"Mara!" natigilan na lamang ang dalaga nang tawagin siya ni Andrew at napakuyom sa kaniyang kamao. Mabilis naman tumakbo ang binata palapit sa kaniya at yumakap sa likuran niya."Mara, i'm sorry. Patawarin mo ako sa mga nagawa kong kasalanan sa'yo. Saktan mo na lang ako o kahit mura-murahin mo na lang ako tatanggapin ko. Pero, please.. huwag mo akong iwan. Mahal kita, Mara! mahal na mahal. Hindi ko kayang mabuhay ng mag-isa kapag wala ka." Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Kasabay non ang pagpatak ng luha sa gilid ng kanilang mga mata. Napakagat na lang sa ibabang labi ang dalaga at pilit na pinipigilan ang kaniyang sarili."Mahal na mahal kita. Nakikiusap ako sa'yo, bumalik ka na sa akin." Ang sabi pa nito sa kaniya. Sandaloi namang inalis ng dalaga ang kamay nitong nakapulupot sa kaniya at saka siya itinulak papalayo. Humarap siya sa binata na may matalim na tingin sa mga mata at paulit-ulit siyang hinaha
Dahil sa lakas ng ulan ay naisipan naming maghanap muna ni Andrew ng matutuluyan pansamantala. Hindi naman kasi ako makakabalik kaagad sa bahay namin, gayung hindi pa humuhupa ang galit sa aming dalawa ni Papa at tiyak ko na malayo pa ang lalakbayin naming dalawa, bago niya kami patawarin.Tumuloy kaming dalawa sa isang motel. Sa totoo lang, wala na talaga kaming ibang choice dahil ito lang naman ang bukas sa ganitong oras. Mag-aalas dose na kasi ng hating gabi at parehas pa kaming basang-basa sa malakas na ulan, kaya napilitan na lang kaming tumuloy sa ganitong lugar.Hindi naman gaano kalakihan yung nirentahan naming kwarto. Sakto lang para sa dalawang tao, ngunit ang mas pinoporoblema ko ay nung mapalingon ako sa kama at napansing nag-iisa lamang iyon.Sa hindi maipaliwanang na kadahilanan ay biglan na lang akong nakaramdam ng pag-iinit sa aking buong katawan. Nakatulal
Nagising na langa ko bigla nang humalik si Andrew sa noo ko. Pagkamulat ko ng aking mga mata, napagtanto kong nakahiga na kaming dalawa sa kama habang nakasandal ang ulo niya sa pader at nakatitig sa akin.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bumaba ang tingin ko sa tiyan niya. Hubad pa rin ang katawan naming dalawa at tangging yung maiksing kumot lang ang nagsisilbing pantakip sa maselang bahagi ng aming mga katawan."Good morning, my princess." Aniya sa malambing boses na lalong nagpainit sa aking katawan. Umagang-umaga pero parang nagliliyab na itong pakiramdam ko sa tuwing naiisip ko na hubo't hubad kaming dalawa.Hindi ako tumugon sa kaniya. Bagkus ay tinakpan ko na lang ang mukha ko ng dalawang kamay at nahihiya akong tumungin sa kaniya. Narinig ko ang pagbungisngis niya at marahang umusod ng kaunti palapit sa akin."Bakit mo tinatakpan ang mukha mo? hindi pa ako tapos na titigan k
"Anong ginagawa niyong dalawa rito? lumayas kayo! umalis sabi kayo!" ang paulit-ulit na sambit ng ama ni Mara sa kanilang dalawa ni Andrew, habang tinataboy silang pareho sa tapat ng bahay nito."Pa! makinig na muna kayo sa amin!" ang pakiusap ng dalaga sa kaniyang ama. Ngunit nagmamatigas pa rin ito at hinahagis sa labas ang mga gamit niya."Mahal! ano ba ang ginagawa mo sa anak mo? hayaan mong makapagpaliwanag na muna sila sa atin!" ani naman ng asawa nito habang pinipigilan siya sa braso."Anong anak? magmula nung sumama siya sa lalaking iyon, wala na akong kinikilalanga anak!" saad nito at patuloy pa rin sa pagmamakaawa si Mara. Hanggang sa natigilan na lang sila nang lumapit si Andrew sa mga magulang nito at saka lumuhod."Andrew, anong ginagawa mo?" usisa ng dalagita sa kaniyang nobyo.Hindi naman nagsalita si Andrew at nakaluhod pa rin siya ha
"Mara," habang abala sa pagkukwentuhan ang mga magulang nila ay saglit naman niyang hinablot ang kamay ng dalaga at siyaka maingat na pumasok sa dating kwarto niya.Pinasandal niya ang nobya sa pader at pinakulong gamit ang kaniyang mga bisig. Nabigla naman ang dalaga sa ginawa nito at bumilog ang kaniyang mga mata."An- Andrew, ano ba ang ginawa mo? kung ano man iyang tumatakbo diyan sa isipan mo, please lang. Huwag muna ngayon, huwag dito sa bahay ng magulang mo," dahil sa sinabing iyon ay bigla na lang napangisi sa labi ang binata at umiling ng ulo."Ano ba ang sinsabi mo diyan? sandali nga lang. Huwag mong sabihin na iniisip mo ngayon na may gagawin ako sa'yo rito ngayon?" pilosopo niyang inilapit ang kaniyang mukha sa harap ng nobya at tinititigan ang kaniyang mga mata."A- Andrew," mautal na sambit nito at napalunok na lang ng malalim dahil sa sobrang kaba. Muli
Dalawang araw, bago ang kasal dapat naming dalawa ni Mara. Binisita ko ang isa sa mga matalik kong kaibigan na nasa hospital, pagkatapos manganak ng kasintahan niya.Pagkatapos naming mag-usap dalawa ay sandali naman akong nagtungo sa banyo bago ko lisanin ang lugar na iyon. Nung binuksan ko ang zipper ng aking pantalon ay tila nabigla naman ako ng mapansin ko na parang may kakaiba yata sa aking ari.Well, hindi ko itatanggi na pinagpala talaga ako, ngunit habang tumatagal o lumilipas ang panahon ay para bang nag-iiba na rin ang normal nitong anyo.Napailing lang ako sa aking ulo at hindi ko iyon gaanong pinagtuunan ng pansin.Normal lang siguro iyon.Ang sabi ko na lang sa sarili ko."Sige, bro. Alis na ako." Pagkatapos kong makapagpaalam sa kanila ay kaagad rin akong sumakay ng elevator, mula tenth floor hanggang first floor. Habang tinititignan ko
(The wedding day)Araw ng kasal naming dalawa ni Mara, pero nasa loob lang ako ng isang private hotel room. Nakaupo lang sa tapat ng pintuan habang lumalagok ng alak sa boteng hawak ko.Naduduwag akong harapin siya sa harap ng altar at alam ko naman na hindi rin matutuloy ang aming kasal, sa oras na malaman niya ang tungkol na kalagayan ko.Ramdam ko ang sobrang init mula sa aking dibdib. Hindi dahil sa alak na iniinom ko kundi sa sobrang panlulumo na nararamdaman ko sa aking sarili.Halos napasigaw na lang ako ng buong lakas at inihagis ang bote ng alak sa kung saan. Napasapo na lamang ako sa aking noo gamit ang sariling dalawang kamay.Mabigat na paghagulgol ang aking pinakawala habang sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha ko sa mata."Mara, i'm sorry. Patawarin mo ako. Wala akong kwentang lalaki! hindi ako karapat-d
Andrew's POVMahigit tatlong taon na ang nakakalipas, magmula noong iniwan ako ni Mara at nagtungo sa ibang bansa. Sinubukan kong habulin siya at pigilan sa binabalak niya, ngunit huli na ang lahat. Wala na akong nadatnan pa at hindi ko na siya nahagilap pa. Halos napasuntok na lang ako ng malakas sa pader at paulit-ulit na sumisigaw ng malakas. Karma ko ito.Ano pa nga ba ang karapatan kong pigilan siya, kung ako naman ang dahilan ng pag-alis niya? Pagkatapos ng tatlong taon, ang buong akala ko ay makakalimutan ko na siya. Ang akala ko ay makakapag-move on rin ako sa kaniya at matatanggap rin ng aking puso na hanggang doon na lang talaga kaming dalawa. Kaya ginugol ko na lamang ang buong oras at atensyon ko sa pagtatrabaho o nililibang ko na lang ang sarili ko sa maraming bagay. Subalit sa huli, siya at siya pa rin ang sumasagi sa isipan ko.