Share

FMBDTL Kabanata 89

Author: Docky
last update publish date: 2026-09-02 22:07:01

Raya’s POV

“Sigurado ka bang kaya mo ng pumasok ulit sa trabaho? Ayos lang naman kung gamitin mo pa ang leave mo o kahit nga hindi mo na gamitin ‘yon ay aaprubahan ko ang excuse mo,” sambit ni Lysander habang pinapanood akong nag-aayos na ng buhok sa harap ng malaking salamin habang nakahiga pa siya sa kama.

Kakauwi-uwi lang niya, hindi ko alam kung bakit sobrang inumaga na siya sa inasikaso niya pero hindi ko magawang tanungin dahil pakiramdam ko ay dahil pa rin ‘yon sa gulong nangyari sa pagi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Pampered Wife of the Secret CEO   FMBDTL Kabanata 90

    Raya’s POV“Have a great day, Miss Raya!” Sambit ni Greg ng pag buksan niya ako ng pinto ng kotse. “h’wag mo na lang pansinin ang mga sasabihin ng mga nasa paligid mo, nagseselos lang ang mga ‘yan dahil ikaw ang nasa tabi ni Sir Lysander,” biro pa niyang kunwari ay bumubulong-bulong sa akin.Napailing na lang ako ngunit nangingiti rin sa kalokohan niya, mabuti na lang talaga at mga katulad nila Greg ang nakapaligid sa amin ni Lysander. Nagagawa nilang pagaanin ang paligid, nag nagkakaroon din tuloy ako ng lakas ng loob na ngumiti at lumakad ng taas ang noo dahil alam kong mayroon akong pamilyang babalikan at handa akong resbakan.Kumaway din ako sa kaniya at tumuloy na sa loob ng building, hindi naman ako umaasang lahat ay aakto na parang walang nangyari o walang issue na kumalat tungkol sa pamilya ko at sa lovelife ko, pero mas malala ngayon. Mga titig nilang alam kong maraming gustong itanong pero walang isa sa kanila ang gustong maglakas loob na lumapit at magsalita.Hindi rin ako

  • Pampered Wife of the Secret CEO   FMBDTL Kabanata 89

    Raya’s POV“Sigurado ka bang kaya mo ng pumasok ulit sa trabaho? Ayos lang naman kung gamitin mo pa ang leave mo o kahit nga hindi mo na gamitin ‘yon ay aaprubahan ko ang excuse mo,” sambit ni Lysander habang pinapanood akong nag-aayos na ng buhok sa harap ng malaking salamin habang nakahiga pa siya sa kama.Kakauwi-uwi lang niya, hindi ko alam kung bakit sobrang inumaga na siya sa inasikaso niya pero hindi ko magawang tanungin dahil pakiramdam ko ay dahil pa rin ‘yon sa gulong nangyari sa pagitan ng pamilya ko.“Lysander, ayos na nga ako. Ilang araw na ang lumipas, higit isang linggo na rin. Baka masabihan ka na nilang masamang leader dahil may pinapaboran ka,” biro ko na saad at humarap sa kaniya.Agad na nagsalubong ang kilay niya, kahit antok pa ang mata ay umayos na siya ng pagkakaupo.“At sino naman ang may lakas ng loob na kuwestunin ang desisyon ko?” Hindi niya makapaniwalang sambit na para bang totoo na agad ang sinasabi ko at handa na silang sugurin kung sino man ‘yon. “Ayos

  • Pampered Wife of the Secret CEO   FMBDTL Kabanata 88

    Raya’s POV Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, unang bumungad agad sa akin ay ang mukha ni Lysander habang nakatitig sa akin ang mga mata niya. “Good morning, anong pakiramdam mo ngayon?” Malamyos ang boses niyang tanong sa akin at inayos ang buhok kong nakasagabal sa aking mukha. Tumingin ako sa paligid, nasa k’warto naman kami, ngunit ang damit ko ay napalitan na habang siya ay ang suot pa rin niya kahapon. Agad akong bumitaw mula sa pagkakayakap, may ideya na agad ako kung bakit hindi na niya nagawang makapagpalit ng damit simula kagabi. “A-Ayos na ako, hindi mo naman ako kailangan na bantayan magdamag. Nakatulog ka ba ng maayos, ang p’westo mo…” Nag-aalala kong sambit ng mapansin na kahit paghiga ay hindi niya nagawang umunat man lang. Pagod na nga siya sa workload niya sa office, pinahirapan ko pa siya. “I’m fine,” sambit niya at umayos na rin ng upo, nag inat lang siya saglit at muling tumingin sa akin ng diretso. “Sarili mo dapat ang isipin mo, anong nararamdaman mo nga

  • Pampered Wife of the Secret CEO   FMBDTL Kabanata 87

    Michael’s POV “What do you think you’re doing?!” Asik sa akin ni papa kaya mabilis kong inilayo ang cellphone sa aking tenga, naghintay muna ako ng ilang segundo bago ko muling binalik ‘yon. “Anong naisip mo na balikan ang babaeng ‘yon, hindi ba’t sinabi ko ng tapusin mo ang nag-uugnay sa’yo sa pamilya na ‘yon?!” “Papa, hindi ko p’wedeng gawin ‘yon,” sambit ko at huminga ng malalim, kahit anong sabihin ko alam kong ikakagalit niya. Mas mainam kung sabihin ko na rin ang lahat at malaman niyang wala akong choice. “Anong ibig mong sabihin na hindi mo p’wedeng gawin ‘yon, nababaliw ka na ba talaga? Mas pipiliin mo ang babaeng ‘yon kaysa ang pamilya natin? Nakikita mo na ang epekto nila sa pamilya at business natin, ha?!” Sigaw niya pa rin sa akin, walang pagpipigil ang galit. “Hindi ko alam kung anong tumatakbo diyan sa isip mo, bakit hindi mo mabitaw-bitawan ang lintik na babae na ‘yan e wala namang naitutulong sa atin sa halip ay siya pa ang dahilan kung bakit tayo nasisira ngayon!”

  • Pampered Wife of the Secret CEO   FMBDTL Kabanata 86

    Lysander’s POV “Dig everything about that man,” sambit ko habang pinupunasan ang dugo sa kamao ko gamit ang tissue, sinigurado kong walang natitirang bahid sa balat ko bago ko tinapon ‘yon sa lalaking wala ng malay na nakahandusay sa sahig. “Okay sir,” mabilis na sagot sa akin ni Greg at sumenyas na sa ibang mga kasama niya na kaladkarin na palabas ng room ang lalaki, agad naman akong tumingin kay Raya at mabilis siyang niyakap. “I’m here now, darling… You’re safe now,” marahan kong sambit at hinaplos ang buhok niya habang yakap-yakap ko siya ng mahigpit. Nanginginig ang buo niyang katawan, hindi ko alam kung paano ko siya papakalmahin ngunit hindi ko rin siya pipilitin na itago ang totoo niyang nararamdaman. Hindi niya kasalanan ang nangyari, kung sino man ang nagplano ay sila ang dapat sisihin sa mga nangyayari ngayon. “Let’s go home,” bulong ko at inalalayan silang tumayo. “I will take you home,” marahan kong sabi at binalot siya ng suits jacket ko. Wala na akong pakialam sa

  • Pampered Wife of the Secret CEO   FMBDTL Kabanata 85

    Lysander’s POV“Nasaan si Raya, bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita?” Ilang ulit ko ng tanong kay Greg, kanina pa ako naghahanap sa buong venue ngunit kahit anino niya ay wala akong makita. Halos mabali na ang leeg ko kakalingon sa paligid, pinasuyo ko na rin na i-check ang banyo ng mga babae ngunit walang tao silang nakita doon.Mas lalong kinulob ng takot at kaba ang dibdib ko, hindi ako magdadalawang-isip na sisihin ang sarili ko kung may mangyaring masama kay Raya dahil sa kapabayaan ko. Sana pala ay hindi ko siya hinayaan na pumunta kung saan na mag-isa, dapat una pa lang ay sinamahan ko na siya kung saan man siya pupunta.“Sir Lysander, napanood ko na ang security footage,” nagmamadaling lumapit sa akin ang isa sa mga kasama ni Greg at pinakita sa akin ang isang copy video na nasa cellphone niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko siyang pumunta sa second floor kung saan may mga nakahandang k’warto, limitado sa mga bisitang nais na manatili ko

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 49

    Lucy's POV10:00 am_boardmeeting_“It’s really sad to know you will retire soon, Mr. Russ.”“Health is wealth. After all, malaki na ang nailaan mong oras para sa kumpanyang ito. Oras na rin talaga para i-enjoy mo ang buhay mo lalo na at may mga anak kang nasa tamang edad na rin.”Tumingin ang mga n

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 50

    LUCY'S POV“Lucy, you still have a position in the managerial department so don't worry. Congratulations to us!” bati sa akin ni Lhea na hindi ko pinansin, tuloy-tuloy lang akong lumabas ng building.Akala ba niya ay hindi ko alam na tuwang-tuwa siyang ipamukha sa akin na siya ang nanalo?Actually,

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 47

    Lucy’s POV“Pa!” Tili ni Lhea at madrama ulit na tumakbo palapit kay papa. Hinagkan niya si papa nang mahigpit. “I miss you so much! How are you? Why are you so thin? I told you, that second wife of yours is useless,” she said without any filter.Nakagat ko ang ibaba kong labi nang makita ko ang re

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 37

    LUCY'S POVHuminga ako nang malalim bago muling magsalita. “Totoo ang lahat ng picture na nakikita n'yo. Ako mismo ang nakakita sa kaniya kasama ang babae n'ya.” Humarap ako kay Tito Alfred at ngumiti. “At alam kong kilala mo ang babae niya, Tito Alfred.”Napahakbang paatras si Tito Alfred dahil sa

    last updateLast Updated : 2026-03-19
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status