INICIAR SESIÓNRaya’s POV“L-Lysander, anong ibig sabihin nito?” Naguguluhan kong tanong habang nakatingin sa kaniya na naglalakad na rin palapit sa akin para salubungin ako, may bitbit rin siyang bugkos ng bulaklak habang nakangiti sa akin.“Here, this is for you,” imbis na sagutin ang tanong ko ay agad niyang nilahad sa akin nag bouquet ng sunflower na may kasamang jusmine. “I’m sorry for being busy this past few days and not telling you the real reason, this is what I have beeng doing lately… to surprise you,” paliwanag niya at tinuro ang paligid na sobrang liwanag at makulay.Sobrang ganda.“G-Ginawa mo ‘to?” Hindi pa rin ako makapaniwalang tinitignan ang mga design sa paligid.Napahaplos siya sa batok, malayo sa kilala kong Lysander na matikas ang tindig at seryoso lagi ang mukha pag nasa publiko. Pero pag nasa harap ko, para siyang nagiging normal na tao lang.“Well, hindi ako ang lahat ng gumawa pero ako ang nag-isip at tumulong din ako. Hindi ako sigurado kung magugustuhan mo, pero lahat ng
Raya’s POV“Have a great day, Miss Raya!” Sambit ni Greg ng pag buksan niya ako ng pinto ng kotse. “h’wag mo na lang pansinin ang mga sasabihin ng mga nasa paligid mo, nagseselos lang ang mga ‘yan dahil ikaw ang nasa tabi ni Sir Lysander,” biro pa niyang kunwari ay bumubulong-bulong sa akin.Napailing na lang ako ngunit nangingiti rin sa kalokohan niya, mabuti na lang talaga at mga katulad nila Greg ang nakapaligid sa amin ni Lysander. Nagagawa nilang pagaanin ang paligid, nag nagkakaroon din tuloy ako ng lakas ng loob na ngumiti at lumakad ng taas ang noo dahil alam kong mayroon akong pamilyang babalikan at handa akong resbakan.Kumaway din ako sa kaniya at tumuloy na sa loob ng building, hindi naman ako umaasang lahat ay aakto na parang walang nangyari o walang issue na kumalat tungkol sa pamilya ko at sa lovelife ko, pero mas malala ngayon. Mga titig nilang alam kong maraming gustong itanong pero walang isa sa kanila ang gustong maglakas loob na lumapit at magsalita.Hindi rin ako
Raya’s POV“Sigurado ka bang kaya mo ng pumasok ulit sa trabaho? Ayos lang naman kung gamitin mo pa ang leave mo o kahit nga hindi mo na gamitin ‘yon ay aaprubahan ko ang excuse mo,” sambit ni Lysander habang pinapanood akong nag-aayos na ng buhok sa harap ng malaking salamin habang nakahiga pa siya sa kama.Kakauwi-uwi lang niya, hindi ko alam kung bakit sobrang inumaga na siya sa inasikaso niya pero hindi ko magawang tanungin dahil pakiramdam ko ay dahil pa rin ‘yon sa gulong nangyari sa pagitan ng pamilya ko.“Lysander, ayos na nga ako. Ilang araw na ang lumipas, higit isang linggo na rin. Baka masabihan ka na nilang masamang leader dahil may pinapaboran ka,” biro ko na saad at humarap sa kaniya.Agad na nagsalubong ang kilay niya, kahit antok pa ang mata ay umayos na siya ng pagkakaupo.“At sino naman ang may lakas ng loob na kuwestunin ang desisyon ko?” Hindi niya makapaniwalang sambit na para bang totoo na agad ang sinasabi ko at handa na silang sugurin kung sino man ‘yon. “Ayos
Raya’s POV Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, unang bumungad agad sa akin ay ang mukha ni Lysander habang nakatitig sa akin ang mga mata niya. “Good morning, anong pakiramdam mo ngayon?” Malamyos ang boses niyang tanong sa akin at inayos ang buhok kong nakasagabal sa aking mukha. Tumingin ako sa paligid, nasa k’warto naman kami, ngunit ang damit ko ay napalitan na habang siya ay ang suot pa rin niya kahapon. Agad akong bumitaw mula sa pagkakayakap, may ideya na agad ako kung bakit hindi na niya nagawang makapagpalit ng damit simula kagabi. “A-Ayos na ako, hindi mo naman ako kailangan na bantayan magdamag. Nakatulog ka ba ng maayos, ang p’westo mo…” Nag-aalala kong sambit ng mapansin na kahit paghiga ay hindi niya nagawang umunat man lang. Pagod na nga siya sa workload niya sa office, pinahirapan ko pa siya. “I’m fine,” sambit niya at umayos na rin ng upo, nag inat lang siya saglit at muling tumingin sa akin ng diretso. “Sarili mo dapat ang isipin mo, anong nararamdaman mo nga
Michael’s POV “What do you think you’re doing?!” Asik sa akin ni papa kaya mabilis kong inilayo ang cellphone sa aking tenga, naghintay muna ako ng ilang segundo bago ko muling binalik ‘yon. “Anong naisip mo na balikan ang babaeng ‘yon, hindi ba’t sinabi ko ng tapusin mo ang nag-uugnay sa’yo sa pamilya na ‘yon?!” “Papa, hindi ko p’wedeng gawin ‘yon,” sambit ko at huminga ng malalim, kahit anong sabihin ko alam kong ikakagalit niya. Mas mainam kung sabihin ko na rin ang lahat at malaman niyang wala akong choice. “Anong ibig mong sabihin na hindi mo p’wedeng gawin ‘yon, nababaliw ka na ba talaga? Mas pipiliin mo ang babaeng ‘yon kaysa ang pamilya natin? Nakikita mo na ang epekto nila sa pamilya at business natin, ha?!” Sigaw niya pa rin sa akin, walang pagpipigil ang galit. “Hindi ko alam kung anong tumatakbo diyan sa isip mo, bakit hindi mo mabitaw-bitawan ang lintik na babae na ‘yan e wala namang naitutulong sa atin sa halip ay siya pa ang dahilan kung bakit tayo nasisira ngayon!”
Lysander’s POV “Dig everything about that man,” sambit ko habang pinupunasan ang dugo sa kamao ko gamit ang tissue, sinigurado kong walang natitirang bahid sa balat ko bago ko tinapon ‘yon sa lalaking wala ng malay na nakahandusay sa sahig. “Okay sir,” mabilis na sagot sa akin ni Greg at sumenyas na sa ibang mga kasama niya na kaladkarin na palabas ng room ang lalaki, agad naman akong tumingin kay Raya at mabilis siyang niyakap. “I’m here now, darling… You’re safe now,” marahan kong sambit at hinaplos ang buhok niya habang yakap-yakap ko siya ng mahigpit. Nanginginig ang buo niyang katawan, hindi ko alam kung paano ko siya papakalmahin ngunit hindi ko rin siya pipilitin na itago ang totoo niyang nararamdaman. Hindi niya kasalanan ang nangyari, kung sino man ang nagplano ay sila ang dapat sisihin sa mga nangyayari ngayon. “Let’s go home,” bulong ko at inalalayan silang tumayo. “I will take you home,” marahan kong sabi at binalot siya ng suits jacket ko. Wala na akong pakialam sa
LUCY’S POVThree days had past at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Maayos nang nakakagalaw si Feron pero mukhang wala siyang balak umalis hangga’t hindi ako sumasang-ayon na bumalik sa bansa kasama siya. Si Andrew naman ay inuwi lahat ng kaniyang trabaho rito sa bahay na halos gawin na niyang
LUCY'S POV“W-Wait…” Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa bawat halik ni Feron. Halos ayaw na niyang tigilan ang labi ko kahit nakapasok na kami sa loob ng bahay. “T-This is Andrew's house, w-we can't…”Kahit sabihin pang wala rito si Andrew, hindi ko maaatim na gawin ang bagay na ‘yon sa pamamahay ni
FERON'S POVIsang beses pa akong lumingon kay Lucy para siguraduhing mahimbing na siyang natutulog bago ko sagutin ang tawag ni Daniel.“Hello.”“Finally! Akala ko ay natuluyan ka na!” May inis, galit, at pag-aalala sa boses niya.Gusto ko sanang tumawa pero alam kong hindi ‘yon ang tamang desisyon
LUCY'S POV“Thank you for having me. Hinahanap na ako ng asawa ko. Ang meeting na dapat ay isang oras lang ay inabot nang matagal,” naiiling habang nakangiting sabi ni Mr. Hudson.“Yeah. Umuwi ka na at baka awayin pa ako ni Rose,” bugaw ni Feron at pinagbuksan pa ng pinto si Mr. Hudson.“Oh sige na







