LOGINDahil sa kung ano-anong pinagsasabi ni Livina ay nagpanting na ang magkabilang tainga ni Yael. Tinanggal niya ang kamay nito mula sa pagkakapulupot sa kaniya at tiningnan niya ito ng masama.“That’s enough, Livina! I already heard everything I need to hear.”“Pero, Andy… siya ang nauna. Sinaktan niya ako—”“Sabi kong tama na, ‘di ba?! Tumahimik ka na!” habol hiningang sigaw ni Yael kay Livina. Nagpamulsa siya’t pumagitna rito at kay Mona. “Tigilan niyo na ‘tong pag-aaway niyo.”Humakbang si Yael paunahan hanggang sa makapuwesto siya sa harap ni Mona. “Mabuti naman at nakapunta ka,” aniya sa pag-aakalang siya ang ipinunta ni Mona roon. Tinapunan niya ng tingin ang guwardiyang nagbabantay sa entrance ng venue at kinausap ito. “Let her in.”“Okay po, Sir Yael,” mabilis na tugon ng guwardiya sabay tungo ng kaniyang ulo kay Yael.“Andy, ano ba?! Bakit mo pa siya inimbitahan? Bakit pinayagan mo pa siyang pumasok? Wala naman siyang gagawing tama sa loob. Tsaka hindi naman siya naparito para
LUCY'S POVDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang maliliit na halik na lumalapat sa leeg ko pababa, pati ang mainit na hiningang tumatama sa balat ko.“A-Ano ba? S-Sinong nagsabi sa'yong p'wede mong gawin ‘yan?” Itinulak ko siya at binalot ang sarili ko ng kumot hanggang leeg.Ang maaliwalas na mukha ni Feron ang bumungad sa akin. Nakangiti siya na parang walang makakasira ng araw niya kahit paulit-ulit ko siyang itinulak.“Anong klaseng mukha ‘yan?”“G’wapo?” may pagbibiro niyang tanong at saka niya itinukod ang kaliwa niyang siko sa kama. Ipinatong niya roon ang pisngi niya habang nakaharap sa akin. “Good morning, baby.”Muntik ko nang sapuhin ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay tatalon na ang puso ko palabas sa ribcage sa ngisi niya.“E-Ehem… Morning,” sagot ko at agad akong umiwas ng tingin sa kaniya.“Walang good? Ako na nga ang una mong nakita pagmulat mo at unang bumati sa'yo,” may pagtatampo niya kunwaring turan sa akin.“Eww…” Nandidiri kong komento at u
FERON'S POVIsang beses pa akong lumingon kay Lucy para siguraduhing mahimbing na siyang natutulog bago ko sagutin ang tawag ni Daniel.“Hello.”“Finally! Akala ko ay natuluyan ka na!” May inis, galit, at pag-aalala sa boses niya.Gusto ko sanang tumawa pero alam kong hindi ‘yon ang tamang desisyon na gagawin ko kapag nagkataon.“I'm sorry. Hindi ko masagot ang tawag mo since nasa meeting ako—”“At kasama mo si Lucy. I know,” pagtapos niya sa sasabihin ko.Halata ang pagod sa boses ni Daniel. Paano nga ba ay halos iwan ko sa kaniya ang lahat ng trabaho ko sa kumpanya.“Kailan ka babalik dito? Hindi sa nagrereklamo ako sa trabaho pero hindi lang kumpanya ang kailangang asikasuhin natin.” Rinig ko ang buntong-hinga niya mula sa kabilang linya. “Mister Hidalgo came here.”“You mean, the old man?”“Of course! Kasama niyo si Andrew riyan, so sino ang pupunta rito kung hindi ang tatay niya,” pilosopo niyang sabi.Nag-igting ang panga ko at muling sinulyapan si Lucy. “Anong ginawa niya riyan
LUCY'S POV“W-Wait…” Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa bawat halik ni Feron. Halos ayaw na niyang tigilan ang labi ko kahit nakapasok na kami sa loob ng bahay. “T-This is Andrew's house, w-we can't…”Kahit sabihin pang wala rito si Andrew, hindi ko maaatim na gawin ang bagay na ‘yon sa pamamahay niya. Pakiramdam ko ay malalaman niya ang gagawin namin ni Feron pag-uwi niya.“So what? He's not here.” Akmang hahalikan ulit ako ni Feron nang harangin ko ang labi niya gamit ang dalawang palad ko.“Hindi nga p'wede. Ayaw ko,” mariin kong tanggi at tiningnan siya sa mata.Ang kagustuhan niyang gawin namin ang bagay na ‘yon ay unti-unting naglaho sa mga mata niya kahit medyo dismayado.Bumuntong-hininga siya at humakbang paatras. “Fine,” napipilitan niyang sagot at naupo sa sofa.Hindi lang din naman ‘yon ang dahilan ko bakit ayaw kong ituloy niya ang binabalak niyang gawin. Buntis ako at hindi ko alam kung p'wede naming gawin ang bagay na ‘yon.“So, anong balak mo ngayon? Kung naniniwala ka
LUCY'S POV“Thank you for having me. Hinahanap na ako ng asawa ko. Ang meeting na dapat ay isang oras lang ay inabot nang matagal,” naiiling habang nakangiting sabi ni Mr. Hudson.“Yeah. Umuwi ka na at baka awayin pa ako ni Rose,” bugaw ni Feron at pinagbuksan pa ng pinto si Mr. Hudson.“Oh sige na, aalis na ako Lucy dahil mukhang kanina pa gigil na gigil si Feron na paalisin ako.” Tinapik lang ako ni Mr. Hudson sa balikat at tuluyan na siyang umalis.Ang ngiting nasa labi ko ay biglang nawala. “Do you trust Mr. Hudson?” agad kong tanong kay Feron.Hindi mawala ang guilt sa dibdib ko nang magsinungaling ako kanina. Kaibigan niya si Mr. Hudson at business partner ko naman.“Bakit mo natanong? Sa tingin mo ba ay kalaban din natin siya?” Hindi niya ako tiningnan pero may kung ano sa tono niya.“Hindi naman sa gano'n, ang akin lang… Gusto ko lang malaman kung malaki ang tiwala mo sa kaniya para alam ko kung gaano ko siya pagkakatiwalaan.”Tumingin siya sa akin sa pagkakataong ‘yon. “Hindi
Lucy's POVUmiling si Feron at mas humigpit ang hawak niya sa bewang ko.“Hindi pa kami masyadong nakakapag-usap tungkol sa nangyari simula noong umalis siya ng bansa, pero alam na niya ang tungkol sa paglaban ko kay papa.”“Mr. Hudson, kilala mo ba si Mister Venile?” Hindi ko na napigilang sumingit sa usapan nila.“Of course! Pagdating sa business industry, imposibleng may hindi nakakakilala sa kaniya.” Sumulyap siya kay Feron. “Kahit sa overseas, kilalang-kilala ang Venile group.”“Kaya ka ba sumunod dito dahil alam mong p’wedeng mangyari ang gano'ng bagay sa akin?” hindi makapaniwala kong tanong kay Feron.Kung tama ako, una pa lang ay handa na niyang isugal ang sarili niya para sa akin.“Ano pa ba sa tingin mo ang dahilan ko para pumunta rito? Kung hindi dahil sa'yo ay hindi ako magpipilit na mag invest sa business ni Mr. Hudson.”“Pero umalis na ako at lumayo sa inyo. Wala ng dahilan para pag-initan pa ako ng papa mo…”“Hindi porque umalis ka ay tapos na ang lahat. Hindi nawala a







