Share

Kabanata 46

“Mabuti namang alam mo iyon. Akala ko’y tatanga-tanga ka lang.”

Hindi maipaliwanag ni Shaun ang pagkairita niyang makitang buto’t balat si Catherine. Nakasasakit na mga salita ang lumabas sa kanyang bibig. “Wala na akong naging payapang araw simula ng pakasalan kita. Ayokong makuwestiyon ng mga pulis kapag isang araw ay namatay ka na lang. Naiintindihan mo ba ‘yun?”

“Wala nang susunod pang pagkakataon.” Kinagat ni Catherine ang kanyang maputlang labi upang pigilan ang mga nagbabadyang luha.

Dumagasa kay Shaun ang pagkadismaya. Ayaw naman niyang patuloy na sermonan na lang ito, ngunit kailangan niya nang itigil ang paggawa ng mga kalokohang ganito.

“Nasaan na ang phone na binili ko para sa’yo? Bakit ‘yon naiwan sa bahay ng mga Jones?”

“Niloko ako ni mama para ibigay ito sa kanya.”

“Ikaw talagang baboy ka.”

“Alam mo, tama ka. Tawagin mo na lang akong Piggy Jones simula ngayon.”

“...”

Hindi naiwasan ni Chase na ilabas ang tawang ipinipigil niya, na siya namang nagpalambot sa maig
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status