Si Catherine ba ang dahilan kung bakit nagsipuntahan ang mga taong iyon?Mukha namang hindi siya ang dahilan. Gaano man niya kamuhian si Rebecca, hindi aabot si Catherine sa puntong babastusin niya ang bangkay ni Rebecca.Natutuwa pa rin si Hadley na masaksihan ang pangyayaring iyon at hindi na siya nag-aabala kung sino ang mamamatay. Gayunpaman, naramdaman niyang kailangan niyang magpanggap na sinusubukan niyang iligtas ang sitwasyon.“Sino kayo? Hindi ito lugar na pwede ninyong tambayan. Tinawagan ko na ang mga pulis.” Nagbabantang sabi ni Hadley habang naglalakad ito papasok. Tinakpan niya ang mukha gamit ang kanyang mga kamay habang nagpapanggap itong walang siyang takot. Gayunpaman, wala naman siyang planong makisali.“Ba’t ‘di ikaw ang umalis?” Hinarangan siya ng ilang matatangkad na mga lalaki.Hindi na naglakas-loob si Hadley na pumunta pa roon.Pagkatapos nilang manira ng ilang mga bagay ay umalis din agad ang mga taong iyon.Ihinagis nila ang bangkay ni Rebecca kay Sal
“...”Nagdadalawang-isip sabihin ni Catherine sa kaaya-ayang mukha ni Shaun na siya ay aalis ulit.“Bumaba ka na diyan at maglaro tayo.” Iniunat ni Shaun ang kanyang kamay upang palabasin si Catherine.“Uh… Shaunny, nakatanggap kasi ako ng tawag at kailangan ko ulit umalis.” Sagot ni Catherine. “Importante ito.”Laban sa lahat ng kanyang inaasahan, hindi nagtampo si Shaun. Napapikit lamang ito ng kanyang mga mata sa kawalan ng pag-asa. “Mas importante pa kaysa sa akin?”Paos ang boses nito at namumula ang mga mata. Mukhang iiyak talaga ito kapag sumang-ayon sa kanya si Catherine.Marahan na lamang napasagot si Catherine, “Syempre, mas importante ka pa rin, pero hindi kasi pwedeng magkasama tayo sa lahat ng oras. Tignan mo, oh, marami namang tao sa pamilya natin. Kailangan kong kumita ng pera para may pambili tayo palagi ng candy para sa’yo.”“Hingi ka na lang ng pera sa Mommy ko, siya naman nagpanganak sa akin, kaya siya dapat ang gumagastos para sa akin. Ayaw kong pera mo pinan
Bahagyang umatras si Catherine noong iniyuko ni Shaun ang kanyang ulo. May dalawang hibla ng kulot na buhok na humaharang sa kanyang mga pisngi, at kitang-kita rin ni Shaun ang elegante at manipis niyang leeg. Biglang nakaramdam ng panunuyot ng kanyang bibig si Shaun. Natutukso itong ibaon ang kanyang ulo sa leeg ni Catherine at halik-halikan ito.“Ayan, naka-seatbelt ka na.” Napatingin na lamang si Catherine sa itaas.May nagliliyab sa tingin ni Shaun noong nagtagpo ang kanilang mga mata.Panandaliang natigilan si Catherine bago nito sundutin ang manipis na mga labi ng lalaki. “Magkwento ka nga, ano ba ‘yung iniisip mo ngayon-ngayon lang?”Napakagat ng kanyang labi si Shaun. Nahihiya ito, ngunit tapat niya pa ring sinagot ang babae, “Gusto kong halikan ‘yang leeg mo.”“...”Biglang namula ang mukha ni Catherine dahil hindi niya inaasahang didiretsuhin siya ng lalaki.“Bakit mo naman naisip ‘yun? Inaayos ko lang naman ‘yang seat belt mo, kung ano-ano na iniisip mo.” Mapanukso
“Siya nga po pala, officer. Marami-rami rin ho kasi ang nakabangga ng pinsan kong iyon…” Pinutol ni Catherine ang sinasabi ni Sally. Pagkatapos ay kinagat nito ang kanyang labi bago siya nagpatuloy.Puno ng poot ang kalooban ni Sally. “Ikaw lang naman ang pinakamalupit niyang binangga.”“Mommy…” Namumula pa rin ang mga mata ni Catherine. “Ako ho ba ang anak ninyo o si Rebecca? Nasaktan na nga kayo habang nasa burol niya, kaya tumutulong na akong hanapin kung sino ang gumawa nito sa inyo, pero ngayon ako pa ang pinalalabas ninyong masama?”“Bakit, kumpara kay Rebecca, sino ka ba? Si Rebecca ang nagpalabas sa amin sa pagkakabilanggo, samantalang ikaw ang nagpadala sa amin doon!” Sagot ni Sally.Agad naman siyang binalikan ni Catherine. “Gagawin ko ba iyon kung hindi ninyo pinatay si Granny? Siya na ang itinuring kong ina mula pagkabata. Kung papipiliin niyo ako sa pagitan ng hustisya o pagkakamag-anak, mas pipiliin ko namang panigan kung ano ang totoo at karapat-dapat.”“Pinatay nil
Lubos na kinilabutan si Catherine.Kumunot ang mga kilay ni Shaun nang makita nito ang lalaki sa kanyang harapan. Bahagyang mas maliit ito kaysa sa kanya, at hindi niya maitatangging kaaya-aya itong tignan suot ang kanyang itim na suit. Gayumpaman, may pakiramdam si Shaun na hindi niya magugustuhan ang nasabing lalaki.Lalo na noong narinig niyang tinawag nito si Catherine bilang ‘Wifey’,“Cathy, sino siya?” Pabalang-balang na tanong ni Shaun habang hinahawakan nito ang kamay ni Catherine.Nang masulyapan ni Wesley ang mga mata ni Shaun, tumambad sa mukha nito ang pangmamata. “Asawa niya ako.”Kumurap ang mga mata ni Shaun. “Ano ang ‘asawa’?”Napatawa si Wesley. “Nabalitaan ko ngang nasiraan ka ng pag-iisip, pero ngayong nakita na kita, napatunayan ko na.”“Sino’ng nasiraan ng pag-iisip? Ikaw ang sira ang pag-iisip!”Pagkatapos manahimik ng ilang sandali ay naalala ni Shaun iyong napanood niya sa telebisyon noong hapong iyon, kaya dinagdag niyang, “Basta pangit, mahilig manggul
"Pero ikaw…""Gusto ko lang inisin sila at kumprontahin ni Wesley," paliwanag ni Catherine, "Kailangan ko alamin ang motibo ni Wesley. Kagaya ng nakita mo ngayon lang, tinawag niya ang sarili niya na manugang nila. Posibleng hindi pinaplano na tratuhin sina Jeffery at Sally bilang puppets. Sa tingin ko, gusto niyang pumasok sa Hill Corporation gamit ang pagkakakilanlan niya bilang manugang nila. Posibleng si Jeffery ang maging chairman ng Hill Corporation, at sa oras na 'yun si Wesley ang magiging presidente o ano man."Nagulat si Hadley sagad na buto niya. "Si Young Master Hill ay naggugol ng naraming dugo, pawis, at luha sa Hill Corporation. Pero sa huli ay magbebenepisyo pa si Wesley rito?"Huwag kang mag-alala. Kung gusto ni Wesley na maging manugang nila, ibig sabihin nito na dapat maging anak ako ni Jeffrey. Mas lehitimo para sa akin na i-manage ang Hill Corporation kaysa sa kanya."Suminghal si Catherine. Ang ugaling ito ay talagang masama lang, hindi ba? Dahil kay Wesley ka
Ganito kung paano laging namwemwersa ng halik si Shaun kay Catherine. Ngayon, oras na para gawin niya rin ito.Sa totoo lang, ang pakiramdam na ito ay sobrang nakakamangha.…Ang Geraldton.Isang siyudad na makikita sa kanluran ng Australia.Sa sandaling ito, si Eliza ay nakatayo sa ilalim ng isang oak tree sa tahimik na courtyard. Isang dilaw na dahon ang nahulog sa buhok niya, at mabango ang amoy nito.Nilagay niya ang phone niya sa gilid ng tainga niya nang hindi ito nalalaman.“Ellie, naayos ko na ang usapin tungkol sa punerarya. Hindi na tayo matatrack ng pulis.”“Salamat, Tristan,” mahinang sabi ni Eliza habang inaangat ang kamay niya para bumunot ng dahon sa harap niya.“Walang problema. Pero bakit mo… pinipili na asikasuhin ang isang patay na tao?” Hindi mapigilan ni Tristan Sinclair na mausisang magtanong.“Dahil… pinatay niya ang matalik kong… kaibigan.”Ang madilim na mga mata ni Eliza ay talagang walang pakialam.Nalaman niya lang ang ilang partikular na bagay k
Walang magawang sabi ng abogado, “Pinakamalala na, ang hooligans ay magseserbisyon ng isa hanggang dalawang taon ng sentensya. Hindi nila talaga sinadyang bugbugin sina Jeffery at Sally. Nakasalubong lang nila sila Jeffery at Sally at inapakan sila nang mahulog sila sa lapag. Humihingi sila ng tawad tungkol dito at handang magbayad ng compensation. Tila tapat sila.”Suminghal si Wesley. “Talaga, hindi siya nag-iwan ng bakas.”“Si Catherine ba ang tinutukoy mo?” Maingat na pinagmasdan ng abogado ang nakatatakot na ekspresyon ni Wesley“Ganito ba rapat ang pakikitungo sa kanya?”Walang pakialam na siyang sinulyapan ni Wesley.Nanginig ang abogado at agad na tumahimik.Ibinaba ni Wesley ang bintana at hinala ang kurbatang nasa dibdib. Ang kaniyang kalagayan ngayon ay maikukumpara na sa kalagayan ni Shaun noon. Gayon mang may masama siyang reputasyon bago nito, may mga taong sinubukang bolahin siya mula noong siya’y nakaangat. Kahit yung mga babaeng natatakot sakanya noon ay walanghi