Share

Kabanata 6

Author: Black Rose
NICK

Dalawang taon na ang lumipas simula ng ipahiya ako ng babaeng iyon, simula ng malaman ko na milyones na ang ninanakaw niya mula sa akin.

Paano ko nagawang maging tanga at bulag? Noong sinabi ni Sandra sa akin na may kinalaman si Olivia sa nangyari sa nanay ko ilang taon na ang nakararaan—kung paano sila nagkakilala, at kung paano “nagkataon” na iniligtas siya ni Olivia sa muntikan ng pagkakabangga sa kanya—hindi ako naniwala noong una. Naisip ko na walang kakayahan ang asawa ko na gawin ang ganitong mga bagay.

Pagkatapos ibinigay ni Sandra ang recording ng pag-uusap nila, kung saan inamin ni Olivia ang lahat: kung paano siyang nakakuha ng “magpapayaman” sa kanya, kung paano gaganda na ang buhay nila ng kanyang lola. Tila ba hindi pa iyon sapat, nagnakaw pa siya sa akin. Ipinakita sa akin ni Sandra ang patunay.

Nabawi ko ang pera, pero maliit na bahagi na lang. Napupuno pa din ako ng galit kapag naiisip ko siya. Paano niya nagawa na maging masama? Minahal siya ng nanay ko!

“Nick!” Nahimasmasan ako sa mga iniisip ko at nabalik sa realidad ng tawagin ako ni Sandra. “Malapit na ang oras para sunduin ang mga magulang mo. Tinatapos ko na ang dinner natin. Handa na ito sa oras na makabalik ka.”

Kung hindi dahil kay Sandra sa nakalipas na dalawang taon, sa tingin ko hindi ko na kinaya na makaraos.

Nagtatravel ang mga magulang ko sa mundo, at uuwi sila ngayon. Magiging sobrang disappointed sila kapag nalaman nila ang nangyari tungkol kay Olivia. Ang kawawa kong nanay. Nagtiwala siya sa walang kuwentang babae na iyon.

Nakaramdam ako ng bugso ng galit ng kunin ko ang aking mga susi.

“Nick!” napigilan ako muli ng boses ni Sandra. Humarap ako sa kanya.

“Huwag mo na siyang isipin,” mahina niyang sinabi. “Lalo ka lang magagalit. Tungkol ang araw na ito sa pag-uwi ng mga magulang mo. Magfocus tayo sa selebrasyon, hindi sa nakaraan.”

Ngumiti ako ng kaunti sa kanya. Ano na lang ang mangyayari sa akin kung wala siya?

Sa airport, una kong nakita ang nanay ko, kasunod ng aking ama, at mga guwardiya nila na dala ang kanilang mga maleta. Napangiti ang nanay ko ng makita ako. Nagmadali siyang lumapit, niyakap niya ako Natawa ako habang yumakap ako pabalik habang umiiling-iling ang Ama ko.

“Nasasakal ang anak natin, ikaw talagang babae ka!” reklamo niya. Tinignan siya ng masama ng nanay ko, at tumaas ang mga kamay ng ama ko na parang sumusuko siya. Habang pinapanood sila, nakaramdam ako ng lungkot. Ang akala ko magiging katulad namin sila ni Olivia. Mukhang hindi lang talaga meant to be.

“Grabe talaga! Ang payat mo na! Hindi ka na ba niya pinapakain? Nasaan ba siya?” tanong ng nanay ko, nabawasan ng kaunti ang ngiti niya.

Bumuntong hininga ako. Hindi ito ang tamang lugar at oras para sabihin sa kanila. “Umuwi na tayo, ipapaliwanag ko ang lahat,” sagot ko.

Nagkatinginan sila, at lumiwanag muli ang mukha ng nanay ko. “Huwag mo sabihin na nasa bahay siya at nag-aalaga ng baby! Oh, sabi ko na at malapit na niya akong bigyan ng apo!”

Nanlumo ako. Hindi niya alam na hindi gusto ni Olivia magka-anak—pera lang ang gusto niya.

“Ma, hindi sa ganoon.” Binuksan ko ang pinto para sa kanya.

Naunang sumakay ang ama ko, at malamig na ang itsura niya.

Sinindihan ko ang makina ng sasakyan at nagmaneho paalis. Gusto pa magtanong ng Nanay ko, pero nakumbinsi siya ng Ama ko na maghintay hanggang sa makauwi kami. Mabuti na lang. Hindi madali na pag-usapa si Olivia, at hindi ko gusto na pag-uusapan namin siya ulit.

Sa oras na nakabalik kami, sinabi ko sa kanila ang lahat: kung paano itinulak ni Olivia pababa ng hagdan ang best friend niya, dahilan para mamatay ang kanyang anak; kung paano siyang nagnakaw ng milyones sa akin; kung paanong hindi naman talaga niya ako mahal, hindi niya gusto na magkaanak sa akin; na lihim siyang nasa birth control sa buong nakalipas na mga oras; at kung paano na pera lang ang habol niya sa akin.

“Hindi siya ang tao na inaakala ninyo,” sambit ko. “Masamang tao si Olivia.”

Tinignan ako ng nanay ko na parang nagkasala ako. “Nick, nababaliw ka na ba?” sigaw niya, galit na galit siya.

Tinitigan ko siya, naguguluhan ako. Hindi ba niya narinig ang mga sinabi ko?

Umiling-iling ang nanay ko, kita ang lungkot at pagkabigo sa mukha niya. Hindi nagsalita ang ama ko at ayaw akong tignan, pero malamig ang kanyang mga mata.

“Sigurado ka ba na hindi si Sandra ang nagpapaikot sa iyo?” Matalas na tanong ng nanay ko. “Sigurado ka ba na hindi siya ang dahilan kung bakit ka nag-iisip ng ganito?”

“Si Sandra ang nagsiwalat sa akin ng katotohanan tungkol kay Olivia,” pilit ko. “Kung hindi dahil sa kanya, baka kontrolado pa din ako ni Olivia. Dapat kayong magpasalamat sa kanya!”

Makikita ang galit sa mga mata ng nanay ko. “Magpasalamat? Sa isang homewrecker? Diyos ko, ano kaya ang tingin ng lola niya sa atin? Michael,” sambit niya, humarap siya sa aking ama, “puntahan mo ang lola ni Olivia at humingi ka ng tawad. Sabihin mo na wala tayong alam at ilalabas mo si Olivia mula sa kulungan.”

Tumayo ang ama ko, handa na siyang umalis, at natulala ako. Paano pa nila nagagawang maging bulag?

“Patay na siya,” mahina kong sinabi. “Namatay siya makalipas ang ilang buwan mula ng arestuhin si Olivia.”

Nalukot ang ekspresyon ng nanay ko, at tumulo ang luha niya. Gusto ko pagaanin ang loob niya, pero naunahan ako ng Ama ko, niyakap siya.

“Hangal ka talaga, Nick,” sambit niya, madiin ang boses ng ama ko. “Hindi kita pinalaki para maging ganito na hangal. Sana hindi mo ito pagsisihan.”

Naupo ako doon, naguguluhan ako. Bakit nila dinedepensahan si Olivia? Anong mayroon kay Olivia at ang lakas ng kapit niya sa mga magulang ko?

“Ilalabas ko ang ko ang manugang kong babae mula sa kulungan,” deklara ng Ama ko. “At Nick, kung hindi mo ititigil ang kaso, itatakwil na kita bilang anak.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 100

    OLIVIAKinain ako ng guilt, dahil nalaman ko na ngayon na hindi si Nick ang nagpadala ng mga taong iyon para saktan ako sa kulungan. Guilty ang pakiramdam ko dahil sa mga ginagawa ko sa kanya. Oo, ginawan niya ako ng mga bagay na nakasakit sa akin, pero hindi ko gusto na mamatay siya. Balang araw magtatanong si Samuel kung bakit wala ang ama niya sa kanyang buhay.Gusto ko magawang tignan ang anak ko sa mga mata niya at sabihin sa kanya kung sino ang ama niya at kung bakit wala siya sa buhay niya habang lumalaki siya. Napakasakit na sabihin sa kanyang namatay ang ama niya at may kinalaman ako doon. “Ethan, hindi ko gusto si Nick sa buhay namin, inosente man siya sa ilang mga bagay, pero marami siyang nagawa sa akin at ang presensiya niya sa aming buhay, inilalagay niya ang anak ko at mga mahal ko sa buhay sa panganib.”Tumango si Ethan, alam niya din na hindi dapat maliitin ang desisyon ko na lumayo kay Ethan. Gusto ko humingi ng tawad dahil may sakit siya pero kahit na guilty ang p

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 99

    OLIVIANatawa ako ng kaunti, gising na siya at inalis ang tubo sa bibig niya. Paos ang boses niya dahil sa tubo. Sandali! Ang ngiti ko ay napalitan ng simangot. “Bakit mo inalsi ang tubo, baka nasaktan mo ang sarili mo.” Pinagalitan ko siya at tumabi sa kanya. Ngumiti siya sa akin.“Kung hindi ako nasasaktan ng mga bala, walang magagawa sa akin ang maliit na tubong ito. Wala akong kasing tibay.” Nagbiro siya. Nakabalik na siya. Oh, Diyos ko salamat. Ngayon oras na para gawin ko ang dapat ko gawin. “Tatawag ako ng doktor para tignan ang lagay mo.” Noong tumalikod ako, hinawakan niya ang kamay ko.“Hindi muna, bigyan mo muna ako ng tubig.” Ipinagbuhos ko siya ng tubig sa tabi ng kama niya at tinulungan siyang uminom. Ibinalik ko ang baso sa lamesa. Hawak pa din niya ang kamay ko. “Sabihin mo, bakit ka umiiyak?” Ngumiti ako sa kanya. “Hindi na iyon mahalaga ngayon.” Tinignan niya ako at hindi namilit.“Ano itong naririnig ko na gusto mo akong iwan.” Ngumiti ako ng malungkot; narinig n

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 98

    OLIVIALalong lumalim ang simangot ko, hindi ko alam kung pathological liar siya o ganoon siya kagaling paglaruan ang mga tao. Kahit alin pa sa dalawa, hindi ko iyon gusto. “Hindi mo naman ako kinontak, anong sinasabi mo? Ang natanggap ko ay ang pagtorture sa akin ng taong iyon dahil kaya niya at para sa anumang rason na hindi ko na malalaman ngayon!”Nanginginig ako sa galit; dapat nilayuan na lang niya ako kung alam niyang may ganitong mangyayari sa akin. Dapat hindi na niya ako kinontak sa simula pa lang at kailan ba niya ako kinontak? “Hindi kita kinontak ng direkta, pero may mga tao akong nagbabantay sa iyo. Sa oras na ipaalam nila sa akin ang pagkakakulong mo, nalaman ng Don at hindi siya natuwa.”Bumuntong hininga siya at hinimas ang kanyang buhok. “Nagpadala siya ng mga tao para saktan ka at turuan ako ng leksyon, na kapag may sinabi siya sa akin, gawin ko iyon, walang tanong tanong kung hindi, may masamang mangyayari.” Natawa siya ng kaunti. “As if naman na pisikal akong na

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 97

    OLIVIANanakit ang puso ko ng makita ang dami ng mga tubong nakakonekta sa kanya. Ilang oras lang ang nakararaan, masaya kaming nagdidinner at hinahalikan niya ako. Ngayon nakaratay siya sa kama ng ospital at maraming tubo na nakakonekta. May moment kami, isang panandaliang moment ng kapayapaan at katahimikan bago naging impyerno muli ang aming buhay.Nagsisimula na akong isipin na tama ang nanay ni Nick. Isa akong sumpa, dahil lahat ng nalalapit sa akin ay nasasaktan. Tignan mo na lang si Lola Susan at Lupita. Okay lang sila at payapang namumuhay sa Summer Strand bago ako dumating sa buhay nila.Isinama ko sila dito pabalik at tignan mo ang nangyari. Muntik na mamatay si lola, pati si Lupita. Nakikipaglaban si Marcus para sa buhay niya kung saan wala siyang tiyansang magising. Okay lang sana kung ako lang ang nasasaktan lagi pero ang mga taong mahal? Sobra na ito.“Tignan mo ang sarili mo, social climber. Ngayon at wala ka ng Nick, naghahanap ka ng bagong lalaki na mayaman para su

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 96

    NICKTinignan ko si Luke at ng sabihin iyon ni Olivia, mukahng nasaktan siya ng sobra. May pagkakapareho kami, na pareho namin mahal si Olivia, pero kinamumuhian niya kami sa magkaibang dahilan. Kinamumuhian niya ako para sa ginawa ko sa kanya at pagprotekta kay Sandra. Pero hindi niya alam na ginagawa ko ito para sa kapakanan niya ngayon.Ang pagpapadala ko kay Sandra sa psychward ay hindi para protektahan siya kung hindi para parusahan. Gusto ko magdusa siya doon at laging ginagamitan ng gamot hanggang sa puntong hindi na niya alam kung mabubuhay ba siya o mamamatay. Kung umaga ba o gabi.Gusto ko mawala na siya sa sarili at magigising na lang siya makalipas ang limang taon ng walang alaala sa kung sino ba siya. Pero hindi ko iyon masabi sa saknya. Hinayaan ko siyang kamuhian ako para makita niya mismo ang lagay ni Sandra matapos ko siyang asikasuhin.Pero hindi ko inaasahan na itatakas siya ni Faren, hindi ko man lang talaga siya naisip ng ipadala ko doon si Sandra at hindi ko p

  • Paghihiganti Pagkahiwalay   Kabanata 95

    OLIVIANakaupo kami doon ng tahimik habang hinihintay ang mga tao niya na ipadala sa amin ang footage. Hindi ko na kailangan makita para malaman na si Sandra at paulit-ulit na sinasabi ni Ethan na kausapin ko ang ama ko. Paano ko iyon gagawin kung hindi ko alam kung paano siyang tatawagan?“Puwede ko ba agamitin ang phone mo; kailangan ko balitaan si Lupita tungkol sa lola niya.” Inilabas ni Ethan ang phone niya at inabot sa akin. Kinuha ko ito at tinawagan ang hotel, ikinonekta nila ako sa kuwarto. Sinabi ko ang sinabi sa akin ng doktor, at narinig ko ang ginhawa sa boses niya ng matanggap ang balita.Ibinalik ko ang phone kay Ethan pero tinignan ko muna ang oras. Tatlong oras na simula ng operahan si Marcus, at wala pa kaming balita. Nag-aalala ako ng husto. Kailangan ko malaman ang lagay niya. “Nick, saan ka pupunta?” Tumingala ako at nakita ko si Nick na lalampasan na ang waiting room.Hindi siya mukhang okay. Namumutla siya habang matinding sakit ang pinagdadaanan. Hawak niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status