Share

Kabanata 7

Author: Black Rose
NICK

Umalis ang mga magulang ko at lumabas mula sa kusina si Sandra. Umiiyak siya at hindi ko iyon gusto. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng mga magulang ko sa kanya, hindi naman siya ang gumawa sa akin ng mga bagay na iyon. Siya ang taong nagligtas sa akin mula sa masamang sitwasyon at ipinakita sa akin kung anong klaseng asawa ang mayroon ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang trato nila sa kanya. “Sandra, pasensiya na talaga. Kakausapin ko sila ulit at ipapaintindi sa kanila. Ipapakita ko sa kanila ang pruweba ng mga krimen ni Olivia at pagkatapos maniniwala sila sa akin at tatanggapin ka bilang malapit kong kaibigan.”

Niyakap ko siya at pinagaan ang loob niya. “Huwag mo siyang palalabasin Nick, natatakot ako sa kung anong puwede niyang gawin sa akin kapag nakalaya siya. Pakiusap, hayaan mo siyang manatili doon.” Lalo siyang umiyak, dahilan para sumikip ang dibdib ko. Hinihiling ko na sana puwede ko siyang panatilihin doon; gusto ko siyang manatili pa doon ng matagal pero hindi nagbibiro ang mga magulang ko ng sabihin nilang itakwil nila ako kapag hindi ko siya pinakawalan.

“Huwag ka mag-alala, poprotektahan kita. Ang babaeng iyon ay hinding-hindi makakalapit sa iyo. Pero kailangan ko iyong gawin. Kailangan ko siya palayain kung hindi, hindi ako mapapatawad ng mga magulang ko. Pero huwag ka mag-alala, sila rin ang magpapabalik sa kanya sa kulungan kapag nakita nila ang pruweba ng mga krimen niya.”

Mukha siyang takot, malinaw na matinding mga peklat ang naiwan ni Olivia sa kanya at ngayon makakalaya siya ng hindi piangbabayaran ang kanyang mga krimen. Kinamumuhian ko na malakas ang kapit niya sa mga magulang ko sa puntong ayaw nila maniwala sa akin na masama siyang tao.

“Maghintay ka dito, may tatawagan lang ako.” Pinunasan ko ang mga luha niya at iniwan siyang nakaupo sa couch. Tinawagan ko muna ang best friend ko. Kailangan ko ang payo niya. “Ano iyon, Nick?”

“Hindi ko ba puwede tawagan ang best friend ko ng hindi ako tinatanong ng ganyan?” natawa siya sa kabilang linya. “Hindi, hindi puwede, dahil alam ko na tumatawag ka lang kapag may kailangan ka. Anong kailangan mo ngayon?”

Hindi na tulad ng dati si Ethan sa akin, simula ng ipakulong ko si Olivia, hindi niya iyon nagustuhan. “Gusto ng mga magulang ko na ilabas mula sa kulungan si Olivia.” Hinintay ko ang sagot niya, pero walang dumating. “Ethan, nandyan ka pa ba?”

“Nandito ako pero hindi ko alam kung anong gusto mo sabihin ko tungkol dyan. Alam mo naman kung anong nararamdaman ko tungkol sa ginawa mo pero ang sinabi mo wala akong pakielam. Kaya, hindi ko maintindihan kung bakit mo ako tinatawagan tungkol dito.”

Binaba ko ang tawag. Wala akong mapapala sa kanya sa ugali niya. Kilala ko na si Ethan simula pa noong maliit kami, kapag may ayaw siyang bagay, magsasalita siya at kahit na ano pa ang sabihin mo, hindi na magbabago ang isip niya. Ganoon katigas ang ulo niya.

Tumawag ako sa estasyon ng pulis para itigil na ang kaso, pero sinabi niya sa akin na pumunta ako doon mismo para pumirma sa mga dokumento. Sinabi niya sa akin na nandoon ang mga magulang ko at pinapahirapan siya. Bumuntong hininga ako, pakiramdam ko talunan ako. Bumalik ako sa loob ng bahay at nakita si Sandra na nakaupo doon at nakatitig sa kawalan.

Lumapit ako at yumuko sa harap niya. “Huy, magiging okay ang lahat. Hindi ko siya hahayaang makalapit sa iyo. Poprotektahan kita; pangako. Hindi ka na muling sasaktan ni Olivia.” Ngumiti siya ng kaunti sa akin; hindi siya masaya, at alam ko iyon. Hinihiling ko na sana hindi ko na kailangan palayain si Olivia.

Pero dahil kilala ko ang ugali ng mga magulang ko, siguradong babawiin nila ang lahat ng pinaghirapan ko, kung hindi go gagawin ang gusto nila. “Kailangan ko pumunta sa estasyon ng pulis; babalik din ako agad. Mananatili si Sam dito para protektahan ka. Nasa labas lang siya.” Tumango siya at kinuha ko ang aking susi para umalis.

Hinihintay na ako ng police chief ng makarating ako sa estasyon ng pulis. “Lumapit ka po dito, Mr. Jones.” Mukhang takot siya at pinagpapawisan ng butil-butil sa noo. Alam ko na kagagawan iyon ng ama ko. Sinundan ko siya papasok sa opisina kung nasaan nakaupo at naghihintay ang aking mga magulang.

Ibinigay niya sa akin ang mga dokumento. “Sigurado ba kayo na gusto ninyo na gawin ko ito bago ninyo tignan ang mga patunay ng lahat ng kagagawan niya?” nagkrus ang mga bisig ng nanay ko at wala siyang sinabi. Hindi man lang niya ako tinignan. Tinignan ko ang ama ko, malamig at malayo ang mga mata niya.

Bumuntong hininga ako at pinirmahan ang mga papeles. Tinginan ko sila, at mukhang hindi pa din nila gusto na nandoon ako o gustong makinig sa kahit na anong sasabihin ko. Ibinigay ko ang mga dokumento sa police chief at lumabas na. Galit ako!

Pumunta ako sa sasakyan ko at nagsindi ng sigarilyo. Alam ko na masamang ugali ito pero nastress ako ng husto dahil sa sitwasyon kay Olivia. Nagismula ako manigarilyo ulit ng maaresto siya, at naging normal na ito sa tuwing naiistress ako. Kumakalma ako dito.

Nanatili ang mga mata kong nakatitig sa pinto ng estasyon ng pulis, makalipas ang matagal na panahon na kala ko habambuhay na, naunang lumabas ang ama ko. Pinatay ko ang sigarilyo at naupo ng maayos sa upuan ko habang nakatingin sa pinto. Sumunod ang nanay ko at naghintay ako hanggang sa lumabas si Olivia.

Noong nakita ko siya, bumilis ang tibok ng puso ko. Mukha siyang maselan, maputla at madumi. Ang damit niyang suot ay ang mga damit mismo noong naaresto siya dalawang taon na ang nakararaan. Mukha siyang payat at malnourished Nagalit ako ng husto ng makita ko ito, ang akala ko aalagaan siya ng mga pulis. Hindi ko inutos na maltratuhin siya, asawa ko siya at dapat alam nila ang tamang gagawin.

Sinabi ko lang na bawal siya magkaroon ng mga bisita, at hindi siya dapat palabasin. Hindi hiniling ang anumang ginawa nila para magmukha siyang ganito. Dahil sa galit, sinindihan ko ang makina ng sasakyan ko at nagmaneho paalis. Kinakain ako ng guilt mula sa loob pero umaasa pa din ako na uuwi siya sa bahay para makabawi ako sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jemelyn Puyo Carvajal
ok. continue to next chapters
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 100

    OLIVIAKinain ako ng guilt, dahil nalaman ko na ngayon na hindi si Nick ang nagpadala ng mga taong iyon para saktan ako sa kulungan. Guilty ang pakiramdam ko dahil sa mga ginagawa ko sa kanya. Oo, ginawan niya ako ng mga bagay na nakasakit sa akin, pero hindi ko gusto na mamatay siya. Balang araw magtatanong si Samuel kung bakit wala ang ama niya sa kanyang buhay.Gusto ko magawang tignan ang anak ko sa mga mata niya at sabihin sa kanya kung sino ang ama niya at kung bakit wala siya sa buhay niya habang lumalaki siya. Napakasakit na sabihin sa kanyang namatay ang ama niya at may kinalaman ako doon. “Ethan, hindi ko gusto si Nick sa buhay namin, inosente man siya sa ilang mga bagay, pero marami siyang nagawa sa akin at ang presensiya niya sa aming buhay, inilalagay niya ang anak ko at mga mahal ko sa buhay sa panganib.”Tumango si Ethan, alam niya din na hindi dapat maliitin ang desisyon ko na lumayo kay Ethan. Gusto ko humingi ng tawad dahil may sakit siya pero kahit na guilty ang p

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 99

    OLIVIANatawa ako ng kaunti, gising na siya at inalis ang tubo sa bibig niya. Paos ang boses niya dahil sa tubo. Sandali! Ang ngiti ko ay napalitan ng simangot. “Bakit mo inalsi ang tubo, baka nasaktan mo ang sarili mo.” Pinagalitan ko siya at tumabi sa kanya. Ngumiti siya sa akin.“Kung hindi ako nasasaktan ng mga bala, walang magagawa sa akin ang maliit na tubong ito. Wala akong kasing tibay.” Nagbiro siya. Nakabalik na siya. Oh, Diyos ko salamat. Ngayon oras na para gawin ko ang dapat ko gawin. “Tatawag ako ng doktor para tignan ang lagay mo.” Noong tumalikod ako, hinawakan niya ang kamay ko.“Hindi muna, bigyan mo muna ako ng tubig.” Ipinagbuhos ko siya ng tubig sa tabi ng kama niya at tinulungan siyang uminom. Ibinalik ko ang baso sa lamesa. Hawak pa din niya ang kamay ko. “Sabihin mo, bakit ka umiiyak?” Ngumiti ako sa kanya. “Hindi na iyon mahalaga ngayon.” Tinignan niya ako at hindi namilit.“Ano itong naririnig ko na gusto mo akong iwan.” Ngumiti ako ng malungkot; narinig n

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 98

    OLIVIALalong lumalim ang simangot ko, hindi ko alam kung pathological liar siya o ganoon siya kagaling paglaruan ang mga tao. Kahit alin pa sa dalawa, hindi ko iyon gusto. “Hindi mo naman ako kinontak, anong sinasabi mo? Ang natanggap ko ay ang pagtorture sa akin ng taong iyon dahil kaya niya at para sa anumang rason na hindi ko na malalaman ngayon!”Nanginginig ako sa galit; dapat nilayuan na lang niya ako kung alam niyang may ganitong mangyayari sa akin. Dapat hindi na niya ako kinontak sa simula pa lang at kailan ba niya ako kinontak? “Hindi kita kinontak ng direkta, pero may mga tao akong nagbabantay sa iyo. Sa oras na ipaalam nila sa akin ang pagkakakulong mo, nalaman ng Don at hindi siya natuwa.”Bumuntong hininga siya at hinimas ang kanyang buhok. “Nagpadala siya ng mga tao para saktan ka at turuan ako ng leksyon, na kapag may sinabi siya sa akin, gawin ko iyon, walang tanong tanong kung hindi, may masamang mangyayari.” Natawa siya ng kaunti. “As if naman na pisikal akong na

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 97

    OLIVIANanakit ang puso ko ng makita ang dami ng mga tubong nakakonekta sa kanya. Ilang oras lang ang nakararaan, masaya kaming nagdidinner at hinahalikan niya ako. Ngayon nakaratay siya sa kama ng ospital at maraming tubo na nakakonekta. May moment kami, isang panandaliang moment ng kapayapaan at katahimikan bago naging impyerno muli ang aming buhay.Nagsisimula na akong isipin na tama ang nanay ni Nick. Isa akong sumpa, dahil lahat ng nalalapit sa akin ay nasasaktan. Tignan mo na lang si Lola Susan at Lupita. Okay lang sila at payapang namumuhay sa Summer Strand bago ako dumating sa buhay nila.Isinama ko sila dito pabalik at tignan mo ang nangyari. Muntik na mamatay si lola, pati si Lupita. Nakikipaglaban si Marcus para sa buhay niya kung saan wala siyang tiyansang magising. Okay lang sana kung ako lang ang nasasaktan lagi pero ang mga taong mahal? Sobra na ito.“Tignan mo ang sarili mo, social climber. Ngayon at wala ka ng Nick, naghahanap ka ng bagong lalaki na mayaman para su

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 96

    NICKTinignan ko si Luke at ng sabihin iyon ni Olivia, mukahng nasaktan siya ng sobra. May pagkakapareho kami, na pareho namin mahal si Olivia, pero kinamumuhian niya kami sa magkaibang dahilan. Kinamumuhian niya ako para sa ginawa ko sa kanya at pagprotekta kay Sandra. Pero hindi niya alam na ginagawa ko ito para sa kapakanan niya ngayon.Ang pagpapadala ko kay Sandra sa psychward ay hindi para protektahan siya kung hindi para parusahan. Gusto ko magdusa siya doon at laging ginagamitan ng gamot hanggang sa puntong hindi na niya alam kung mabubuhay ba siya o mamamatay. Kung umaga ba o gabi.Gusto ko mawala na siya sa sarili at magigising na lang siya makalipas ang limang taon ng walang alaala sa kung sino ba siya. Pero hindi ko iyon masabi sa saknya. Hinayaan ko siyang kamuhian ako para makita niya mismo ang lagay ni Sandra matapos ko siyang asikasuhin.Pero hindi ko inaasahan na itatakas siya ni Faren, hindi ko man lang talaga siya naisip ng ipadala ko doon si Sandra at hindi ko p

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 95

    OLIVIANakaupo kami doon ng tahimik habang hinihintay ang mga tao niya na ipadala sa amin ang footage. Hindi ko na kailangan makita para malaman na si Sandra at paulit-ulit na sinasabi ni Ethan na kausapin ko ang ama ko. Paano ko iyon gagawin kung hindi ko alam kung paano siyang tatawagan?“Puwede ko ba agamitin ang phone mo; kailangan ko balitaan si Lupita tungkol sa lola niya.” Inilabas ni Ethan ang phone niya at inabot sa akin. Kinuha ko ito at tinawagan ang hotel, ikinonekta nila ako sa kuwarto. Sinabi ko ang sinabi sa akin ng doktor, at narinig ko ang ginhawa sa boses niya ng matanggap ang balita.Ibinalik ko ang phone kay Ethan pero tinignan ko muna ang oras. Tatlong oras na simula ng operahan si Marcus, at wala pa kaming balita. Nag-aalala ako ng husto. Kailangan ko malaman ang lagay niya. “Nick, saan ka pupunta?” Tumingala ako at nakita ko si Nick na lalampasan na ang waiting room.Hindi siya mukhang okay. Namumutla siya habang matinding sakit ang pinagdadaanan. Hawak niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status