Ikakasal na dapat si Soraya Sison kay Jonathan Zobel. Akala niya ay iyon na ang simula ng happy ending ng kwento nilang dalawa. Pero gano'n na lamang ang gulat niya nang dumating sa kasal ang babae ni Jonathan at nagwala roon para hindi matuloy ang kasal. At ang masaklap pa, buntis daw ito at si Jonathan ang ama. Betrayed. Humiliated. Abandoned. Nagdesisyon si Soraya na gawin ang bagay na akala niya hindi niya kailanman magagawa. Hinanap niya ang comfort sa bisig ng isang lalaki, at lingid sa kaalaman niya na ito ay si Henry De Armas, ang matalik na kaibigan ng daddy niya, at ang Ninong niya. One night. No names. No promises. Pero pagdating ng umaga, doon niya nalaman kung sino talaga ang lalaking nagpabaliw sa kanya sa bawat bawal at makasalanang paraan. Hindi lang pala ito kaibigan ng daddy niya o ang Ninong niya, at ito na rin ngayon ang bago niyang boss. Henry is powerful, merciless, and twice her age. And now that he’s had a taste of her, he’s not willing to let go.
View MoreDahan-dahang dumilat ang mga mata ni Soraya, pero agad din iyong napapikit ulit nang sumakit ang ulo niya nang todo. Parang may malakas na martilyong bumabayo sa sentido niya, kaya napaungol siya sa sakit.
“Fuck shit,” mahina niyang mura habang hawak-hawak ang ulo niya, parang umaasa siyang may magbabago. Pero wala. Lalo pa ngang lumala, parang drum na walang tigil sa pag-ingay.
At ang mas malala pa ro’n? Masakit ang buong katawan niya. As in, lahat ng parte.
“Anong nangyari? Gaano karami ang nainom ko kagabi?” bulong niya habang pilit na tinatantiya ang paligid. Pero dahil wala siyang salamin, halos wala siyang makita nang maayos. Isa lang ang sigurado niya, hindi ito ang kwarto niya. At hindi rin niya maalala kung saan siya, o anong nangyari.
Napabuntong-hininga siya at inabot ang salamin niya, umaasa na buo pa ito. Pero imbes na frame ng salamin ang mahawakan niya, ibang bagay ang nadampian ng palad niya.
Matigas. Mainit.
Parang...
Parang katawan.
Napakislot siya, natigilan, at napahawak sa dibdib nang bahagya habang naguguluhan.
Hindi puwedeng may lalaki sa kama niya. Imposible iyon.
Pero kahit nanginginig ang kamay, inabot niya ulit ang nadampian kanina, at...
Napasinghap siya.
Lalaki nga. At hindi lang basta lalaki—hubad ito.
"A-Ano ito...?"
Hindi pa man siya nakaka-react nang maayos, biglang may kamay na humawak sa kanya. Napasinghap siya habang hinila siya nito palapit, para bang wala siyang timbang. Isang iglap lang, nasa kandungan na siya ng lalaki.
At oo, ulitin niya, hubad pa rin ito.
“Oh my God! Sino ka?! Bitawan mo ko!” sigaw niya, nanlaki ang mata habang naramdaman ang matigas na bagay sa ilalim niya, dumidikit sa panty niya.
Isang kakaibang init ang gumapang sa buong katawan niya, para siyang nasusunog sa hiya at... ibang emosyon na hindi niya maipaliwanag.
“Bitawan kita?” mahinang tawa ng lalaki, mababa at puno ng panging-uyam. “Funny, sweetheart. Hindi mo naman 'yan sinabi kagabi habang sumusunod ka sa bawat utos ko.”
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwala habang pilit niyang sinisipat ang mukha nito sa malabong paningin. At nang tuluyang makita niya kung sino ito, parang gumuho ang mundo niya.
Bumalik lahat ng alaala.
Ang kasal niya.
Ang club.
At pagkatapos...
“Nanginginig ka? Huwag mong sabihing natatakot ka? Hindi bagay sa’yo, lalo na sa nangyari kagabi,” malumanay pero puno ng panunuksong sabi ng lalaki.
Henry De Armas.
Ang bestfriend ng daddy niya. Ang Ninong niya.
At nakipagtalik siya sa bestfriend ng daddy niya.
"Oh my god... Ninong..."
**
One day earlier.
Sabi nila, ang kasal daw ang pinaka-masayang araw sa buhay ng isang babae. ‘Yung tipong parang fairytale. Puno ng love, joy, at pangakong panghabambuhay. Prince Charming, white dress, happily ever after.
Pero bakit sa kanya, naging kabaliktaran?
Bakit sa araw ng kasal niya, parang binagsakan siya ng langit at lupa?
And it was all because of her very own Prince Charming, Jonathan Zobel.
“Anong sabi mo?” ang pari ang unang bumasag sa katahimikan, halatang gulat habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa dulo ng aisle. “Ikaw... ikaw ba ang tumututol sa kasal ng dalawang ito?”
The heavily pregnant woman rested one hand on her swollen belly, the other raised in bold defiance. Ttaas-noo itong nakaturo kay Jonathan, habang nagpapalipat-lipat naman ng tingin si Soraya sa dalawa.
“Oo! Tama ang narinig niyo. Tumututol ako!” sigaw ng babae, galit na galit ang tingin kay Jonathan. Kitang-kita ang sakit at pagkamuhi sa mga mata nito.
Sarkastikong natawa si Soraya at napailing. Akala niya ay sa mga nobela at drama lang nangyayari na may biglang susulpot na babae at tututol sa kasal. Hindi niya aakalain na mangyayari rin iyon ngayon mismo sa kasal niya.
“Bakit?” tanong ng pari, halatang hindi alam ang gagawin.
Napairap ang babae. Tahimik ang buong hall. Yung iba ay nanlalaki ang mga mata. Yung iba naman ay parang na-excite pa sa tsismis.
Hindi alam ni Soraya ang mararamdaman sa mga sandaling iyon.
Disbelief. Denial. Maybe a tiny flicker of hope that this was just one of Jonathan's cruel pranks.
Tumingin siya sa tiyan ng babae. Malaki na iyon at sigurado siya na ilang linggo na lang at manganganak na ito. At sa loob niya ay unti-unting gumapang ang takot.
Talaga bang anak ni Jonathan ang dinadala ng babae?
“Bakit?” ulit ng babae, parang inis na inis sa tanong. Itinuro niya ang tiyan niya, parang sinasabing obvious na ang sagot. “Dahil ang batang ito sa loob ko ay kay Jonathan! Alam niyang buntis ako tapos nagawa pa rin niyang pakasalan yang babaeng yan? Anong klaseng lalaki ‘yon, ha?!”
“Daphne, tumigil ka!” sigaw agad ni Jonathan, nangingitim na sa galit ang mukha.
Nabigla ang lahat. Parang biglang nahulog si Soraya sa sahig. Wala nang lakas. Parang nadurog ang puso niya. Lumuha ang mga mata niya kahit pilit niyang pinipigilan.
“Jonathan... bakit? Bakit mo nagawa ito sakin?” bulong niya, halos hindi marinig.
Lumapit agad si Jonatha. “Soraya, please, let me explain—”
Umatras siya. Tinulak niya ito habang galit ang buong katawan niya.
“Explain?! Three years, Jonathan! Tatlong taon tayong magkasama, tapos makakabuntis ka ng iba? And now you want to explain? Explain what?!”
Umiiyak na siya habang galit ang sigaw. Hindi na niya makita ng maayos si Jonathan dahil sa luha.
“Soraya, please. It was a mistake—”
“Mistake?” sabat bigla ni Daphne, galit na galit. “Isang taon mo kong kinama, hindi lang isang beses! At tatawagin mong mistake?!”
Napamulagat si Soraya.
Isang taon?
Isang taon siyang niloko?
“Oh my God, one year na silang may relasyon tapos wala siyang alam?” bulong ng isang bisita.
“Kung ako ‘yan, isang linggo pa lang alam ko na,” sabi naman ng isa.
Umpisa na ng bulungan. Ang bawat salita, parang kutsilyo sa likod niya.
“Totoo ba, Jonathan?” tanong ni Soraya, nanginginig ang tinig.
Bubuka pa sana ng bibig si Jonathan pero inunahan na siya ni Daphne.
“Bingi ka ba o tanga? Anong mahirap intindihin sa mga sinabi ko? Manganganak na ko next week. At hindi ko hahayaan na pakasalan mo siya,” sabay lingon kay Jonathan. “At ikaw naman, Jonathan. Akala ko ba ayaw mo sa kanya? Diba sabi mo mukha siyang madre? Na hindi ka man lang pinapa-score sa kama? Na kaya mo lang siya pinatulan kasi mayaman ang daddy niya? I’m the one carrying your child, and you still chose her?”
“Daphne, shut your mouth or I swear—” Jonathan growled, but the damage was done.
Pero huli na ang lahat. Sira na ang lahat.
Huminga ng malalim si Soraya. Hinubad niya ang salamin niya, pinunasan ang luha. Inalis ang veil at itinapon iyon sa sahig.
Lahat ng mata ay nasa kanya.
Lumapit ulit si Jonathan, pero tinaasan lang niya ito ng kamay, pahiwatig na huwag na.
Kalmado niyang inalis ang singsing sa daliri, ‘yung singsing na suot lang niya ilang minuto pa lang habang sinasabi ang kanyang vow. Ibinato niya iyon ito kay Jonathan.
“Soraya, ano’ng ibig sabihin nito?” tanong ni Jonathan, nanginginig ang boses.
Hindi na siya sumagot. Humarap siya sa mga bisita.
“Pasensya na sa abala, pero kanselado na ang kasal. Pwede na po kayong lumabas. Hindi ko na kayo ihahatid dahil ako ang unang aalis.”
At tuluyang siyang lumakad palayo.
Bago lumabas ay huminto siya sa tabi ni Daphne. Hindi siya ngumiti, malamig ang kanyang mga tingin sa tiyan nito.
“Congrats sa pagbubuntis mo. Sana safe ka sa panganganak mo next week. At ayan, sa’yo na ang basura. You two are perfect for each other.”
Napatulala si Daphne sa narinig, pero hindi na hinintay pa ni Soraya ang sasabihin nito. Ayaw na niya roon magtagal.
Naglakad siya palayo. Palayo sa mga mapanuyang tingin at sa mga bulungan. Palayo sa kasal na akala niya ay happy ending.
Fairy tales were lies. Walang totoong Prince Charming. There never had been.
At kung meron man, siguro ay sa iba.
Pero hindi sa kanya.
“Good morning. My name is Soraya Sison. I’m here to see Mr. De Armas,” sabi ni Soraya sa receptionist habang nakangiti.Tumingala ang babae, at pagtingin sa kanya, halatang naalala siya.“Miss Sison, welcome. Mr. De Armas has been expecting you. I’ll bring you to his office.”“Thank you,” sagot niya habang sinasamahan siya nito.“No need to thank me. I was told to bring you up the moment you arrived.”Napakunot ang noo niya. Talaga bang hinihintay siya agad nito?“Ah, I see. Do you happen to know what I’ll be doing here?” tanong niya, dahil walang sinabi ang daddy niya tungkol sa actual na trabaho niya. Ang sabi lang, dito siya magta-trabaho. Sana naman hindi siya laging makikita ang Ninong niya. ‘Pag ganon, baka atakihin siya.Huminto sila sa tapat ng malaking itim na pinto. Lumingon ang receptionist at ngumiti.“Hindi ko sure, pero ang sabi ay magiging secretary ka ni Mr. De Armas.”Parang binagsakan siya ng langit at lupa. Nanlaki ang mga mata niya.Bago pa siya makapagsalita, kuma
Dalawang araw na ang lumipas mula nung nangyari 'yon, pero kahit anong pilit ni Soraya, hindi niya pa rin makalimutang lahat. Sinubukan niya, araw at gabi, na itapon sa likod ng isip niya, pero mas madali pa rin talagang sabihin kaysa gawin. Tuwing nagigising siya, 'yon agad ang pumapasok sa isip niya. Hindi rin niya alam kung anong dapat niyang maramdaman.Masaya ba siya na sa Ninong Henry niya ibinigay ang virginity niya? O mas masama ang loob niya dahil wala man lang siyang maalala sa nangyari?Nakakabaliw talaga.“Nabalitaan ko ang nangyari sa kasal mo, kawawa ka naman, sis. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Jonathan 'yon sayo. Grabe siguro pakiramdam mo nung araw na 'yon. Sayang, hindi ako naka-attend,” biglang bungad ng stepsister niyang si Cindy, pinutol ang katahimikan ng buong dining area.Napakurap si Soraya. Nakaupo pala sa tapat niya si Cindy, suot ang paborito nitong ngiting-awa na parang sinabayan ng konting yabang. Bagsak sa balikat nito ang kulot at blondeng b
Saan ka pupunta kapag nasa pinakamababa kang punto ng buhay mo? Kapag wala ka nang ibang makakasama? O baka… pagkatapos mong tumakas mula sa sarili mong kasal?Simple lang ang sagot para kay Soraya.Ang tanging lugar na may saysay sa sandaling iyon ay ang isang spot kung saan puwedeng malunod sa alak, umiyak nang walang humuhusga sa kanya, at hayaang lamunin ng tugtog ang lahat ng iniisip mo.Isang club.Pero hindi lang basta club. Isa sa pinaka-exclusive sa buong Makati, owned by none other than the infamous and dangerous businessman, Henry De Armas.Ang bestfriend ng daddy niya, at ang Ninong niya.Sa totoo lang, hindi rin niya alam kung bakit doon siya napunta sa club na iyon. Ang dami namang club sa Makayi, pero siguro, sa ilalim ng lahat ng sakit at gulo, gusto lang talaga niyang makita ito. Yung isang taong pamilyar. Yung puwedeng magbigay kahit kaunting sense of comfort. Her ruthless father was practically out of the picture, so maybe, in some twisted way, she had sought out hi
Dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Soraya, pero agad din iyong napapikit ulit nang sumakit ang ulo niya nang todo. Parang may malakas na martilyong bumabayo sa sentido niya, kaya napaungol siya sa sakit.“Fuck shit,” mahina niyang mura habang hawak-hawak ang ulo niya, parang umaasa siyang may magbabago. Pero wala. Lalo pa ngang lumala, parang drum na walang tigil sa pag-ingay.At ang mas malala pa ro’n? Masakit ang buong katawan niya. As in, lahat ng parte.“Anong nangyari? Gaano karami ang nainom ko kagabi?” bulong niya habang pilit na tinatantiya ang paligid. Pero dahil wala siyang salamin, halos wala siyang makita nang maayos. Isa lang ang sigurado niya, hindi ito ang kwarto niya. At hindi rin niya maalala kung saan siya, o anong nangyari.Napabuntong-hininga siya at inabot ang salamin niya, umaasa na buo pa ito. Pero imbes na frame ng salamin ang mahawakan niya, ibang bagay ang nadampian ng palad niya.Matigas. Mainit.Parang...Parang katawan.Napakislot siya, natigilan, at nap
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments