Share

Kabanata 47 : Mara's POV

Magda-dalawang linggo na magmula noong umalis ako sa tinutuluyan naming dalawa ni Andrew. Panay pa rin ang pagtawag niya sa akin pero binabalewala ko lang iyon.

Aaminin ko, namimiss ko na siya at parang gusto ko muling masilayan ang mukha niya. Subalit natatakot na ako. Natatakot ako na baka may matuklasan pa akong lihim niya. Sobra-sobra na ang mga ginawa niya sa akin at parang nawawalan na rin ako ng ganang magmahal pa ng iba.

Mayroon pa rin namang natitirang pagmamahal dito sa puso ko pero ang kalahati nito ay nasakop na ng lungkot at pasakit sa ginawa niya. Ramdam ko pa rin ang sakit na iyon at poot sa aking dibdib, lalo na sa tuwing naaalala ko siya.

Gayunpaman ay masaya na ako sa simpleng pamumuhay ko rito sa probinsya namin. Tama lang ang naging desisyon ko na umuwi rito, dahil nakakalanghap ako ng sariwang simoy ng hangin at nakakapag-isip ako ng payapa.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status