayos ang pag renovate sa bahay na hindi nalalaman ni Zee.
Just when he remembered, no'ng sabihin niya kay Zee na pwede nang tirhan ang bahay.
"Aalis na kami sa makalawa, Zeebal." Natigilan si Zee at agad na napatingin kay Lorelay.
"You're leaving me?" tumawa si Zee, hoping na nagbibiro lang ang kausap.
"I'm serious. Masiyado na kaming pabigat sa 'yo."
"What? Haha. No. Wait! Bakit kayo aalis? Tapos na ba ang renovation? Sinimulan mo na? Bakit hindi ko alam?" tumaas ang boses ni Zee, halatang ayaw sa maging desisyon ni Lorelay.
"Zee. We talked about this. Alam mo na hindi kami pernamente sa bobong mo."
"Wala namang kaso sa akin e. Kahit habang buhay kayo sa akin. Ayos lang talaga."
"Zee-"
"You're so unfair." Huling sinabi nito at umalis. After that, hindi na siya pinapansin ng binata liban noon.
"I'm glad kinausap niya ako kanina." Mahinang ani ni Lorelay habang nakatingin sa kalangitan kung saan naroon ang mga bituin.
Papasok na sana siya sa loob nang matigilan siya sa busina ng sasakyan na nasa gate nila.
Napahinto si Lorelay at tumitig sa itim na sasakyan. Bumukas ang bintana at nakita niya ang asawa niya sa loob na nakatingin sa kaniya.
Hinintay niyang makalapit ito sa kaniya lalo't nakita niyang lumabas ito ng sasakyan niya.
Halos mabingi siya sa lakas na tibok ng puso niya. Wala siyang aasahan pa, dahil alam niyang galit na galit ito sa kaniya ngunit may parte sa puso niyang umaasa.
Na sana tignan siya ulit nito kung paano siya nito tignan dati. Na sana, hawakan siya ulit nito ng may pag-iingat dahil ngayon, klarong-klaro sa kaniya na wala na iyon.
"Mr. Shein," mahinang sabi ni Lorelay na hindi narinig ng asawa.
"So you're finally back!"
----------------
It's so cold. Iyong boses niya, ang lamig na halos hindi ko na kayang harapin siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Natatakot akong magsalita.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, naroon ang insulto sa kaniyang mga mata.
Ibang-iba sa dating Mr. Shein na kilala ko.
"The slut is back!" Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Maraming insulto na ang narinig ko sa kaniya. Maraming pangbababoy na ang nakikita ko sa kaniya ngunit tinanggap ko.
Kasi iniisip ko na kabayaran iyon sa nagawa kong pang-iiwan sa kaniya.
"Hindi na pala ako mahihirapan na hanapin ka. Nandito ka na oh?"
Tumalikod nalang ako. Papasok sa loob kesa harapin siya at hayaang durugin ako.
"Kamusta ang kabit mo?"
Napahinto ako sandali. Kabit. Gusto kong isukmat sa kaniya na kailanman ay hindi ako kumabit ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Wala na namang silbi pa kung sasabihin ko sa kaniya iyon. Para saan pa?
"Bakit hindi ka makapagsalita?"
Hinarap ko siya ulit. Siya ang may babae, siya ang hindi tapat ngunit siya itong may gana na isukmat sa akin lahat. Pero sige lang, pangatawanan ko na, para wala ng dahilan para magkabalikan kami.
Masiyado ng malaki ang kasalanan niya sa akin, sa amin ng mga anak niya. Mas gugustuhin ko pang mamuhay na walang kinikilalang ama ang mga anak ko.
"Ayos naman kami." Sagot ko at sinalubong ang mga mata niya. Nakita ko ang galit sa mukha nito.
"Bakit mo na itanong?" dagdag ko.
Ngumisi siya. Ngumisi rin ako.
"Walang kwenta pala ang ipinalit mo sa akin. Ni hindi ka man lang mabigyan ng bahay." Aniya.
"Ayos lang. Nakuha naman niya ako." Walang kabuhay buhay na sagot ko. Mas lalo siyang nagalit. Kita iyon sa mga mata niya.
"Ganito ka na ba talaga kababang tao? Magkano ka ba?"
Isa na namang pang iinsulto galing sa kaniya. May namumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko na pinipigilan kong lumabas.
"Hindi mo 'ko kayang bilhin." Walang preno at emotion na sagot ko sa kaniya.
Ngumisi siya. Igting ang panga at madilim ang mukhang lumapit sa akin. Kinabig niya ako papalapit sa kaniya, dahilan kung bakit napasinghap ako.
Bumilis ang paghinga ko habang nakatingin sa mga mata niya.
"Name your price."
Masiyadong masakit. Halos hindi ko na kaya. Anytime by now, maiiyak ako. Nakita ko ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko, at malakas na sampal ang natanggap niya sa akin.
"Magpapabili na ako sa kung sino, huwag lang sa isang kagaya mo." Sabi ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha sa mga mata ko.
“Wife,” inaamoy ni Mr. Shein ang balikat ko habang nasa sala kami nanonood ng palabas. Nasa sahig ang tatlo naming anak at tutok na tutok sa Tarzan. “Stop saying it. Masisiko talaga kita!” Bulong ko sa kaniya. “Mamaya,” bulong ulit nito. “Magtigil ka nga!” He’s horny. Kailan ba ito hindi naging horny? Jusko talaga. Minsan napapa sign of the cross nalang ako sa asawa ko. “Quickie,” “Pa, stop talking. You’re disturbing us.” Reklamo ni Sico na kahit hindi nakatingin sa amin ay alam kong nakakunot ang noo. Pinandilatan ko siya ng mata. Heto na. Nag ri-reklamo na itong anak niya. Hindi ba siya nahihiya? Nag pout siya at sumandal sa sofa. Parang postora ng spoiled brat. Hindi niya masabi ng direkta dahil alam niya kung gaano ka sensitibo ang tenga ng mga anak niya. Akala ko ay titigil na siya ngunit nagulat ako ng kumalabit ulit siya sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin. “Use your hands.” Sabi ko. Ngumuso siya tuloy ay natawa ako. Tumayo ang bunso namin kaya agad siyang napaupo
“Mama!” kinuha ko si Moni na nagpapakarga habang kausap namin si Dave. Nasa downtown kami para sa coffee shop na ipapatayo ko.Pinapaliwanag niya sa ‘kin ang mga plano niyang gawin sa coffee shop ko. Kasama namin ang kaibigan niyang architect na siyang gumawa no’ng blueprint na binigay niya sa ‘kin.“Asus! Nagpapalambing sa mama,” aniya nang makita ang pamangkin niyang nagpakara sa ‘kin.“Ngayon lang ito. E halos ayaw ng humiwalay nitong bulilit na ‘to sa kuya mo.”“Speaking of, asan pala si kuya, ate?”“Nasa trabaho pa. Kailangan na niyang pumasok or else kukunin na talaga ni Vicente ang kumpanya.” Napailing si Dave.“No wonder panay ang reklamo ni kuya Vicente sa gc namin.”“Saan ka pala uuwi mamaya?”“Kay auntie Lorena siguro ate. Alam mo na,”Tumango ako at sinilip ang nasa likuran niya. Nakita ko si Sico at Rico na nag-uusap. Kumunot ang noo ko sa nakikita. Anong pinag-uusapan nila?“Pwede pakihawak muna itong si Harmonia, Dave? Puntahan ka lang iyong dalawang anak ko.” Sabi ko sa
“Mistey Sheyn!” Magiliw na sabi ni Moni habang nagpapabuhat sa papa niya. Sumimangot si Mr. Shien ngunit halata naman ang kasiyahan sa mukha niya.Lately, mas gusto ni Harmonia maglambing sa papa niya kesa amin ng mga kapatid niya.“It’s papa baby. I’m your papa!” Pagtatama niya sa anak namin.“Moni dapat papa. You should call papa as papa and not Mistey Sheyn!” Sabi ni Rico ngunit hindi siya pinakinggan ng kapatid niya.“Wife, your daughter is such a bully.” Ani ng asawa ko sa walang tono. Tinawanan ko lang siya at kinain ang pancake na nilagyan ko ng syrup kanina.“Ma, grounded pa rin ba kami?” napatingin ako kay Sico.Tinaasan ko siya ng kilay. “Ma naman!”Hindi nagbago ang itsura ko kaya siya na mismo ang nagbaba ng tingin at humaba ang nguso. “Fine ma.” Napipilitang aniya.“Anong oras uwi niyo mamaya?” nagtatakang tanong ko.“By 4 siguro ma nandito na kami,” ani ni Rico na kanina pa maganda ang mood.“Why are you happy?” pinagkunutan ko siya ng noo.“Why? It is bawal ma?”“It’s w
LORELAYHinihintay ni ko si Mr. Shein sa paglabas sa conference room. Araw kung saan bibitawan na namin ang position sa org. At nasa meeting siya with the Don kasama na ang ilan s head ng org.“Kinakabahan ka ba?” tanong ni Lee na siyang kasama ko ngayon.“Dapat ba akong kabahan?” umiling si Lee at ngumiti.“Dito hindi magkapareho si Mr. Shein at Don kahit na pareho sa maraming bagay ang dalawa. Pagdating sa ‘yo at sa mga anak niya, napaka makasarili niya. Wala siyang ibang gusto kun’di ang unahin kayo while the Don thinks other people than his own family.”Natahimik ako. I know Lee. I know but “Is that a bad thing?”Umiling si Lee. “It’s a nice feeling. It’s a good thing lalo’t wala naman siyang ibang hinangad kun’di ang makasama ka. Mula pa man noong bata pa kayo, ikaw na pangarap niya. At marami ang pinagdaanan niya bago ka niya nakuha.”Pinamulahan ako sa sinabi ni Lee ngunit hindi ko ‘yon makakaila. Alam ko lahat ng pinagdaanan ng asawa ko. Kaya hindi kataka-taka kung ako man ay
Malaking palaisipan sa lahat kung sino ang pumatay kay Edmund. But his case was the least priority as of the moment dahil lahat pumunta sa bahay ni Zeym matapos sabihin ni Sico ang balitang iyon. Lorelay dying to know paano nakuha ng dalawang anak niya ang kapatid nila. But na o-overwhelm siya sa balitang ligtas na ang bunso nila. Pagbukas ni Zeym nang pintuan, hindi na siya nagulat makita si Lorelay kasama ni Mr. Shein. Pinagbuksan niya ang lahat at naunang pumasok sa kwarto niya. She’s quite but alam niya ang kahihinatnan niya. She ought na magiging loyal siya sa org. Ngunit hindi niya kayang maatim na suwayin ang master niya. Her loyalty will only be to Rico. Sa kwarto, nadatnan nila si Harmonia na gising na gising at nakasaksak ang bottle milk sa bibig niya. She’s watching CocOO melon. Tumingin siya sa mga bagong dating ngunit una niyang makita ang dalawang kuya niya kaya agad siyang bumangon. “Ku-ya!” Masayang sabi nito. Kahit pa hawak ni Pocholo ang dalawa ay agad itong na
“Sico! Stop it!” Natatawang sabi ni Zeym nang itinutok sa kaniya ni Sico ang hose. Nasa garden sila at naabutan ng malakas pa ang ulan. Dahil dito, napagpasiyahan nila na maligo nalang sila. Ni hindi na nga niya natatawag na master si Sico at panay takbo na si Zeym makalayo lang kay Musico. The babysitter named Rico ay nasa salbabida na nasa damuhan habang nakahiga sa kaniya ang baby sister niya. Natatawa silang dalawa habang pinapanood nila si Sico and Zeym na naglalaro sa harapan nila. Napatingin si Rico kay Harmonia na bumubungisngis sa kandungan niya. “They are so funny kuya,” sabi ni Moni na ngayon ay medyo maayos na magsalita. Tinuturuan ito ni Zeym ng tamang pag pronounce ng words at letters. He’s happy watching his sister laughing with them. Sa tatlong linggo na kasama nila ang kapatid nila ay mas lalo nilang naiintindihan ang buhay. “Are you cold?” tanong niya nang makita ang panginginig nito. Moni nodded at hudyat na iyon para buhatid niya ito at maunang pumasok sa loob