Masuk"Son, hindi maganda kung nandiyan ako. Naisip ko na mas makakapag-usap at mas makikilala niyo ang isa't isa kung kayong dalawa lang. So, enjoy, you tw—" Masaya at puno ng pananabik na ani Tita Maria sa kabilang linya.
"Mom, ang sabi mo ay pupunta ka kaya ako pumayag." Lumingon si Nathan kay Bambi, kinuha ang kamay nito at ilang beses na pinisil. "At kasama ko si Bambi to announce something important."
"What?!" singhal ng ina. "Ano na ang sasabihin ni Steph kung isinama mo pa ang babaeng 'yan?!"
"'Ano ang iisipin ni Bambi kung makita niyang kasama ko si Steph.' That's the right word, Mom." Pagtatama ni Nathan saka sunod-sunod na bumuga ng marahas na buntong-hininga.
Walang imik ang ginang sa kabilang linya, nanginginig sa inis at gusto sanang sugurin si Bambi. Kung hindi lang dahil sa anak, matagal na sana niya itong hinarap. 'Panira talaga ang babaeng 'yon.'
"Hahayaan ko na lang ang nangyari ngayon, Mom. Pero huwag mo nang uulitin," ani Nathan nang mapansin na hindi na nagsasalita ang ina. "I'll talk to Steph para hindi masayang ang pagpunta niya."
Hindi na muling kumibo ang ginang at pinatay ang tawag. Kasabay noon ang malalim na buntong-hininga ni Nathan bago bumaling kay Bambi.
"Pagpasensyahan mo na si Momma. Gusto lang talaga niyang maging malapit kami ni Steph dahil inaanak niya rin iyon."
Hindi kumibo si Bambi. Alam niyang nagbubulag-bulagan si Nathan sa ginagawa ng ina, at hindi na iyon ang unang beses.
"Puntahan mo muna ang kinakapatid mo, hon," ani Bambi na may maliit na ngiti sa labi. "Mauuna na akong umuwi. Sayang naman ang inihanda ng momma mo kung hindi niyo magagamit—at hindi naman ako invited. Baka mas lalo pa siyang magalit dahil nasira ko ang plano niya."
Ramdam niyang pinipiga ang puso habang sinasabi iyon. Nais niyang pumili si Nathan ng ibang landas—ang piliin siya—ngunit hinayaan niyang ito mismo ang makapansin.
"Okay. Mag-iingat ka. Mag-text ka sa akin kapag nasa apartment ka na," ani Nathan, bahagyang nakahinga ng maluwag.
Sa kabila ng matinding disappointment, mas pinili ni Bambi ang ngumiti sa nobyo. Hindi na iyon bago; ilang taon na rin siyang paulit-ulit na hindi ang pinipili.
Natauhan siya mula sa pag-iisip nang may nag-doorbell sa apartment niya. Nabuhayan si Bambi, umaasang si Nathan ang dumating. Ngunit panghihinayang ang bumungad sa kanya nang si Lani ang makita.
Hindi pa man niya pinapapasok, pumasok na ito at prenteng naupo sa sofa.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Bambi."Matagal ka nang hindi nagpaparamdam. Akala ko tumirik na mata mo," walang preno ang bungad ni Lani. "At mukhang sakto ang punta ko. Tell me, may ginawa na namang kalokohan ang mapangmata niyang ina, 'no?"
"Katulad ng dati." Umupo rin si Bambi. "Kasalanan ko rin. Hindi naman ako invited pero pumunta pa rin ako."
"T*nga ka kasi," komento ni Lani habang bumuga ng hangin. "Hindi mo na lang iwan iyang momma's boy mong boyfriend. Ang tagal ka nang pinapahirapan ng pamilya niya pero naniniwala pa rin siya sa kanila. Hindi naman siya bulag o manhid, kaya sigurado akong kinakampihan niya lang ang nanay niya."
Bumaba ang tingin ni Bambi at mariin na kinagat ang ibabang labi, pinipigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
"W-wala eh... mahal ko siya.""Sis, hindi sa lahat ng pagkakataon ay pagmamahal ang dapat mong inuuna—sarili mo dapat. Ano? Kung siya ang makakatuluyan mo, edi buong buhay mo aalipustahin ka ng pamilya niya."
Natamaan si Bambi sa sinabi ng kaibigan. Matagal na rin niya iyong naiisip, pero hindi niya kayang makita ang sarili na wala si Nathan.
"Hindi ako katulad mo, Lani. Maganda ka, sexy, at mula sa magandang pamilya. Lahat ng iyon ay wala ako. Sa tingin mo ba, may ibang lalaki na magkakagusto at mamahalin ako sa ganitong itsura?"
Iyon ang mga salitang laging sinasabi ni Nathan sa tuwing nag-aaway sila. Mabait ito, oo, pero kapag nagagalit ay masasakit na salita ang ibinabato—at hindi siya makapagsalita dahil alam niyang totoo.
"Sino ang nagsabi sa'yo na walang ibang magkakagusto sa'yo?" kunot-noong tanong ni Lani, sabay marahang hinila ang buhok ni Bambi. "Maganda ka, sexy ka, at mas matalino ka kaysa sa akin. Hindi mo lang inilalabas dahil takot ka at ayaw mong ipakita."
Naghari ang katahimikan. Hikbi lamang ang maririnig kay Bambi. Hindi siya inaalo ni Lani, ngunit ramdam niyang kasama niya ito. Ikinuwento niya lahat—pati ang proposal ni Nathan. Nanatili pa ring tahimik ang kaibigan.
Lumipas ang ilang oras. Lumubog ang araw at kumalma na ang damdamin, bagama't mahapdi pa rin ang mga mata sa pag-iyak.
Dinampot ni Bambi ang cellphone. Walang mensahe mula kay Nathan—ngunit meron mula sa ina nito. Pinapupunta siya sa isang hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Lani, nakasaad pa ang numero ng kwarto kung saan sila mag-uusap.
"Anong nangyari?" tanong ni Lani, halatang nag-aalala.
Ipinakita niya ang mensahe. "S-samahan mo ako."
“Bambi’s boyfriend.”NAIILANG na nag-iwas ng tingin si Bambi sa nakakatunaw na titig sa kaniya ni Kayde habang sinasabi ang mga kataga na iyon. Hindi sa di niya kayang salubungin ang tingin ni Kayde kundi dahil sa malakas na kabog ng dibdib niya at kakaibang nararamdaman niya.Kasinungalingan. Nagpapanggap lang kayo, Bambi, huwag ka magpadala sa lumalabas sa bibig niya. Suway sa sarili niya.“Ha---hahaha! Don’t me, pare. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. How come na ibinigay niya sa iyo ang ilang taon kong hiningi na hindi niya maibigay—” Nakakalokong tawa ang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa kanilang tatlo.Huminga siya ng malalim bago sumagot. “He’s telling the truth,” sagot niya habang hinahawakan ang kamay na nasa bewang niya. “Ibinigay ko sa kaniya kahit hindi niya hiningi. Hindi naman masama ‘yons dahil boyfriend ko siya.” “Boyfriend?” May talim ang boses nito na may hindi maipintang mukha. “Naging boyfriend mo ako ng mahigit apat na taon, Bambi!”Natatawang binalingan
Muling bumalik sa isip niya ang mga alaala—ang mga pangyayari noong araw na 'yon—nang magtagpo ang mga mata nila. Masaya ang dalawa, lalo na si Tita Maria, dahil natupad ang plano nitong paghiwalayin silang dalawa."First warning," ani Lani sa tabi niya. "Ilang buwan na rin. Siguro ubos na ang luha mo para sa ingrown na 'yon.""Hindi ako iiyak," nakangiti niyang tugon habang pinatutuyo ang kamay.Pagkakita niya sa dalawang lalaking matagal na niyang iniiwasan sa iisang lugar, mabilis niyang hinila ang kaibigan papunta sa banyo para makatakas. Doon siya magaling—sa pagtakas."Good. Hayaan mo silang magsama. Hindi magtatagal, 'yung babaeng 'yon naman ang lolokohin ng kupal na 'yon." Tumirik pa ang mata ni Lani. "Tara na. Natanggal nga ang stress ko, pero ikaw naman ang na-stress."Mahinang natawa si Bambi sa sinabi nito. Hindi lang stress ang nararamdaman niya—pagod din mula sa buong maghapon.Paglabas nila, huminto si Lani sa harap ng arcade bench. "Nakalimutan ko 'yung isang paper bag
ITO ang unang beses na nagsabi ang Tita Maria na mag-uusap sila, sa tagal niya karelasyon ang anak nito ay ito rin ang unang pagkakaataon na inimbitahan siya nito. Pero sa hindi malaman na kadahilanan, kinakabahan siya maaring malaman o sabihin nito.“Huwag ka mag-aalala, andito ako.” Pinalalakas ni Lani ang loob ng kaibigan.Bumuga ng marahas si Bambi na nagtungo sa front desk, sa hindi malaman na kadahilanan ay ayaw silang pagbigyan ng una pero ng nagpakita na si Lani ay walang magawa ang babae kundi ang pumayag.Invasion of privacy pero hindi siya magpupunta dito kung hindi dahil sa sinabi ng ginang. Mas lalo tuloy kumakabog ang dibdib niya sa kaba.Humigpit ang hawak ni Bambi sa braso ng kaibigan ng makarating sa pinto ng kwarto. Wala siyang ibang ingay na ginawa, gamit ang susi na binigay sa kanila ay binuksan niya ang pinto na hindi umaagaw ng atensyon.Parang binuhusan siya ng malamig na tubig ng mabilis na bumugad sa kaniya ang kama, kung saan natagpuan ang nobyo na naliligo s
"Son, hindi maganda kung nandiyan ako. Naisip ko na mas makakapag-usap at mas makikilala niyo ang isa't isa kung kayong dalawa lang. So, enjoy, you tw—" Masaya at puno ng pananabik na ani Tita Maria sa kabilang linya."Mom, ang sabi mo ay pupunta ka kaya ako pumayag." Lumingon si Nathan kay Bambi, kinuha ang kamay nito at ilang beses na pinisil. "At kasama ko si Bambi to announce something important.""What?!" singhal ng ina. "Ano na ang sasabihin ni Steph kung isinama mo pa ang babaeng 'yan?!""'Ano ang iisipin ni Bambi kung makita niyang kasama ko si Steph.' That's the right word, Mom." Pagtatama ni Nathan saka sunod-sunod na bumuga ng marahas na buntong-hininga.Walang imik ang ginang sa kabilang linya, nanginginig sa inis at gusto sanang sugurin si Bambi. Kung hindi lang dahil sa anak, matagal na sana niya itong hinarap. 'Panira talaga ang babaeng 'yon.'"Hahayaan ko na lang ang nangyari ngayon, Mom. Pero huwag mo nang uulitin," ani Nathan nang mapansin na hindi na nagsasalita ang
KABANATA IVFlashbackPuno ng pag-aalinlangan ang mukha ni Bambi habang nakatitig sa salamin, nakatuon ang pansin sa repleksyon ng lalaking nasa kanyang likuran. Pinuntahan siya nito upang ayain na sumama sa kanilang pupuntahan.Nalaman niya mula kay Nathan na nag-aaya ang ina nitong kumain sa labas. Subalit, hindi lamang iyon ang dahilan. Kasama kasi ng ginang ang anak ng kanyang kumare—hindi para muling magkita, kundi upang ibugaw ang anak sa iba.Halos taon na rin ang binibilang nila bilang magkasintahan. Matagal na ring alam ng pamilya ni Nathan ang tungkol sa kanila, ngunit patuloy pa rin ang ina nito sa pagtatangka na ipares ang anak sa iba. Dahilan?Simple lang—hindi raw siya nababagay kay Nathan. Kung sa paningin ng iba ay parang langit si Nathan, si Bambi naman ang lupa. Mariing tutol ang pamilya, lalo na ang ginang, na walang tigil sa paggawa ng paraan upang masira ang relasyon nilang dalawa.Marahil ay dahil iyon sa pamilya at antas ng buhay na kinalakhan niya kaya't hindi
KABANATA IIIWalang imik si Bambi habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Lani. Hinihintay niyang magsalita ito at mag-umpisang magtanong, pero wala siyang narinig mula rito. Ramdam niya ang panakaw na sulyap nito sa kaniya, para bang naghahanap ng tamang tiyempo upang magsalita.Tinignan niya ang café na kanilang nilabasan. Nakatayo pa roon ang lalaking pinagbayaran niya ng pagkain. My body and service are more than a hundred fifty pesos. Ibig sabihin, aminado rin itong isa nga siyang bayarang lalaki.Sayang, gwapo pa naman. Pero kung tutuusin, karamihan ay kakapit sa patalim para mapunan ang kumakalam na sikmura at masuportahan ang araw-araw na gastusin. Ang problema lang, hindi naman ito mukhang dukha para umabot sa ganoong sitwasyon."So, paano mo kilala 'yung fafa na kasama mo kanina?" tanong ni Lani, may halong malisyang pahiwatig ang boses.Binalingan niya ang kaibigan, saka ibinalik ang tingin sa harapan. "Hindi ko siya kilala. Naupo lang siya bigla roon," pagsisinunga







