Kinaladkad ko si Finn mula sa jacket niya papunta sa company parking lot, hindi ko pinapansin ang mga kontra niya.
Sa oras na nandoon na kami sa harap ng sasakyan niya, humarap ako sa kanya.
“Anong problema mo?” tanong ko. “Seryoso ka na gusto mo guluhin ang kasal ng ex mo? Nabaliw ka na ba talaga ng tuluyan?”
Pinadaan ni Finn ang kamay niya sa buhok niya. “Kailangan ko ng closure, Sloane.”
“Hindi, Finn. Kailangan mo ng professional help. Therapy.”
“Hindi ako puwede maupo lang at panooring ang babaeng mahal ko na ikasal sa iba.”
Diyos ko po. Gusto ko siyang suntukin sa mukha. Gusto ko siyang halikan hanggang sa makalimutan na niya si Delilah Crestfield. Gusto ko sumigaw hanggang mawala na ang mga bituwin sa langit.
“Anong plano, huh? Pupunta ka doon sa aisle? Sisirain ang kasal niya? Itutulak ang groom mula sa altar at idedeklara ang walang kamatayan mong pag-ibig para sa kanya na kala mo isang cliché na bida ng rom-com? Diyos ko po, Finn, hindi ka ganyang klase ng tao.”
“Hindi ko gusto guluhin ang kasal niya,” bumulong siya. “Ano lang… gusto ko lang tignan niya ako ng mata sa mata sa huling pagkakataon at sabihin niya sa akin na tapos na kami.”
Nahirapan akong huminga.
Kinamumuhian ko siya. Kinamumuhian ko na patay na patay pa din siya kay Delilah. Matapos ang lahat ng nangyari—matapos ang walang katapusang heartbreaks—patay na patay pa din siya na parang tanga.
“Hindi kita sasamahan,” sinabi ko.
“Bakit hindi?”
“Dahil ayaw ko.”
“Sasama ka, Sloane. Tapos na ang usapan.”
“Hindi.”
“Kailangan kita.”
Ay.
Heto na naman. Ang mga salitang nagpapabago sa isip ko at nagiging dahilan para masaktan ako.
Kinamumuhian ko talaga kung paanong bumibilis ang tibok ng puso ko. Ayaw na ayaw ko talagang nakukumbinsi niya ako.
“Kung… hindi masusunod ang plano,” patuloy niya, lumapit siya sa akin, “Kailangan ko ang bestfriend ko sa tabi ko. Hindi ko alam kung makakasurvive ako ng mag-isa kapag itinuloy ni Delilah ang kasal na ito.”
Siyempre kailangan niya ako. Lagi naman niya akong kailangan.
Matagal ko ng inaayos si Finn, baka kaya ko na siyang ayusin gamit lang ang alaala ko. Alam ko ang bawat sira, ang bawat lamat niya. Matagal ko ng hawak ang mga basag niyang piraso para ayusin ng higit pa sa naaalala ko.
Pero pagod na ako.
Sobrang pagod na akong mahalin siya kung hindi naman niya ako minamahal pabalik.
Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko at pinilit ang sarili kong titigan siya sa mga mata. “Hindi mo ako emotional support animal, Finn.”
“Pleaes, Sloane. Hindi ko naman ito hihilingin kung hindi mahalaga.”
At ganoon na nga lang, bumigay ako.’
Dahil mahina ako. Dahil wala akong kuwenta. Dahil mahal ko siya.
Lagi ko siyang mamahalin.
“Sige,” sinabi ko. “Pero kapag hindi nasunod ang mga gusto mo, hindi kita aayusin ngayon.” Kahit na sinabi ko ito, alam namin pareho na kasinungalingan lang ito.
Ngumisi si Finn, iyong mukhang tangang ngiti na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. “Deal.”
“First class ticket man lang ba ang ikinuha mo para sa akin?”
“Alam mo naman na hindi ako nag-eeconomy, Sloane.”
“Ewan ko sa’yo.”
Tumalikod ako at bumalik sa opisina.
Gagawin talaga namin ito.
Talagang lilipad kami sa ibang bansa para guluhin ang kasal ng ex niya.
Ano ba ang puwedeng mangyari na hind inaasahan?
~~~
[[Makalipas ang pitong linggo]]
Naghihintay ako sa Asheville Regional Airport ng mahigit sa isang oras na, ang suitcase ko nasa tabi ng binti ko.
Dapat makikipagkita si Finn sa akin sa oras na lumapag ang eroplano. Pero siyempre, si Finn Hartley, ang master ng emotional chaos at mga pabayang desisyon, ay hindi ko makita.
Sinubukan ko siyang tawagan. Hindi siya sumasagot.
Sinubukan ko magtext. On read lang.
Ilang beses ko ng tinitignan ang phone ko. Wala pa din. 12% na lang ang battery, sapat na para tumawag ng Uber at maghanap ng pinakamalapit na hotel kung kinakailangan.
Ilang segundo na lang at ibabalibag ko na sa pader ang phone ko ng makarinig ako ng mahinang tunog ng makina na parang galing impyerno—malalim na ugong ng makina na dahilan para mapalingon ang mga tao sa tabi.
Tumingala ako at nakakita ng itim na Ford Mustang Shelby GT500 na tumigil sa harap ko.
Bumaba ang bintana, at Diyos ko po—ang tao sa likod ng manibela ay parang itsura ng kasalanan.
Guwapo siya sa maling paraan. Delikado. Pangahin, itim ang buhok at nakasuot ng puro itim na parang manununog siya o papatay ng tao.
Tinignan ako ng mga mata niya mula ulo hanggang paa. Nilabanan ko ang udyok sa loob ko na ayusin ang itsura ko.
“Sloane Mercer?” sinabi niya.
Kumurap siya. “Sino ka?”
“Tawagin mo na lang ako na maling kapatid,” sagot niya.
“Ano?”
“Pasensiya na,” sinabi niya, malalim ang boses niya at sobrang sexy na nakakainis na. “Ako si Knox Hartley. Kuya ni Finn. Ipinadala niya ako para sunduin ka papunta sa bahay ng mga magulang namin.”