Nagpanggap na mahirap si Sabrina Gabrielle Madrigal, ang bunsong anak sa tatlong magkakapatid na anak ng kilalang Business Tycoon na si Don Felipe Madrigal. Namuhay ng simple at nakihalubilo sa gitna ng mga taong hindi niya kapantay ang estado sa buhay. Pinili niyang bumaba sa pedestal na kinalalagyan, iyon ay dahil kay Vladimir Hidalgo na isang gwapong Varsity Player na nakapag-aral lang dahil sa scholarship. Paano kung ang lalakeng pinangarap at minahal ng higit sa sarili ay ito pa pala ang magsadlak sa kaniya sa mala-impyernong buhay? At ano ang magiging bahagi ng isang Zachary Montefalcon sa buhay ni Sabrina Gabrielle na nakilala lang nito dahil sa isang aksidente? Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti. Ano ang mananaig?
view more"Señorita Sabrina, hindi kayo maaaring bumaba." May diin ang tinig na pagpigil ng personal assistant ng dalaga na akmang bababa ng sasakyan. Humugot ng malalim na hangin si Sabrina saka nilingon ang P.A na seryosong gawin ang trabaho nito. Ilang beses niya ng sinubukan ngunit laging napipigilan ni Criselda.
"Mawawalan ako ng trabaho kapag nagpumilit kayo." Bagamat nalungkot na hindi niya na mahahabol pa ang papalayong pinagkakaguluhang gwapong Varsity Player ng San Agustin University ay tiniyak niya sa sarili na hindi siya ang magiging dahilan upang matanggal sa trabaho ang personal assistant. "Salamat Señorita Sabrina, paumanhin ngunit kabilin-bilinan ng iyong papa na hindi ka pwedeng lumapit o makipag-usap kahit kanino man." paalala nito. Tinanaw na lamang ni Sabrina ang lalakeng pumukaw ng kaniyang atensyon, ang lalakeng palihim niyang iniibig. Hindi man sila nasa iisang Unibersidad ngunit nakasubaybay siya sa lifestyle nito. Isa sa mga pinalad na makatanggap ng scholarship buhat sa kaniyang ama dahil sa galing nito sa sports na basketball. "Paano ko kaya siya makikilala ng personal?" tila kausap ang sarili na saad ng dalaga. Umiling si Criselda, ang assistant niya saka iniabot ang hawak nitong cellphone. Nakalatag ang bio ng binata at ilang impormasyon nito. "I-inalam mo?" Ang luwang ng ngiti ni Sabrina. Tumango lang si Criselda. "Salamat Miss Cris," saad ni Sabrina na eksayted na binasa ang mga impormasyon ng kilalang Varsity Player. "Mag-iingat po kayo, Miss Sabrina." Kumunot ang noo ni Sabrina, nawala ang ngiti sa labi. "Ano pong ibig n'yong sabihin?" "Si Vladimir Hidalgo ay kilala ding playboy at kadalasang pinaiibig niya ay ang mga anak-mayaman na estudyante." "Ano pong kinalaman ko?" Inosenteng tanong ni Sabrina, ang alam niya lang ay kinikilig siya sa gwapong larawan ni Vladimir. Sa edad niyang disi-otso ay ngayon pa lang siya humanga ng ganito. Humugot ng malalim na hangin si Criselda saka naiiling na tiningnan ang alaga na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid. Palibhasa, lumaki itong napapalibutan ng mga bodyguard at namumuhay na may limitasyon sa pakikihalubilo sa alta-sosyedad. "Pinag-iingat lamang kita, ipinagkatiwala ka sa akin ng iyong mga magulang." sagot ni Criselda. "Miss Cris, tulungan mo akong malapitan at makilala si Vladimir," pakiusap ng dalaga. Natitigilang napailing si Criselda. "Hindi kita matutulungan." Malungkot na natahimik si Sabrina. Gusto niyang isumpa ang mala-prinsesang buhay. Hindi madaling mamuhay bilang isang Sabrina Gabrielle Madrigal. Nais din naman niyang mamuhay ng normal tulad ng mga kaedad niya. Pero paano? Humugot ng malalim na hangin si Criselda. "Hindi ka niya dapat makilala bilang Sabrina," saad ni Cris. Natatakot siya para rito, napaka-inosente nito sa reyalidad ng mundo. Namilog ang mga mata ng dalaga, nabuhayan ng pag-asa. "T-tutulungan mo na ako, Miss Cris?!" Tumango si Criselda na nagpaluwang ng ngiti ni Sabrina. Ngayon niya lang ito pagbibigyan. Naaawa din naman siya sa dalaga, tila ang Vladmir na iyon lamang ang nakakapagpangiti rito. Ni walang kaibigan at nakakausap na iba maliban sa kanila ng driver nito na si Bernard. Tila mga robot naman ang mga bodyguard nito na nagsasalita lang kapag kailangan. Ang mga magulang naman ng dalaga na sina Don Felipe at Doña Meraly ay kapwa-abala sa mga negosyo nito. Nasa larangan ng Mining Industry ang mag-asawa, kilalang magaling na negosyante ng bansa. Ang dalawang nakatatandang kapatid naman ng dalaga ay may kani-kaniya ng buhay na nasa ibang bansa na naninirahan. Tanging si Sabrina na lang ang nasa poder ng mga magulang nito na bihira pa nitong makasama dahil sa pagiging abala sa negosyo. "Sa isang kondisyon-" Napahinto sa pagsasalita si Criselda. Tama kayang isuhestiyon niya rito na magpanggap na mahirap? "Miss Cris, kahit ano gagawin ko." eksayted na saad ng dalaga. "Hindi makabubuti na makilala ka ni Vladimir bilang Sabrina," "Pero bakit?" nagtatakang tanong ng dalaga. "Kung magugustuhan ka niya bilang Sabrina Madrigal, maaaring iyon ay dahil sa panlabas na anyo at dahil sa-" "Pera?" Maagap nitong tanong. Natigilan si Criselda. Tinatantiya ang damdamin ng kaharap. Ngumiti ng maluwang si Sabrina. "Naiintindihan ko, Miss Cris. Kailangan magustuhan niya ako bilang ako, hindi dahil sa kung anong meron ako." matalino nitong sagot. "Kaya mo ba?" bagamat nag-aalala ay nangingibabaw kay Criselda ang pagmamahal sa alaga. Matamis na ngumiti si Sabrina saka niyakap ang assistant ng mahigit walong-taon ng naninilbihan sa kaniya. "Wala po akong hindi kakayanin." nang bumitiw mula sa pagkakayakap ay wika ng dalaga. Ngayon pa lang ay masayang-masaya na siya. Naglilikot na ang kaniyang imahinasyon, kung paano makakaharap ng personal ang lalakeng kaytagal niyang pinangarap.TAMA si Zach, aniya ng isip ng dalaga napapansin na nga siya sa University. Off-shoulder knitted blouse ang suot niya na pinaresan ng trendy denim pants, sa halip na sandals ay white skechers shoes ang ipinasuot ni Zach sa kaniya at pinakulayan pa nito ng ash blonde ang dati niyang brown hair na tinalian ng puting lace. Maging siya ay naninibago sa bago niyang ayos, ang white smartwatch na paborito niya ang hindi lang nito pinalitan dahil alam nitong regalo iuon ng kaniyang daddy. Ang manipis na gpagkakapahid ng liptint at foundation ay aaminin niyang nagustuhan niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag saiyo nakatuon ang atensyon at paningin ng lahat. Tila binura ni Zach ang dating anyo ng mahiyain at simpleng Sabrina. Sanay siyang maging lowkey sa kabila ng pagiging heiress. "Sab?!" tila hindi makapaniwala si Mia nang makita ang pagbabago sa bihis niya.Nginitian ito ni Sabrina saka sinabayan sa pagpasok sa loob ng kanilang silid. Napatingin sa kaniya ang mga kaklaseng naroon. "Anong
ANG paglapit ni Vladimir ay pinaghandaan na ni Sabrina, kasalukuyan siyang nasa ilalim ng malaking puno malayo sa karamihan upang magbasa ng paborito niyang libro. "Hi pretty!" Nakangiting bati nito. Tiningnan lamang ito ni Sabrina, tila tuksong sumasagi sa isip niya ang mga sinabi ni Zachary. Kaswal niya itong nginitian. "Pwede ka bang samahan?" tanong ni Vladimir ngunit umupo na ito sa tabi niya na may isang dipa ang pagitan."May kailangan ka ba?" Seryosong sinalubong ni Sabrina ang mga tingin nito. Bahagya itong natigilan nang matitigan siya ngunit muling ngumiti. "Gusto ko lang makipagkaibigan," wika nito. Iniabot nito ang kanan nitong palad. Tiningnan lang ito ng dalaga saka muling bumalik sa pagbabasa. Napatiim-bagang si Vladimir, wala pang babaeng nambalewala sa kaniya ng ganito. Sino ba ang babaeng ito para tratuhin siyang parang wala lang? Siya si Vladimir Hidalgo, na tinitilian at hinahangaan ng maraming babae. "Pwede ka bang yayaing magdinner? O, 'di kaya samahan mo ak
MALAYO pa lang ay naririnig na ni Sabrina ang malakas na hiyawan at palakpakan sa loob ng malaking Auditorium. Pinili niyang tumayo muna sa gilid ng malaking pinto at pagmasdan mula sa kinatatayuan ang taong dahilan kung bakit nagtitilian ang marami. Walang iba kundi ang itinuturing na pinaka-gwapong Varsity Player ng SAU na si Vladimir Hidalgo. Kung alam lang ng marami na ang lalakeng halos sambahin nila ay kampon ni satanas na nagkukubli lang sa panlabas nitong anyo marahil ay ni hindi nila ito papangaraping makasama man lang. Gumuhit ang kirot sa kaniyang dibdib nang maalala ang sinapit niya sa mga kamay nito, tila nadarama niya pa rin ang bawat pananakit nito sa kaniya. Humugot siya ng malalim na hangin at pilit na binalewala ang paninikip ng dibdib. "Kanina ka pa?" untag ni Mia. Nilingon niya ang kaibigan na tulad niya ay nakasuot din ng simpleng skinny-jeans at white t-shirt. May nakasukbit na bag sa likod at kipkip sa dibdib ang portfolio. Nakasuot din ito ng University I.D ga
MAHIGPIT na niyakap ni Sabrina ang mga magulang, hindi niya na napigilan ang mga luhang kusang pumatak. Pagkatapos ng mahabang panahon, bumalik na ulit siya sa mansyon. Naninibago ang kaniyang Mommy't Daddy sa ikinikilos niya, likas siyang malambing na anak pero tila mas higit siyang naging clingy sa mga ito. "May gusto ka bang bilhin?" ani Doña Meraly na ginagap ang palad ng bunsong anak. Umiling si Sabrina saka humilig sa balikat ng ina na hanggang ngayon ay walang alam sa mga pinagdaanan niya. "What about a new car?" sabad ng nakangiting si Don Felipe. Ngumiti ng maluwang si Sabrina. "Bakasyon ang gusto ko Daddy na kasama kayo." Nagkatinginan ang mag-asawa, alam nilang imposible ang hinihiling nito. Abala ang mag-asawa sa mga negosyo nito at wala ng oras para magliwaliw pa. "Sab," malungkot na turan ni Doña Meraly. Nag-aalalang tiningnan ang asawa saka muling tiningnan si Sabrina na nakangiti. "Okey lang naman Mom, Dad. Naiintindihan ko." Totoo sa loob na saad ng d
MULA sa kinahihigaan ay dama ni Sabrina ang pangangawit ng likod, gustong-gusto niya ng bumangon at bumalik sa normal ang buhay. Ngunit tulad ng sinabi ng kaniyang doktor ang paggising niya ay nakadepende na sa isang himala. Pero tulad ni Criselda hindi siya naniniwala, alam niyang magigising pa siya. Ang kamalayan niya ay nasa ibang dimensyon, ngunit ang diwa niya ay gising na gising at dama ang kapaligiran. Malinaw na naririnig ang pinag-uusapan ng mga taong naging karamay niya habang nakaratay. Paulit-ulit ng sinubukan ni Sabrina na idilat ang kaniyang mga mata at igalaw ang mga daliri ngunit lagi siyang nabibigo, ngunit hindi sa pagkakataong iyon. Unti-unting naidilat ni Sabrina ang kaniyang mga mata, bumungad sa kaniyang paningin ang puting-kisame, bahagya siyang nasilaw sa liwanag mula sa mga ilaw na naroon. Gumalaw na rin ang kaniyang mga kamay. Napaawang ang bibig ng dalaga, inilinga ang paningin sa paligid. Natutulog si Criselda sa gawing paanan niya, sa mahabang sofa na na
TILA napakatagal ng bawat sandali sa buhay ni Sabrina habang nasa hospital na kinaroroonan. Namamanhid pa rin ang buo niyang katawan at tulad ng mga nakalipas na buwan heto siya nakakabit pa rin ang iba't ibang aparatus sa kaniyang katawan upang patuloy na mabuhay. Maging ang talukap ng kaniyang mga mata tila walang lakas upang dumilat kahit pa gising ang kamalayan at ramdam niya ang paligid. Alam niyang hindi siya pinabayaan ni Criselda, maging ang lalakeng laging kasama nito sa tuwing bumibisita ay naging daily routine na yata ang pagdalaw sa kaniya. Ngunit kung may pinananabikan siyang muling makita at maramdaman ang presensya ay walang iba kundi si Vladimir. Oo, si Vladimir pa rin at ang kaniyang mga magulang na natitiyak niyang wala pa ring kaalam-alam sa sinapit niya."Dinalhan kita ng prutas Miss Sabrina at-" natigilan si Criselda, nilingon ang kararating lang na si Zachary. Lalong gumuwapo ang binata sa suot nitong plain white t-shirt na pinaresan ng khaki slacks pants. Tila m
PIKIT-MATANG tinitiis ni Sabrina ang harap-harapang pagtataksil ni Vladimir. Maliban sa unang babaeng iniuwi nito minsan, ay napapadalas pa ang pag-uuwi nito ng iba't ibang babaeng ginagawa nitong sex-buddies, f*ck-buddies, friends with benefits at wala itong pakialam sa mararamdaman niya na ikinakama pa nito sa mismong silid nila. Napilitan siyang matulog sa laundry-area upang hindi masaksihan ang pagniniig ng mga ito. Nagtatakip na lang siya ng unan kapag naririnig niya ang mga ungol at halinghing ng mga ito. Pinipiga at paulit-ulit na dinudurog ang damdamin ng dalaga sa kataksilan ng binata ngunit mas pinipili niya pa rin ang magtiis at manatili. Pasasaan ba? Magbabago din marahil ito, makikita ang halaga niya. Pinagsisilbihan niya naman ito sa abot ng kaniyang makakaya, kahit napapadalas na rin ang pananakit nito sa kaniya. Kagat-labi na naghain siya ng pagkain, pigil ang pagpatak ng luha. Mula sa silid nila ni Vladimir ay naririnig niya ang paghalakhak ng babaeng kaulayaw nito.
MULA sa kinatatayuan ay napatda si Sabrina, humigpit ang pagkakahawak sa laundry basket na hawak. Nanginginig ang kalamnan na inilapag niya ito sa paanan. Ang alam niya ay mag-isa lang siya sa bahay ng oras na iyon. Ngunit ang presensya ng mga taong nasa silid nila ni Vladimir ang pumukaw ng kaniyang atensyon. Hindi siya maaaring magkamali, tinig ng isang lalake at babae na tila magkaulayaw. Dinig mula sa kinaroroonan niya ang ungol at halinghing ng mga ito. Dahan-dahang humakbang ang dalaga upang sumilip sa siwang ng pinto na bahagyang nakaawang at hindi na nailock pa ng mga nasa loob. "Fuck me, baby! Ganyan nga ibaon mo pa!" utos ng babaeng maputi na n*******d, nakatuwad ito at mabilis na binabayo ng lalakeng hubad din na walang iba kundi si Vladimir. Pawisan ang binata na tulad ng babae ay tila sarap na sarap din na nakapikit pa habang bumabayo. "A-ang sarappp mo, Babe! Kaya mahal na mahal kita eh!" anas nito. Awtomatikong napatakip sa bibig ni Sabrina ang mga palad, kinagat a
MATAPOS matiyak na hindi pa makakauwi ang mag-iina ay mabilis na idinayal ni Sabrina ang numero ni Criselda. Alam niyang hindi siya nito bibiguin. At hindi nga siya nagkamali, napapayag niya ito kahit pa alam niyang hindi ito sang-ayon sa nais niya. Ang palihim na bayaran ang pagkakautang ng pamilya ni Vladimir sa pinsan nito gamit ang pera niya. May access pa rin naman si Criselda sa account niya kaya hindi ito naging problema.Masayang-masaya siya sa kaniyang ginawa, maliban 'dun ay nagpabili din siya ng mga branded na damit at sapatos para kay Vladimir. Anonymous person ang sender kaya alam niyang hindi malalaman ng binata na sa kaniya nanggaling. Hindi naman mahahalata dahil marami naman itong tagahanga. Ora mismo ay idineliver ng parcel rider ang mga pinamili ni Criselda para sa binata, ayon sa kagustuhan ni Sabrina.Tulad ng inaasahan ni Sabrina ay masaya ang binata nang madatnan ang santambak na regalo na nagmula sa isang hindi kilalang tagahanga. Isa-isa nitong isinukat, pumap
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments