Share

Kabanata 2

Author: Elysian Sparrow
Nararamdaman ko ang init sa mukha ko. Sino ba ang babaeng ito sa akala niya?

“Hindi,” sagot ni Finn, hindi man lang siya nagdalawang isip para mag-isip.

“Sayang.” Sumimangot si Amber. “Pero ako gusto ko siyang makita na nakahubad.”

Anong problema niya? Nilalait ba niya ako? Pinagtitripan niya akong mukhang pangkaraniwan at naiilang? O baka interesado siya ng tunay sa akin?

Kahit alin pa man dito ang totoo, hindi ko gusto na magtagal pa dito para malaman.

Tumalikod ako para umalis, nakipagsiksikan ako para makarating sa banyo, kailangan ko ng espasyo, ng hangin, ng katahimikan.

Tanga, tanga, tanga, tahimik kong sinabi. Ano ba ang inaasahan ko na mangyayari ngayong gabi?

Sa banyo, dumantay ako sa lababo, nakatitig sa repleksyon ko sa may mantsang salamin.

“Ayusin mo ang sarili mo,” bulong ko. “Ideya mo ito.”

Ang napakaganda kong plano na pasayahin si Finn ay nagkandaletse-letse. Kaysa libangin ang isip niya mula kay Delilah, ipinagtulakan ko siya ngayon kay Amber. At ako naman ay nagtatago sa banyo habang nagpapalitan na siguro sila ng laway at phone numbers.

Binasa ko ng malamig na tubig ang mga braso ko, naglagay ulit ng lipstick, at tinibayan ang loob ko para lumabas ulit. Malaki na akong babae. Kaya ko panoorin ang bestfriend ko na makipagrelasyon sa iba. Isang dekada ko na itong ginagawa.

Pero noong maglakas loob ako ulit ako sa club, sinuri ko ang paligid para hanapin si Finn, pero hindi ko siya makita.

Ang puwesto nila kanina ni Finn kung saan sila sumasayaw ni Amber ay okupado ngayon ng mga kolehiyala na nagseselfie. Nataranta ako ako nagsusumiksik sa mga pawisan na mga tao at naghahanap. Hindi naman siguro siya aalis ng wala ako. Hindi ba?

Nakita ko sila na palabas ng front door, nakayakap ang braso ni Finn sa bewang ni Amber, tawa siya ng tawa sa sinabi ni Finn. Paalis na sila. Magkasama. Wala man lang text.

Padabog akong dumiretso palabas, hindi ko pinansin ang mga mura at sama ng tingin sa akin.

Sinampal ako ng malamig na hangin sa labas, sakto lang at nakita ko si Finn na hirap kunin ang mga susi—mga susi ko—sa sasakyan ko.

“Huy, huy, huy. Saan ka pupunta?” nagmadali ako palapit sa kanila, lumalakatak ang mga heels ko sa kalsada.

Tumingala si Finn, mukhang nagulat siya. “Dadalhin namin ang party sa bahay, Sloane.”

“At napagdesisyunan ninyong gamitin ang sasakyan ko?”

Nahiya pa siya, inabot niya ang batok niya at hinimas, bagay na pamilyar at madalas nakakaakit para sa akin. Pero ngayon, nagalit lang ako lalo. Ang lakas ng loob niyang magmukhang nahihiya habang nanakawin niya ang sasakyan ko?

Umirap lang si Amber. “Chill, Nanay. Puwede ka mag Uber pauwi.”

“Hindi.” Inagaw ko ang susi ko mula kay Finn. “Lasing na kayong dalawa. Sumakay kayo sa likod. Ako ang magmamaneho.”

Sumingkit ang mga mata ni Amber, pero sumakay pa din siya sa sasakyan.

Sumunod si Finn, umiiwas siya ng tingin sa akin. Sinarado ko ng malakas ang pinto, mas malakas sa kailangan.

Nakakainis ang maneho ko pabalik. Namumuti ang mga kamao ko habang nakakapit ng mahigpit sa manibela at nagmamaneho sa madilim na gabi, sinusubukan ko hindi pansinin ang nakikita ko sa rearview mirror. Pero imposible na hindi sila marinig—nagbubulungan, hagikgikan ng hagikgikan, ang tunog ng basang mga halikan.

Nilakasan ko ang radio, pero kahit iyon hindi sapat para matakpan ang ingay nila.

“Gustong-gusto talaga kita,” sinabi ni Fin.

“Bayuhin mo na ako dito, ngayon mismo,” sagot ni Amber.

Kinilabutan ako sa boses niya.

“Eww. Kung magbabayuhan kayo dito sa sasakyan ko, itatapon ko kayo pareho palabas ng bintana,” sinabi ko, nagswerve ako ng kaunti para tumingin sa kanila ng masama.

Nakapulupot sila sa isa’t-isa sa backseat, nasa hita na ni Finn si Amber, ang lipstick niya nakapahid na sa buong leeg ni Finn. Ang kamay ng babaeng ito ay nasa hita ni lalaki at masyado ng malapit.

Nakita niya ang titig ko mula sa salamin at ngumiti siya. “Gusto mong sumali?” Lumabas ang dila niya at dinilaan niya ang sarili niyang mga labi. “Masaya iyon.”

Halos mawala na kami sa kalsada sa pagmamaneho ko.

“Ano?” halos hindi ako nakasagot.

“Narinig mo ako. Matagal ko ng gusto subukan ang threesome.”

Nagkatinginan kami ni Finn sa rearview mirror. Kita niya na galit na galit na ako. “Amber, sa tingin ko—”

“Huwag mo sabihin na hindi mo pa iyon naiisip, Finn,” hindi siya pinatapos magsalita ni Amber. “Ang munting nerd at hot mo na kaibigan ay desperada. Sa tingin ko mas wild siya sa kabila ng… pagpipigil niya.”

Nag-init ng husto ang mukha ko sa hiya at nagulat ako na hindi nagkaroon ng fog sa salamin. “Lasing na kayo,” nagawa kong sabihin. “Pareho kayo.”

“Hindi naman ganoon kalasing,” mahinang sinabi ni Amber. “Sapat lang ang tama para maging totoo. Anong masasabi mo, Sloane? Ikaw, ako at si Finn? Hula ko naimagine mo na ng ilang beses ang mga kamay ni Finn na nakahawak sa iyo ng ilangpung beses na.”

Naging tahimik sa sasakyan maliban sa huni ng makina at sarili tibok na malakas ng puso ko. Niladlad ni Amber ang pinakatatago kong lihim at pagnanasa na parang wala lang. Na parang nasabi lang niya ito dahil sa kalasingan, hindi tulad ng bagay na laging dahilan para manatili akong gising hanggang umaga ng ilang beses na.

Humigpit lalo ang kapit ko sa manibela, nagfocus ako sa kalsada, natatakot akong tumingin sa salamin. Natatakot na baka kung anong makita ni Finn sa mukha ko.

“Amber, tama na,” sinabi ni Finn. “Hindi siya kumportable sa mga sinasabi mo.”

“Sigurado ka?” lumapit sa akin si Amber. “O baka sinasabi ko lang kung anong iniisip ni Sloane. Iyon ang dahilan kung bakit mo sinamahan si Finn bilang Chaperone niya, hindi ba? Gusto mo siya.”

Tinapakan ko ang preno, biglaan akong lumiko sa tabi ng kalsada. “Labas,” sinabi ko, nanginginig ang boses ko. “Lumabas kayong pareho. Lumabas kayo ng sasakyan ko.”

“Sloane, ikaw talaga,” sinabi ni Finn.

“Seryoso ako. Labas. Mag-Uber kayo papunta sa inyo. Uuwi na ako.”

Natawa si Amber na parang tunog ng nabasag na salamin. “Diyos ko po, tama ako. Gusto mo talaga siya ikama.”

“Amber!” naiinis na si Finn. “Tama na.”

Iyon lang ba talaga ang iniisip niya? Pisikal na akit lang? Hindi niya alam kung anong halaga ni Finn para sa akin. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Minaliit niya ng husto ang nararamdaman kong pag-ibig para sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay ko ng humarap ako sa kanila. “Labas. Ngayon. Na.”

May kung ano siguro sa ekspresyon ko na nakumbinsi silang seryoso ako. Naunang lumabas si Finn, pagkatapos, tinulungan niya si Amber, na tumatawa pa din habang hirap silang maglakad sa bangketa. Hindi ko na hinintay kung saan sila pupunta. Nagmaneho ako paalis ng bangketa at naging malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang hindi tumulo.

~~~

Isang linggo ko halos hindi pinansin ang tawag ni Finn.

Tumunog ang phone ko. Hinayaan ko lang. Nag ping ito, iniswipe ko lang.

Nagpakababad ako sa trabaho, umaasa na matatakpan nito ang kahihiyang nananalaytay sa mga ugat ko.

Pero parang ipis si Finn Hartley. Lagi siyang nakakahanap ng paraan para makapasok.

“Iniiwasan mo ba ako, Sloane?” tanong niya mula sa itaas.

Tumingala ako mula sa monitor. Nandoon siya, nakadantay sa gilid ng cubicle ko na parang siya ang may-ari ng buong gusali. Magulo ang buhok niya, may bakas ng eyebag sa mga mata dahil sa kakulangan ng tulog. Mukha siya… durog pa din. Mabuti.

“Sinong nagpapasok sa iyo?” sinabi ko.

“Crush ako ng receptionist, nakalimutan mo na?”

“Finn, busy ako.” Humarap ako sa screen ko. “Puwede ba mamaya na tayo mag-usap?” Sana hindi na lang kahit na kailan.

“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo ako kinakausap.”

Tumingin ako sa paligid. Malinaw na nakatitig ang mga katrabaho ko. Si Jenna mulaa sa accounting ay literal na siniko si Carla mula sa IT. Galing. Ngayon pinagpipiyestahan na ako sa office dramang ito.

“Puwede ba hinaan mo ang boses mo?” naiinis kong sinabi. “Maraming nakatingin.”

Ngumisi siya. “Baka ang ibig mo sabihin sinisilayan ako.”

“Ang yabang mo talaga.”

“Anong attitude yan? Ano ba… buwanang dalaw mo ba o kung ano?”

Ay. Ay ang p*tang inang to.

Humarap ako sa kanya, sumingkit ang mga mata ko. “Sinabi mo ba talaga na—”

“Nagbibiro lang ako!” itinaas niya ang mga kamay niya. “Diyos ko po, Sloane. Ano ba ang nangyayari sa iyo?”

Anong nangyayari sa akin? Seryoso ba talaga siyang umaarte na wala siyang alam? Sige, maglaro tayo.

Tinitigan ko siya. “Ano ba ang kailangan mo, Finn?”

Inabot niya ang jacket niya at naghagis ng bagay sa lamesa ko.

“Ano yan?”

“Ticket ng eroplano papuntang Asheville, North Carolina. Nagbook ako pitong linggo mula ngayon.”

Sumimangot ako, hindi ko gusto kung saan ito papunta. “Bakit mo ako binibigyan ng ticket ng eroplano, Finn?”

“Guguluhin natin ang kasal ni Delilah.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pagnanasa Sa Maling Kapatid   Kabanata 152

    “Bakit nga pala ito sikreto?” tanong ni Serena. “Bakit ayaw mo sabihin sa amin, Nay?”Bumuntong hininga si Nanay. “Gusto ko masiguro muna na kaya ko ito.”“Siyempre kaya mo yan. Malakas ka. Lalaki ba o babae?”“Sa ngayon, triplets.”“Triplets?!” sabay namin na sinabi ni Serena.“IVF statistics,” sab

  • Pagnanasa Sa Maling Kapatid   Kabanata 151

    Sa labas, naramdaman ko ang lamig ng hangin sa balat ko. Nagmaneho ako sa pamilyar na kalsada ng may kaunting tensyon sa dibdib ko. Nagsisimula na lumubog ang araw, kita ang kulay gintong liwanag nito at mga anino sa paligid. Paulit-ulit akong tumitingin sa susi na ibinigay niya sa akin, nandoon sa

  • Pagnanasa Sa Maling Kapatid   Kabanata 150

    Nagmadali akong lumapit sa kanya at yumakap sa balikat niya. Mas payat pa siya kaysa sa naaalalako pero kapansin-pansin ang presensiya. Naamoy ko ang pamilyar na halimuyak ng pabango niya, gardenia at parang kahoy na amoy ang lumuod sa akin.“Ah, ingat ka, iha,” sabi niya, natatawa. “Hindi na kasing

  • Pagnanasa Sa Maling Kapatid   Kabanata 149

    Ginugol ko ang buong sabado ko para pag-usapan namin ni Knox si Lydia. Kala ko ang hiniling ko sa kanya ay buksan ang kamao ni Thanos gamit ang nail file.Nakakapagod. Pakiramdam ko nagsasayaw ako sa paligid ng landmines sa bawat kaswal na mababanggit ang kabataan niya. Kinakain ako ng curiosity ko,

  • Pagnanasa Sa Maling Kapatid   Kabanata 148

    “Tapos na ang pagyayabang, Delilah,” sabi niya. “Kailangan ko ng pabor.”Sinabi niya ito na parang business lang. Na parang hinihiling sa babaeng pinalayas niya sa ibang lugar para balikan ang broken niyang kapatid ay isa lang negosasyon. Hindi ko alam kung dapat ba ako humanga o matakot.“Nababaliw

  • Pagnanasa Sa Maling Kapatid   Kabanata 147

    Nakatitig ng masama si Soraya kay Knox, ang karamihan sa dahilan ay mula sa hindi siya makapaniwala kaysa sa nasaktan siya. Pagkatapos, tumalikod siya at kinuha ang pitaka niya at naghanap sa loob, naglabas siya ng key ring, at inigahis ito sa lamesa.Tumunog ang bakal sa kahoy.“Alam mo kung saan m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status