Katahimikan ang sumalubong sa guard. Malamig itong nagsalita, “Halata namang gusto niyong gumawa ng eksenang makapagdadala ng maraming tao rito. Kung gusto niyong magmatigas, mapipilitan akong ilabas ang aking baril.”Higit sampu pang security guard ang nasa likuran nito.Pakiramdam ni Catherine ay sasabog na ang kanyang puso sa matinding galit na nararamdaman, subalit kailangan niyang pigilan ang sarili. Hindi niya maaaring ikamatay ang pagpapabaya dahil hindi niya maililigtas si Suzie kung gayon. “Kailangan kong makita si Titus.”“Wala rito si President Costner.”“Kailangan ko siyang makita anuman ang mangyari. Suspetya ko’y nasa kanya ang aking mga anak, at nanganganib ang kanyang buhay.” Namumula ang mga mata ni Catherine nang nakatagpo niya ang mga mata ng security guard.Sumimangot lamang ang security guard. “Tungkulin naming protektahan ang mga tao sa loob. Hindi kita maaaring papasukin.”Hindi inaasahan ni Catherine na magiging gayong kahigpit ang mga bantay ng villa ng m
“Masagasaan?” Naningkit ang mga mata ni Titus.“Mm.” Bumalot ang takot sa mukha ni Suzie nang muli niyang inalala ang insidenteng iyon. “Dahil na rin kasi ‘yon sa… gusto ko ng cake, pagkatapos… bigla na lamang may malaking sasakyang lumilipad dahil binangga ito. Mabuti na lamang at magaling si Daddy. Naligtas niya kami ni Lucas.”“Sino ang tumama sa sasakyan.” Kumunot ang mga kilay ni Titus at bahagya itong napasimangot.“Ang sabi ni Lucas, si Meanie Wesley raw.” Galit na sagot ni Suzie. “Masama po siyang tao.”“Meanie Wesley?” Tumaas ang mga kilay ni Titus.“Mm.” Tumungo si Suzie. Lumilipad-lipad ang kamao nito sa galit habang nagkukwento. “Mabait siya sa amin noong una. Pero… hindi pala totoo ang lahat. Hmph. Liar. Binugbog niya pa si Mommy. Nagkaroon pa siya nt ibang babae… Nakakadiri!”“Bakit parang ang dami mo ata masyadong alam?” Tanong ni Titus. “Sinabi ba ‘yan sa’yo ng Mommy at Daddy mo?”“Sinabi sa’kin ni Lucas.” Ngumuso si Suzie. “Ilang minuto lamang ang tanda niya sa
Gustong-gusto ni Catherine na mamatay si Rebecca. Naiinis din siya kay Sheryl.Bagama’t tunay niyang ina si Sheryl, kinamumuhian niya pa rin ito.Mabuti sana kung ayaw niya lamang si Catherine. Hindi na niya ito mapatawad dahil naloko ito at naudyukan ni Rebecca, ngunit kapag pinuri niya pa ito sa pagpapadakip nito sa kanyang anak, hinding-hindi talaga ito mapapatawad ni Catherine.Iyon dahil isa lamang ang ibig sabihin ng lahat - na masama talaga ang ugali ni Sheryl.“Sorry, anak, hindi kita naprotektahan. Hinding-hindi na ako papayag na mangyari ‘yon ulit sa’yo.” Taimtim na tiningnan ni Catherine ang kanyang anak at tahimik na idinagdag, ‘Kahit na maaari akong makulong pagkatapos, kailangan kong ipadala sina Rebecca, Wesley, at Sarah sa kulungan.'Sa gayong paraan ay tahimik at ligtas na lalaki ang kanyang mga anak.Kahit na kalayaan niya pa ang kapalit ng lahat, at kahit na hindi niya man makasama habambuhay si Shaun, kailangan niyang protektahan ang kanyang mga anak.Kakaiba
Nakita nina Sheryl at Rebecca si Suzie na siyang buhat-buhat ni Catherine.Sumimangot ang isa sa kanila, samantalang kinabahan naman ang isa.Malinaw ang utos ni Rebecca na tapusin ng mga taong iyon si Suzie, ngunit bakit buhay pa rin ito hanggang ngayon? Kaya pala bigla na lamang hindi maabot si Big Boss Davis.Subalit imposibleng mahahanap agad ni Catherine si Suzie.Nagsimulang mag-isip si Rebecca, at agad-agad nitong sinabing, “Uncle Titus, alam na namin noong simula pa lamang na nais gumawa ni Catherine ng eksena dito sa ating gate. Tumawag pa nga siya ng pansin ng maraming tao. Natatakot akong baka saktan niya si Mama, kaya hindi ko siya pinapasok. Ano po bang pinag-uusapan ninyo ni Catherine? Hindi naman siya siguro nagpapapasok sa inyo, ano?”“Titus, pumasok ka rito.”Nang-uutos ang tono ng pananalita ni Sheryl, at iba ang naging itsura ng mukha ni Titus.“Narinig mo ba ako? Inaakit ka nanaman ba ng babaeng iyan?” Punong-puno ng galit ang puso ni Sheryl nang makita nito
Ikinasira ng ulo ni Sheryl ang lahat ng naiisip niya noong mga sandaling iyon.“Alam kong gagawin mo ‘yun! Pare-pareho naman kayong mga lalaki! Hindi naman sa wala kang mga naging ex-girlfriend bago mo ako nakilala.” Masama ang tingin ni Sheryl kay Titus.“Mommy, ‘wag na po kayo mag-away ni Uncle Titus…”Bago pa man matapos ni Rebecca ang kanyang sinasabi ay nilapitan siya ni Catherine upang malutong na sampalin ang kanyang mukha.“Rebecca!” Laking gulat ni Sheryl. Nang nahimasmasan ito ay agad na ibinalik ni Sheryl ang sampal na binitawan ni Catherine.Subalit agad iyong naiwasan ni Catherine at hinawakan nito ang kanyang kamay at tinitigan niya si Sheryl.Iyon ang mukhang patuloy na naglalaro sa kanyang isip.Pakiramdam ni Sheryl ay mayroong pumipiga sa kanyang puso sa matinding sakit na nararamdaman nito.Malamig na sumagot si Catherine, “Kung hindi lang kita ina, marahil ay nasampal na rin kita.”Ngumusi si Sheryl. “Tingin mo ba’y hindi ko alam ang gusto mong gawin? Gusto
”Hindi ko ginawa ‘to, hindi ko ginawa ‘to…”Paulit-ulit itong itinanggi ni Rebecca.Nanginginig siya na parang dahon.Kamakailan, sinusubukan niyang pasayahin si Titus, Matthew, at si Sheryl. Akala niya malilinlang niya ang kahit sino sa pamamagitan ng pagiging maingat.Palihim din siyang natuwa sa sarili niya, iniisip pa na ang mga taong ito ay masyado madaling maloko.Sa hindi inaasahan, ang mga plano niya ay hindi nakatakas sa mga mata ni Titus.Ang lalaking ito ay masyadong nakakatakot.“Hindi mo ginawa?” Malamig na ngumiwi si Titus. “Alam mo ba kung bakit wala pa akong sinasabi sayo dati? Ito ay dahil akala ko anak ka ni Sheryl. Alam kong may utang siya sayo at sinusubukang bumawi sayo, kaya nagbulag-bulagan ako. Matapos ang lahat, masyadong marami na ‘ko nakitang kagaya mo sa pamilyang Costner. Gusto mo ng pera, pero ayos lang ‘yun kasi may pera ako. Hindi makakasakit na bigyan ka ng kaunti pa, pero halatang gusto mo pa ng mas marami.”“Uncle Titus, mali talaga ang pagkak
”’Yun lang ay kung ikaw talaga ang anak niya.” Ang matulis na mga mata ni Titus ay tila tumagos kay Rebecca. “Kunin niyo na siya.”“Syempre, anak talaga ‘ko. Ang DNA test ang pinakamainam na pruweba,” sabi ni Rebecca. “Titus, malinaw na may affair ka kasama si Catherine. Nagsasabwatan kayo para linlangin si Mom. Hipokrito ka!”Sa pagmumura niya, nagdilim sa galit ang ekspresyon ni Titus. Sa wakas ay may kumaladkad na kay Rebecca palayo para ikulong siya.“Sulong.”Binitbit ni Titus si Sheryl at tumalikod para maglakad palabas. Sumakay siya sa sasakyan at umalis.Nakatayong nanigas si Catherine sa pwesto niya. Ang utak niya ay muling naisip ang mga salita ni Titus kanina. ‘’Yun ay kung anak ka niya talaga’.Tila nagsususpetya na si Titus na peke si Rebecca.Gayunpaman, kahit pa paniwalaan niya ‘yun, si Sheryl ay hindi maniniwala.Kumurba ang bibig ni Catherine sa pagpapababa sa sarili. Sa totoo lang, hindi na mahalaga sa kanya kung sino pa ang anak ni Sheryl.Nang maisip niya a
"Paano mo 'ko poprotektahan? Kasing liit mo lang ako," suminghot si Suzie at sinabi."Babangon ako tuwing umaga para tumakbo at magpractice ng martial arts. Mag-aaral ako ng martial arts mula kay Uncle Brennan." Ang mga mata ni Lucas ay puno ng determinasyon.Gusto niyang protektahan ang kapatid niya, ina, at ama.Masyado siya naging pabaya dati. Matapos ang insidenteng ‘to, napagtanto niya kung gaano siya kawalang kwenta.Lagi niyang sinasabi na poprotektahan niya ang mga tao sa paligid niya, ngunit kahit minsan ay hindi niya nagawa ito.“Lucas, huwag mo masyadong i-pressure ang sarili mo.” Medyo nag-alala si catherine nang makita niya ang ekspresyon ni Lucas.“Mommmy, huwag ka nang magsabi ng kahit ano. Kapag walang pressure, wala rin motibasyon. Masyadong komportable na ‘kong nabubuhay sa buong panahong ito. Ngayon na may nangyari kay Daddy, kailangan mong dalhin lahat sa pamilya. Magsusumikap ako na lumaki at hatiin ang paghihirap.” Inangat ni Lucas ang kanyang maliit na mukh