***
~~~Knox~~~
***
Aaminin ko, hindi ko inaasahan ganitong nakakaakit ang kaibigan ni Finn.
Laging nakakailang na nerd ang kuwento niya lagi tungkol sa kanya.
Pero ito?
Matalas ang dila, nakatayo sa gitna ng sex shop at madilim ang kulay ng damit ng babaeng ito, kaswal na nakikipag-usap tungkol sa pangunguryente at mga gamit ng BDSM sa sales rep, hindi ito ang inaasahan ko.
Pero… hindi ako makaiwas ng tingin.
Napaka tight fitted ng leather pants niya.
Mabigat ang boots niya sa sahig.
Ang blouse niya ay parang ikalawang balat na nakakapit sa katawan niya, tapos ang bangs niya at salamin? Naiisip ko ang mga dominatrix sa club. Ang kulang na lang sa kanya ay riding crop at ang istriktong pag-uutos gamit ang bibig niyang makapal ang mga labi.
Pinanood ko siyang kunin ang violet wand na ginagamit na panguryente sa masarap na paraan.
“Gaano ito kadelikado?” tanong niya sa sales rep.
“Sa anong paraan?”
“Tulad ng… sapat ba ang boltahe nito para ano, makapatay sa… kuryente? Mga sapat na boltahe para kapag nakakuryente ay sapat na para humilaway ang kaluluwa sa katawan.”
Halos masamid ako dahil pinipigilan ko matawa.
“Ang mga kagamitangi to ay nilikha para maging ligtas,” paliwanag ng sales rep. “Ang disenyo nila ay para gamiting laruan, hindi para… makapanakit ng tunay.”
Bumuntong hininga si Sloane, ibinalik niya ang wand sa display.
“Sayang naman,” sambit niya.
Humarap siya sa sales rep ng walang ekspresyon.
“Sigurado ka ba na wala ng mas delikadong bagay dito?”
Nanlaki ang mga mata ng sales rep. “Technically… kung iisipin mo,” nautal siya, “ang lahat ng ito ay may potensyal na maging delikado, hindi ba? Ang ibig ko sabihin… may mga taong namatay na sa lakas ng bahing nila.”
“So ang sagot mo ay wala na?”
Hindi ko na ito kaya. Ang kawawang babae na ito ay mukhang tatawag na ng security o kaya hihimatayin. Lumapit ako, sumali ako sa pinag-uusapan nila.
“Pasensiya na sa sinasabi ng asawa ko,” hinawakan ako ang likod ni Sloane. Naramdaman ko na nanigas siya. “Minsan nagiging… intense siya. Kami na ang bahala dito.”
Halos tumakbo na paalis ang sales rep.
Nakatitig ng kakaiba sa sakin si Sloane. Baka may kinalaman ito sa nabanggit kong salita na “asawa”.
“Alam mo,” sinabi ko, sapat ang lapit ko para maamoy siya, “Kung gusto mo talagang mamatay si Delilah, puwede ka umupa ng assassin.”
“Masyadong obvious. Matutunton nila ako pabalik.”
Ngumiti ako. “Oo. Pero kung gagawin mo ng tama, hindi.”
“May contact ka?”
Umiling-iling ako. “Wala.”
“So peke ka lang na gangster?”
“Sinong may sabi na gangster ako?”
Tinignan niya ang tato na kita mula sa t-shirt ko. “Hindi ba?”
Natawa ako.
Magiging masaya ito.
“Ganito na lang,” sambit ko. “Sasabihan kita agad sa oras na makakita ako ng assassin.”
“Maaappreciate ko iyon.”
Iniwan ko siya at nagsimula maghanap sa mga istante, kaswal na kumuha ng posas, leather paddle, at silk na pang piring.
Narinig ko na nasa likod ko si Sloane.
“Mukhang marami kang nalalaman tungkol dito,” sabi niya. “Parang alam na alam mo kung anong binibili mo.”
“Kasama ito sa trabaho ko.”
Tumigil siya. “Nagbebenta ka ng sex toys?”
“Mas nararapat sabihin… lumilikha ako. At may-ari ako ng sex club,” sagot ko, humarap ako sa kanya, naghanda para sa magiging reaksyon niya. Ang karamihan sa mga tao ay hindi mapakali o kaya hindi hindi kumportable, minsan malinaw na nandidiri. Parehong pahirap ang mga reaksyon nila.
Tinitigan lang niya ako, blangko ang mukha niya.
“Mayaman ka siguro,” sambit niya.
Hindi ko talaga iyon inaasahan. “Ano…”
“Ano iyon, Knox?”
“Hindi ko alam.”
Sumimangot siya. “Kung hindi ka sigurado, ibig sabihin mayaman ka nga. Ang mga mahihirap na tao ay hindi nagdududa na mahirap sila.”
“Ganoon ba iyon?”
“Oo. Siguradong mayaman ka.”
Ngumiti ako. “Okay, Sloane. Sabi mo eh.”
Hindi ko maalala kung kailan ako huling nag-enjoy ng may kausap ng ganito. Iba siya. Ang karamihan sa mga tao ay nagiging weird kapag nababanggit ko ang trabaho ko, kabilang na din ang pamilya ko. Pero mukhang normal lang ito sa kanya. Parang isa lang trabaho—na, kung iisipin ay malaki ang kinikita.
Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtatanong ng bagay na matagal ng nasa isip ko. “Kayong dalawa ni Finn. Kayo ba?”
Nanigas ang mukha niya.
“Hindi.”
“May nangyayari ba sa inyo?” tanong ko.
“Walang wala.”
“Sige.”
Mukhang handa na siyang patayin ako.
Dinala na namin sa counter ang mga gamit na kinuha namin, hiniling na i-gift wrap sila.
Habang nakaupo kami at naghihintay, nagkrus ang mga braso ni Sloane.
“Paano ka nagiging kumportable sa katotohanang pakakasalan ng kaibigan mo ang ex ng kapatid mo?” tanong niya.
Hmm. Dumiretso siya sa punto. “Ano,” sagot ko. “Gold digger si Delilah. Mayaman si Hunter.”
“Ah. Classic.”
“Kaibigan ko si Hunter. Hindi ko man gusto ang mga desisyon niya, pero bilang kaibigan, nirerespeto ko ito.”
“Kaibigan ka ba talaga niya kung hindi ka gumagawa ng paraan para matauhan siya?”
“Magiging kaaway ko lang siya sa ganyang paraan. Hindi ka mananalo pagdating sa pag-ibig, Sloane.”
Tinitigan niya ako ng masama. “Sigurado akong kaya ko subukan.”
Ngumiti ako, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nakakatuwa at nakakaawa ang kasimplehan niya ng pag-iisip.
“Gaano katagal mo ng sinusubukan akitin si Finn?” tanong ko. “Saang punto ka na nakarating?”
Nanigas ang buong katawan niya. Mukhang may tama ako.
Dapat akong tumigil. Hindi ko siya dapat sagarin.
Pero may hindi ako maipaliwanag na bagay sa kanya.
May hindi maipaliwanag na dahilan na kapag nakakakita ka ng taong inosente ay gusto mo silang buksan. Na durugin sila.
“Ang universe ay mag-aalign sa mga taong nararapat para sa isa’t isa,” sinabi ko sa kanya, nakatitig ako ng mabuti. “Mapa mabuti man sila o masama. May sense man ito o wala. Ang pinakamaganda mong magagawa ay hayaan ang mga tao sa kani-kanilang mga buhay, Sloane.”
Nagbabaga ang mga mata niya.
“Hindi ka mabuting kaibigan, Knox,” sinabi niya.
“Dahil sinasabi ko sa sarili ko ang totoo?”
“Hindi. Dahil makasarili ka.”
Ngumisi ako. “Oh? At saan ka nakarating dahil sa inuuna mo ang iba? Nagkaroon ka ba ng maayos na date sa loob ng nakalipas na mga buwan? May dinedate ka ba ngayon? O umiikot lang ang buong buhay mo kay Finn Hartley at walang kuwenta niyang obsession sa babaeng wala namang pakielam sa kanya?”
Nagdilim ang mga mata niya, may bahid ng pagiging bayolente.
Panandalian kong naisip na baka sasampalin niya ako.
Diyos ko po, sana nga sinampal niya ako.
Pero sa halip, tumayo siya, at tinitigan ako na parang tagos sa kaluluwa ko.
“P*tang ina mo,” dumura siya sa sahig at tumalikod habang padabog na palabas ng shop.
Sumandal ako sa counter, pinanood ko siyang umalis.
Masyadong nag-iisway ang puwet niya sa tight leather pants niya. At ang paraang pagtalbog ng buhok niya sa balikat niya ng buksan niya ang pinto at naglaho sa dilim?
Perfection.
Mahihirapan akong pigilan ang sarili ko na galitin si Sloane sa kasalang ito.
Mahihirapan din ako na hindi siya tignan—at hawakan.
Problema ang dala niya.
Klase ng problema na gusto ko dalhin sa kama ko at guluhin.
~~~
Tumitig si Sloane sa labas ng bintana sa buong biyahe namin pauwi.
Nakakrus ang mga braso. Tikom ang bibig. Tahimik.
Sa totoo lang nakakahanga ang pagiging committed niya na hindi ako pansinin. Kahit isang sulyap sa direksyon ko, lalo na kahit lakasan ko ang ingay ng makina para makita kung magrereact siya.
Aaminin ko, namimiss ko ang madaldal na Sloane.
Noong pumarada na ako sa bahay ng mga magulang ko, napalingon siya.
Kita ko na nagulat siya sa mansyon, maraming katanungan base sa ekspresyon niya. Pero anuman ang gusto niyang sabihin, pinigilan niya ang sarili niya.
Inalis niya ang seatbelt, bumaba ng sasakyan at kinuha ang bag niya mula sa trunk.
“Hayaan mong tulungan kita dyan,” sinabi ko.
“Hindi. May mga kamay ako. Salamat na lang.”
O-kay.
Hinayaan ko na siya doon, naglakad ako kasabay niya papunta sa entrance.
Binuksan ko ang pinto para sa kanya, at ng pumasok siya, tinignan niya ang engrandeng foyer.
“Mayroon ba akong dapat malaman tungkol sa mga magulang ninyo?” sinabi niya sawakas at kinausap ako.
“Tulad ng?” tanong ko, kahit na alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Ilang beses ko ng nakita ang ganitong reaksyon.
“Tulad ng, galing ba sila sa mayamang pamilya o kung ano man?”
“Puwede mo tanungin ang bestfriend mo. Nasa taas siya.”
Umirap siya at inilipat ang atensyon sa malaking hagdan na papuntang second floor. Alam ko kung anong nasa isip niya. Iniisip niya kung paano niyang dadalhin pataas ang bag niya.
“Iwan mo na lang sa baba ang bag mo, Sloane,” sinabi ko, natutuwa ako. “May aasikaso niyan.”
Hindi siya nakipagtalo. Ibinaba niya.
“Nasaan ang mga magulang ninyo?” Tanong niya.
“Sa labas ng bansa. Balik nila bukas pa o baka sa susunod na araw pa.”
“Galing,” bulong niya. “So tayo-tayo lang nandito?”
“Ano… kung hindi mo ibibilang ang mga empleyado, ganoon na nga.”
“Ayos.” Tinignan niya ako. “Paki sama ako sa kuwarto ni Finn.”
Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko at mapagbirong nagsalita. “Masusunod po, ma’am.”
Isinama ko siya pataas ng hagdan. Naglakad kami sa mahabang hallway bago tumigil sa harap ng kuwarto ni Finn. Hindi ako nag-abalang kumatok, pumasok na lang ako bigla.
“Bunso,” anunsiyo ko. “Nandito na ang bestie mo.”
At doon namin ito nakita.
Si Finn at Delilah ay bumitaw mula sa isa’t isa ng nagmamadali.
Naghahalikan sila.
Nanigas ng husto si Finn.
Samantala, si Delilah ay hindi halos nagreact. Inayos lang niya ang buhok niya.
“Hindi ka ba marunong kumatok?” tanong niya.
Tinignan ko si Sloane. Nanigas ang ekspresyon niya.
“Gaano ka ba katanga, Finn?” tanong niya.