Ang gates ay dahan dahang bumukas matapos ang ilang oras.Nilapitan siya ni Rebecca habang nakapayong para hindi maulanan. Isang mapagmalaking itsura ang naghilamos sa mukha nito. “Cathy, maraming salamat. Dahil sa disenyo mo ay nagkaroon ako ng karapatan sa proyektong ito. Talaga ngang may talento ka.”Iniangat ni Catherine ang kanyang ulo, ang mga mata niya ay nagliliyab.Ngumiti ang isang babae. “Huwag kang masyadong magalit. Ang proyekto ay mapapasakin kahit wala ang disenyo mo. Ginawan na ng paraan ni Ethan para sakin. Siguro wala kang ideya na ang tiyuhin niya ay mabuting kaibigan ni President Sawyer? Ang disenyo mo ay prop lang para sa plano.”Uncle… Shaun?Pakiramdam ni Catherine ay tila pinipira-piraso siya ng isang mabangis na hayop gamit ang matalas nitong kuko. Naging pamali-mali ang kanyang paghinga.Naging tunay siyang malugod sa lalaki sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon.Hindi niya man lang alam na napagdesisyunan na ng lalaki ang katapusan bago pa ang lahat. B
Matapos iyon, binitbit ni Ethan sa mga braso niya si Rebecca at naglakad papunta sa Lamborghini.Mabilis na nakalayo ang sasakyan ng lalaki, pangalawang beses nang iniwan nito ang babae. Totoong nawalan na ng pag-asa si Catherine sa lalaking ito.Mula sa sandaling ito, kahit anong pagmamahal ang naramdaman nito sa lalaki noon ay napalitan ng pagkamuhi at kasuklaman."Oh, kawawa ka naman." naglakad si James palapit sa kanya na may dalang payong, nakangiti at nanliliit ang mga mata. "Ang dalaga ng pamilyang Jones na dati ay nasa tuktok ng karamihan ngayon ay wala nang kapangyarihan."Pagod na pagod, hindi na siya maabalang asikasuhin pa ang lalaki. Nagsimula siyang maglakad papunta sa sasakyan niya ng tahimik.Ang boses ng lalaki ay narinig sa likod niya. “Talagang malalaman nina Uncle Jeffery at Aunt Sally ang nangyaring insidente ngayong araw. Halatang mas gusto nila si Rebecca kaysa sa’yo. Huwag mo nang pangarapin na bumalik pa sa pamilyang Jones dahil wala sa kanila ang tatangga
”Sino?”“Catherine Jones! Mag-isa siyang umiinom sa bar. Ah, maganda pa rin siya kagaya ng dati.”Biglang nabulabog si Janet. “Ang p*ta na ‘yon.”Hinding hindi niya makakalimutan ang kahihiyang pinagdaanan matapos palabasin ng restaurant nung huli. Ang insidenteng iyon ay ginawa siyang katawa-tawa sa mga elites ng Melbourne.Natuwa ang babae nang marinig ang kaganapan sa bidding event ngayong araw.Gayunpaman, hindi sapat iyon. Gusto nitong sirain ang kanyang buhay nang lubusan. Hindi nito inaasahan na ang oportunidad ay hindi magtatagal at bigla nalang darating dito.“Zayn Larson, interesado ka pa rin ba sa kanya?”“Well, hindi masyado, pero lagi niya ‘kong minamaliit nung nag-aaral pa kami. Medyo nagtataka ako kung anong pakiramdam,” Masungit na sinabi ni Zayn, “na siya ay magmakaawa para sa kapatawaran.”“Sige, ibibigay ko sa’yo ang oportunidad.”Sinabi ni Janet sa lalaki ang plano. Isang paggulong ng pagnanasa ang naghugas sa lalaki na tila mga alon. “Sigurado ka ba rito—”
Nagalit si Shaun pagkatapos niya magsalita. “Hindi ba hiniling ko sayo na siguraduhin mong patas ang bidding?” Mukang nagsisisi si Chase “Kanina, sinabi ko kay President Sawyer na bigyang ang Imperial Design ng tyansa at ituloy ang kompetisyon sa makatarungan na pamamaraan. Siguro inakala ni President Sawyer na pinayagan ko ang maliit na kompanya na sumali sa bidding para makakuha ng katanyagan. Hindi niya alam ang intensyon ko na alagaan si Catherine.”Hinimas in Shaun ang noo niya. Hindi na nakapagtataka na natanggal si Catherine sa kabila kamangha-mangha niyang disenyo. Bukod dito, parang kakaiba siya ngayong gabi.Pagkatapos ng ilang pag-iisip, inilabas niya ang phone niya para tawagan si Hadley. “Tulungan mo ako suriin kung ano ang nangyari sa bidding ngayong araw.”Sabi ni Chase, “Madali ko ito malalaman sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong sa paligid.”Tumawa si Shaun ng sarkastiko. “Wala akong tiwala sa iyo.”Naging malungkot ang itsura ni Chase. Pagkatapos ito pag-isipa
“Sino ka?” Habang natataranta, tumayo ng matulin si Zayn. Pakiramdam ni Shaun nasusuka siya sa itsura ng mataba niyang katawan. Tinignan niya ang kama, napansin niya ang namumulang mukha ni Catherine at ang maluwag niyang damit na nahati sa gitna.Sa hindi makontrol na galit, bayolenteng sinuntok ni Shaun si Zayn sa mukha.“Ang taong magpapadala sayo sa bilangguan.”Dahil malakas at brutal si Shaun, nabugbog si Zayn sa sahig ng wala sa oras. Dali-daling tinanggal ni Shaun ang mga kamera at itinapon ito kay Zayn. Pagkatapos noon, tinanggal niya ang suit niya at mabilis na binalot ito sa babae na nasa kama.“Catherine, kumusta ang pakiramdam mo?” Hindi niya hinawakan ang namamaga nitong mukha. Tinapik niya lang ito sa likod.“Huwag… Huwag mo ako hawakan.”Medyo nahihilo pa rin si Catherine. Nang mapagtanto niya na may taong sinusubukan siya hawakan, ang labi niya ay hindi namalayang nanginig bilang isang senyas ng pagtutol. Nagsimula na rin bumuhos ang mga luha sa mukha niya.
Sa saglit na iyon, tumunog ang telepono ni Janet. May tumatawag sa kanya at sabi, "Miss Campbell, naaresto si Zayn ng mga pulisya." "Humanap ka ng paraan para mapiyansahan siya.""Well… Natatakot na hindi ito posible. Humatak ng mga kakilala si Young Master Harrison at hiniling sa amin na ilagay si Zayn sa bilangguan ng walang hanggan. Hindi namin kaya galitin ang pamilyang Harrison.”Lumubog ang puso ni Janet. "Subukan mo sabihin kay Zayn na itikom ang bibig niya para sa kapakanan ng pamilya niya ""Sige."…Sa ospital.Nagising si Catherine dahil sa kirot sa mukha niya.Binuksan niya ang mata niya, para lang makita ang sarili niya sa ospital. Nagtaka siya kung sino ang nagpadala sa kanya dito.Habnag siya ay nakatulala, biglang lumabas ang gwapong mukha ni Shaun sa utak niya."Nagising ka na," ang lalaki sa tabi niya ay nagsalita Noong tumalikod siya, nakita niya si Shaun na tumatayo sa paa niya mula sa upuan ng may naninising itsura. “Bilang isang kasal na babae, talaga
Hinawakan ni Catherine ang kumot. Isinaalang alang na hindi siya gusto ng pamilyang Jones, hindi na siya makakabalik pa sa bahay nila panigurado.Tumawa siya habang nakaramdam ng kalungkutan sa loob loob niya. "Ayos lang. Hindi naman ako naaabala."Gayon pa man, wala naman talaga may pake sa kaniya.Pagkatapos hindi magsalita ng dalawang segundo, tumalikod si Shaun at sinabi kay Chase, "Pumunta ka at humanap ng kakilala para puriin ng mga pulis si Catherine sa kanilang pampublikong plataporma para sa pagiging undercover na agent. Kung hindi dahil sa kanya na nakipag-tulungan sa mga pulis, hindi mahuhuli ng mga pulis ang mga tao na nag-bobroadcast ng ilegal na live videos tulad ni Zayn Larson."Natigil si Catherine sa saglit na iyon. Tinitigan siya nito ng may naguguluhan na itsura.Natatakot ba siya na masira niya ang reputasyon niya o talagang may pake ito para sa kanya?Para bang hindi niya maintindihan ito.Itinaas ni Chase ang hinlalaki niya. "Ang galing. Sa ganon na paraan,
Pagkatapos niya ubusin ang mangkok ng kanin, humiga si Shaun ng may tulong ni Shaun. “Ano...Nakita mo ba ang telepono ko?”“Hindi ko nakita. Tinapon siguro ng tao pagkatapos mo mahimatay. Bibilan kita pagkatapos.”Nang tapos na si Shaun magsalita, tumunog ang telepono niya.Naglakad siya palabas kasama ang telepono niya at nakita na naghihintay si Hadley sa labas.“Young Master Hill, naimbistigahan ko na ang isyu tungkol sa bidding. Narinig ko noong yung designer ng Summit, Si Rebecca Jones, pinakilala ang masterpiece niya noong bidding event kahapon, sabi ni Miss Jones sa estadong pagkabalisa na ninakaw ni Rebecca ang masterpiece niya.”“Mayroon ba talagang ganon?” Nagpakita ng pagkagulat ang mga mata ni Shaun.“Hiniling ni President Sawyer na magpakita ng ebidensya si Miss Jones. Sinasabi ni Miss Jones na ang ebidensya ay nakatago sa laptop ngunit kalaunan ang sabi ay ang ebidensya ay nasira. Pinuna niya si Henry Moore galing sa Imperial Design, sinasabi na iyon ay kagagawan ni