Marry Me, Stranger

Marry Me, Stranger

last updateHuling Na-update : 2025-09-23
By:  Jhayne WritesIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
5Mga Kabanata
7views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Halo- halo ang emosyon ni Charmaine ng sambitin niya ang mga katagang iyon. Dahil sa isang gabing pinagsaluhan nila ng lalaking saglit pa lamang niya nakilala, nagbunga ang gabing ‘yon. Desperado siya na magpakasal sa lalaking ito. Hindi dahil sa pera o kung ano man ang mayroon ang lalaking ito. Kundi para may makilalang ama, ang sanggol sa sinapupunan niya. “Okay, then, let's get married. “— Evans Clarkson Ano kaya ang naghihintay na buhay kay Charmaine, matapos pumayag ang isang Evans Clarkson sa biglaang kasal na hiniling niya? Tamang desisyon kaya ang hiniling niya sa lalaking ito? May mamumuo kayang pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?

view more

Kabanata 1

Chapter 1: Unexpected Pregnancy 

    . "You're pregnant,” sambit ng babaeng doktor, na nasa edad 40. 

   Napatulala si Charmaine, matapos marinig ang anunsyo ng doktora. Kitang kita niya ang resulta ng ultrasound. Tunay ngang buntis siya…

 Binigyan ng doktora ng malamig na tingin si Charmaine. Marami ng naging pasyente ang doktora na karamihan ay puro kabataan, na nag papa-check up. Mga kabataan na nagugulat sa mga nagiging resulta ng kanilang checkup.

“Ito ba ay first baby mo, Miss?” tanong ng doktor kay Charmaine na hindi malaman kung ano ang gagawin. 

    "Ah, eh, first time ko po ito, doc.” Sagot nI Charmaine.

    "Let me tell you, Ms. Kung iniisip mong ipalaglag ang baby sa tiyan mo, huwag mo ng subukan pa. Maraming consequences kapag ginawa mo iyon.” Paalala ng doktora sa kaniya. 

Kaagad na umiling si Charmaine upang ipadating sa babaeng doktor na gusto niya ang baby sa tiyan niya. “Hindi ko po ipapalaglag ang baby sa tiyan ko.” 

    

Ngumiti ang doktor at napatango. You are five weeks pregnant. At healthy naman ang baby mo. Malakas ang kapit. Kaya hindi ka masyadong mag-aalala sa kalagayan ng baby mo habanf pinagbubuntis mo siya. Pero, mag-iingat ka pa din para ma-sure natin na parehas kayong safe and healthy.”  

    "Okay po, thank you po, doc." Sambit ni Charmaine. 

Unang una sa lahat, hindi talaga inakala ni Charmaine na mabubuntis siya. 

    

Ngunit ngayon, nagdadalang tao na siya. Wala na siyang magagawa dun. Kailangan niyang panindigan ang pagbubuntis niya.  

Ang problema nga lamang ay hindi pa siya kasal. At hindi pa siya sigurado kung matutuwa ba ang parents at kapatid niyang lalaki, oras na malaman ng mga ito ang pagbubuntis niya.

 Malapit ng sumapit ang dilim, umuwi si Charmaine gamit ang bike niya papunta sa apartment ng parents niya. Bago siya umuwi, bumili muna siya ng mga prutas. Nang makarating siya sa tapat ng pintuan Milla, kaagad sumalubong sa kanya ang ina ni Charmaine na si Nelda. 

    "At saan ka naman nanggaling, Charmaine? Anong oras na? At ngayon ka lang talaga nagpakita sa akin, pasaway kang bata ka!” Sambit ng ina.

“Ma, hayaan niyo na si bunso. Mabait naman ‘yan, at hindi na kailangan pang bantayan. At isa pa, busy rin iyan sa trabaho, di ba nga bunso?” sulpot ng kapatid niyang panganay na si Charles. 

Napairap ang ina sa sinabi ni Charles. “ Busy? Mukha bang busy ang kapatid mong iyan? Iyang kapatid mo, Charles, walang utang na loob. Every month, sampung libo lang ang binibigay sa akin ng kapatid mo! Hindi ko alam kung pinagdadamutan tayo nito o ano. Dahil sa kakuriputan niyang si Charmaine, hindi ka man lang matulungan makabili ng sasakyan!” Nanggagalaiting sambit ng ina. 

Napabuntong hininga si Charmaine. Hindi na siya umimik at hinayaan ang ina na magpatuloy magsalita. 

“Charmaine, tulungan mo ang Kuya Charles mo sa pagbili ng sasakyan.” Ani pa ng inang si Melda. 

“Susubukan ko, Ma.” Sambit ni Charmaine. 

“Nga pala, merong nagpunta dito na isang mayamang lalaki, mag propose ito ng kasal para sa ‘yo, Charmaine. Handang magbigay ng malaking pera ang lalaking iyon, at matutulungan mo na kami para umangat sa buhay, Charmaine.” Masayang sabi ni Melda.

“Mama naman eh. Hindi pa ko ready para magpakasal.” Angal ni Charmaine. 

“Walang pero, pero. Gaganda naman ang buhay mo, Charmaine, pati kami, giginhawa ang buhay. “ Saad ni Melda. 

“Ma, hayaan natin si Charmaine. Hayaan natin siya magdesisyon para sa sarili niya. At hindi ko naman kailangan humingi ng tulong kay Charmaine para makabili ng sasakyan.” Sambit ni Charles, na hindi rin sang-ayon sa nais ng ina.

“Ako ang magdedesisyon, dahil ako ang ina. Pinalaki ko kayo, at lalo ka na Charmaine, para tumulong sa pamilya. At kailan pa tayo tutulungan umangat sa buhay ng kapatid mo Charles, kung wala pa iyang balak mag-asawa?!” Galit na saad ni Melda.

 Hindi na kinayanan ni Charmaine ang kahibangan ng ina nila. Kung kaya naman, tinulak niya ang pinto upang tuluyang bumukas at humakbang papasok sa loob ng bahay.

   

“Anak, nagbibiro lamang ako, huwag mong seryosohin. Pero ang lalaking iyon ay napakabuti, kahit na divorced ito sa unang asawa. “ Saad ni Melda.

  

    Tumigil si Charmaine sa paglalakad at muling hinarap ang ina. “Ma, hindi ako magpapakasal sa lalaking tinutukoy niyo.”

Namumula naman sa galit si Melda. Talagang hindi nito nagustuhan ang pagiging suwail ng anak na si Charmaine. “ Sa tingin mo ba, nakikipag negosasyon ako sa ‘yo, Charmaine? Ina mo ako, at anak kita. Marapat na sundin mo ako. Ako ang bumuhay sa ‘yo! Ang lakas ng loob mong suwayin ang nais ko!”

Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Charmaine dahil sa kaniyang ina na laging isinusumbat sa kaniya ang pagpapalaki sa kaniya. 

Ang kaniyang ina ay napakahigpit at walang ibang inisip kundi ang magkapera at umasenso sa buhay. Hindi rin pinaramdam sa kanyang ina na importante siya. Hindi ni Charmaine naranasan noong bata pa siya na makabili ng bagong damit, laruan at makakain ng masarap. Ngunit ang Kuya niyang si Charles ang laging nakakaranas ng marangyang buhay. 

Ngunit, lahat ng kalupitan ng ina nila sa kaniya ay hinayaan niya lamang. Mahal niya ang ina, mahal niya ang pamilya niya. Ngunit, hindi lamang niya inakala na pipilitin siya ng ina na magpakasal sa matandang lalaki. 

Napakuyom si Charmaine ng kamao, at napahugot ng malalim na buntong hininga.

    

  “Ma, buntis po ako. Kung ipagpipilitan niyo pa iyan, hindi rin matutuloy. Hindi ako magpapakasal sa matandang lalaki para lang sa pera, sa yaman!” Lakas loob na sambit ni Charmaine. 

Ang kuya at Mama niya ay tila na estatwa sandali. Gulat na gulat sa isiniwalat niya

  Nabalik sa ulirat si Melda at masama niyang tinignan si Charmaine. “ Paano ako nagkaroon ng anak na katulad mo?! Walang utang na loob! At ngayon, sasabihin mong buntis ka? Sabihin mong nagbibiro ka lang, Charmaine!” Mangiyak- ngiyak sa galit si Melda.

Alam na ni Charmaine na hindi talaga magugustuhan ng kanilang ina ang sinabi niya. Ngunit wala naman na siyang magagawa. Buntis na siya at kailangan niya iyong panindigan.

Napaluha siya. Sobrang na disappointed si Charmaine sa sarili. Sa huli, ma's pinili na lamang niya ang talikuran ang ina upang pumunta sa kuwarto. 

.

‘Bunso, totoo bang buntis ka? Kung totoo man ‘yun, huwag kang mag-alala, nandito si Kuya Charles mo para maging sandalan mo. Huwag mo ng isipin ang sinabi ni Mama, okay? Kapag okay ka na, nandito lang ako, ikwento mo sa ‘kin kung nasaan ang ama ng pinagbubuntis mo.” Litanya ni Charles.

    "THANK YOU KUYA!”

Sobrang masaya pa din si Charmaine dahil sa kabila ng masamang trato sa kaniya ng magulang nila. Nandyan ang Kuya Charles niya para maging Knight and Shining Armour niya. Ang kuya Charles niya ang pumuno sa mga pagkukulang ng parents niya sa kaniya. Kung wala ang kuya Charles niya, hindi niya alam kung paano makaka- survive sa pamilyang ito.

   “Pero bunso, kahit anong sama ng magulang natin, huwag kang magtanim ng galit sa kanila. Ganyan lang talaga si Mama, gusto kasi umangat sa buhay.” Ani ni Charles.

    “Kuya, naiintindihan ko naman si Mama. Kaso, nakakapagod lang na lagi siyang ganyan. Ngayon na buntis na pala ako, kailangan kong panindigan ito.” Sambit ni Charmaine habanf merong lungkot sa mukha.

“Charmaine, ipakilala mo sa amin ang lalaking nakabuntis sa ‘yo. Kailangan niyang panagutan ang pagbubuntis mo.” Seryosong utos ni Charles kay Charmaine.

    

    Malalim na napabuntong hininga si Charmaine at napipilitang kinuha ang cellphone sa kaniyang bag at meron siyang tinawagan.

“Hello

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status