Pagkatapos itakwil si Annaliese Remington ng kaniyang pamilya ay tumayo na siya sa sarili niyang mga paa, nabuhay ng mahirap at nagsakip. Akala niya wala nang gugulo pa sa kaniyang buhay ngunit nagkamali siya nang makilala si Niccolas Palmera, ang lalaking naka-one night stand niya at napatunayan niyang talagang mapaglaro ang tadhana, dahil ito rin ang kaniyang naging boss sa bagong trabahong kaniyang pinasukan. Ngunit masyadong mapusok si Niccolas, at sa hindi niya inaasahan, handa ba siyang tanggapin ang alok nitong kasal? Handa ba siyang makipaglaro sa nag-aalab nitong puso?
View MoreAnnaliese's Point Of View.
Mula sa malayo ay dinig na dinig ko na ang maingay na mga makina sa factory na pinagta-trabahuan ko. Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng matanggap ako bilang isang factory worker, hindi kalakihan ang sahod ngunit sapat na para mabuhay ko ang aking sarili. At ngayon ay isang panibagong araw na naman para magbanat ng buto. Pagkatapos ko sa loob ay kaagad kong nakita si Elsa, ang aming factory manager. Babatiin ko na sana siya ng magandang umaga ngunit natigilan ako nang makitang magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo rito, Annaliese?" wika niya. Napakunot ang noo ko sa narinig. "Wala po bang pasok ngayon?" "Hindi mo ba alam?" "Ang alin po?" tanong ko. "Tanggal ka na sa trabaho. Wala bang nagsabi sa'yo?" Napaawang ang labi ko sa gulat, hindi makapaniwala sa narinig. "Huh? Ano bang sinasabi mo?" Malakas na bumuntong hininga si Elsa bago malungkot na ngumiti sa akin. "Alam mo naman siguro na bumababa na ang kita ng factory nitong mga nakaraang buwan, hindi ba? Napagdesisyunan na magtanggal ng mga trabahador, at isa ka sa mga napili." "S-Sandali lang naman po, bakit ako po ang isa sa mga napili? Tatlong buwan na akong nandito, wala rin namang problema sa pagtatrabaho ko," kaagad kong sagot, ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod sa nalaman. "Sinusunod ko lang ang binigay sa akin ng mga nasa taas," wika nito. "Ang hindi lang namin tinanggal ay 'yung mga isang buwan o higit nang nagtatrabaho rito. Kaya pasensya na, Annaliese. Kahit magaling ka pa, kailangan kong tanggalin ka." Mas lalo akong nanghina sa narinig. "P-Pero hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho, Elsa. Alam mo namang mahirap ang buhay ko, hindi ba?" "Alam ko, Annaliese. Pero hindi lang naman ikaw ang nawalan. Alam mo namang kung hindi lang talaga kailangan, hindi kita tatanggalin, hindi ba? Pasensya na talaga." Alam kong kahit ano pang sabihin ko, hindi na mababago ang desisyon niya—at hindi ko siya masisisi tungkol doon. Dahil tulad ng sinabi niya ay sumusunod lang siya sa mga nasa taas. "Ito ang bayad mo para sa nakaraang buwan," wika niya bago i-abot sa akin ang puting sumbre na kaagad ko namang tinanggap kahit na ramdam ko ang pamamanhid ng aking mga kamay. "Napakasipag mong tao, Annaliese. Alam kong makakahanap ka kaagad ng bagong trabaho." Bagsak balikat akong umuwi sa maliit kong bahay pagkatapos noon, hindi ko alam kung ilang araw na naman akong magbibilang ng poste dahil napakahirap humanap ng panibagong trabaho. Ang sahod na binigay ni Elsa ay paniguradong tatagal lang ng dalawang linggo, at kung dalawang beses lang akong kumain sa isang araw ay baka umabot pa ito ng tatlong linggo. "Bakit ganyan ang mukha mo?" Napalingon ako kay Alfred, ang kaibigan kong bading. Ni-hindi ko man lang napansin na nakapasok na pala siya sa bahay ko. "Dapat bang ngumiti ako pagkatapos kong malaman na wala na akong trabaho?" pahayag ko at kaagad siyang napamura. "Totoo ba, Annaliese? Bakit natanggal ka?" "Mababa kasi ang kita ng factory noong mga nakaraang buwan kaya kailangan nilang magbawas ng trabahante." Nakita ko ang nag-aalalang tingin niya sa akin, alam niya kung gaano kahirap ang buhay ko. "Paano ka niyan ngayon?" "Balik sa umpisa, wala naman akong magagawa, hindi ba?" sabi ko at narinig ko naman ang malakas niyang pagbuntong hininga. "Alam mo, hindi ako sanay na malungkot ka. Gusto mo bang magpakasaya kahit sandali?" Mabilis akong umilang. "Kung yayain mo 'kong uminom, huwag na. Nagtitipid ako, Alfred. Hindi na nga sapat sa'kin 'tong sahod ko, may binayaran pa 'kong mga utang." "Siyempre, alam ko naman 'yon, Annaliese! Kaya nga ako ang manlilibre sa'yo! May bagong bukas na isang resto bar, siguradong makakalimutan mo ang mga problema mo pagdating natin doon." Ngumisi siya sa akin. "Sasagutin mo rin ba ang pamasahe ko?" "May magagawa pa ba ako? Alam ko namang hindi ka sasama kung hindi ako ang magbabayad." Kahit papaano, dahil sa presensya ni Alfred ay gumaan ang pakiramdam ko. Tatlong taon na kaming magkaibigan, nagtatrabaho siya sa isang salon at marami rin siyang iba't ibang raket kaya hindi na ako nagtataka na ang daming laman ng bulsa niya. Pinili niya ang isang sleeveless long black dress na isuot ko, hindi na ako umangal dahil hindi naman niya ako titigilan kung hindi iyon ang susuotin ko. "Paniguradong maraming lalaking mapapalingon sa'yo mamaya," wika niya habang nasa byahe na kami papunta sa sinabi niyang bagong bukas na resto bar. Nang makarating kami ay hindi na ako nagulat sa malakas na tugtog na naririnig ko at mga taong walang humpay sa pagpapakasaya. Hindi naman ito ang unang beses kong pagpunta sa isang bar, madalas na akong sinasama noon ni Alfred. "Maghahanap ka na naman ng bago mong lalaki at iiwan mo ako rito sa couch," inis kong sabi sa kaniya habang nakaupo na kami at may hawak ng alak sa kamay. "Para naman makahanap ka na ng lalaki mo," sagot niya at napailang na lamang ako. Hindi nga ako nagkamali sa sinabi ko dahil wala pang kalahating oras kaming nag-iinuman ay nagpaalam siya sa aking magbabanyo lang ngunit hindi na siya bumalik pa. Siguro noon, mag-aalala ako kung nasaan na siya ngunit sanay na ako sa kaniya at alam kong kaya niya namang protektahan ang sarili niya. Uminom ako sa bote na hawak bago nilibot ang aking paningin sa paligid, hindi na bago sa akin ang mga taong nakikita kong walang humpay sa pagsayaw at pag-inom ng alak. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung anong dahilan kung bakit nandito sila—para ba magsaya o para kumalimot? Iiwas na sana ako ng tingin nang mahagip ng aking paningin ay isang lalaking may hawak na bote ng martinis habang nakaupo sa counter ng bar. At sa unang tingin pa lang, kapansin-pansin na agad ito. Matangkad ito, halata kahit nakaupo. Maputi at kapansin-pansing may alaga sa katawan. Naka-black button down siya, bahagyang nakabukas ang botones, sapat para makita ang kaniyang dibdib. Pero ang talagang nakakuha ng atensyon ko ay ang mga mata niya, masungit ang itsura, malamig ang tingin lalo na ngayong nakatuon siya sa akin. At alam kong sa pagitan ng mga tingin namin, kahit hindi pa man kami mag-usap ay may nabubuo ng tensyon sa aming dalawa. Sumandal ako sa inuupuan bago uminom sa hawak na bote, hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya, sandaling bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi dahil mapulo ang mga 'yon. Maya-maya ay bigla kong napansin ang pagtayo niya, papunta sa aking direksyon kaya't mabilis akong umayos ng upo. "Good evening," baritonong aniya nang makalapit, kaagad kong naamoy ang panlalaki niyang pabango. At ngayong ang lapit niya sa akin, nakumpirma kong hindi lang siya guwapo sa malayo, maging sa malapitan din. "May I take a seat?" Tumango ako. "S-Sige lang," sagot ko at mabilis siyang umupo sa aking tabi. "What's your name?" tanong niya, malumanay ang mga mayang nakatingin sa akin. "Annaliese," wika ko, pinilit kong maging kalmado kahit na ramdam ko ang panginginig ng aking boses. "Ikaw ba?" "I'm Niccolas," wika niya bago muling uminom ng alak. "I don't like wasting time, Annaliese. Do you want to sleep with me right now?" Muntikan na akong mabulunan dahil sa kaniyang sinabi, bahagyang nanlaki ang mga mata ko at paniguradong namumula na ako ngayon. Sex kaagad ang gusto niya? Wala man lang siyang paligoy-ligoy ngunit gustuhin ko mang tumayo para umalis, hindi magawa ng mga paa ko. Lasing na ako, walang trabaho at ngayon ay isang lalaki ang kaharap ko—gwapo, amoy mayaman at mukhang walang sabit. Sapat na para paligayahin ang malungkot kong araw. "One night stand?" wika ko. "Yeah, one night, one kiss, one mistake. Nothing more." One mistake. . . Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko. "M-Magaling ka ba?" Nakakahiya, bakit ko ba 'to tinatanong? Paniguradong lasing na nga ako. Nakita ko ang pagngisi niya. "Come with me and I'll show you. . ." Naging malabo na ang mga sumunod na nangyari dahil paniguradong lasing na ako, kaagad kasi akong pumayag sa kaniya. Ang naalala ko na lang ay pinasakay niya ako sa kaniyang sasakyan, huminto kami sa isang hotel at pagpasok namin sa kwarto ay kaagad siyang naghubad ng kurbata. Tuluyan na akong nalasing sa mga sumunod na nangyari. At kinabukasan, pagkagising ko. Masakit ang gitnang bahagi ng aking katawan, labis ang inis ko dahil hindi ako makalakad nang maayos. Ngunit mas lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko nang hindi siya ang maabutan ko, kundi ang limang libong piso sa kama na ginamit namin. At sigurado akong iniwan niya 'yon...Annaliese's Point Of View."M-Maging asawa mo?" hindi makapaniwalang sabi ko, parang nakalimutan ko kung bakit ako umiiyak dahil sa biglang sinabi niya.Magiging asawa niya ako? Anong kalokohan na naman ba 'to?Tumango siya. "You're going to be my wife.""T-Teka, hindi naman ako pumayag!" pag-angal ko, kumunot ang noo niya."You have no choice, Annaliese. Bayad na ang utang mo, at ang kapalit no'n ay ang pagiging asawa ko," seryosong wika niya at mas lalo lang akong hindi makapaniwala."Bakit naman ako magiging asawa mo?" tanong ko. "Si Anna? Bakit hindi siya ang niyaya mo?""Stop asking questions will you? Wala kang magagawa kundi pumayag dahil kung ayaw mo, hindi ko babayaran ang 200k na utang mo."Napanganga na lamang ako sa narinig, hindi ko alam kung anong mas magandang piliin sa dalawang 'yon. Hindi ko nga pinangarap na makasal, tapos biglang magiging asawa niya ako?"Bakit ba kailangan mo ng asawa?" kuryusong tanong ko, impossible naman kasing bigla na lang siyang maghahanap ng
Annaliese's Point Of View.Isang taon na ang nakakalipas simula ng mamatay si Papa dahil sa brain cancer. Hindi birong sakit iyon at buong akala ko ay makakayanan niya ngunit nagkamali ako dahil dalawang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang ma-diagnose siya ng stage 4 cancer ay kaagad na siyang binawian ng buhay.Kung maaga siguro namin nalaman na may sakit siya, hindi sana nangyari iyon at sana kasama ko pa rin siya hanggang ngayon. Malakas ang kutob kong tinatago niya lang sa akin na may nararamdaman siya dahil nag-aalaga siya para sa perang gagamiting pampagamot.Kaya naman noong namatay siya, ginawa ko ang lahat para magkaroon siya nang maayos na libing. At para magawa iyon ay kailangan kong umutang ng malaking halaga ng pera."A-Aling Perla," kinakabahan kong wika sa kabilang linya."Huwag ka namang magpaawa sa akin, Annaliese. Alam mo namang kailangan ko rin ng perang 'yon. Kung wala kang planong ibalik ay ipapakulong kita."Mas lalo akong kinabahan dahil sa narinig. "Babay
Annaliese's Point Of View.Isang tango lang ang aking ginawa para sumagot sa kaniyang tanong ay kaagad ko nang naramdaman ang mainit niyang labi sa akin. Nahulog ang hawak kong mop pero hindi ko na iyon pinansin at nagpadala na lamang sa init ng aking katawan."N-Niccolas," ipit kong sabi sa pagitan ng aming halikan bago ko sinubukang sabayan ang paghalik niya kahit hindi ako marunong, ngunit wala naman siyang pakialam."You taste better than Anna," bulong niya, ang halik ay dahan-dahang bumababa patungo sa aking leeg.Anna? Tinutukoy niya ba 'yung babaeng nasa kandungan niya kanina?Humawak ako sa kaniyang braso bilang suporta. "M-May CCTV ba rito?" mahinang tanong ko at natigilan siya.Ngumisi siya sa akin. "You're concerned that someone might be watching us right now?""Malamang, mamaya ay magkaroon pa ako ng scandal."Nakita ko ang pag-ilang niya na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Hinawakan niya ang aking pisngi at mahinang hinimas 'yon."Of course, there's no CCTV
Annaliese's Point Of View.Totoo nga talaga ang sinasabi ng iba na lahat ng tao ay nagbabago kapag sila'y nakainom na—at ang patunay noon ay ako.Diyos ko, nakipagtalik ba talaga ako sa lalaking hindi ko kilala? Sa kaniya ko binigay ang kabirhinan ko!"Nasaan ka na ba, Annaliese? Alam mo bang muntikan na akong tumawag ng pulis dahil baka nawawala ka na?" wika ni Alfred sa kabilang linya.Malakas na akong napabuntong hininga. "N-Nandito ako sa hotel. . .""Hotel? Anong ginagawa mo riyan?""May nakilala kasi akong lalaki kagabi. . . At may nangyari sa amin," paliwanag ko at kaagad kong narinig ang malakas niyang pagtili mula sa cellphone."Kasama mo pa rin ba hanggang ngayon?"Muli akong napatingin sa perang iniwan niya. "Wala na siya pagkagising ko, at nag-iwan pa siya ng limang libo," sabi ko. "Akala niya siguro ay prostitute ako kaya't nag-iwan pa ng bayad.""Pera na 'yan, huwag ka na magreklamo.""Nairita lang naman ako at na-offend pero hindi ko sinabing hindi ko tatanggapin. Pamas
Annaliese's Point Of View.Mula sa malayo ay dinig na dinig ko na ang maingay na mga makina sa factory na pinagta-trabahuan ko. Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng matanggap ako bilang isang factory worker, hindi kalakihan ang sahod ngunit sapat na para mabuhay ko ang aking sarili.At ngayon ay isang panibagong araw na naman para magbanat ng buto.Pagkatapos ko sa loob ay kaagad kong nakita si Elsa, ang aming factory manager. Babatiin ko na sana siya ng magandang umaga ngunit natigilan ako nang makitang magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa akin."Anong ginagawa mo rito, Annaliese?" wika niya.Napakunot ang noo ko sa narinig. "Wala po bang pasok ngayon?" "Hindi mo ba alam?""Ang alin po?" tanong ko."Tanggal ka na sa trabaho. Wala bang nagsabi sa'yo?"Napaawang ang labi ko sa gulat, hindi makapaniwala sa narinig. "Huh? Ano bang sinasabi mo?"Malakas na bumuntong hininga si Elsa bago malungkot na ngumiti sa akin. "Alam mo naman siguro na bumababa na ang kita
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments