INICIAR SESIÓNKABANATA IV
Flashback
Puno ng pag-aalinlangan ang mukha ni Bambi habang nakatitig sa salamin, nakatuon ang pansin sa repleksyon ng lalaking nasa kanyang likuran. Pinuntahan siya nito upang ayain na sumama sa kanilang pupuntahan.
Nalaman niya mula kay Nathan na nag-aaya ang ina nitong kumain sa labas. Subalit, hindi lamang iyon ang dahilan. Kasama kasi ng ginang ang anak ng kanyang kumare—hindi para muling magkita, kundi upang ibugaw ang anak sa iba.
Halos taon na rin ang binibilang nila bilang magkasintahan. Matagal na ring alam ng pamilya ni Nathan ang tungkol sa kanila, ngunit patuloy pa rin ang ina nito sa pagtatangka na ipares ang anak sa iba. Dahilan?
Simple lang—hindi raw siya nababagay kay Nathan. Kung sa paningin ng iba ay parang langit si Nathan, si Bambi naman ang lupa. Mariing tutol ang pamilya, lalo na ang ginang, na walang tigil sa paggawa ng paraan upang masira ang relasyon nilang dalawa.
Marahil ay dahil iyon sa pamilya at antas ng buhay na kinalakhan niya kaya't hindi siya magustuhan ng mga magulang.
Marahas siyang bumuntong-hininga upang putulin ang mahabang katahimikan sa pagitan nila.
"Sigurado ka ba na puwede akong sumama sa lakad niyo? Baka mas lalo lang magalit si Tita Maria kapag nakita niyang ako ang kasama mo," tanong niya matapos ang ilang sandaling pananahimik.
Nag-angat ng tingin si Nathan mula sa nilalarong cellphone.
"Hon, bakit mo nasasabi iyan? Maayos naman ang pakikitungo ni Momma sa'yo, pero lagi kong naririnig sa'yo ay puro hindi magagandang salita."
Itinirik ni Bambi ang mga mata.
"Maayos lang kapag nandiyan ka."
"What?" kunot-noong tanong ni Nathan. "Hindi ko narinig ang sinabi mo. Pakiulit."
"Wala akong sinasabi," inosenteng sagot ni Bambi bago inilagay ang mga gamit sa kanyang bag.
Wala siyang inaasahang maganda sa lakad na iyon. Kung siya lamang ang masusunod, mas gugustuhin na niyang huwag sumama. Sigurado siyang gulo lang ang mangyayari. Para kay Bambi, mas mabuting lantaran siyang hindi magustuhan kaysa pakitaan ng pekeng kabaitan—lalo na sa harap ng maraming tao.
"Let's go, malalate na tayo," inakbayan siya ni Nathan. "And I also want you to meet Steph," dagdag pa nito.
Hindi umimik si Bambi. Halatang labag sa loob niya ang sumama, ngunit hindi rin niya kayang tanggihan ang nobyo. Sa kabila ng lahat, nagpapasalamat na rin siya na naaalala pa rin siya nito kahit sa itsura niyang pagod at alanganin.
"I want to announce later our engagement," seryosong wika ni Nathan.
Napahinto si Bambi sa paglalakad at mabilis na nilingon ang nobyo.
"Engagement?"
"Yep. Hon, matagal ko na itong pinag-iisipan. Mamaya ko pa sana sasabihin, pero nakita kong ayaw mong sumama. Kaya please?" pakiusap nito sa kanya.
Bumuga ng marahas na hininga si Bambi.
"May magagawa pa ba ako?" mahina niyang tugon, halatang wala nang ibang pagpipilian. Ngunit sa kailaliman ng kanyang puso, dama niya ang kasiyahang unti-unting sumisingit.
"I love you," bulong ni Nathan bago siya halikan sa labi.
Bago pa man makasagot si Bambi, bumukas ang pinto ng elevator at sabay silang lumabas.
Matapos ang kanilang pag-uusap, muling bumalot ang katahimikan. Ayaw ni Bambi mag-overthink, ngunit alam niya na kung ano man ang mangyari sa pagtitipon, tiyak na hindi agad matatanggap ng ina ni Nathan ang kanilang relasyon. Matagal na niya itong pinaglalaban, kaya't hindi na bago sa kanya ang ganitong sitwasyon.
Hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit may mga magulang na mapangmata—lalo na pagdating sa katayuan sa buhay.
"MOM, WHERE ARE YOU?"
Napatingin si Bambi sa kinatatayuan ni Nathan. Pagdating nila sa restaurant na napag-usapan, wala ang ina nito. Sa halip, isang mesa para sa dalawa ang bumungad—hindi para sa kanila kundi para kay Steph, na kararating pa lang.
Harap-harapan na talaga ang pambabastos na ginagawa niya sa akin.
Alam ni Bambi na matagal nang ginagawa ng ina ni Nathan ang ganitong bagay, ngunit iba pala ang sakit kapag nasaksihan mismo kung paano ito pinaghandaan—isang bagay na ni minsan ay hindi nagawa para sa kanila. Dahil kahit kailan, hindi siya kinilala nito.
Sa loob ng simbahan na puno ng kulay rosas at puting bulaklak, nagpalakpakan ang lahat ng bisita nang matapos ang seremonya ng kasal. Mabilis na tumakbo ang oras, hindi namalayan na sila ngayon ay nag-iisa. Sa harap ng lahat at sa harap ng simbahan.Marami ang nangyari sa loob ng isang buwan. Tumahik ang lahat at nagbayad ang kailangan magbayad. Tuluyan nakulong ang ina ni Nathan kasabay ng patong-patong na kasong kinaharap. Habang ang binata ay nagpatuloy sa buhay at nagsusumikap na muling pagkatiwalaan ang kanilang pangalan.Matapos ang kaguluhan, sinupportahan ni Kayde at ang mga kaibigan, si Nathan. Mabilis na nakuha ang loob at tuluyan ng naging limang itlog ang dating apat ngunit hindi pa rin maiiwasan na magselos si Kayde mas lalo na't nakikita si Bambi at dating nobyo na nag-uusap.Wala rin mas makakapantay sa kasiyahan ng ina ni Kayde. Sa wakas! Hindi na siya nag-iisa at mayroon na rin anak na babae. Pero ang hinihiling niyang apo ay hindi pa rin binibigay ng dalawa. Makakapa
MARAHAN iminulat ni Bambi ang mata, puting kisame ang agad na bumungad. Nanunot ang matapang na amoy ng mga gamot at mahigpit na kamay na nakahawak sa palad niya. Si Kayde, mahimbing na natutulog sa tabi niya. Marahan na itinaas ang kamay, hinawi ang buhok na tumatabon sa pagod na mukha ng nobyo.“G-gising ka na.” Naalimpungatan na usal ni Kayde at hinuli ang kamay niya. “S-sandali lang, tatawag na muna ako ng doctor.” Anito na nagmamadaling lumabas ng kwarto.Ilang minuto ay bumalik ito na may kasamang doctor na sinuri ang kaniyang pakiramdam. Doon niya lang rin namalayan ang pasa at iilang sugat sa pulsuhan dahil sa higpit ng pagkakagapos sa kamay.“She’s fine now, kailangan niya lang ng mahabang pahinga nang manumbalik ang lakas ng katawan niya.” Usal ng doctor ito nagpaalam matapos ang ilan pang katanungan.Tahimik ang buong kwarto, walang umiimik sa kanilang dalawa hanggang sa maramdaman niya ang pagyakap ng nobyo sa kaniya. “S-sorry, wala akong nagawa—”“Don’t say that.” Putol n
SAMANTALA, sa loob ng bodega ay nataranta ang lahat ng naiwang matino. Mabilis na nakapasok ang mga rescuers at napalibutan ang buong lugar, ang mg lasing sa sahig ay hindi na nakapalag ng lagyan ng posas ang mga kamay.Ang lahat ay may hawak na baril maliban sa kanila ng ina. Kahit anong oras ay handa na magpaputok ang bawat panig, sobra sa kalahati ang nahuli sa mga lalaki kaya’t alangin ang ibang natitira. “Ibaba niyo ang mga hawak niyong armas!”Walang sumunod hanggang sunod-sunod ang pagputok ang narinig sa loob, kanya-kanyang tago ang lahat maski ang ina ni Nathan ay napalayo sa kanya. Paunti-unti ay pumasok siya sa loob ng kwarto, bumungad sa kaniya si Bambi na nanginginig sa takot.Mabilis niya itong niyakap at pinakalma. “You’re safe now.” Ani niya pero parang wala itong narinig.Tinanggal niya ang suot na jacket bago pinupulupot sa katawan ni Bambi. Panay ang putukan sa labas ng silid, mula sa maliit na pinto ay marahan niyang inalalayan si Bambi ng makita niya ang ina na ta
MATAAS at tirik ang sikat ng araw, inihinto ni Nathan ang sasakyan sa harap ng abandonadong bodega. Katulad ng unang pagpunta niya ay maraming kalalakihan, may nag-iinuman sa harapan habang ang iba ay nagsusugal.“Boss, napabisita ka.” Bati ng isa na unang nakapansin sa kaniya.Lumingon ang lahat sa kinatatayuan niya, umayos ng tayo ang ilan ng makita siya. Sa sitwasyon ng mga ito ngayon, mabilis niyang mailalabas si Bambi ng walang hirap ngunit kailangan niya pa rin mag-ingat.Tumango siya. “May dala akong pagkain, paghatian niyo na lang.” Aniya saka inilagay sa mesa na gawa sa kahoy.Nagmamadali na nag-agawan ang ilang kalalakihan sa dala niya. “Salamat, boss! Andoon iyong babae sa loob, buti nga’t nanahimik na.” anito.“Ako na ang bahala sa kaniya,” Aniya saka nilingon ang isang muntik na siyang atakihin ng balisong. “Samahan mo ‘ko sa loob.” dagdag niya.Walang imik na sumunod ito sa kaniya. Ibinigay niya ang isang cellphone na nakalagay sa camera. “Videohan mo kami—tignan natin k
SAMANTALA, sa loob ng condo ni Lani ay naroon ang apat na magkakaibigan. Lahat ay may naglalakihang itim sa ilalim ng mata, wala rin nagtangka na umuwi. Kita ang pagod sa mga mata, lalo na si Kayde na hindi nakuhang umidlip sa buong magdamag na naghihintay ng balita patungkol sa kinaroroonan ng nobya.Napalingon ang lahat ng may magdoorbelll, akmang tatayo si Garrie ng pigilan ito ni Lani. “Ako na.”Tumango ito, bumalik sa pagkakaupo hanggang sa makapasok na ang lalaki na kanina pa nila hinintay, Katulad nila, malaki rin ang itim sa ilalim ng mata at namumula na rin sa kwalan ng pahinga.Agad na nagtama ang mata ni Kayde at Nathan, pinaupo ni Lani ang bisita bago nagpaalam na kukuha ng maiinom. Maski siya ay walang maayos a pahinga ngunit kumpara sa mga lalaki ay mas matagal siyang nakaidlip.“Pinuntahan ko siya—”“Nasaan siya?” Hindi na pinatapos ni Kayde si Nathan ng marinig ang unang tatlong salita na lumabas sa labi ng binata. “S-sino ang kumuha sa kaniya?”“Si mommy.” Pagbubunyag
SA LOOB ng inabandona na bodega huminto ang sinasakyan ni Nathan. Liblib ang lugar, sa gitna ng dilim ay walang nagtatangka na pasukin ang loob ng kagubatan kung saan nakalagay ang bodega. Walang kahit anong ilaw, maliban sa nagmumula sa sasakyan at sa loob ng budega.Mula sa labas ay dinig ang halkhakan ng mga kalalakihan, may iilang nag-iinom at ang iba ay tumba na sa kalasingin. Sinilip ni Nathan ang lokasyon, nang makasigurado na nasa tamang lugar ay lakas-loob na pumasok sa loob dahilan para maalerto ang nagbabantay.“Sino ka?!” Sigaw ng isang lalaki, may hawak na balisong sa kanang kamay at kahit anong oras ay handa siyang sugurin at itakin. “Ano ang ginagawa mo dito?!” Magsasalita pa lang siya ng lumabas mula sa isang kwarto ang ina at tinawag ang pangalan niya. “Nathan, anak!” abot-langit ang ngiti na lumapit ito sa kaniya bago tinignan ang mga kalalakihan sa loob. “He’s my son.” pakilala nito.Tumango ang lalaki. “Mabuting ipaalam sa amin ng maaga, kung hindi pa kayo dumatin







